(CARE'S POV)
"Hajdhsiwhsbsjskajagsgba..." sabi nya habang naglalakad sya papunta sakin.
"What..?" tanong ko dahil indi ko maintindihan kung anong sinasabi nya. Pagkatapos noon, hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at pinaglapit ang mga noo namin. Tapos napapikit na lang ako at biglang nagkaroon ng liwanag sa isipan ko...isang nakakasilaw na puting liwanag. Sobrang nakakasilaw kahit nakapikit na ako. Kasabay ng liwanag nayun ang isang nakakabinging ugong na tanging ako lang ang nakakarinig. Isang ugong na sobrang nakakasakit sa ulo. Pakiramdam ko rin na parang na-d-drain ang lakas ko sa katawan dahil sa liwanag nayun. Ang babaeng ‘to, hinihigop nya ata ang lahat ng impormasyon sa utak ko!
"Aarrgh stop stop it stop it..." pinipilit kong kumawala sa kanya pero di ko magawa dahil nahihilo na’ko!
"Hasuwuebskx..." nagsalita na naman sya.
"Teka ano bang sinasabi mo...shit nahihilo ako..."Minulat ko na ang mga mata ko at nakita ko ang mga mata nyang nakatingin ng diretsyo sakin. Kulay asul ang mata nya. Ang puti ng mukha nya at nangingislap ito. Ang ganda pala nya. Mayamaya, bigla na lang syang nawalan ng malay. Buti na lang may natitira pa’kong lakas kaya nasambot ko sya agad bago sya mahulog sa lupa.
Kinabukasan.
"Hmmm...ang bango mo..." sabi ko habang niyayakap ng mahigpit ang unan ko. Nakakatamad tuloy bumangon...Hay, ang sarap matulog. Ang lambot ng unan ko. Mayamaya pa ay iminulat ko na ang mga mata ko.
"AAAAAAAAAHHHHHH!" napasigaw ako sa sobrang pagkagulat. May kaakap akong babae! May kaakap akong babaeeeeee! Dahil sa lakas ng ingay ko, nagising na rin sya.
"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!" pareho na kaming sumisigaw ngayon. Dali-dali kaming umalis sa kama at nagtago sa kung saan. Tinakpan ko ng unan ang lower part ng katawan ko dahil naka boxer shorts lang ako. Nagtago naman sya dun sa may dingding malapit sa pinto ng kwarto.
"SINO KA?! ANONG GINAGAWA MO SA KAMA KO?!" pasigaw na tanong ko sa kanya.
"Uo bento onfatsoenlijko! Waaromo beno jeo knuffeleno meo?!" sabi nya habang dinuduro-duro ang hubad kong katawan. Pagkatapos ay lalo syang nagtago sa may dingding at binigyan nya ako ng isang napakasamang tingin. (Translation: "You are so indecent! Why are you hugging me?!")
"WHAT?!" tanong ko. Anong sinasabi nya?! "Wait...ikaw yung…ikaw yung..ALIEN! AAAAAAAHHHHH!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga realizations ko. Nakakita nga pala ako ng alien kagabi! Pagkatapos, bigla na lang syang nahimatay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya naisipan ko na lang na buhatin at dalhin sya sa kwarto ko para makapagpahinga naman sya kahit papaano. Pero inihiga ko sya dun sa...dun sa may sofa! Hindi sa kama ko!
"Bakit kita katabi?!" I mumble.
"Iko kano nieto slapeno opo dato." sabi nya habang itinuturo ang sofa. "Wieo beno jijo omo overalo zetteo meo?!" Galit na galit siya. ("I can't sleep on that. Who are you to put me just anywhere?!")
"WHAT?! Ano bang sinasabi mong alien ka?!" sabi ko. Hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi nya! Psh!
"Hmmm... bigla syang napaisip. Tiningnan nya akong mabuti mula ulo hanggang paa.
"Hoy! Anong tinitingin tingin mo dyan?!" sabi ko. Manyak ata tong alien na to ah. Mayamaya pa ay naglakad sya palibot sakin.
"Hmmm..."
"Ano bang problema mo?!" tanong ko sa kanya.
“Isa kang bastos. Bakit mo ako niyayakap nang walang pahintulot?!" sabi nya.
"WOAAAHHH...marunong ka naman palang mag-tagalog pinapahirapan mo pa ako. Teka..marunong kang mag-tagalog?!" tanong ko sa kanya.
"Natutunan ko ang wikang ito dahil sa mga nasagap kong impormasyon mula sa isipan mo noong nakaraang gabi. Base sa aking pagsusuri sa iyo, masasabi kong napakababa ng lebel ng katalinuhan ng mga nilalang na katulad mo kung ikukumpara sa mga nilalang na katulad namin. Isa akong Beata mula sa Planetang Beafect. Ako si Prinsesa Michaela Nijenhuiso, isang dugong bughaw na dating naninirahan sa nasabing planeta."
"WHAT?!" hindi makapaniwalang turan ko sa kanya. Mayamaya pa ay may biglang kumatok sa pinto.
"Care, sinong kausap mo? May tao ba dyan?!" sabi ng tao sa labas. Hala! Si insan! Nagulat ako at natakot. Lagot ako kay Danica kapag nakita nyang may babae sa loob ng kwarto ko!
"Halika rito dali!" Dali-dali akong lumapit sa babaeng iyon at hinawakan sya sa kanyang balikat.
"Teka, anong gagawin mo?!" tanong nya sakin.
"Psh! Wag kang maingay. Magtago ka dali!" sabi ko sa kanya.
"Ha?! At bakit ko naman iyon gagawin?!" tanong nya. Mayamaya pa ay kumatok na ulit si insan sa pinto. This time, mas malakas na. Ang kulit talaga ng pinsan kong yun! Nakakainis!
"Care! Sino yan ha?!" tanong ni Danica sa labas ng kwarto.
"Wala! Nagsasalita akong mag-isa dito! Umalis ka na nga dyan!" sigaw ko sa pinsan ko mula sa loob.
"Magtago ka na sabi!" pasigaw na bulong ko sa alien. Bigla ko syang hinila sa kamay at dinala sa may aparador.
"Aray sandali lang!" Binuksan ko ang aparador at itinulak sya paloob. Kasya naman sya doon kaya mas mabuti kung doon ko sya itatago. "Anong ginagawa mo?! Ikukulong mo ko rito?! Ayoko rito! Pakawalan mo ko ngayon din!"
"Manahimik ka!" sabi ko. Pinanlakihan ko sya ng mata para matakot sya.
"Kyaaaaa...." Buti naman at tumalab ito. Psh. Isinara ko na ang aparador. Maglalakad na sana ako papunta sa may pinto para pagbuksan si Danica nang lumabas na naman itong babaeng 'to. "Ayokong magtago! Hindi ako makahinga!" sabi nya. Dali-dali akong lumapit sa kanya.
"Dyan ka lang sabi!" sabi ko at itinulak ko ulit sya paloob.
"Ang sama mo! Sino ka para tratuhin ako ng ganito! Hindi mo ba alam kung sino ako?! Isa akong prinsesa!"
"Wala akong pakialam kung sino ka! Dyan ka lang sabi!" sabi ko. Ang ingay-ingay talaga nya! Kung hindi lang 'to babae inupakan ko na'to kanina pa!
"Pero-"
"Pag hindi ka tumahimik, hahalikan kita!" sabi ko. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. "HMP!" panakot ko sa kanya.
"Kyaaaaa...." Natakot na naman sya kaya bigla syang napaurong papasok ng aparador. Iniiwas nya ang mukha nya sa akin.
"Tss..." I smirked. "Eto lang pala ang makakapagpatahimik sa yo eh." Tuluyan ko nang sinaraduhan ang aparador. Nagsuot muna ako ng pants at shirt bago ko pinagbuksan ang pinsan kong kanina pang katok ng katok sa may pintuan.
"Ano?!" tanong ko sa kanya.
"Tabi nga!" Itinulak nya ako bigla at dali-dali syang pumasok sa kwarto ko. "Hmmm..."Ipinalibot nya ang paningin nya sa buong paligid.
"Hey couz! Ano bang nangyayari sayo ha?!" sabi ko.
"May narinig ako eh," naglakad-lakad sya, "may iba pa bang tao dito?"
Nagbuntong-hininga ako at sinamaan ko sya ng tingin. "Walaaaa..." sabi ko sa kanya.
Lumingon sya sa akin. "May kasama ka dito noh. Parang may narinig akong nagsasalita dito sa loob kanina."
"Wala nga."
"Weh..." Binigyan nya ako ng kakaibang tingin.
"Alam ko kung anong ibig sabihin ng mga tingin mong yan. Wala ngang ibang tao rito!" sabi ko.
"Boses babae," sabi nya. She teasingly looks at me.
"Walang babae dito! Tumigil ka nga dyan! At isa pa, wag mo akong pag-isipan ng kung anu-ano! Ang bata-bata ko pa para magdala ng babae dito noh! I'm just 16! Hello?!" sabi ko sa kanya.
"Che! Lokohin mo lelang mo!" sabi nya at nagpatuloy lang sya sa paghahanap.
"Wait sandali lang ano bang ginagawa mo?!" Sinundan ko sya at hinarangan sa bawat lugar na pinupuntahan nya.
"Tabi nga dyan padaanin mo ko!"
"Ayoko nga. Lumabas ka na kasi!"
"Padaanin mo sabi ako!"
"Tsk ang kulit mo rin ano?"
"Waaa! Hahahahahaha," nakalusot sya.
"Huy!"
"Nasaan kaya yun."
"Insan naman!"Nakakalampas pa rin sya sakin dahil itinutulak nya ako papalayo. Nakakainis. Ang kulit-kulit nya! Maya-maya, lumapit sya sa may aparador. "Wag dyan!" sabi ko.
"Aha!" sabi nya. Dali-dali nyang binuksan ito. "Kyaaaa! Sinasabi ko na nga ba eh!"
"Shit."
"Sino ka?" tanong nya sa alien.
"Ako si Prinsesa Michaela Nijenhuiso, anak ng magiting na haring si Haring Vincent at ng mapitagang reynang si Reyna Alona. Nagmula ako sa isang magiting at kilalang angkan sa kaharian ng Nijenhuiso sa pla-ksjdhudnejshsjsjx..." tinakpan ko ang bibig nya.
"Huwag kang maniniwala dito Danica. Isa 'tong baliw!" sabi ko kay Danica.
"At bakit naman may baliw na babaeng naligaw sa kwarto mo, aber?!" tanong nya sa akin habang nakapamewang sya at tinatarayan ako.
"Ah eh...ano kasi..." Hindi ko maisip kung paano ako magdadahilan sa kanya.
"Ano?!"
"Ano ah ah...eh ano yang ano kasi"
"Ano nga?! Girlfriend mo?"
Girlfriend..? Hmmm...teka...pwede ko syang pakinabangan. Tama! Magagamit ko sya para hindi na ako makapagpakasal dun sa babaeng anak ni Mr. Kikunae! Ang galing galing ko talaga! "Hahahahahahaha! Wahahahahahahahaha!" tumawa na ako nang tumawa na parang baliw.
"Hoy Care Williams anong nangyayari syo ba't tawa ka ng tawa dyan ha nababaliw ka na ba?!" tanong ni Danica sakin.
"Alright, couz. I give up. She's not retarded." sabi ko.
"Hindi talaga ako baliw! Matino ang pag-iisip ko! Isa akong prinsesa para sa kaalaman ninyong dalawa!" sabi nya.
Tumingin ako sa pinsan ko. "Yeah..she's right. She's a princess," sabi ko habang inaakbayan ang alien na katabi ko. "MY PRINCESS."
"Anong ‘my princess’?"
"SHE'S MY GIRLFRIEND COUZ." ('couz', a short term for cousin)
"ANO?!/I KNEW IT." sabay nilang sambit habang gulat na gulat na nakatingin sa akin.
"Mr. Williams, kakaiba itong bago kong invention! Hihihi. Tingnan mo Mr. Williams," sabi ng katabi kong nerd sa loob ng classroom habang ipinapakita nya sakin ang ginawa nya.
"Mr. Williams?"
"AHA!"
"Huh?"
I can use that girl! I can use that alien to earn money! Ipapadala ko sya sa NASA for some experiments since naandun naman si mommy. My mom is the current chief scientist of National Aeronautics and Space Administration in Washington. Siguradong pagkakakitaan ko nang malaki ang babaeng iyon kapag nagkataon. Makakatulong sya sa pag-unlad ng business ko! Hahahaha! Hahahaha!
"Mr. Williams, ok ka lang?"
"Hahahahahaha! Hahahahahaha!"
"Mr. Williams!"
"Hahahahaha! Hahahah-
"HUY MR. WILLIAMS!" sinigawan nya ko sa tenga ko.
"AW! Bakit mo ba ko sinigawan?! Batukan kita dyan eh!"
"Wag Mr. Williams! Waaaa..." iwas ni Miko sakin.
"Tsk. Bakit ba?!"
"Mr. Williams, kaya ng prototype na ito na maka-detect ng iba't-ibang bagay na nagmula sa outerspace! Madali tayong makakahanap ng mga bumagsak na meteorites o comets dito sa earth. Maaari rin nitong ianalyze kung anu-ano ang composition ng mga bagay na nagmula sa labas ng mundo. May solusyon na sa problema mo Mr. Williams! Hihihi. Diba namomroblema ka ngayon sa pag-iimport ng mga specimens na gagamitin natin para sa science exhibit dito sa Williams Academy?" sabi ni Miko. Yeah, he's Miko. He's a nerd and I don't like him. Pero kahit ganoon, pinapakisamahan ko pa rin ang kaklase kong ito dahil sya ang nagdedesign at gumagawa ng mga inventions na ipinepresent ko sa company at kine-claim kong ako ang gumawa.
"Yeah that's good."
"Hihihihi."
"Ah...Miko..."
"Yes, Mr. Williams?"
Lumapit ako sa kanya at bumulong, "Do you...believe in aliens?"
"Ha? A-aliens? ALIENS?! Nagkita ka ba ng alien Mr. Williams?!" excited na excited na tanong nito.
"Just answer my question. Naniniwala ka ba na may aliens?" tanong ko.
"Oo naman Mr. Williams! Hihihi. Kakaiba ang intelligence nila at hindi ito katulad ng pangkaraniwang tao dito sa earth! Hihihi," he said. He's probably right. Sa totoo lang, humanga ako sa babaeng iyon nang marealize kong kaya pala nyang magsalita at makaintindi ng iba't-ibang languages, which is absolutely not my forte. English lang at tagalog ang alam kong gamitin at nahihirapan talaga akong makipag-usap sa iba't-ibang foreign investors dahil sa mga pabuhul-buhol na tunog na naririnig ko mula sa mga bibig nila. Hindi ba napipilipit ang mga dila nila sa kakasalita ng kung anu-ano? Well, baka hindi lang talaga ako sanay. And I'll never get used to it.
"Mr. Williams, alam mo ba, kabilang ako sa isa sa pinakainteresting na elite groups dito sa school mo? I'm a member of SETI (Search for Extra-Terrestrial Intelligence) and I'm really interested in aliens. I'm currently conducting researches about them. Hihihi. Alam mo bang mayroong iba't-ibang hitsura ang aliens? Mayroong mukhang pusit, mayroon ding mukhang higanteng butiki at mayroon ding mukhang jelly! Hihihi. Iyong ipinapalabas sa movies, alam kong may basehan iyon at hindi lamang basta-basta ginawa. Ang mga aliens, karamihan sa kanila, nakakatakot ang hitsura at nagtatago lamang sa isang maskara." he continued.
"Pero mukha namang tao yung alien na nakita ko..."
"Ha?"
"Ah wala. Wala..." sabi ko. Or maybe not. She's maybe hiding her true form. Sheesh, that's horrible.
"At Mr. Williams, pwede ring gamitin ang prototype kong ito para maka-detect tayo ng aliens! Kung nagpapalit-anyo lamang sila, makikita mo ang tunay nilang hitsura sa pamamagitan ng prototype na ito! Hindi ba ang galing-galing Mr. Williams? Hihihi. Siguradong makakatulong ito para sa exhibit mo Mr. Williams! Hihihi. Siguradong kikita tayo nang malaking malaking malaki! Hihihi." sabi nya.
"Really?" I said. He's a total genius! Pero masasabi kong mas magaling pa rin ako sa kanya dahil na-uuto ko sya. Siguradong kikita ako ng malaki kapag na-introduce ko na ang alien sa media. Sisikat ako sa TV, magazines at kung saan-saan pa at siguradong pag-aagawan nila ang alien na iyon at babayaran nila ako ng malaki makuha lamang ito. Isa ako sa mga magiging pinakamayayamang tao sa buong mundo! Teka lang. I should also consider other possibilities kapag ginawa ko iyon. Hmm..una: maaaring mawala na sa custody ko ang alien. So what? Pangalawa: Paano naman ang plano ko laban kay Mr. Kikunae? Siguradong matutuloy ang kasal ko sa anak ng scientist na iyon kapag wala akong ipapakilala sa kanila na 'girlfriend'. Ayoko talagang magpakasal! Pangatlo: Maaga akong magkakapamilya. Pang-apat: Hindi na ako magiging malaya habambuhay! Tsk. Kailangan ko muna syang gamitin para hindi matuloy ang kasal namin ni Moe. At kapag natupad na ang plano ko, ipapadala ko na sya sa NASA para pagkakitaan. Nakinabang na nga ako sa kanya, tutubo pa ako ng malaki. Masosolusyunan pa ang mga problema ko. Walang wala akong lugi. Ang galing ko! Hahaha!
"Hay, sana makakita ako ng alien. Ikaw Mr. Williams, nakakita ka na ba ng alien?" tanong nya.
"H-ha? I haven't. Pero sana makakita ako. S-siguradong malaki ang kikitain ko kapag nagkataon," sinabi ko na lang.
"Ganun ba? Sayang naman." sabi nya. Mayamaya pa ay may narinig kaming tunog galing sa imbensyon ni Miko. Tapos, biglang umilaw yung sensor nito.
"Hala. Umiilaw yung invention Miko!" sabi ko.
"Waa! Oo nga!"
"Extraterestrial specimen detected. Analyzing..." sabi nung device. Teka...hindi kaya..naandito sya? Hindi ba nakakadetect ang prototype na iyon ng mga aliens? Paano kung...naandito nga sya sa loob ng school? Wag naman sana. Mali sana ang iniisip ko ngayon. Hindi pwedeng magpunta sa school na ito ang babaeng 'yun dahil masisira ang plano ko. Kailangan ko muna syang ipakilala kay Mr. Kikunae at sa mga magulang ko! Siguradong sa laboratory na ang diretsyo ng babaeng 'yun kapag nakita sya ni Miko! Mawawalan ako ng 'girlfriend'!
"Mr. Williams, baka pinasok na ang school mo ng isang alien." sabi nya. Patuloy lang sa pag-beep yung device.
"May alien sa loob ng school Mr. Williams."
"Huh..." Nanlaki ang mga mata ko. Mukha ngang tama ang hinala ko."T-That's impossible! Siguro defective yan. Walang alien na maliligaw dito for goodness sake! Think properly Miko. Akin na nga yan!" sabi ko sabay kuha sa prototype na hawak nya. Hindi nya dapat makita yung alien! "Mabuti pa, asikasuhin mo na lamang 'tong design na ginawa mo sa F-35! Hindi ko akalain na papalpak ka ngayon! Hindi mo ba alam na dahil sayo, nawala ang deal na hinahangad ko?! Hindi mo kasi inaayos ang trabaho mo!" sigaw ko sa kanya. Iniabot ko sa kanya ang mga documents na kailangan nyang ayusin. "IREVISE MO YAN LAHAT!"
"Pero Mr. Williams, perfect na ang design na ginawa ko. Diba nakita mo na kung paano ko pinalipad yung prototype ng F-35? Wala namang naging problema Mr. Williams," sabi nya. "Akin na yan!" bigla nyang inagaw yung prototype na kanina ay hawak ko lang. "PAPATUNAYAN KO NA MAY ALIEN DITO SA LOOB NG SCHOOL MR. WILLIAMS! Watch me!" sabi nya at pagkatapos ay nagtatakbo na sya papalayo.
"Wait! Miko! Darn..." Dali-dali akong tumayo at lumingon sa labas, nagbabakasakaling makikita ko ang babaeng iyon. Naandito ako ngayon sa third floor ng school at tiningnan ko ang mga tao sa baba. Haist. Ang daming tao! Hindi ko sya makita. Wait. Ayun! Nakaupo sya doon sa may bench sa labas ng school at parang may hinihintay. Sinasabi ko na nga ba. Pero bakit ba sya pumunta dito?! Nakakainis! Ayos na sana ang plano ko ginulo pa nya! Nagtatakbo na ako papalabas ng classroom. Kailangan ko syang maitago agad bago pa sya makita ni Miko. Nagpunta ako sa may elevator para mabilis akong makarating pababa.
"Haist. Ang tagal namang magbukas ng elevator na 'to!" Napatingin ako sa hagdan. Dumaan na lang kaya ako dito? Psh. Kailangan ko nang makababa. Wala nang oras! Hingal na hingal akong nagpunta dun sa may garden kung saan sya nakaupo.
"Ha...ha....huuhhh...THERE YOU ARE!" naghihingalo kong sigaw kaya napatingin sya sakin.
"Huh...yung bastos na lalaki..." napatayo sya at akmang tatakasan ako.
"Halika rito!" hinawakan ko agad sya.
"Aray! Bitawan mo nga ako!"
"Haaah...huuh...Halika na...bilis!"
"Saan mo ba ako dadalhin?!" tanong nya habang hinihila ko sya. Actually, tumatakbo na kami ngayon. Hindi ako sumasagot dahil iniisip ko kung saan kami dapat magpunta at magtago.
"HEPHEP. Where do you think are you going?!" may bigla na lamang humarang sa aming dalawa.