Chapter 3

2442 Words
(PRINCESS MICHAELA'S POV) "Hephep. Where do you think are you going?" wika ni Danica. "Couz! Why are you here?!" sabi ni Care. "Hinahanap kita. Bakit, masama ba?" sabi ni Danica. "Eh ikaw! Ba't andito ka?!" tanong ni Care saken. "Kase- "Isinama ko sya. Bakit masama ba?" sumagot agad si Danica kaya di nako nakapagsalita. "Let's go!" hinawakan nya ang kamay ko. "Teka san ba kasi tayo pupunta?!" tanong ko habang kinakaladkad nya ako. "Oo nga Care bakit ba nagmamadali- "TABI DYAN!" biglang tinabig ni Care si Danica. Nagdagasa tuloy si Danica dahil sa lakas ng pagkakatabig ni Care. Parang walang pakialam si Care kung masaktan yung pinsan nya o hindi. Napakabastos talaga. "Aray..." wika ni Danica habang nakasalampak sa lupa at hinihimas ang balakang. "Aba't grabe ka ah! Ganyan ka ba talaga magtrato ng babae?!" may pagkagulat na sabi ko sa kanya. "Baka naman puro ganito ang mga kalalakihan dito sa earth. Puro bastos! Lalayas na akooooooo!" pumalag ako sa kanya. "Halika sabi! Wag kang pumalag!" sabi ni Care. "WAAAAAH! Tulong! Tulungan nyo ko!" "Wag kang sumigaw baka makita nya tayo!" "Waaaaaah! Tulong tulong tulong!" "Ano bang problema mong babae ka ha?! Sumama ka ng matiwasy kung ayaw mong upakan kita!" "Waaaaaaah!" "HOY!" wika ni Danica at pagkatapos ay hinila niya ang tenga ni Care. "ARAY ARAY ANO BA?!" "Care Williams, ang sakit ng ginawa mo ha. Baka gusto mong makatikim ng kung fu monkey style ko! HAYYAAAAAA!" wika ni Danica. Bigla itong sumakay sa likod ni Care na para bang isang unggoy habang sinasakal ito. Tapos pinaghahampas nya ang ulo at pinaghihigit ang tenga nito. Buti nga sa kanya. "AAAAAHHH! Aw aw ouch stop stop ayoko na!" "Matuto kang gumalang sa mga nakakatanda sa'yo, WATCHAAAA!" wika ni Danica habang patuloy nyang hinihigit ang tenga nito. "Aray oo na oo na bitawan mo na ako! Waaaaaaaa!" "Hmft!" "Psh. Sakeeet...tsk..." Hinawakan nya ang tenga nyang namumula na ngayon dahil sa ginawa ng pinsan nya. "ANO BA KASING GINAGAWA NYO DITO SA SCHOOL KO?!" "I want you to come with us right now," wika ni Danica. Matapos ang pag-w-wrestling nila eh nagpunta na kami sa kotse ni Care. Ewan ko ba sa lalaking ‘to. Para bang may tinatakasan? Masyado kasi syang nagmamadali. Pagkapasok na pagkapasok naman namin sa kotse ay agad na nyang pinaharurot ang sasakyan. Ano bang problema nito?! Nakakahilo na! "WAAAA nahihilo akooo!" sabi ko. "Ok ka lang couz, nagmamadali nagmamadali?! Ang bilis-bilis mong magpatakbo ah! MAINIT NA NAMAN BA ANG ULO MO?!" sabi ni Danica kay Care. "UGHH..." napatakip ako sa bibig ko. Nasusuka ako. "COUZ! Bakit ba ang bilis-bilis mong magpatakbo?! Could you please slow down?! HEY! Are you even listening to me?!" "Ang bilis mong magpatakbo! Maaari bang bagalan mo naman, ugghh natatakot na kasi ako...ugggh. Teka, may tinatakasan ka ano?" hilung-hilong tanong ko sa kanya. "WALA! SAAN BA TAYO PUPUNTA HA?!" sigaw niya. Napakawalang modo talaga nya...uggh. Pero heto na...lalabas na... "We're going to the OB," wika ni Danica. "WHAT?!" Nagulat si Care kaya bigla niyang pinahinto ang sasakyan. Napakatindi ng inertial force na naganap dahil sa sobrang bilis ng kotse. Nauntog tuloy ako sa harapan! Ang lakas ng pagkakahampas ng ulo ko. Pakiramdam ko nagkabukol ako sa noo dahil sa lakas. Huhuhu! Ansakit! Si Danica naman, napasubsob sa likod ng upuan ni Care. Buti pa sya, malambot ang natamaan. Ang malas ko talaga. Tapos nasusuka pa’ko! "Aray..." yun na lang ang nasabi ko sa sakit. Nakakainis. Ako lang ata ang nasaktan saming tatlo. Huhuhu. "Why are we going there? Buntis ka ba couz?!" tanong ni Care. "Nope. I just wanna make sure if you're girlfriend is pregnant because of what happened last night," wika ni Danica. "WHAT?! Ano bang pinagsasasabi mo dyan?!" wika ni Care. "Hindi ba't magkatabi kayong natulog?" tanong ni Danica. Nagkatinginan tuloy kami ni Care. "BLEURGH..." nasukahan ko ang mukha nya. Ugh. Ang sama sa pakiramdam. "Ugh. YUCK!" diring diring sambit ni Care habang pinupunasan ang mukha nya. "Oh my gosh. So it's true. Buntis sya..." sabi ni Danica. "H-huh..? A-ako...buntis? WAAAAA! Ginahasa mo ko noh? Waaa ginahasa mo ba ako?!" tanong ko kay Care. "Huh...no! I DIDN'T!" "Ginahasa mo ako! Sinungaling ka!" "NO I DIDN'T!" "Pero bakit di ko alam! BAKIT DI KO ALAM!" "Kase nga hindi kita nirape! Baliw ka ba!" "WAAAAAH!" "Niyakap lang kita, pero walang nangyari! Niyakap ko lang sya kagabi couz! It's impossible! Pano sya mabubuntis kung ganun lang...tsk." Bigla siyang nahiya sa nasabi niya kaya iniiwas niya ang tingin niya sa amin. "Hindi ako naniniwala. Come to think of it. Isang babae at isang lalake, magkasama sa iisang kwarto buong gabi at natulog pa sa iisang kama. And to think that you're in a relationship with each other, walang mangyayari sa inyo buong magdamag? I don't think so," wika ni Danica. "No way! We're going home!" wika ni Care. Bigla nyang iniurong ang sasakyan. "Care..." "Tss." "COUZ..." "Tss." "COUZ!" "What?" tanong ni Care. "Stop the car right now," wika niya. "What?!" "Bingi ka ba? I said, STOP THE CAR!" Inihinto ni Care ang sasakyan. Lumabas na si Danica. "Halika girl, sumama ka sakin." sabi nya pagkatapos noon ay hinila na nya rin ako palabas. "Bakit kayo lumabas?!" tanong ni Care. "If you don't want to accompany us, then don't! Kami na lang dalawa ng girlfriend mo ang pupunta sa OB. I can't believe it, Care. Wala ka man lang bang concern para sa girlfriend mo?! Paano na kung buntis nga sya? Pababayaan mo na lang, ganun? Kailan ka ba magbabago bata ka?! Parati mo na lang pinapainit ang ulo ko!" wika ni Danica. "Sandali nga." Bumaba na rin si Care ng sasakyan at lumapit sa amin. "Don't talk to me as if you're a hundred year older because you're just 3 years ahead! Come with me Michaela!" hinawakan na naman ako ni Care at pinapasok sa loob ng kotse. "Teka ano ba?! Kanina nyo pa ko kinakaladkad kung saan-saan eeeeee! Nahihilo na ko!" sabi ko. "Ano na naman ba ang plano mong bata ka?!" tanong ni Danica. "Ako na ang bahala sa lahat. Hindi mo na kailangan pang sumama," wika ni Care. "What?! What do you mean, iiwan mo ako ditong mag-isa sa highway?!" tanong ni Danica. "You have you're phone. Pwede mong tawagan ang driver natin kung gusto mong magpahatid pauwi," wika ni Care. Pumasok na rin sya sa loob at pinaandar ang sasakyan. "I can't believe this! Couz, wait! Hey! How can you do this to me?!" "Bye!" "COUZ! COUZ! Don't leave me here alone! Waaaa! Huhuhuhuhu..." Nagsisigaw, nag-iiyak at nagpapadyak si Danica sa tabi ng kalsada habang umaalis kami. "COOUUUUZZZZZZZ! COOOUUUUZZZZZZ!" GGRRRR...amft...lalong umiinit ang ulo ko. Pigilan nyo ko, pigilan nyo ko...Nanggigigil na talaga ako...Konting-konti na lang, “Bubunutin ko na talaga ang PINAKAMALIIT na hibla ng buhok ng bastos na lalaking ito...” hindi ko matiis na sabihin. "Me sinasabi ka?!" "ARRGH! Paano mo ba kasi nagagawa ang mga bagay na ito sa pinsan mo?! Hindi mo ba nakikitang babae sya?! Papaano sya uuwi?! Mapapagod sya! At ako, ano ba talagang balak mo sa akin ha?! At bakit ba abnormal ka?! GRRRRRRR...AAAAAAAHHH!" nanggigigil na talaga ako! "Tss. Shut up! Magpasalamat ka na lang sakin dahil inilayo kita sa kapahamakan!" "Bakit?! Anong kapahamakan?! Abnormal ka na talaga!" "Mag-isip ka nga! Kapag nagpunta tayo sa doktor, siguradong madidiskubre ng lahat ang tunay mong pagkatao!" "Eh ano naman ngayon? Hindi ba dapat lang nilang malaman na ako si Prinsesa Michaela Nijenhuiso, isang dugong bughaw na nagmula pa sa Planetang Beafect at dapat na igalang ng lahat?!" "Huh! Really..." Binigyan niya ako ng isang nakakalokong ngiti. "Bakit? Anong nakakatawa?!" "If they discovered that, then you're gonna be dead." "Huh..?! W-wato bedoelo jeo?!" tanong ko sa kanya. "What?!" tanong niya. "Anong ibig mong sabihin?!" inulit ko kung ano ang sinabi ko kanina sa paraang mauunawaan niya. "Hay...ganito kasi yan. Kapag nalaman nilang isa kang alien, siguradong pag-eexperimentuhan ka nila. Bibiyakin nila ang tiyan mo, bubutasin nila ang utak mo, at kung anu-ano pang tests ang gagawin nila sayo! Pero bago nila gawin lahat ng iyon, isa lang ang masisigurado ko." "H-ha? A-ano iyon?" tanong ko sa kanya. "Papatayin ka muna nila. Hehehe..." "Huh...huh....AAAAAAAAHHHHHH!" "Huy! Tumahimik ka nga dyan!" "Hindi ko akalaing ganito pala kasasama ang mga nilalang dito sa mundong ito. Bakit ba kasi ako napadpad dito?! Huhuhu, paano na ang aking hangarin? Paano na ang tunay kong pag-ibig? Hindi maaaring mawala ang pangarap ko nang ganito na lamang. Hindi maaari!" "Ano bang pinagsasasabi mo dyan?!" "Ayoko pang mamatay! Ayoko pa! Madami pa kong pangarap sa buhay ko!" "Don't worry, hindi ka mapapahamak basta kasama mo ako." wika niya. Napatingin ako sa kanya. "Weh?" "I'm gonna protect you. Hindi nila malalaman ang tunay mong pagkatao." wika niya. "T-talaga?" sambit ko. "You just have to do one thing in return." tuloy nito. "Sinasabi ko na nga eh. Hindi mo ako poprotektahan ng walang kapalit." "Bakit, ano bang akala mo sakin, good samaritan? Walang libre sa panahon ngayon noh!" "Sige. Ano iyon?" "Be my girlfriend, then everything will turn out just fine..." sabi nya. (CARE'S POV) It's already 7'oclock in the evening at ngayon lang kami nakauwi sa mansion ni Michaela. Right. She's Princess Michaela Nijenhuiso. I'm trying to remember her name since she's formally now my girlfriend. Noong una, ako lang mag-isa ang nag-claim na girlfriend ko sya. Pero since nagkausap na kami kanina at napapayag ko sya sa plano ko, we're both in this together. Kaya lamang, mukhang wala pa rin syang tiwala sa akin. Well, I can say that she's smart. Kailangang mas maging maingat ako para hindi masira ang plano ko. "Good evening young master, ako na po ang magdadala ng mga gamit ninyo," sabi nung maid. "Oh." Iniabot ko na sa kanya yung bag ko, tutal kanina pa ako nabibigatan dito. "Waaa ambigat." wika ng maid. "Nagrereklamo ka ba?" tanong ko sa kanya. "Hindi po young master!" "You wanna be fired?" "Waaaa hindi po hindi po!" "Oh. Ano pang tinatanga-tanga mo dyan, alis!" "Opo young master! Aalis na po aalis na po!" sabi nya at pagkatapos ay umalis na sya. "Tsk." "Nandito na pala kayo," wika ni Danica habang bumababa ng hagdan. "Nakakapagod ang araw na'to. Grabe, nagutom ako!" Hindi ko na siya pinansin at naupo na agad ako sa dining table at kumain. As usual, maraming pagkain ang nakahain sa table. Tatlo lang kami rito sa mansion pero pang dalawampung katao ang handa. "Hindi mo lang ba ako paghahandugan ng upuan?" tanong ng babaeng taga-out of this world. "Hindi mo lang ba ako paghahandugan ng upuan?" panggagaya ko sa kanya. Sumubo na’ko ng pagkain. Di ko na napigilan ang gutom eh. "Paghandugan mo sharili mho. Tss. Ang arte-arte." Sabi ko na lang habang ngumunguya. "Hayaan mo na nga yang boyfriend mong ubod ng gentleman. Maupo na tayo Mich," sabi ni Danica. Pagkatapos noon ay nagsimula na rin silang kumain. "Nga pala Mich, how's your check up?" tanong ni Danica. Sinasabi na nga ba't itatanong yan ng pinsan kong pakealamera. "H-ha? Ch-check up?" nabubulol na sabi ni Michaela. Pagkatapos noon ay lumingon siya sa akin at muling ibinaling ang tingin sa pinsan ko. "Ah eh..." "Mmm..." Nagpatuloy lang ako sa pagkain na parang wala akong pakealam sa pinag-uusapan nila. "Maayos naman. Walang naging problema, sabi ng doktor," wika niya. Ang totoo, hindi kami nagpunta sa OB dahil alam ko na maaaring madiskubre ng doktor ang sikreto namin kung saka-sakali. Hindi ko sigurado kung anong maaaring makita ng doktor kaya mas minabuti kong wag na lamang kaming magpunta roon. Malay ko ba kung anong meron sa internal organs ng isang alien na katulad niya. "Really? You mean...you're not...pregnant?" tanong ni Danica. "Hindi...hindi ako nagdadalang-tao," sabi ni Michaela. "Ahm..maaari bang umuna na ako sa kwarto? Nais ko na kasing magpahinga. Pagod na ako." "Ah...okay." "Sige ah..." "Wait Mich, I'll accompany you to the guest room. Doon ka na muna magpahinga pansamantala habang pinapaayos ko ang magiging kwarto mo," sabi ni Danica. Tumayo na rin siya at sinamahan si Michaela papunta ng guest room. Pagkatapos kong kumain, naligo na muna ako, then I go to my bedroom to sleep. "Hm?" napansin ko yung bag ko na nakapatong sa ibabaw ng study table. I grab it and curiously open it. Kanina ko pa kasing napapansin na parang may something strange sa loob nito dahil ang bigat-bigat. "Oh...teka, bakit nasa loob 'to ng bag ko? Prototype to ni Miko ah. Hmmm..." Habang iniinspect ko ito, may nakita akong naka-attach na note: Mr. Williams, I am so depressed because I think that my invention is not working properly. I apologize for the trouble that I gave you Mr. Williams. Palagi na lamang kita nadidisappoint. Bahala ka na dito. Sincerely yours, Miko "Tss. Aanhin ko naman 'tong prototype na'to kung wala nang pakinabang?! Ano bang gusto niyang gawin ko dito? Psh. Sira ulo talaga ang lalaking iyon." Itatapon ko na sana ito sa isang tabi nang may bigla akong naisip. "Teka...baka naman...akala lang niyang sira na ito. Naitakas ko na kasi agad si Michaela kanina palabas ng school bago pa man siya madetect ng prototype. Subukan ko kaya 'to ngayon?" Tiningnan ko itong mabuti. "Hmmm...nakakapagtaka naman, hindi ito umiilaw di tulad ng nangyari kanina. Baka naman defective nga." I inspect it again then I notice another note attached somewhere beneath it: P.S: Baka maisipan mong i-troubleshoot ang invention ko. Bahala ka nang maglagay ng batteries dahil nalowbat kasi, hihihi. "Ganun? Kaya pala." Kumuha ako ng batteries sa cabinet. Nilagyan ko ito ng batteries. Mayamaya pa ay nagsimula na itong mag-beep at umilaw. Ayun naman pala eh. Di na nakapagtataka. May alien kasi rito sa loob ng bahay. "Mukhang ok naman pala to. Pwedeng pwede ko tong ibenta sa market. Sasabihin ko na lang sa nerd na yun na walang kwenta ang invention niya kaya dinispose ko na lang. Sigurado namang maniniwala iyon sa akin dahil utu-uto sya. Hehehehe..." Naglakad na ako palabas ng kwarto at nagtungo sa guest room kung saan naroroon si Michaela. Icoconfirm ko lamang ang effectiveness nito para naman hindi kahiya-hiyang ipresent sa company sa susunod kong presentation. Pagpasok ko ng kwarto, nakita ko ang babaeng iyon na mahimbing nang natutulog sa kama. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Habang lumalapit ako ay mas nagliliwanag ang prototype na hawak ko at mas lumalakas pa ang ingay nito. Patay. Baka magising sya! "BEEP BEEP BEEP BEEP" "Ssssh wag kang maingay!" "BEEP BEEP BEEP BEEP" "Aish!" "Extraterrestrial specimen detected..analyzing.." wika ng device in a robotic voice. "Aaaisssh..." Maya maya pa ay may laser na dumaan mula ulo hanggang paa ni Michaela na tila nagsisimula na sa proseso ng analysis. "Lagot na. Ang ingay-ingay..." Siguradong magigising nito si Michaela!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD