(CARE'S POV)
"Extraterrestrial specimen detected..analyzing.." wika ng device in a robotic voice.
"Aaaisssh..." Maya maya pa ay may laser na dumaan mula ulo hanggang paa ni Michaela na tila nagsisimula na sa proseso ng analysis. "Lagot na. Ang ingay-ingay..." Siguradong magigising nito si Michaela!
"Hmmm..." bigla na lamang mumulat ang mga mata niya. Sinasabi ko na nga ba't magigising ito!
"Aaaaah! Anong ginagawa mo?! wika niya.
"HA?! WALA!" napaurong ako papalayo.
"Ano yang hawak mo?!"
"Wala wala." Sabi ko. Ganunpaman, hindi pa rin tumitigil sa pagtunog itong device na hawak ko. Itinago ko na lang sa likuran ko para di nya makita. Bumangon sya bigla at pilit inagaw sakin yung device.
"Akin na yan!" Hala. Nakuha nya!
"T-teka anong gagawin mo?!" nag-aalalang sambit ko sa kanya.
“Wala pala ah...HAYAAAA!" ibinagsak nya ito at inapak-apakan. Hindi nya tinigilan yung device hanggang sa magkahiwa-hiwalay na yung ibang parts at tuluyan nang mawala yung ingay na ginagawa nito. Tapos nabasag na rin yung ilaw nya. Hala!
"Teka! Itigil mo yan! Huwag mong sirain!" pagpipigil ko sa kanya. Ganunpaman, patuloy parin sya sa pagwasak nung device. Galit na galit sya. Haist. Pano na’to?! Sira na ang alien detector ko! Nagkadurug-durog na!
"Hmft! Yan ang bagay sa yo!" sabi nya.
"Asar...bakit mo sinira?!" sigaw ko sa kanya. "Grabe. Pera na, naging bato paaaa!"
"Aaaarrrgh...nakakainis ka na talagang lalaki ka!" Pagkatapos noon ay tiningnan niya ako ng masama.
"Ikaw ang nakakainis! Ikaw na nga ang nanira, ikaw pa ang may ganang magalit!
"Pinag-eeksperimentuhan mo ba ako?!" tanong niya sa akin.
"Tss. Eh ano ngayon?! Pakealam mo?" sagot ko sa kanya.
"Jeo bento zoo slechto! Iko haato jeo! Iko haato jeo! Iko haato jeo!" (Translation:You're so bad! I hate you! I hate you! I hate you!)
"What?! Wag mo nga akong pagsalitaan ng kung anu-ano! Ang lakas ng loob mong sigaw-sigawan ako. Tandaan mo, nasa loob ka ng pamamahay ko kaya wala kang karapatang pagtaasan ako ng boses! Sino ka ba sa tingin mo?! Dayuhan ka lang naman dito kaya pwede kong gawin ang kahit na anong gusto ko! Wala kang karapatang makealam!"
"Alam mo, ako ang katangi-tanging prinsesang naglakas-loob na makipagsapalaran sa planetang ito hindi para pag-eksperimentuhan lamang ng isang walang kwentang nilalang na katulad mo. Argh...ang sama mo talaga! Ayoko sayo! Ayoko sayo!" Pagkasabi niya noon ay itinulak niya ako papalayo.
"Mas ayoko sayo! Bayaran mo 'tong sinira mo!"
"WAAAAAH!"
(PRINCESS MICHAELA'S POV)
"Michaela, bakit hindi ka pa nag-aayos? Hindi ka ba sasama kay Care papunta sa business meeting nya? I thought you're both going," wika ni Danica.
"Business meeting? Anong kinalaman ko sa bagay na iyon?" tanong ko sa kanya.
"Wala bang sinasabi si Care sayo?"
"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, wala naman kasing nababanggit si Care sa akin na may dapat pala kaming puntahan."
"Care told me last night that both of you are going to attend the meeting today. Besides, Care wants to formally introduce you to his parents," wika niya.
"Talaga lang ha..." bulong ko sa sarili ko. Mukhang gusto na akong ipakilala ni Care sa mga magulang niya, ngunit ang lahat ng iyon ay isang palabas lamang. Pero buti naman kung palabas lang yun dahil hinding-hindi ko talaga matatanggap ang lalaking iyon na maging kasintahan ko kahit ubod sya ng gwapo! Oo ang gwapo-gwapo talaga nya. Ang ganda-ganda ng hitsura nya. Mukha syang anghel. Mukha syang prinsipe! Kamukha nya yung tipo ng lalaking gusto kong maging asawa balang araw! Kaya naman...gustung-gusto ko syang titigan maghapon pero di ko magawa dahil masama ang ugali nya! Baka ipangalandakan pa nya sa mukha ko na pinagnanasahan ko sya! Hmpft! Nakakahiya kaya.
"Bakit hindi ka pa bihis?!"
"Kyaaaa! Andyan ka pala!" sabi ko kay Care.
"Tss...mag-ayos ka nga! Aalis tayo!" wika ni Care. Hindi ako sumagot. Nanahimik na lang ako at tinitigan sya.
"Oh, anong tinitingin mo dyan?!" tanong nya sa akin.
"Ayokong mainis sayo kaya tinititigan ko ang mukha mo. Mukha mo lang kasi ang maganda sa pagkatao mo. Buti may natira pang maganda sayo noh?"
"WHAT?!"
"Bakit ba hindi mo sinabi sa akin kaagad na may pupuntahan pala tayo? Hindi ako sasama."
"WHAT?!"
"Bingi ka ba? Sabi ko, hindi ako sasama."
"Oh. I guess we have an LQ here. Sige ha mauna na muna ako sa inyo. Marami pa kasi akong kailangang asikasuhin. Bye!" wika ni Danica. Pagkatapos noon ay umalis na siya sa mansyon.
"Hoy!" wika ni Care sa isang maid.
"Yes young master?"
"Halika rito," Hinawakan ni Care ang kamay ng isang maid at pinapunta ito sa aking harapan.
"Bihisan mo nga 'to!" sambit niya. Teka. Ano raw?!
"Bibihisan ako?!"
"Opo, young master." yumuko ang maid sa kanya at pagkatapos ay lumapit ito sa akin.
"Halina po kayo, Miss Michaela. Ako na po ang bahala sa inyo," wika ng maid.
"Ayoko."
"Psh. ANO BA?! ANG ARTE-ARTE MO! SINABI NANG SUMAMA KA!" sigaw ni Care.
"Aba't sinisigaw-sigawan ako ng swapang na ito...ayoko nga! Magtigil ka!"
"Anong-" sambit niya.
"Ang lakas naman ng loob mong papuntahin ako sa isang okasyon nang biglaan. Hindi sapat ang oras ko para makapaghanda."
"WHAT?!"
"Iyan na naman ang tanong mo! Ano bang malabo sa sagot ko?!"
"Ayieeee," wika ng mga maids sa paligid. Napalingon kaming dalawa sa kanila.
"Anong meron?!" tanong namin sa kanila.
"Wala po wala po!"
"EH ANONG TINITINGIN-TINGIN NYO DYAN?!" sabay naming sigaw sa kanila.
"Wala po wala po waaaaa aalis na po kami sorry po!"
"Ano bang gusto mo? Pera? Damit? Pagkain? Ano?!" at bigla na namang bumaling sa akin si Care.
"Hindi ko kailangan ang lahat ng iyon," sabi ko sa kanya. "Tinalikuran ko na ang mga bagay na iyon simula pa nang tumakas ako sa planeta namin noh! Ano bang akala mo sakin? Na isa akong mababaw na babae? Na madali akong madaan sa mga paganun-ganun lang?!"
"Eh ano ba kasing gusto mo?!"
"..."
"Ano?! Magsalita ka!" tanong nya.
"Gusto kong humingi ka ng kapatawaran sa ginawa mo sa akin kagabi," sabi ko sa kanya.
"What?!"
"Sinira mo kasi ang tulog ko kagabi. Aba, at nakuha mo pa akong pag-eksperimentuhan?! Buti nga sayo, nasira yung imbensyon mo! Haist."
"Tsk."
"Ano na, magsosori ka ba o hindi?" tanong ko.
"..."
"Bahala ka kung ayaw mo! Pupunta na lang ako sa kwarto ko," sabi ko. Naglakad na ako papalayo.
"Fine. Magsosorry na ako."
Lumingon ako sa kanya. "Sige. Magsorry ka."
"..............SHSYAHSJ" wika niya.
"Nagsosorry ka ba?"
"OO BINGI KA BA?!"
"HINDI AKO BINGI. ANG GULO LANG NG PAGKAKASABI MO. Spell mo nga."
"S-O-R-R-Y. Oh ano masaya ka na?!"
"Hindi ko tinatanggap."
"WHAT?!"
"Tama na! Binging-bingi na ako sa kababanggit mo ng salitang "WHAT", pwede bang umayos ka?!" sabi ko.
"Tsk."
"Aakyat na ko!" Pagkatapos noon ay umakyat na ako ng hagdan.
"Sorry!" sigaw niya.
"Hm?"
"H-hindi ko na uulitin yung ginawa ko kagabi. Please...s-sum-mama ka na s-sakin." paudlot-udlot na sambit nito. Tapos napakamot pa sya sa ulo nya. "Tsk. Kainis..." Halatang nahihiya sya sa pagkakasabi nya nun.
"Ano nga ulit?"
"Sorry!"
"Ulit nga...?"
"ARRRRGH AYOKO NA! You're already making fun of me!"
"Pag di mo inulit, hindi ako sasama sayo."
"OK FINE I'M SORRY! Hay nakooo naman."
"..."
"AAARRRHGGHHH!" Tapos nagpapadyak pa sya.
"..."
"Ano ba sasama ka ba o hinde?!"
"Psh...oo na. Sasama na."
"Tsk!"
Matapos ng pangungulit sakin ni Care, nagawa nya rin akong pasamahin sa business meeting nya sa huli. Hay, kung ako talaga ang masusunod ayokong sumama sa kanya. Hindi ako yung tipo ng taong basta mo na lang mahihila kung saan-saan nang wala man lang pasabi. Pero pinagbigyan ko na sya tutal gwapo naman hehehe. Tsaka nag-sorry na rin naman sya sakin kahit sapilitan. At least, nagawa ko yun sa kanya noh. Mukha kasing bihirang mag-sorry ang taong yun base sa ugali nya.
Nagtungo na kami ni Care Williams sa Willliams Corporation, ang kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya nila. Hindi naman masyadong halata sa pangalan ng kumpanya diba? Anyway, si Care ang nag-iisang tagapagmana ng kumpanyang iyon. Ang Williams Corporation ay isa sa mga top manufacturing companies na gumagawa ng iba’t-ibang sasakyan na ginagamit sa ekspidisyon at labanan. Alam nyo yung mga space ships at rockets na ginagamit tuwing ekspedisyon at jets na ginagamit naman tuwing World War I, II at III? Mga tipo nila ang gumagawa nun. Pero ang pagkakaalam ko kasi wala pang 20 years itong kumpanya kaya bago pa lang. Siguro sa World War IV sila na ang mag-mamanufacture kung mangyayari pa. Hehehe. Under ito ng NASA o mas kilala sa tawag na “National Aeronautics and Space Administration.” Pagkapasok namin sa loob, maraming tao ang bumati kay Care na di ko naman pinagtaka pa. Sinasabayan ko na lang sya sa paglalakad na parang wala kaming pakialam sa mga tao sa paligid. Mayamaya pa ay may isang babaeng lumapit din samin at binati rin kami. Hindi pala. Si Care lang pala ang binati nya. Psh. Ang taray ah, akala mo kung sinong maganda.
"Mr. Williams, I'm glad to meet you again," bati ng babae kay Care. Siniyasat ko siyang mabuti. Mukha siyang Haponesa, kung hindi ako nagkakamali. Maganda siya, singkit ang mga mata, maputi, at mukhang matured kung mag-isip. Ngunit sa aking palagay, mas maganda pa rin ako. Mas maputi pa rin ako at mas singkit pa rin ako. Pero…napatingin ako sa dibdib nya. Mas malaki yung kanya. Hmft…
"So...you are?" tanong niya saken nang mapagawi sya sa dako ko. Hindi ko talaga gusto ang hitsura nya lalung-lalo na ang tono ng pananalita nya. Nginitian ko na lang siya.
"Ako si-
"She's Michaela, my girlfriend." sambit ni Care.
"N-nani..?" hindi makapaniwalang sambit ng babae. (“What..?”)
"Tsk."
"H-hontōni? I-i thought you don't have any commitments, that's what your father told me." wika niya.
"Noon yun," sambit ni Care. Nginitian niya ang babae na may halong pagkainis.
"T-teka lang Care san ka pupunta?" sabi ko nang bigla syang umalis. Parang wala syang narinig.
"HOY SWAPANG NA LALAKE BUMALIK KA RITO! Psh ang bastos talaga ng lalaking iyon..." bulong ko sa sarili. Buwisit.
"Oh. Kare wa naze kieta no ka? Totemo shitsureina," wika niya habang nakatingin kay Care. (Translation: "Why did he disappear? It is very rude," with matching pa-sosy effect pa na voice.)
"Watashi wa shitte iru. Sore wa kihontekini kare no taidodearu. Tonikaku, anatahadaredesu ka?" sabi ko. ("I know. It is basically his attitude. Anyway, who are you?)
"So...you can speak Japanese?" may pagkagulat na tanong nya sakin. Huh! Akala mo ikaw lang marunong mag-japanese ha?!
"Hai hai!" (“Yes”) proud na proud kong sambit.
"Hmmm. Watashinonamaeha moedesu. Moe Kikunae," pagkatapos noon ay inilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan upang batiin ako. (“I’m Moe. Moe Kikunae”)
"Sōdesu ka," (“I see.”) sabi ko habang naka-krus ang aking mga braso. "Hmft!" nilayasan ko na siya dahil ayoko sa presensya niya.
"Good morning ladies and gentlemen. Today, I'm going to present to all of you one of the future highlights of Williams Advanced Development Project, the 'Williams Mass Analyzers," wika ni Care habang kasalukuyang nagsasalita sa unahan ng mga businessman at businesswoman. Binuksan ang kanyang presentasyon gamit ang kanyang laptop.
"WARNING. A VIRUS HAS BEEN DETECTED," wika nito.
"Hm? What's happening?" sabi ni Care.
"WOAH..." Nagulat kaming lahat. Mukhang nasira na ang document na inihanda ni Care. Isa ba itong aksidente o mayroong gustong ipahamak ang lalaking iyon? Sa bagay, hindi na rin ako magtataka dahil masama ang ugali niya.
"Excuse me," sambit ni Care. Pagkatapos noon ay lumapit siya sa kanyang laptop at sinubukang ayusin ito. "Tsk." Kinakabahan nyang sambit.
"Mr. Williams, ano ba itong nangyayari? You're wasting our time," wika ng isang matandang lalaki. Siya ata ang Presidente dahil siya ang nakaupo doon sa may unahan. Tumingin ako sa paligid. Mayroon akong napansin na isang lalaki na may kakaibang ekspresyon sa lahat ng mga taong naandito ngayon sa meeting room. Kasalukuyan siyang nakatingin kay Care at pasimpleng nakangiti. Sa palagay ko, nagugustuhan niya kung ano man ang nangyayari sa mga sandaling ito. Hindi kaya...siya ang may kagagawan?
(CARE'S POV)
"WARNING. A VIRUS HAS BEEN DETECTED," wika ng laptop ko.
"What the heck did just happen?! Ayos naman to kanina ah. Iniwan ko lang to sa table tapos nag-CR lang ako. Pagbalik ko may virus na..."
"Nasan na ang design mo?" bulong ni Michaela.
"Huh? Why are you looking for it?" tanong ko.
"Akin na," sagot niya.
"Brsshhh gulung-gulo na ko! Pano na'to?! Nasira na presentation ko..."
"Dahil wala ka nang presentation, mas maganda kung yung design mo na lamang ang mismong ipapakita mo," sabi nya.
"No! I can't do that!" sabi ko sa kanya. Sa totoo lang hindi ko kayang magpresent sa ganung paraan. Para na rin akong nag-speech on-the-spot kung ganoon ang gagawin ko. Hindi ko kabisado ang invention ni Miko.
"Hmm..ganun ba? O sige, ako ang bahala sa'yo," sabi nya.
"Huh..? O s-sige..." kinuha ko na yung CD nung design speciications ng 'Williams Mass Analyzers' at isinalpak sa laptop. Nag-display na sa screen yung design...
"Ladies and gentlemen, these 'Williams Mass Analyzers' are one of the kinds of what is generally known as 'time-of-flight mass spectrometer' or TOFMS. This mass spectrometers are used for measuring the exact weight of molecular ions created by electron impact ionization of molecules. These molecular ions can be present in parts per million (ppm) levels in solids, liquids, gasses, and plasma. For leak detection of hydrogen and oxygen within the orbiter, ions were created from atmospheric gas samples." sabi ni Michaela.
"Wait. How did you know that?" bulong ko sa kanya.
"At paano naman ito makakatulong sa improvement ng technology sa NASA?" tanong ng isang lalaki.
"Some of the systems monitored during launch operations include electrical, cooling, communications, and computers. One of the thousands of measurements derived from these systems is the amount of hydrogen and oxygen inside the shuttle during launch. Hindi po ba't makakatulong ito para sa ikaliligtas ng launching ng mga space shuttles dito sa Earth? Kapag nalaman na natin kung gaano kadaming hydrogen at oxygen ang kailangang gamitin ng mga spaceship, mas mapapadali at mas magiging ligtas ang launching nito. Sigurado akong makakatulong ito sa NASA, lalo pa't ang kompanyang ito ang pinakapinagkakatiwalaan nila sa larangan ng paggawa ng mga spaceships na ginagamit ninyo sa paglalakbay sa kalawakan," sagot ni Michaela.
"Sugureta! Shikashi...sore wa yunīkuna nodesu ka?" tanong ni Moe sa kanya. She has that sarcastic expression on her face. However, I didn't get what she said. ("Excellent! But...is it unique?")
"Hai." (“Yes.”)
"Bangbeob? (“How?”) tanong ng isa pang businesswoman.
"TOF' neun 'quadrupole' eul daechehabnida. Geu hu, modeun geum-aeg-eun gat-eun sigan-e cheugjeongdoebnida." (“TOF will replace the quadrupole. After that, all amounts are measured at the same time.”) sabi ni Michaela. Kung pwede lang na takpan ang tenga ko, ginawa ko na kanina pa. Honestly, sumasakit ang ulo ko habang naririnig ko ang iba't-ibang lengwaheng sinasabi nila!
"What about its sensitivity? Will it be affected if the quadrupole is replaced by that TOF? I'm kinda worried," sabi ni Mr. Kikunae. Whoosh, buti hindi nag-Japanese.
"More sensitivity is achieved, even at a specific mass, than with the quadrupole," Michaela said. "So, ladies and gentlemen, what do you think?"
Nagsitanguan ang mga members ng organization. Mukhang nakukumbinsi na sila ni Michaela.
"Wow..."
"Usuhan!" (Korean term for "Excellent!")
"Buon lavoro!" (Italian term for "Good job!")
"Schöne Präsentation!" (German term for "Nice presentation!")
Nagsitayuan ang lahat at pinalakpakan nila kami. "Congratulations Mr. Williams! Ang ganda ng invention mo!" bati sakin ng isa sa board members.
"Huh...well-"
"Congratulations Mr. Williams..."
"Uh..."
"Congratulations!" Marami pa ang lumapit sa akin at kinongratulate ako. Napatingin ako kay Michaela.
"Congratulations." sabi nya.
"Huh...uhm..." I'm out of words...this is the very first time na maraming natuwa sa presentation ko. After naming umattend ng meeting ay bumaba na rin kami ni Michaela para umuwi sa bahay.
"Good job Michaela! You should do better next time. By the way, heto oh." sabi ko kay Michaela habang iniaabot sa kanya ang isang envelope habang papalabas na kami ng building.
"Ano yan?" tanong niya sakin.
"Money! Sabihin mo lang kung kulang pa yang kabayaran sa ginawa mo. Don't be hesitated, just name your price ok?" sabi ko.
"Hindi ko tinatanggap yan!"
"Wait. WHAT?"
"Ayan ka na naman sa pa-WHAT WHAT mo! Tss."
"What's your problem Michaela? May nasabi ba akong masama?"
"Psh. Ewan ko sayo!" nilayasan na nya ako.
"Hey!" hinabol ko sya.
"Hmft!"
"You know what, I can't understand you at all! Ano bang gusto mong mangyari, ha! Explain! You don't want money? Tell me, what do you want?!" tumigil kami pareho sa paglalakad nang nasa harapan na kami ng kotse ko.
"Ewan ko sayo! Ang tanging nais ko lamang naman ay ang pasalamatan mo ako. Hindi ko kailangan ng pera! Hindi ako isang bayaran!" sabi nya.
"My goodness, yun lang pala ang gusto mo. Fine! Thank you!"
"Ano bang klaseng pasasalamat iyan, lumalabas sa ilong mo!" sabi nya.
"Teka! San ka ba pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Magpapahangin! Dyan ka na! Bahala ka sa buhay mo!"
"Wait! Hindi pwede! Hindi ko hahayaang palagpasin mo na lamang 'to. For your information, I don't want to have a debt with anyone! If you don't want to accept my 'thank you' then you must accept my money! That's an order!" sabi ko sa kanya.
"Nananananananana...."
"Hey!" Hinabol ko sya hanggang sa nagkasabay na kami sa paglalakad.
"Haist. Hanggang kelan ka ba maglalakad ha?!"
"Nanananananana..."
"H-hey! Nakakapagod na ano ba?!"
"Bakit? Sinabi ko bang sundan mo ko?"
"Tsk..."
"..."
"San ba talaga tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Nakarating na kami sa isang mall malapit dito sa highway.
"Wala kang pakealam. Huwag mo nga akong sundan," sabi nya. Hindi ko siya pinansin. Nakasunod pa rin ako sa kanya at nagtingin-tingin sa paligid.
"Hmmm..."
"Come to think of it, ngayon lang pala ako nakapunta sa lugar na ito. Masyado kasi akong busy sa trabaho."
"Ang sabihin mo, wala ka talagang kwentang tao."
"What did y-
"WOW! ANG GANDA!" sabi nya.
"Hm? What's this?"
"Ayan oh di ka ba marunong magbasa? QUANTUM! Weeee tara!" Dali-dali siyang pumasok sa loob at mukhang tuwang-tuwa sya sa mga nakikita niya.
"Tss Ano ka? Bata? This place is just for kiddos."
"Ang ganda kaya! Weeeeeee..."
"Whatever."
Pumunta siya sa may counter.
"Pano po ba ko makakapaglaro rito? Weeeeee..."
"Miss, kelangan nyo pong bumili ng tokens para makapaglaro dito. May pera po ba kayo?" tanong ng isang lalake doon.
"Ha? Ganun ba? Sayang naman, wala akong pera eh." sabi nya.
"How much?" tanong ko sa kanya.
"10 pesos per token," sagot ng lalaki.
"Oh..." Binigyan ko sya ng 1000.
"Woah. Ok sir. Here are your tokens. 100 po lahat yan."
"Ok na ba to?" tanong ko kay Michaela.
"Wow akin na akin na hehehehe..."
"Tss"
Tuwang-tuwa niyang kinuha ang mga tokens sa akin at kung saan-saan na siya nagpunta: sa iba't-ibang arcade games, sa dance revo, sa basketball, etc etc etc etc.
"Laban tayo ng air hockey!" sabi nya sakin.
"Don't wanna. Maghanap ka na lang ng ibang kalaro," sabi ko.
"Dali na!"
"Its not my thing, you know. At isa pa, yuck. Pambata lang yun."
"Arte mo ha. Psh."
"Hi miss. Gusto mo ba ng kalaro sa air hockey? You wanna play with me?" tanong ng isang lalaking bigla na lamang lumapit sa kanya.
"Sige ba, weeeeee!" tuwang-tuwang sabi ni Michaela. Good. Hindi na nya ako kukulitin. Naglaro na ang dalawa at mukha namang enjoy sya. Buti pa sya nag-eenjoy, samantalang ako, nabobore lang dito. Mayamaya pa ay biglang nagring ang phone ko. Teka…sino kaya ‘tong tumatawag? Lumabas muna ako sandali para sagutin ang phone ko.
"Hello?"
"Mr. Williams! Hihihi," wika ng boses sa kabilang linya. Si Miko.
"What do you want?" tanong ko. Istorbo.
"Mr. Williams, kumusta yung prototype na ginawa ko? Umayos ba?" tanong niya.
"H-huh?"
"Mr. Williams?"
"Ano eh. Nasira na."
"HUWAAAAT?! Bakit Mr. Williams!?" tanong niya.
"Eh pano, tss" Pano, inapak-apakan nung babaeng yun, kung hindi ba naman siya "AAAARGH!" Naalala ko na naman sabay padyak. Nakakainit tuloy ng ulo.
"Mr. Williams?"
"Dinispose ko na. Wala namang kwenta ang invention mo Miko! Sa susunod, wag ka nang gagawa ng ganung klaseng prototype, kung hindi lagot ka sakin!" sabi ko sa kanya. Mayamaya pa ay tinanaw ko ng tingin si Michaela. Huh...asan na yung babaeng yun?
Dali-dali akong nagpalibot-libot sa mall at hindi mapakali. Sigurado akong kinidnap na siya ng lalaking yun! Asar...nagpunta ako sa ground floor at tiningnan ang bawat taong nagsisidaanan. Teka...diba may kasamang lalaki ang babaeng yun kanina..? Hindi kaya...wag naman sana. s**t.