(CARE'S POV)
"Ang daming tao, nakakainis..."
"Sandali lang! Bitawan mo ko...Care!" may narinig akong sumisigaw sa di kalayuan.
"Huh?" tumingin ako sa labas. "Michaela..." May nakita akong babae...may humihila sa kanya papalayo. Hindi ko masyadong nasulyapan kung si Michaela nga ba ito dahil tanging ang buhok nya lamang ang nakita ko. But...she's Michaela! I'm sure of it! Malakas ang kutob ko na siya nga iyon. "Sinasabi ko na nga ba. Tsk." Lumabas ako ng mall at sinundan ko sila.
"Bitiwan mo ko! Bitiwan mo ko!" pagpupumiglas ni Michaela.
"Wag kang maingay!"
"Kyaaaaaa! Tulong tulong!"
"Wag ka sabing maingay," sabi nung lalaki sabay takip sa bibig nya.
"Hmmmmfftt! Hmmmft!"
"Pare dito dali!" may isa pang lalaking lumapit sa kanila.
"Anak ng..." sinundan ko agad sila.
"Dito bilis!" may tumawag pang isang lalaki sa kanila. Nagpunta sila sa may eskinita sa di kalayuan. Nagtago muna ako sa may dingding para hindi nila ako mapansin. Naandito na kami ngayon sa isang vacant space sa may likurang parte ng building kung saan ang dilim-dilim at walang ibang tao bukod sa kanila. Mayroong anim na lalaking kasalukuyang nakapalibot sa kanya. Kasama sa mga kalalakihang iyon ang nakausap ni Michaela kanina sa Quantum.
"Wag nyo kong sasaktan...pakiusap..." Takot na takot na sambit ni Michaela.
"Hehehe, paano ba yan magandang binibini, mukhang isa itong masuwerteng araw para sa amin ngayon," sabi ng isang lalaki.
"Oo nga. Buti na lamang at bopols ang boyfriend mo. Akalain mo yun, basta ka na lang niya iniwan at ipinagkatiwala sakin! Hahaha," wika ng lalaking kasama niya kanina. Wait. Did I hear something insulting?
"Bopols pala ang boyfriend mo eh! Hahahaha," wika ng isa pa.
"..."
"Bopols pala ha...tingnan natin mamaya kung sinong magmumukhang bopols sa gagawin ko sa inyo..."
"Pasalamat ka nga tsong sa kanya eh. Kung hindi dahil sa pagka-engot nya, hindi tayo makakalimot ng isang maganda at...seksing chicks na kagaya nito. Hehehe," wika ng isa pa habang tinitingnan si Michaela mula ulo hanggang paa.
"Kyaaaaa! Wag kang lalapit kung hinde sisigaw ako!" sabi ni Michaela.
"Kahit sumigaw ka miss, walang makakarinig sayo." Dahan-dahan siyang lumapit kay Michaela.
"Kyaaaa! CARE! TULUNGAN MO KO! TULUNGAN MO KOOOO!" sigaw ni Michaela.
"Diba sabi ko naman, wala ngang makakarinig sayo...hehehe..."
Napaurong si Michaela sa kinatatayuan nito.
"Ang bango ng buhok mo..." sabi nung lalaki sa likod nya. Napadikit sya sa katawan nito.
"Kyaaaaa! Huhuhuhu..." umiiyak na sya.
"Hahahahahaha..."
"CARE! TULONG! ANDITO AKO..." umiiyak nyang sigaw.
"Miss, wala ngang makakarinig-“
Hindi ko na matiis ang kaingayan ng mga gagong ‘to kaya inupakan ko agad ang lalaking yun na ubod ng daldal at pagkatapos ay natumba na sya agad sa isang suntok ko. Tsk. So weak.
"Argh..." ungot ng gagong lalaking yun habang nakahiga sa lupa at namimilipit sa sakit sa sikmura nya. Parang tuta lang. Hindi pala tuta. Ang pangit kasi.
"Pare may tao!" wika ng kasamahan nya.
"Hayun! Sugod!"
"Care..." sambit ni Michaela.
Sinubukan akong suntukin ng isang lalaking mukhang isang linggo nang hindi nag-aahit ng bigote pero nakaiwas ako. Sa halip, ako ang sumuntok sa mukha nya kaya na-out of balance sya.
"Arrhhh istorbo kang gago ka!" wika naman ng lalaking mukhang unggoy at nakapatilyo na kagaya ng kay FPJ pero di naman bagay sa pagmumukha nya. Bago pa sya makalapit sakin eh sinipa ko na agad ang tyan nya dahilan para mapalayo ko sya sakin.
"Aaaahhh..."
Pinagpatuloy ko lang ang pambubugbog sa kanila hanggang sa hindi na sila makabangon pa. Pinagtatadyakan at pinagsisipa ko sila sa pagkairita. Tsk. Mga walang kwenta pala ‘tong mga ‘to! Wait. May dalawa pang natitira.
"Tsk. Walang kwenta..." tumingin ako sa kanila. "Four down. Two to go..." sabi ko sa dalawang natitira.
"P-pare takbo!" sabi ng isa sa dalawa.
"Huh...sandali lang!" sabi naman nung pangalawa at pagkatapos ay tumakas na sila. Halos madapa pa nga sila sa sobrang takot sakin.
"Tsk. Puro salita lang pala kayo eh. Mga bopols! Yayabang nyo!" sigaw ko. Yung tatlong lalaki namimilipit parin sa sakit habang nakahandusay sa sahig. Yung isa ata wala nang malay.
"Care..." bigla akong tinawag ni Michaela kaya napatingin ako sa kanya. "Huhuhu...buti dumating ka..." Umiiyak na sambit nya.
"Tsk. Bayad na ko sa utang ko ah." sabi ko.
"H-huh..? Anong utang..." tanong nya.
"Tsk. Yung kanina! Sa meeting!"
"H-ha? S-sige..." sabi ni Michaela. I smirked. Good. Ayoko ng may utang eh.
"Tara na," Naglakad na ako papalayo habang nakapamulsa ang dalawa kong kamay. Hinayaan ko na lang yung mga nakahandusay na mga lampang gagong naandoon. Pasalamat nga sila hindi ko sila pinuruhan eh.
"Care."
"Hm?” nagulat ako nang bigla nya kong niyakap sa likuran ko.
"Waaaa...salamat..."
"Tss" I smiled.
I went to a 24-hour shop and buy some drinks. Buti naman at mayroon silang itinitindang ganitong inumin. After that, lumabas na ako ng lugar na iyon at nagtungo sa isang bridge kung saan naroroon si Michaela. I think she's spacing out. Sa bagay, tamang tama ang lugar na iyon para sa kanya dahil maganda ang view na makikita roon at sariwa pa ang hangin.
" Oh." inabot ko sa kanya yung binili ko.
"H-huh?" napatingin sya sa hawak ko.
"Oh..." sabi ko.
"Salamat..." tinanggap na niya ito at ininom. "Mmm...sarap..." sabi nya. Ininom ko na rin yung akin.
"Sinabi mo pa. Favorite ko to eh." sabi ko.
"..."
"Mabait ka rin pala paminsan-minsan ano?" sabi niya.
"Tss. Bakit? Ano bang akala mo sakin? Demonyo? Hahaha..."
"Medyo."
"What did you say?!"
"Wala! Hehehe..." sabi nya.
"Tsk. Naaawa rin naman kasi ako sa mga engot na katulad mo noh," I uttered.
"Anong sabi mo?"
"Wala..." sabi ko sabay inom ng chuckie.
"..."
"Tell me...bakit ka nagpunta dito sa planeta namin?" I asked her.
"Ba't mo tinatanong?"
"Curious lang..." sabi ko sabay inom.
"Hinahanap ko kasi...ang tunay kong pag-ibig." sabi nya.
"What?"
"Sabi ko hinahanap ko ang tunay kong pag-ibig."
"Hahaha."
"Anong nakakatawa?"
Nasamid pa nga ako habang napapatawa sa joke nya. Pagkatapos nun ay tumingin na ako sa kanya. "Seriously?" tanong ko.
"Hmft. Bakit ka tumatawa?! Ano bang masama roon ha?!"
"Kalokohan yang pinagsasasabi mo. Sino naman ang engot na lalayas sa planeta nya para maghanap ng tunay na pag-ibig? Hahaha..."
"Ang yabang mo talaga! Nakakaasar ka! Ano bang alam ng isang lalaking katulad mo sa sinasabi ko? Hay. Nag-aaksaya lang ako ng oras sa pakikipag-usap sayo. Dyan ka na nga!"
"Hahaha huy eto naman pikon agad!"
"Hmft!"
"Sandali lang..." sabi ko sa kanya.
"Hm?" Napatigil siya sa paglalakad.
"Naniniwala ka ba talaga sa pinagsasasabi mo?" tanong ko.
"Hm? Oo naman! May tunay na pag-ibig! At nandito ako ngayon sa planeta nyo para makita ko yung lalaking para saken."
"Kalokohan. Para ka talagang bata." naglakad na ko papunta sa kanya. "Walang tunay na pag-ibig. Pag mayaman ka, dun ka lang kikilalanin ng lahat."
"Ano bang sinasabi mo?!"
"Nevermind. Hindi mo rin naman maiintindihan ang sinasabi ko."
"Merong tunay na pag-ibig!"
"Hindi mo ba alam na pera lang ang pinahahalagahan ng mga tao?"
"Hindi totoo yan."
“The very thing that people care about the most is money. Maraming tao ang nagiging tanga lang dahil akala nila may nagmamahal at nagpapahalaga sa kanila. Pero sa huli malalaman lang nila na wala naman pala silang kwenta para sa mga taong yun. Ginagamit lang nila ang iba para mas lumaki pa ang pera nila, mas sumikat, mas makilala, mas yumaman. Wala silang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao."
"Akala mo ba, wala nang hihigit pa sa pera?! Pwes, nagkakamali ka! Maraming mas mahalagang bagay kaysa sa pera. Bakit Care, hindi mo ba pinahahalagahan ang pamilya mo?! Ang mga kaibigan mo?!" tanong niya sa akin.
"Tss" I smirked.
"Wala akong kaibigan. Wala akong pamilya."
(PRINCESS MICHAELA'S POV)
Anong ibig sabihin ng lalaking iyon, na wala siyang kaibigan at pamilya? Hindi ba't may ama at ina siya? Hindi ba't may pinsan siya? Hmmm...nakita ko kung gaano kalungkot ang mga mata niya nung sinabi niya iyon. Ano ba talaga ang ibig niyang sabihin? Hay...napapaisip talaga ako sa katauhan ni Care...
"KYAAAAAAAAAAAA!" sigaw ng mga kababaihang estudyante ng Williams Academy.
"Hay anu ba yun? Ang lakas makasigaw ng mga babaeng yun ah. Ano bang meron?" bulong ko sa sarili ko. Nananahimik kaya ako dito sa may bench!
"KYAAAAAA!"
"Hmmm...ano ba talagang meron sa banda roon ng eskwelahan at ang dami-daming tao?"
"KYAAAAAAA!"
Mayamaya, biglang nahawi ang daanan at may naglagay ng isang red carpet. Biglang dumaan si Care sa gitna ng maraming tao.
"Huh? Si Care?" hindi makapaniwalang sambit ko nang makita ko sya. Naandito ako ngayon sa loob ng Williams Academy, ang paaralang pagmamay-ari ni Care Williams, isang anak ng mayaman at anak rin ng may-ari ng Williams Corporation. Napakayaman na niya sa edad na labing-anim. Ganun pa man, mukha pa rin siyang pera. Sobrang sikat pala nya rito noh?! Para kasi syang prinsipe kung ituring ng mga tao. Ang totoo nyan, hindi nya alam na naandito ako ngayon at nagmamasid sa kanya. Natapos na rin ang kaguluhang iyon sa wakas at nagtungo na sa silid-aralan sina Care.
"Hmmm...kung di ako nagkakamali, dito ang classroom ni Care. Hmmm...masilip nga," sabi ko habang nakasilip sa may pintuan.
"Kyaaa! Prince Care, ang gwapo-gwapo mo talaga!" wika ng isa sa mga babaeng pinagkakaguluhan siya sa loob.
"Prince Care, kelan ka ba makikipagdate sakin?" wika ng isa pa.
"Kyaaa! Prince Care, I love you na! Kyaaa!" wika ng pangatlo. Marami pa sila kaya hindi ko na iisa-isahin.
"Could you please get lost?! Umalis nga kayo sa harapan ko! Nasu-suffocate ako sa inyo! Bakit ba kasi kayo lapit ng lapit?!" sigaw nito.
"Hay. Sinasabi ko na nga ba. Wala talaga syang kwenta...." bulong ko. Isa syang HALIMAW na mukhang pera na nagtatago lamang sa katawan ng isang prinsipe.
"Sino ka?" wika ng isang lalaking may suot-suot na malaking salamin at kaharap ko ngayon.
"KYAAAA!" sigaw ko. Napatindig ako ng ayos, nakayuko kasi ako kanina. "H-ha?! Hehe," kinakabahan kong tugon sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinilabutan nang makita ko sya. Mukha syang nerd. Maliit, nakasuot ng isang malaking salamin at may supsup-supsop na malaking lollipop. May hawak-hawak pa syang butiki na nakatusok sa isang stick. Kaawa-awang butiki, mukhang nakaranas ito ng matinding hinagpis bago ito malagutan ng hininga. Tapos may suot siyang headband sa ulo na mukhang antenna. Ang weirdo nya. Mayamaya pa ay biglang tumunog at umilaw ng paulit-ulit at head band nya. Teka, anong meron? Ang weird nya talaga.
"Hm? Umiilaw ang headband ko, hihihihi. Binibini, may tinatago ka ba dyang gamit mula sa outerspace? Hihihi." tanong nya.
"H-huh?" napatingin ako sa kwintas ko. Siguro eto ang tinutukoy nya.
"Hmmm..." Bigla siyang lumapit sa akin kaya napaurong ako, dahilan upang ma-expose ang sarili ko sa mga estudyante sa loob ng silid. "KYAAAA..." sabi ko. Bigla namang lumakas ang tunog na nanggagaling sa headband.
"Lumalakas ang ilaw!" sabi ng nerd.
"Huh..." Napatingin ako sa likuran ko at napansin ko si Care.
"Huh..." mukhang napansin na rin ako ni Care. "WAAAAA! Anong ginagawa mo rito?!" gulat na gulat na sabi nya.
"Ah eh ano kasi..."
Bigla syang lumapit sa amin na para bang nag-teleport sa kabilisan at hinarangan agad ang nerd na iyon gamit ang kanyang kamay na nakasandal sa dingding at nakapamagitan sa aming dalawa.
"WHAT ARE YOU DOIN' HERE?! Diba sabi ko wag kang pupunta rito?!" pagulat niyang tanong na may halong pagkainis at pagpapanick.
"Mr. Williams!" sigaw ng lalaking may antenna sa ulo.
"Huh..." natakot si Care.
"Mr. Williams?"
"B-b-bakit?" tanong ni Care.
"Hihihi. Alien ba yang nasa likod mo?" wika ng lalaking iyon na parang kumikinang ang mga mata sa kasiyahan.
"H-huh..." may pagkatakot na sambit ko. Paano nya nalaman?!
"What?!" sagot ni Care. "How dare you say that to my girlfriend!" pagpapatuloy nito.
"..." Nanahimik ang buong klase at nagsitinginan ang mga kababaihan sa akin...isang tingin na nagbibigay sa akin ng pakiramdam na gusto nila akong kainin ng buhay.
"GIRLFRIEND...MAY GIRLFRIEND NA SI PRINCE CARE?!" sabi nila.
"Kyaaaa..." sabi ko. Natatakot ako...
"GIRLFRIEND NI PRINCE CARE ANG BABAENG YAN?!"
"Kyaaaa..."
"You heard me right. Everyone, I would like to introduce to you my girlfriend, Ms. Michaela Nijenhuiso. I want you to be kind to her, or else hindi na kayo makakapasok pa sa school na 'to at tatanggalin ko ang lahat ng privileges ninyo bilang isang estudyante." pormal wika ni Care sa buong klase.
"..."
"Hello Michaela...nice to meet you! Hehehe..." sabi nila. Bigla namang nagngitian silang lahat sa akin at nawala ang aurang nakakatakot.
"Huh?" sabi ko.
"There. Maupo ka na rito sa loob. May pupuntahan tayo after class," wika niya.
"Psh. Parang kang batas kung magsalita ah. Palaging boses mo lamang ang nasusunod!" sabi ko.
"Bakit, me problema ba?" tanong ni Care. Nanahimik na naman ang buong klase at nagsitinginan ang mga kababaihan sa akin...waaa papatayin nila ako papatayin nila ako!
"Wala wala hehehe...hay nako..." sabi ko. Nakakapanlambot...
Lumipas ang mga oras at sa wakas ay natapos na ang klase ni Care. Sabi nya sakin may pupuntahan daw kami.
"San ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang sinusundan ko sya papalabas ng school. Oo, isa na akong sunud-sunuran ngayon. Isang prinsesang inalipin...huhuhu...
"We're attending a business meeting," sagot niya habang patuloy na naglalakad.
"Business meeting na naman? Hindi ka ba marunong mapagod?"
"Walang dapat na sinasayang na oras. Bawat oras ay mahalaga," sabi nya.
"Hay nako...iniisip ko pa lamang ang mga ginagawa mo napapagod na ako. Papasok sa skul sa umaga, aattend ng business meeting sa gabi, nag-aasikaso ng mga dapat asikasuhin sa eskwelahan kahit sabado at linggo. Me ginagawa ka pa bukod dun?"
"Ilan lang yun sa mga bagay na ginagawa ko..." sabi nya.
"Eeeeehhh?!"
Sumakay na kami sa kotse niya at nagtungo sa isang mamahaling restaurant upang makipagkita sa mga taong kakausapin namin.
"Hm?" Pagpasok na pagpasok pa lamang namin ay napansin ko agad ang isang lalaki at isang babae.
"Hon, they're finally here..." sabi nung babae. Siguro nasa mga 40+ na ang edad nila base sa kanilang anyo. Lumapit si Care sa kanila at nakipagkamay sa mga ito.
"Mr. and Mrs. Williams, nice to see you." bati ni Care.
"Congratulations anak!" niyakap sya nung babae.
"Huh..." nagulat si Care.
"I heard from your father that you made the deal yesterday! I am so proud of you," wika nito.
"Thanks...mom," nahihiyang sagot ni Care.
"Thanks to the girl who's with him. Kung wala ang babaeng iyon, sigurado akong pumalpak na naman ang batang yan," wika ng lalaki. Siguro siya ang ama nitong halimaw.
Biglang naging malungkot at seryoso si Care. "Mabuti naman at dinala mo sya ngayon dito. Come, take a seat," wika ng ama ni Care sa akin.
"Ah...ok po..." sabi ko. Naupo na kaming dalawa at nakipag-usap sa kanila.
"By the way, I'm Mr. Williams, the owner of Williams Corporation. I would like to congratulate you for what you did yesterday. Anyway, ngayon lang kita nakita sa company ko. Newly hired employee ka lang ba? Care, ikaw ba ang nag-hire sa kanya?" tanong ni Mr. Williams kay Care.
"No. I didn't hire her." sagot ni Care sa ama.
"So, sino ang nag-hire sayo ija? Mukhang marami ka nang experience sa larangang ito ng trabaho. Pwede ko bang malaman ang background mo at kung saan ka pa nakapagtrabaho aside from our company?" tanong ng ama ni Care.
"Ah eh...ano po kasi...hehe..." Napangiti na lamang ako sa kanya. Kinakabahan ako...hindi ko kasi alam kung anong dapat kong sabihin.
"Dad...she haven't work for any company. She is not working for anyone." nagbuntong hininga ito. "To tell you the truth, I brought her here because I would like to personally tell you that I have a girlfriend right now...and that's her." wika ni Care.
"What..?" Nagulat ang mag-asawa sa sinabi ni Care. Biglang napatayo ang ama ni Care.
"What is this suppose to mean?! Ano na naman bang kalokohan ang pinagsasasabi mo, Care Williams?!" galit na galit na sambit ng ama ni Care.
"Tss. I just want to tell you...that you..." malamig na sabi ni Care at pagkatapos ay seryoso nyang tiningnan ang kanyang ama, "don't have the right to control my life." pagpapatuloy nito.
"Marunong ka nang sumagot ngayon. Hindi ba't nasabi ko na sayo na magpapakasal kayo ni Ms. Kikunae?! Are you trying to do some rebellion, SON?! Kinakalaban mo na ako? Kung ganoon, sinasabi ko na sa iyo ngayon pa lamang na tumigil ka na sa kalokohan mo! Stop acting like a brat!"
"Hindi ba't nasabi ko na rin sayo na ayokong magpakasal sa kanya? Kung gusto mo talaga ang babaeng iyon, edi ikaw na lang ang magpakasal." sagot ni Care.
"Wala ka talagang kwentang anak. Wala kang utang na loob. Bastos!" sambit ng ama ni Care sabay sampal dito.
"Tss..." ngumiti pa rin si Care at nilabanan ng tingin ang ama.
"Kung bastos man ako, yun ay dahil sa palaging pambabastos mo sa akin. Well, thanks for the dinner. I really enjoyed it." Tumayo na si Care at inayos ang sarili. "I really enjoyed this night, mom...dad..." pagpapatuloy nito habang sarcastic na nakangiti sa kanyang ama. Pagkatapos ay naglakad na ito papalabas.
"Care sandali lang!" Tumayo na ako at dali-daling sumunod sa kanya habang naglalakad siya.
(CARE'S POV)
I am lying on my bed, sleeping. Tss. Sino bang niloloko ko? Hindi ako makatulog, masama kasi ang pakiramdam ko. Galit ako kay Dad, kay Mr. Williams rather. Tss. He doesn't deserve to be called "Dad." Kay Mom? Tss. Wala naman yung pakealam sakin. Plastic. Ni hindi nya nga ako pinagtatanggol sa tuwing binabastos ako ni Mr. Williams. But to think that she's proud of me? It made me happy even for a while. Pero binabawi ko na pala. I'm not happy at all. Hindi naman nga kasi ako ang may kagagawan kung bakit ko naiclose yung deal. Si Michaela.
"Psh. Saka lang sila lumalapit sakin sa tuwing may nagagawa akong maganda...I hate them." Bulong ko. Humilig na ako sa kama ko. Mayamaya pa ay may narinig akong isang mahinang boses. Parang boses ng kumakanta ang naririnig ko. Teka...saan nanggagaling ang tunog na 'yun? Nakakarelax pakinggan dahil napakalamig nito. Parang gumagaan ang pakiramdam ko...nawawala lahat ng sama ng loob ko…
hanggang sa...makatulog na ako.
♫Spend all your time waiting
for that second chance...
for a break that would make it okay
There's always some reason
To feel not good enough
And it's hard at the end of the day
I need some distraction...
Oh...beautiful release
Memory seep from my veins
Let me be empty...
Oh...and weightless and maybe
Find some peace tonight♫
♫In the arms of an angel
Far away from here
From this dark cold hotel room
And the endlessness that you feel
You are born from the wreckage
Of your silent reverie
In the arms of the angel
May you find...
some comfort here...♫