Chapter 6

3590 Words
Kinaumagahan, bigla na lang sumakit ang ulo ko dahil naman sa isang napakalakas at nakakairitang ingay na naririnig ko sa labas ng kwarto. Kabaligtaran na kabaligtaran ito ng napakagandang boses na narinig ko kagabi. Nakakasakit sa ulo! "OOOOOOOOOOOHHHHH..." "OOOOOOOOOOOHHHHH..." "OOOOOOOOOOOHHHHH..." "OOOOOOOOOOOHHHHH..." "Tsk…ano bang ingay yun?" napabangon ako sa kama sa inis. Psh, sarap na sarap ng tulog ko nabulyaso ng dahil dun! “Wait. Is somebody singing?" sabi ko sa sarili ko. "OOOOOOOOOOOHHHHH..." "OOOOOOOOOOOHHHHH..." Dali-dali akong tumayo ng bed at lumabas ng kwarto. "OOOOOOOOOOOHHHHH..." "OOOOOOOOOOOHHHHH..." Sinundan ko kung saan nanggagaling yung boses. "OOOOOOOOOOOHHHHH..." "OOOOOOOOOOOHHHHH..." "Grabe, ang lakas! Hindi na sya nahiya!" I covered my ears. "OOOOOOOOOOOHHHHH..." "OOOOOOOOOOOHHHHH..." "Hm?" I reached Michaela's door. Then, I opened it. "OOOOOOOOOOOHHHHH..." "OOOOOO- "STTTOOOPPP!" I shouted while tightly covering my ears. Michaela is the one producing that awful sound! It's really loud and irritating! She's singing beside the window of the mansion while passionately looking outside. "Hm?" lumingon sya sakin. "What the heck are you doing?!" tanong ko sa kanya. "Bulag ka ba? Hindi mo ba nakitang kumakanta ako? Ito ang kadalasan kong ginagawa sa planeta namin tuwing umaga. Ito ang awiting nagbibigay lakas sa mga Beata sa aming Kaharian. Boses ko ang nagsisilbing enerhiya at sigla na itinuturing nilang yaman. Boses ko ang dahilan kung bakit nagkakaroon sila ng panibagong pag-asa sa araw-araw na pamumuhay nila." "WHAT?!" hindi makapaniwalang sambit ko sa kanya. “That's stupid!" I continued while weirdly looking at her. "Anong sabi mo?!" "Stupid!" "Aaarggh...etong sayo!" Kumuha sya ng unan at binato ako sa mukha. "Ouch!" "Psh." "Batuhan pala ha..." kinuha ko yung flower vase sa tabi ko. "Teka Care ibabato mo ba yan?!" "OO! ETONG SAY- "KYAAAAA!" "COUZ! Anong kaguluhan na naman yan?" "Huh...INSAN!" bigla kong itinago yung flower vase sa likod ko. "Care..." Danica seriously looks at me. "WHAT?!" "Hindi ka na makatiis ano. Talaga bang ganyan ka kasabik sa girlfriend mo at agang-aga gusto mo na agad syang puntahan sa kwarto nya? Hmm...kaw talaga..." she continued. "WHAT?! What the heck are you talking about?! I just came here because I'm getting irritated with her noise!" I defended. Psh. Nakakainis. Pampasigla daw ang boses nya?! Hindi yun pampasigla, pampasira yun ng araw! Bad trip. Hanggang sa school dala-dala ko pa rin ang pagka-annoy ko sa mga nangyari kanina. Sheesh...I'm so stressed. I need some refreshments... "Prince Care, you want chuckie?" tanong ng mga classmates kong babae na lumapit sakin. "Great. Thanks." Kinuha ko na yung hawak nung isa at ininom ito. "Mmm...sarap..." "KYAAA! Ang cute mo talaga Prince Care!" sigawan nila habang nagsisikinangan ang mga matang nakatitig sakin. Mayamaya pa ay inilabas na nila ang mga camera nila at kinuhanan ako ng pictures. Ang weird talaga ng mga babae. Hindi ko sila maintindihan. "Mmm..." while drinking, napasulyap ako kay Michaela. She's sitting somewhere on the side and it seems that she's in a bad mood. As if I care anyway. "Class, today we're very honored to welcome new students to this school. They came from Japan and they are really excited to enter Williams Academy," sabi nung Instructor. "Teka... sinong bagong students? Bakit wala akong alam tungkol dito?" Tumayo ako mula sa upuan at nagsalita sa buong klase. "Ah...Mr. Williams...ano kasi," kinakabahang sambit niya. "Binabastos mo ba ako? Ako ang may-ari ng school, bakit di ko alam?" tanong ko sa kanya. "Ano po kasi...its not my decision...it's your father's," sabi nya. "What?! Si Williams ang may pakana nito?! Pati ba school ko pinapakelaman na nya ngayon?! Tsk..." sabi ko. Mayamaya, pumasok ang dalawang bagong estudyante na lalong ikinagulat ko. "Ohayōgozaimasu. I'm Moe Kikunae, I hope that I'm going to meet new friends here. Nice to meet you," wika ni Moe. (Ohayōgozaimasu = Good morning) "Kon'nichiwa. I'm Todd Kikunae, Moe's twin brother. Looking forward to have a great day with you girls," wika ng lalaking kasama niya. Pagkatapos nun ay kumindat siya. (Kon'nichiwa = Hi) "KYAAAAAA! ANG CUUTE NYAAAA!" Nagtilian ang mga kaklase ko. "WAIT. Anong ginagawa nyo dito? What is going on?" tanong ko. "Dito na kami papasok ng kapatid ko simula ngayon. Hi Mr. Williams!" sabi ni Moe. Ibig sabihin ba nito...magiging classmate ko na si Moe?! "No way..." bulong ko sa sarili. "Hindi ba sya yung babaeng anak nung sikat na scientist? Si Mr. Kikunae?" bulong ng mga kaklase ko. "Oo. Sya nga...at ang balita ko girl, sya daw yung fiance ni Prince Care!" wika ng isa pa. "What? E diba may girlfriend si Prince Care?" "Yun nga ang pinagtataka ko girl eh..." "Girl...infairness, ang gwapo ng kapatid nya noh." "Oo nga girl. KYAAA! Girl! Hindi gwapo. SUPER DUPER GWAPO!" at pagkatapos nun ay pinagpantasyahan na nila ang lalaking yun. Tss. "Hm?" I take a glimpse of Michaela. Mukhang pati sya nahulog ang loob dun sa playboy. Kumikinang rin kasi ang mga mata nya at nagbu-blush sya habang nakatingin sa lalaking yun. Natapos na ang first period. Wala na akong magagawa. Si WILLIAMS na pala ang nag-enroll sa kanilang dalawa. Sigurado akong may binabalak na namang masama ang matandang yun. Huh! Akala nya makokontrol nya ang buhay ko. Hindi ako papayag na matupad...kung ano mang gusto nyang mangyari! I'm not a puppet anymore! "Hi Care. How's your day?" bati ni Moe sakin. Pagkatapos ay naupo sa may desk sa tabi ko. Dun sa mismong pinagsusulatan kapag naka-upo sa armchair. "Worst," I answered. "Oh. I'm sorry to hear that. But...aren't you happy to see me? Actually, I'm really excited to see you again since yesterday." “I'm sorry, but I don't feel the same. Honestly, I was shocked when I see you. At nagdala ka pa ng kadugo mo." pagkasabi ko nun ay tumayo na ako. Baka lalo lang akong mainis kapag nagpatuloy pa ako sa pakikipag-usap sa kanya. "Yeah right. He's my fraternal twin. Hindi kami magkamukha pero kambal kami." "Psh. Hindi nga kayo magkamukha. Pero sa palagay ko, pareho kayong nakakairita." Napatawa sya sa sinabi ko. "You know what?" she asks. Then she seriously looks at me. "I like that attitude." "Tss." Napatingin ako kay Michaela. Hanggang ngayon titingin-tingin pa rin sya kay Todd Kikunae. "Hi girls..." wika ni Todd habang nakikipag-flirt ito sa mga babae. "KYAAAAAA!" sigawan ng mga babae. Nahihiya pa ngang lumapit si Michaela. Tss. "Oh. Look at that. Mukhang interested ang girlfriend mo sa kapatid ko ah," she utters. "Tss. Whatever." Lumabas na ko. (TODD'S POV) Second day of school namin ni Moe dito sa Williams Academy kahit na matagal nang nagsimula ang classes. Malakas kasi ang impluwensya ni papa. Anyway, papa ko si Mr. Kikunae, yung sikat na scientist na nagtatrabaho sa Williams Corporation. Since malaki ang natutulong ni Papa sa company, madali nya kaming napapasok ni Moe sa school na to. Ang school na to raw kasi ang isa sa pinakamayamang school sa pilipinas na pagmamay-ari ng anak ng Presidente. Pero la naman akong pakialam kahit saan pa ako pumasok. Yung kambal ko kasi, gustung-gustong pumasok dito. Pati tuloy ako nadamay. Hay...okay lang. Marami namang magagandang babae rito eh. Hehehe... "WHEN WILL YOU STOP PRODUCING THAT AWFUL NOISE IN THE MORNING?!" narinig kong sabi ng isang lalaki sa di kalayuan. "Hm?" Sumilip ako sa may corridor at may nakita kong isang lalaki at isang babaeng naglalakad. "Pangalawang araw nang nasisira ang araw ko dahil sayo! Palagi na lang akong nagigising ng wala sa oras because of that noise pollution coming from your room!" wika ni Care. "Sa susunod, gawin mong sound proof ang kwarto mo kung ayaw mo talagang marinig ang maganda kong boses," wika nung babae. "Hmmm...pwede..." sabi ko. Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. "Hmmm...katamtaman ang haba ng buhok, has fair complexion, at higit sa lahat, maganda ang figure...maliban sa boobs.” Sabi ko habang tinitingnan ang boobs nya na maliit. “Thirty-four A… " bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang boobs nya. "Tsuin, ohayō." (Twin, goodmorning.) "Waaa!" "Oh. Anong nangyari sayo?" "Tsk. Ikaw kasi ginulat mo ko!" sabi ko. "Bakit ano bang tinitingnan mo dyan?" "H-ha? W-wala wala halika na nga rito alam mo namiss kita..." sabi ko sabay akap sa kanya. "Hwag mo nga kong yakapin psh..." iwas nya sakin. "Bakit...di mo ba namimiss ang napakagwapo mong kapatid? Mmmmppfft..." sabi ko sabay pakyut kay utol. "Pakyut ka pa! Halika nga..." sabi nya sabay kapit sa braso ko. "Sabi ko na nga ba eh. Wala talagang nakakaresist sa charm ko..." sabi ko. "Hahaha ewan ko sayo bro..." sabi ni utol. Nagpunta na kaming dalawa ni Moe sa may corridor malapit sa classroom at nag-usap. Ang totoo kasi, bihira lang kami magkasama ni Moe kaya saka lang kami nagkikita kapag nasa school kami. Meron akong sariling apartment samantalang sya naman ay kasama nina mama at papa. Busy sya sa trabaho sa Williams Corporation samantalang ako naman ay busy sa pag-eenjoy ng buhay ko, hehehe... "How's your day?" tanong nya sakin. "Watashi wa genki ni yatte imasu. Ikaw Moe, kumusta na kayo?" (Translation: I'm doing good.) "Ayos lang naman. Eto, busy," sagot nya. "Haay..." tumingin sya sa view sa labas. "Tol..." "Hm?" "Narinig ko na nakipag-deal na si papa kay Mr. Willams na magpapakasal kayong dalawa ng anak nya, totoo ba yun?" sabi ko. "Hai." Humarap sya sakin. (Yes.) "So...kumusta ka naman? Ok lang sayo?" tanong ko. "Hmmm...hai." sabi nya sabay ngiti. "Hm? Mukhang...type mo ang lalaking yun ah." nasabi ko na lang. "Oo. Gusto ko sya. Gusto ko ang ugali nya. I find him challenging and rare," nakangiti nyang sabi. "Ikaw Todd, what can you say about him?" "Hmmm. Kung ako ang tatanungin mo, I don't like him. Pero kung gusto mo sya, wala na akong magagawa dun. Teka lang. Pano ang girlfriend nya?" may pagtataka kong tanong sa kanya. "Hm? Wala akong pakealam sa girlfriend nya." sabi ni Moe. "Ganun ba? Edi akin na lang?" sabi ko. "Sou ka. So, you like his girlfriend?" (Sou ka = I see) "Hm? Yeah..I wouldn't mind making her my girl...besides, she's not bad at all." sabi ko sa kanya. "Wala rin naman akong pakialam kung sino mang babae ang mapalapit sakin." I said while smiling. "That's good." Tumango-tango ang kapatid ko. Napatingin ako sa isang dako at napansin ko yung girlfriend ni Care. "Tol...dyan ka muna ah...may pupuntahan lang ako..." sabi ko kay utol. "Hm? Sige..." Naglakad ako papalapit sa kanya. "Hi...Michaela, right?" I said again while smiling. Pang-akit sa babae. "Huh? A-ano...ah...hello...hehehe..." Mukhang nagulat sya at nag-blush nang makita nya ako. Hmmm…mukhang hindi ako mahihirapan sa isang ‘to ah. "So...you're Michaela?" "H-ha? Ah! Oo! Ako si Michaela...Michaela Nijenhuiso. Kinagagalak kitang makilala," tumayo sya sa harapan ko at nagbigay pugay sakin sa pamamagitan ng paghawak sa palda nya at pag-bow. "Weird." "Ha?" "Wala. Sou ka! Nice name. Ako naman si Todd Kikunae. Amarini mo anata ni aete ureshī," pagkasabi ko nun ay hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan ito. (Translation: "I'm glad to meet you too.") "Kyaaaaa..." mukhang lalo syang namula sa ginawa ko. "Kilala na kita. Hindi ba't ikaw ang kapatid ni Moe?" sabi nya. "Hai. So...can I sit beside you?" tanong ko. "H-ha? A-ano...hindi kasi ako dito nakaupo..." "Hm?" "Dun ako nakaupo sa tabi ni Care..." pagkasabi nya nun ay itinuro nya ang seat nya, the one beside that busy guy. Ang busy busy nya na hindi na nya namamalayan na may dumidiskarte na pala sa girlfriend nya. Umupo na ako sa tabi ni Michaela. "So, bakit ka nakaupo rito? LQ ba kayo?" tanong ko sa kanya. "H-ha? A-ano kasi...parang ganun na nga...palagi nya kasing sinasabing pangit ang boses ko. Hmpft!" Ngumiti ako. "He's wrong. Sa unang tingin ko pa lang sayo...alam ko nang maganda ang boses mo." "T-talaga?" bigla syang nahiya sa akin at pasimpleng ngumiti. "Nga pala...hindi mo naitatanong, I'm a singer too. Gusto sana kitang iinvite sa mini-concert ko. Bago pa lamang kasi ang band namin kaya di pa gaanong kasikat, pasensya ka na," sabi ko sa kanya. "T-talaga?! Singer ka? Ang galing naman. Pareho pa tayong magaling kumanta," natutuwang sabi nya. "So, you're going?" "Magpapaalam muna ako sa halima- este kay Care. Sa tingin ko kasi, hindi nya ako papayagan. Ano sa tingin mo?" "Sa tingin ko...tayong dalawa ang itinadhana para sa isa't-isa." sabi ko sa kanya. Pagkasabi ko nun ay tinitigan ko sya. Pagkatapos, dahan-dahan kong hinaplos ang pisngi nya. "A-ano bang pinagsasasabi mo dyan?!" gulat na gulat na tanong nya. Iniiwas nya ang mukha nya sa pagkakahawak ko. Pero halata namang nag-blush sya sa sinabi ko. Hehehe. "Hahaha! Biro lang." I leaned my head against my arms. "Ang sakin lang naman, kung ako ang nasa katayuan ng lalaking yun, hindi ko iinsultuhin ang girlfriend ko kahit na anong mangyari. Sisiguraduhin kong araw-araw ay nakangiti sya kapag kasama nya ako." "Hmpft." bigla syang naging masungit. "Uy, anong problema? Ba't ka nagalit?" tanong ko sa kanya. "Ano ba kasing kailangan mo?" "Ahm...may hihingin lang sana akong pabor sayo," sabi ko sa kanya. "Ano iyon?" "Pwede bang...ako na lamang ang maging boyfriend mo?" "Niloloko mo na naman ba ako?!" "Chill...hindi ah!" pagpipigil ko sa kanya. "I'm serious here...Michaela," sabi ko. My eyes show some sincerity while looking at her. "P-pero...may b-boyfriend na ako Todd." "Hindi ka mahal ng boyfriend mo, Michaela." "P-pero- "T-teka...a-anong ginagawa mo?!" gulat na gulat niyang tanong sa akin. Niyakap ko kasi sya agad. Yan ang damoves! "Sssshh...wag kang maingay...just look at your boyfriend," mahinahong sabi ko sa kanya. "Huh..." Sinunod naman niya ang sinabi ko. Lumingon siya kay Care. Mayamaya, napalingon si Care sa aming dalawa. Matapos nyang tumingin sa amin ay lumingon na ulit siya sa nerd na kausap nya kanina pa at nagpatuloy lang sa ginagawa nya. Then, inalis ko na ang pagkakaakap ko kay Michaela. "See?" sabi ko sa kanya. "Parang wala lang nakita ang lalaking yun. Hindi ba sya nagseselos? Sabi nila, kapag hindi raw nagseselos ang isang tao, wala syang pakialam sayo." "..." Mukhang nagalit si Michaela at natahimik. Pagkatapos ay dahan dahan syang tumayo at lumapit kay Care. "Ano bang ginagawa nyo dyan ha?" tanong ni Michaela kay Care. "Ssssh shut up we're focusing here..." seryosong sambit ni Care habang nakatingin sa mga papeles nya. "Ganon ha...akin na nga yan..." sabi ni Michaela. Kinuha nya ang mga papel. "AAAAAHHHH!" pinagsisira nya ito. "Hey! What are you doing?!" sigaw ni Care. "Eto ang mga papel mo! Oh! Iyo na! Isaksak mo dyan sa baga mo!" binato na nya si Care ng mga papel na sinira nya. "Yan ang bagay sayo! Imbecielo! Nakakainis ka talaga!" (Imbecielo=Moron) "Ano bang problema mo?! Hindi mo ba alam na busy ako?! I need to finish this as soon as possible tapos sinira mo pa!" wika ni Care na napatayo na sa inis. Michaela smirks. "Wala naman akong problema. Trip ko lang kasi na sirain yang mga documents mo. Pakialam mo ba?" "What?!" "Hmpft. Dyan ka na nga!" Tinalikuran na siya ni Michaela at pagkatapos ay naupo na sya sa tabi ko. "Woah..." hindi ako makapaniwala sa eksenang nakita ko. Ang weird talaga ng dalawang ‘to. Mag-jowa ba talaga ‘tong mga ‘to? Parang hindi eh. (PRINCESS MICHAELA'S POV) "Damn it damn it damn it!" wika ni Care habang sinisipa niya ang isang makinang inimbento ni Miko. Nasa loob sya ngayon ng kwarto nya at nag-aalburoto. Inis na inis siya at hindi mapakali habang paikut-ikot na naglalakad. Sa bagay, palagi naman syang ganyan, bakit ko ba pinapaliwanag pa? Pagkatapos niyang maglakad ng maglakad doon ay hanggang ngayon ay naglalakad pa rin sya. Kaya naman may ikukwento muna ako sa inyo bago ko sya kausapin. Okay! Makinig kayong lahat sa ikukwento ng napakaganda at napaka-mukhang dyosang prinsesa. Alam nyo ba...mukhang natagpuan ko na... Ang tunay kong pag-ibig. Ang tunay kong pag-ibig sa katauhan ni Todd Kikunae. Sabi ko sa sarili ko, wala nang gwapong mabait sa mundong ito. Meron pa pala, nung nakita ko sya. Sa isang sulyap pa lamang ng aking mga mata, napansin ko kaagad ang kanyang kagwapuhan sa unang beses ng aming pagkikita. Pangalawang araw ng pagpasok nya sa eskwelahan, mas napansin ko kung gaano sya kagwapo at ang gwapo gwapo nya. Nang lumapit sya sa akin at nakipagkilala, nalaglag ang ano ko. Ang panga ko. Hindi kasi ako makapaniwala na maginoo pala sya. Akala ko puro malahalimaw ang mga ugali ng lahat ng mga lalaki rito eh. Pero suma tutal, isa lang ang masasabi ko: sya na! Sya na talaga! Bagay kami! Kami ang magkakatuluyan sa bandang huli! Sya ang magiging prinsipe ng buhay ko at ako ang magiging prinsesa ng buhay nya. Pagkatapos nun, dadalhin ko na sya sa planeta namin! Hahaha! Gusto ko sya! KYAAAA! Kinikilig akooooo! At dun natatapos ang kwento ko. Pero matapos ang mahabang oras ng paglilibot ng halimaw na si Care sa loob ng kwarto nya ay hindi na rin ako nakapaghintay at pumasok na ako. Mukha kasing wala syang balak tumigil. Psh. Pumasok ako sa kwarto nya. Paglingon niya sa akin, nagandahan sya. Hahaha! Joke. "WHAT DO YOU WANT?!" iritadong tanong nya sa akin. "Inimbitahan ako kahapon ni Todd Kikunae sa isang mini-concert kung saan siya ang vocalist. Gusto kong manood," sabi ko. "Whatev- wait. NO WAY!" sabi nya sakin. "Huh?! Bakit ayaw mo kong payagan?! tanong ko. "Tss. Masyado na atang sinuswerte ang Todd na yun," sabi nya. "Hmmm..." lumapit ako sa kanya. "Hindi kaya...nagseselos ang isang bata dyan?" pang-aasar ko sa kanya. Baka nga! Baka tama ang hinala ko. Hmm...wala talagang nakakatakas sa alindog ko. Hahahaha! "Think what you want to think. Basta hindi ako papayag. Teka..." Parang may biglang pumasok sa isipan niya. "Hm?" Humarap sya sa akin. "I have an idea. Why don't we have a deal? If you do what I want, then I would let you do what you want," sabi nya. "A-ah...g-ganun. Sige. Ano ba iyon?" tanong ko. "You make this earthquake analyzer work. Kanina ko pa kasing pinipilit ayusin kaya lang ayaw talagang gumana," sabi nya habang itinuturo ang makinang pinagsisisipa niya kanina. "After that, I would let you go out with that Japanese guy." "Ah...okay yun lang naman pala ang gusto mo. Akala ko pa naman..." "Ano?" "Wala. Sige dyan ka na." sabi ko sabay walk out. Nagtungo na kami sa Williams Academy. Dumiretso na muna ako sa laboratory para ayusin ang prototype ni Care. "Okey! Sisimulan ko nang ayusin to! Ito lamang pala ang gusto ng halimaw na yun. Isasaksak ko to sa baga nya pagkatapos kong ayusin. Ahahahahaha!" sabi ko. Habang inaayos ko ang prototype...nakasimangot ang beauty ko. Alam nyo kung bakit... Alam nyo kasi medyo naiinis din ako eeeh. Una, bakit ba hindi sya naaakit sakin eh ako na ang pinakamaganda sa lahat ng pinakamagagandang babae rito sa planetang to?! Pangalawa, bakit sya ganyan kung umasta sakin eh girlfriend nya ako?! Kahit hindi yun totoo, hindi sya dapat ganun sa mga babae! Hay...pangatlo, wala ba talaga syang pakialam kahit na may makasama akong ibang lalaki?! Hindi talaga sya marunong umaktong boyfriend kahit kunwari lang. Imbecielo talaga sya! Psh. "Asa pa naman ako na naakit din sya sakin. Eh walang utak na halimaw naman yan eeeeeh hindi nakakaintindi ng maganda at pangit..." bulong ko sa sarili ko. "AAAARRRGGHH! Kalma lang Michaela. Kalma lang baka magka-wrinkles." sabi ko habang hawak-hawak ang mukha ko. "Inhale...exhale...banatin ang balat sa mukha..." sabi ko habang minamassage ang mukha ko. Grabe nababaliw na ba ko? Kinakausap ko na sarili ko eh. "Hay- "Hmmm...wag dyan Honey nakikiliti ako..." wika ng isang tinig ng babae na naririnig ko mula sa labas. "Hm? Ano yun?" sabi ko. "Hmmm..." ungol naman ng isang boses ng lalaki. "Hehehe. Masarap ba, baby?" sabi ng lalaki. "Oo...ang tamis mo talaga, honey..." "Waaaa. Anong ginagawa nila?!" nacucurious na tanong ko sa sarili ko. Dahan-dahan akong lumabas ng laboratory upang masaksihan ko talaga kung ang tunay na nangyayari. Pagtingin ko sa labas, wala akong nakitang kahit na sino. "Hi Michaela." "Ay baby!" Nagulat ako dahil may tao pala sa likod ko. Si Todd Kikunae. "Kumain ka na ba, Michaela?" tanong niya sa akin. "H-ha? H-hindi pa," sabi ko habang napapatingin sa labi nya. Ang pula kase. Parang nalahiran ito ng lipstick sa pagkapula. "Teka, bakit parang ang pula ng labi mo?" tanong ko. "Gusto mong...tikman ang labi ko?" "Hay ano ba yang sinasabi mo?! Psh. Pinaglololoko mo na naman ako!" "Hahaha tara kain tayo." wika ni Todd. Hinawakan niya ang aking kamay at hinila na ako palayo. "H-ha? P-pero...may ginagawa pa ako sa lab..." "Mamaya na yan. Alam kong gutom ka na. Ililibre kita ng lunch." Wala na rin akong nagawa kaya sumama na lamang ako sa kanya. Nagpunta kami sa canteen at naupo sa may table roon. Umalis muna si Todd sandali dahil sya daw ang bibili ng pagkain para sa aming dalawa. Pagbalik niya, may dala-dala na siyang 2 fries at 2 spaghetti. "Wait. May ketchup sa may labi mo," wika ni Todd habang inilalapit niya ang kanyang mukha sa akin. "H-huh?" sabi ko. Pagkatapos noon ay pinunasan niya ang labi ko gamit ang daliri nya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa ginagawa nya. "T-teka lang...h-hindi pa naman tayo ku-kumakain ah." kinakabahang sabi ko sa kanya. Bigla syang napatingin sa mga mata ko... "Haha. Joke! Gusto ko lang mahaplos ang mukha mo..." sambit niya. Eto na naman. Lalong bumibilis ang t***k ng puso ko! "Kyaaaa! Bakit ka ba ganyan?!" sabi ko. "Hey!" sigaw ng isang lalaki sa may di kalayuan. Pamilyar ang boses na iyon. Lumingon ako sa may likuran at nakita kong may isang lalaking papalapit sa aming dalawa. Si Care. Mukhang galit na galit siya. Pagkalapit na pagkalapit nya samin ay bigla niyang sinuntok si Todd kaya natumba ito sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD