Chapter 7

4045 Words
(PRINCESS MICHAELA'S POV) "Aw..." sabi ni Todd. "DAMN IT! WHY ARE YOU KISSING MY GIRLFRIEND?!" pasigaw na tanong nito kay Todd. Teka. ANO RAW?! KISSING MY GIRLFRIEND?! K-KISSING..? "CARE, NAGKAKAMALI KA! HINDI NYA AKO HINAHAL- "Shut up YOU w***e!" sigaw nito sa akin. "Huh...a-anong sabi mo..." Pagkasabi niya noon ay nilingon niya si Todd na kasalukuyang pinupunasan ang dugong lumabas mula sa pumutok nitong labi habang nakasalampak pa rin sa sahig. "IF YOU'RE GOING TO DO THIS AGAIN, MAKE SURE NOT TO DO THIS IN PUBLIC!" sabi nya kay Todd. "Let's go!" sabi ni Care sakin. "T-teka lang- Hinila na niya ako ng walang pakundangan palabas ng canteen. Hindi ko pa rin masagap lahat ng pinagsasabi niya kanina sa akin at kay Todd. Nasasaktan ako. Nasasaktan ang pagkatao ko ganun na rin ang braso ko na basta na lamang niya mahila na para ba akong isang aso. "Care...nasasaktan ako! Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" pagpupumiglas ko sa kanya. Nakalabas na kami ngayon ng canteen at nasa may parte na kami ng school kung saan wala nang tao at malaya na kaming makakapag-usap na dalawa. "YOU! BAKIT BA ANG LANDI-LANDI MO?!" sigaw nya sa akin. "Tumigil ka nga Care! Wala kaming ginagawang masama! Hindi kami naghahalikan!" "Anong hindi?! Kitang-kita kong naghahalikan kayo kaya wag ka nang magdeny!" "Sinabi nang hindi! Pinupunasan nya lamang ang mukha ko ano ba?! Sa tingin mo ba ay basta basta na lamang ako makikipaghalikan sa isang lalaking kakikilala ko pa lang?! Mag-isip ka nga! At isa pa, kung nagseselos ka kapag nagkakausap kaming dalawa, dapat sinabi mo na agad para naman umiwas na ako sa kanya! Madali naman akong kausap!" "I'm not jealous. I just don't want you to show off some public display of affection with some other guy inside this school. You can flirt whenever you want but not in public! Baka mahalata ng mga taong wala akong pakialam sayo at masira pa ang plano ko!" sabi nya. Sa sobrang sama ng loob ko ay nasampal ko ang pisngi nya nang di nya inaasahan. "Huh..." "..." "Kanina mo pa akong iniinsulto at binabastos ngunit hindi ko na kaya pang pakinggan ang mga sinasabi mo..." May mga luha nang pumatak sa aking mga mata. "..." "Ano ba ako sayo?! Bakit kung magsalita ka...parang wala lang ako? Ni walang katiting na respeto ka sa akin. Para bang isa lamang akong nilalang na hindi dapat bigyan ng halaga. Parang wala tayong pinagsamahan kung magsalita ka..." sabi ko habang umiiyak. "..." "Ganyan ka ba talaga Care? Ganyan ba talaga kakitid ang utak mo? Para sa kaalaman mo, nirerespeto ko ang relasyon natin kahit hindi naman ito totoo dahil kaibigan kita. Kahit na palagi tayong nag-aaway, kahit na malahalimaw ang ugali mo, naging parte ka na ng buhay ko. Mahalaga ka na sakin." nanginginig na ang braso ko sa kakaiyak at patuloy ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata. Tiningnan ko si Care. Nakatungo lamang siya sa may kabilang dako at hindi man lamang nagsasalita kaya pinagpatuloy ko lamang ang mga gusto kong sabihin sa kanya. "Pero bakit ganito...parang...parang...hhhh....hindi mo ko kilala kung magsalita ka? Parang wala tayong pinagsamahan? Parang hindi ako karesperespeto kung tratuhin mo. Hindi naman ako basura! Nakakaramdam din ako! Marunong din akong masaktan sa mga pinagsasasabi mo sakin! Ang sakit lang...o baka naman talagang ganyan ka? Pero kahit na...kung ganyan nga talaga ang personalidad mo, hindi ko ata kaya...ang mga pang-iinsulto mo..." pagkasabi ko sa kanya noon ay nagtatakbo na ako papalayo. (CARE'S POV) Nag-away na naman kami ni Michaela, and this time, it's really serious. Masama na ata ang loob sa akin ng babaeng iyon. Kahapon pa kami hindi nag-iimikan, at mukhang ang seryoso nya parati. Ayoko namang lumapit sa kanya. Tss. Basta ayoko. Ano naman ang sasabihin ko? Hindi naman ako marunong makibagbati...at saka baka lalo lang syang magalit sa akin kapag kinausap ko sya. Argh nakakainis! Teka. Bakit ba ako naiinis? Sino ba sya para kainisan ko? Sino ba sya para bigyan ko ng special na attention? "Para sa kaalaman mo, nirerespeto ko ang relasyon natin kahit hindi naman ito totoo dahil kaibigan kita..." iyon ang mga sinabi nya sa akin dati...naalala ko na naman. Teka...k-kaibigan daw nya a-ako..? M-mahalaga ba ako sa kanya? Tss. Di bale na nga. Ayoko nang pakaisipin pa ang bagay na iyon. Kung galit man sya sakin, problema na niya iyon! "Ohayoo!" pambungad ni Todd nang pumasok siya sa silid-aralan. Nakangiti siya at feel na feel niya na welcome na welcome siya dito. Tss. "KYAAAAA! OHAYOO!" bati ng mga classmates kong babae. "Ano daw? OHAYO? ANO BANG IBIG SABIHIN NUN... OHAYO SILA NG OHAYO DI NAMAN NILA ALAM ANG SINASABI NG HAPON NA YUN." bulong ko sa sarili ko. Maya-maya ay pumasok na rin sa loob ng classroom si Michaela. "Huh..." napatingin ako sa kanya. "Huh..." Napatingin din sya sakin. "..." "..." "MICHAELA, OHAYOO!" bati ni Todd sa kanya. "Ahm...ohayoo..." mahinang sambit ni Michaela. Pagkatapos noon ay dahan-dahan na siyang naglakad papalapit sa akin at naupo sa tabi ko. Seatmates kasi kami kaya wala syang ibang choice kundi ang tumabi sa akin. Asar lang...bakit ba ganito ang nararamdaman ko?! Hindi ako mapakali. Tss. "Ang Libra ay isa sa mga constellations ng zodiac. It is fairly faint, with no first magnitude stars, and lies between Virgo to the west and Scorpius to the east," wika ng professor namin habang nagtuturo ito tungkol sa mga constellations. Nasa loob pa rin kami ng classroom pero pakiramdam mo ay nasa loob ka na ng isang planetarium dahil buong paligid mo ay napapaligiran ng iba't ibang stars at iba pang mga bagay na matatagpuan sa kalawakan. Kahanga-hangang tingnan ang mga bagay na ito. Parang magic. Sa may bandang unahan naman ay makikita mo ang illustration ng constellation ng Libra. Maraming stars ang nagdurugtong at nagbibigay hugis rito na para bang isang "balance" or "weighing scale" kung titingnan mong mabuti. "Libra has been associated with law, fairness and civility. Isa itong simbolo na nagpapakita na ang bawat bagay sa mundo ay may balanse. May opposition, ika nga. Kung may mabubuting bagay, mayroon ding masasama." wika ni Professor. "Kung may magaganda, mayroon ding mga pangit." wika naman ng isa kong kaklase. "Hahahahahaha..." nagtawanan sila. "Tss." "Kung may masasayang bagay, mayroon ding malulungkot. Kung may maayos, mayroon ding magulo." pagpapatuloy ng professor namin. Napalingon naman ako kay Michaela. Magulo...magulo ang ugnayan namin ngayon. Anyway, palagi namang magulo ang ugnayan namin dahil palagi kaming nag-aaway! Pero, iba na ngayon...hindi na kami nag-aaway. Pero hindi naman kami nag-iimikan! Psh. Para sakin mas magulo yun! Hindi ko kasi maintindihan kung ano ba talaga sya para sa akin. "Kaibigan kita..." naaalala ko na naman ang mga sinabi nya. K-kaibigan? Ano ba ang ibig sabihin ng salitang 'kaibigan?' Sa talambuhay ko, wala akong naging kaibigan. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ng pagkakaroon ng bagay na iyon. Marami naman akong nakakausap at nakakasama, but it always involves money. Kaibigan na ba ang maituturing ko sa mga taong iyon? "What's your problem Michaela? You know what, I can't understand you at all! Ano bang gusto mong mangyari, ha! Explain! You don't want money? Tell me, what do you want?!" iyon ang mga sinabi ko noon nung tinulungan niya akong mai-close ang deal tungkol sa prototype na ipinresent ko sa company. "I don't want anything!" wika ni Michaela. She doesn't want anything. She doesn't want money at all. And yet, she's telling me that she's a friend. "Kaibigan kita..." Brssshh..naguguluhan na talaga ako! "Hi, Care. Wanna join me for lunch?" tanong sa akin ni Moe habang sumasabay sya sa akin sa paglalakad patungong library. Right. I'm walking towards the library now. Sigurado naman akong doon ko matatagpuan ang weirdong nerd na yun. May kailangan pa kasi akong ipagawa sa kanya about my business. Hindi ko na pinansin si Moe at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. "You know what? My father and I are planning to set-up a new business here in the Philippines. Gusto sana naming makipag-cooperate ang company niyo rito, if that's okay with you." wika ni Moe. "Tell that to Mr. Williams, not to ME." sagot ko sa kanya habang diretso lamang sa paglalakad. "He's your father, right? Mas maganda kung sayo mismo manggagaling ang bagay na iyon dahil sigurado akong mas makukumbinsi mo sya." wika niya. I smirked. "Now we're talking about business. Anyway Ms. Kikune, are you sure of that? FYI, I never convinced my father. Tss. Baka ikaw pa ang makagawa ng mga bagay na iyon. Favorite ka naman niya, diba?" seryosong sabi ko sa kanya. "Oh really. Hindi ko alam ang bagay na iyon. Palagi ba nya akong kinukwento sayo, Mr. Williams?" tanong niya sa akin. Tss. Bakit ba kasi kaapelyido ko pa ang matandang yun?! Naaalala ko lamang ang pangit nyang pagmumukha kapag naririnig ko ang apelyido ko! "Hm? Teka...si Michaela yun ah..." napansin ko si Michaela sa may labas ng school, doon sa may garden. Nakatambay sya ngayon roon at may kasama siyang lalaki. Si Todd Kikunae. Masaya silang nag-uusap ng lalaking iyon. Moe smirks. "Tingnan mo nga naman. What a nice view," sambit nito. "Hindi ba't bagay na bagay silang dalawa? What do you think?" tanong sa akin ni Moe. "Tss. Eh ano naman kung bagay sila? Does it have anything to do with me?" sabi ko sabay alis. "Hm? Diba girlfriend mo sya?" sabi ni Moe. "Ha?" Oo nga pala... "Ehem. Oo girlfriend ko sya! Hahahaha!" "So, bakit wala kang pakialam?" "A-ano...m-may tiwala ako sa girlfriend ko kaya naman wala akong pakialam kung ano mang gusto nyang gawin. Tsk." pagkasabi ko nun ay umalis na ko. Yayks! Muntik ko nang makalimutan! Buti nakalusot, wew. Natapos na ang maghapon at wala namang nangyaring maganda kaya umuwi na lamang ako sa bahay. Ano pa ba ang aasahan sa aming dalawa ni Michaela. Tss. Kanina magkatabi nga kami sa loob ng kotse habang yung driver ko naman ay nasa unahan, pero para namang walang tao sa kotse dahil ang tahi-tahimik. Isang metro nga ang agwat namin sa isa't-isa tapos dun lang ako nakatingin sa kaliwang bintana. Haist. Muntik na akong magka-stiff neck! This day sucks. "Mr. Williams dumating po ang mama at papa ninyo." REALLY SUCKS. Bumaba na kami ng sasakyan at iyon agad ang ipinambungad sa akin ng maid. What the heck are they doing here?! Sira na nga ang araw ko pati ba naman gabi masisira na din ng dahil sa kanila?! I don't wanna see them! Kung pwede nga lang magkaroon ng batas para sa family separation, matagal na akong nagsampa ng kaso laban sa kanila! Eh kaso, divorce lang ang meron ngayon. Paano ba mapapaghiwalay ang anak sa mga magulang?! NAKAKAINIS BAKIT WALANG BATAS NA GANUN?! Pumasok na kami sa loob ng mansion at tahimik na nagdiretsyo sa living room. Naandoon daw kasi ang mga magulang ko. "Oh son, I miss you so much!" wika ni mommy nang makita nya ako. "Mom." "Payakap nga sa aking baby boy! Hmmm..." sabi nya habang niyayakap ako. Sheesh, whatever. "Oh ija, naandito ka pala. Ang ganda-ganda mo talaga ija! Payakap nga si mommy!" wika ni mommy at pagkatapos ay niyakap nito si Michaela. "Ah eh...hehehe...good evening po Tita..." sabi ni Michaela. "Nasan si Danica?" tanong ko sa kanila. "Ahm..may trabaho kasi sya ngayon kaya hindi natin sya makakasamang mag-dinner. Halika na anak, kain na tayo." wika ni mommy. Buti naman at wala sya. Kung naandito ang babaeng iyon sigurado akong isa rin sya sa mangsesermon sa akin ngayong gabi. Daig pa nun ang mommy ko kung mangsermon. "Com'on, let's eat," wika ni MR. WILLIAMS. At dahil isa syang boss, naupo na lamang kaming lahat sa harap ng hapagkainan at nagsimula nang kumain. Habang kumakain kami ay napatingin na naman ako kay Michaela. Napatingin din sya sakin. "Hmft!" "Tsk!" Makakain na nga lang! Sungit ng babaeng to. Bahala sya sa buhay nya! "By the way, kaya kami nagpunta dito ng dad mo...gusto lang naming mas makilala ang girlfriend mo anak..." pagpapatuloy ni mommy. "Sabi ko na nga ba eh. I-iinterrogate nyo si Michaela." "Care anak...syempre naman no...gusto naming makilala yung girlfriend ng anak namin...diba hon?" sabi ni mom kay dad. Hindi nagsalita si dad. Diretsyuhin ko na lamang kaya ang mga to? Sasabihin ko lang naman na she's an alien from a very far away planet called I-don't-care-whatever-the-name-is and she's here because of the most stupid reason that I've ever heard in my whole life. Gusto nyang makatagpo ng tunay na pag-ibig! Maniwala kaya sila? "So, Michaela. You're real name is Michaela Nijenhuiso, right? Well I guess, hindi ka pure Filipino...or maybe you're not a Filipino at all. Are you from some other country? Saudi Arabia, perhaps?" tanong ni mommy. Tama ka. Hindi nga sya Filipino. Ni hindi nga sya tao. And she's from outer space. "A-ano po..hindi po ako Filipino...ano po...isa po akong.." paudlot-udlot na sambit ni Michaela. Mukhang hindi nya alam ang isasagot nya. Akala ko ba matalino sya? O baka naman ayaw na nyang magsinungaling? "Isa po akong...aaaa...eee...- "Mom, she's not a Filipino. She's Korean." sabi ko. Ako na ang sumagot para sa kanya. Tss. "Oh really. But why is your surname like that? It sounds Arabic." wika ni mommy. "Nagpapalit lang sya ng surname, mom. The truth is, mahilig lang talaga sya sa mga weird na surnames." palusot ko. Mukha kasing hindi na masasagot ni Michaela ang tanong na iyon. Kinakabahan na kasi sya. Psh. Mas magaling pala ako sa kanya pagdating sa mga ganitong bagay. "Ah opo hehehe...tama po sya..." Ngumiti na lamang si Michaela sa kanila. "I see." wika ni mommy at pagkatapos ay nagpatuloy na sya sa pagkain. Phew. "How about your parents? Saan sila nagtatrabaho?" tanong ni dad. "H-ha? A-ano po...si Inang Rey-" "Her mom and dad are currently owning a company somewhere in the US." sabi ko para mapigilan sya sa pagsasalita. "What company?" follow-up question ni dad. “A-ahm...SQUIDWARD Company." Sabi ko. Teka. San ko naman kaya nakuha yung SQUIDWARD? "Hahaha..." sabi ni mom. "What's funny?" tanong ko. "Wala anak. Naalala ko lang yung favorite mong cartoons nung bata ka. Hahaha...diba favorite mo yung Spongebob Squarepants nung baby ka pa? Oh the memories...ija kung alam mo lang...ang kuliiit kulit ni Care nung baby pa sya. Palagi nga syang nahuhulog sa kama eh." "Mom!" "Hehehe...hayaan mo na. Magiging future daughter-in-law ko naman si Michaela eh. Right ija?" "Ah...hehehe..." Napangiti si Michaela. "SQUIDWARD? I've never heard of that company before," wika ni dad. "Yeah right. Katatayo pa lamang kasi ng company nila ngayong taon. Hindi pa sila gaanong kilala. Maybe you would like to support them? Baka makatulong rin ito sa pag-unlad ng company natin. What do you think dad?" sabi ko. "Nevermind that. Hindi ako basta-basta magbibigay ng support sa isang company na hindi pa naman nasusubukan at kasisimula pa lamang. Mahirap na, baka malugi lang ang company natin." sabi nya. I smirked. "I know right." sabi ko. "Hm?" "Dad...kilala na kita. Alam ko namang iyan ang sasabihin mo. Kaya mas mabuti kung ititigil nyo na rin ang kalokohang ito." "Care...anak..." "Mom, alam ko na ang pakay nyo. Tinitingnan nyo kung may mapapala kayo kapag si Michaela ang pinakasalan ko. Huh! Everything is always for the sake of the company. ALWAYS FOR THE SAKE OF THE COMPANY." sabi ko. "Mr. Kikunae is currently holding a huge business right now. Nanghihinayang talaga ako sayo, Care. Sigurado akong mas maganda ang magiging future mo kung magkakatuluyan kayong dalawa ng anak nya!" wika ni MR. WILLIAMS. "Nagsisimula ka na naman. Isiningit mo na naman ang pangalan matandang hukluban na iyon at ang favorite daughter-in-law mo!" sabi ko. "Iniisip ko lang ang kinabukasan mo!" "Future ko ba talaga ang iniisip mo, o future ng company mo?" tanong ko sa kanya. "Anak..." Biglang natigilan si mommy. "Are you starting this trouble again, SON?!" tanong ni dad. "Nope. I didn't start it. You're the one who started it." sagot ko sa kanya. "Care..." sambit ni Michaela. "Tsk. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Masisira na naman ang gabi ko." tumayo na ako. "San ka pupunta anak..." tanong ni mom. "Nawalan na ako ng ganang kumain." "Hey! Huwag mo akong tatalikuran. Hindi pa tayo tapos mag-usap Care Williams!" wika niya. "SHUT UP! AYOKO NANG MAKIPAG-USAP PA SA INYO, MR. WILLIAMS. PWEDE NA KAYONG UMALIS." sabi ko sa kanila. "Watch your tongue CARE WILLIAMS! Kelan ka ba matututong rumespeto sa mga magulang mo?!" tanong ni dad. (PRINCESS MICHAELA'S POV) "SHUT UP! AYOKO NANG MAKIPAG-USAP PA SA INYO, MR. WILLIAMS. PWEDE NA KAYONG UMALIS." wika ni Care sa kanyang ama. "Watch your tongue CARE WILLIAMS! Kelan ka ba matututong rumespeto sa mga magulang mo?!" tanong ni MR. WILLIAMS. "Kyaaaa..." Nakakatakot sya. Ramdam na ramdam ko na lahat kami dito ay may tensyong nararamdaman dahil sa mga nangyayari... "Charles, tama na!" napatayo na si Mrs. Williams. Napansin ko naman ang pagngisi ni Care. "Tumahimik ka! Hindi mo ba nakikita kung gaano kabastos ang anak mo?!" wika ni Mr. Williams at pagkatapos ay tiningnan niya ng masama si Care. "Don't complain dad. Dapat mong tanggapin ang katotohanan na sa iyo ako nanggaling. Kung ano ang puno, ganun rin ang bunga." wika ni Care. "YOU…” hindi na nakapagpigil pa ang ama ni Care kaya bigla nyang sinuntok si Care sa mukha na naging dahilan para matumba si Care sa sahig. “Kyaaa tama na po!" napatayo ako sa kinauupuan ko. Ano ba itong nangyayari?! "Aaaw..." "CARE!" sigaw ni Mrs. Williams at pagkatapos ay nagtatakbo ito patungo kay Care upang alalayan ito. "Anak ayos ka lang ba?!" "Tsk. GET OFF!" sigaw niya. Pinunasan ni Care ang dugong lumabas mula sa pumutok nitong labi. "Anak- "I SAID GET OFF!" "Care..." nasambit ko. Tumayo na ang mommy nya at lumayo sa kanya. "Anak..." "Umalis na kayo." Naglakad na si Care papalayo at umakyat na ng hagdan na hindi man lang lumilingon samin. "Huhuhu...anak ko..." umiyak na si Mrs. Williams. "Mrs. Williams..." sambit ko. Nilapitan ko ang lumuluhang si Mrs. Williams at kinomfort ito. "Huhuhuhu..." Humahagulhol talaga siya habang tinatakpan ng kanyang mga palad ang kanyang mukha. "Wag na po kayong umiyak...magiging maayos din ang lahat..." sabi ko. "DIANA. LET'S GO." wika ni Mr. Williams kay Mrs. Williams. "Pero ang anak natin..." "Pabayaan mo sya. Umalis na tayo. Matigas talaga ang ulo ng batang yan." "S-sige..." Mukhang siya talaga ang boses ng lahat. Kailangang masunod anuman ang sabihin niya. Nakikita ko sa mga mata ni Mrs. Williams ang takot at pag-aalala. Gusto man niyang manatili pa rito at kausapin pa ang kanyang anak ay wala siyang magawa kundi ang sumunod na lamang sa asawa nya. "Aalis na kami ija." pagpapaalam ni Mrs. Williams sakin. "S-sige po..." sabi ko. "Ah ija..." "Hm? Bakit po?" Hinawakan nya ang aking mga kamay. "Ija...ikaw na ang bahala sa anak ko. Please...huwag mo syang iiwan. Puntahan mo sya," wika ni Mrs. Williams habang umiiyak. Pagkatapos noon ay niyakap niya ako. "Mrs. Williams..." Ramdam na ramdam ko kung gaano niya kamahal ang anak niya sa paraan ng pagkakayakap niya sa akin. Naaawa ako sa kanya. Naaawa rin ako kay Care. Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon ay umalis na ang mag-asawa at naiwan na lamang kami ni Care rito sa loob ng malaking mansyon kasama ang iba pang tauhan ng bahay na ito. Ngayon ko lamang naramdaman ang lungkot na nakapalibot sa apat na sulok ng malaking mansyon. Napakalungkot. Bakit ba ganito ang pamilya nila? Ang gulo. Hindi ko akalain na mangyayari ang lahat ng ito ngayong gabi. Tiningnan ko ang buong paligid. Maganda man ito sa aking paningin ay ramdam na ramdam ng aking puso na wala itong laman. Walang laman na pagmamahal. Walang buhay. Mukhang hindi rin ako makakatagal sa bahay na ito kung ako lamang mag-isa ang naninirahan rito. Buti na lamang at naandito si Danica at si Care. Kung wala sila baka hindi na rin ako nakatiis sa pamamahay na ito. Sinabi sa akin ng isang katulong na bukas pa makakauwi si Danica galing sa trabaho kaya naman naisipan ko na puntahan si Care sa kwarto nya. Alam ko, nalulungkot sya. Gusto ko syang tulungan. Gusto ko syang maging masaya. Ako na lamang ang natitira sa kanya sa mga sandaling ito. Alam ko, kailangan nya ng isang taong masasandalan kaya handa akong gumawa ng hakbang para sa kanya. Nagtungo na ako sa kwarto nya at binuksan ang pinto. Ang dilim. Kasing dilim ng kalungkutang nararamdaman niya. Napatingin ako sa may bintana. Ang buwan ang tanging ilaw na nagbibigay liwanag sa kwarto ni Care. Nakita ko si Care na nakaupo lamang sa sahig at nakasandal sa kama sa harap ng bintana. Nakatalikod siya sa akin,nakatungo at parang umiiyak. Ganun pa man, pansin ko pa rin sa tikas ng kanyang katawan ang pagmamatigas ng loob at pagpipigil ng galit. Wala akong ingay na naririnig mula sa kanya. Ayaw niya siguro na makita ko na nakikita siyang nanghihina o lumuluha kaya tahimik lamang siya sa lugar na iyon. Dahan dahan akong naglakad patungo sa kinauupuan niya at tumigil malapit sa kanya. Nanatili pa rin siya sa kanyang pwesto at hindi man lamang siya tumingin sa akin. "Care..." "..." Umupo ako sa tabi niya at tiningnan ang mukha niya. "Umiiyak ka ba..?" tanong ko. "Tsk." Agad siyang umiwas ng tingin sa akin. "Umiiyak ka nga." "Shut up. Iiyakan ko yung matandang lalaking iyon? Just who does he think is he?" wika niya. "Psh. Tumatanggi ka pa, halata naman sa mukha mo na umiiyak ka. Kahit na madilim ang paligid ay pansin ko pa rin ang luha sa mukha mo dahil sa liwanag ng buwan." "Tsk. Hindi nga sabi ako umiiyak!" "Care, pwede ba. Yung totoo? Eh anu yang nasa mukha mo?" "Ha? Wala! Pawis lang to!" sabi nya habang pinupunasan ang mukha nya. "Hay ewan ko sayo!" "..." "Spend all your time waiting…for that second chance..." sabi ko habang kumakanta. Napatingin sakin si Care. Ipinagpatuloy ko lang ang pagkanta ko. "For a break that would make it okay. There's always some reason…to feel not good enough…and it's hard at the end of the day. I need some distraction..." "Huh...ang kantang yan..." sabi nya. ♫Oh...beautiful release Memory seep from my veins Let me be empty... Oh...and weightless and maybe Find some peace tonight♫ ♫In the arms of an angel Far away from here From this dark cold hotel room And the endlessness that you feel You are born from the wreckage Of your silent reverie In the arms of the angel May you find... some comfort here...♫ "Nakakapagpagaan ng damdamin ang pag-awit ng kantang yan." sabi ko. "Huh?" "Isa yan sa mga kapangyarihan ko. Nakakaimpluwensya ako ng damdamin ng isang tao sa pamamagitan ng aking pag-awit." sabi ko. "Kung ganun...ikaw rin pala yung narinig ko nung isang gabi...nung gabing ang sama sama rin ng pakiramdam ko...kaya pala familiar yung kanta." "Oo...ako nga. Hehehe...sinadya ko talaga yun dahil alam kong nalulungkot ka nung mga panahong yun." "..." "Pwede bang..." sabi ni Care. "Hm?" "Kantahan mo ko palagi tuwing gabi..?" tanong nya habang malungkot na nakatingin sa buwan. "Care...oo naman...walang problema." "..." "Ang buwan...nakikiramay ang liwanag na ibinibigay nito sayo. Nakikiramay ang buong paligid. Ang mga puno at hangin...napakalungkot nila." sabi ko. "Wala akong kaibigan. Wala akong pamilya." "Hindi totoo yan." "Hm?" "Pamilya mo sila. Kaibigan kita." sabi ko. "Huh..." "Walang magulang na hindi mahal ang kanilang anak, Care. Alam ko, sa puso ni Mr. Williams, ginagawa niya ang lahat para sa kinabukasan mo. Para sa ikabubuti mo. Iyon ang paraan ng pagmamahal niya sayo. Hindi nga lamang niya maintindihan ang ugali mo. Ang pagdaramdam mo sa kanya." sabi ko. "Hahahaha..." "Hm? Anong nakakatawa?" tanong ko. "Hahahaha...HAHAHAHAHA..." "Bakit ka ba tumatawa? Ano bang nakakatawa sa sinasabi ko?!" tanong ko sa kanya. "Kalokohan yang sinasabi mo. Hahaha…" "Care- "Hindi mo kilala si dad. Hindi mo alam kung anong kaya nyang gawin." sabi ni Care. "Ha? Anong ibig mong sabihin?" Tumayo na si Care. Naglakad na siya papalabas ng kwarto. "May pamilya ka Care. Sa ayaw at sa gusto mo, sila ang pamilya mo. At isa pa, nandito ako bilang kaibigan mo!" sabi ko sa kanya. "Hindi ko sila ituturing na pamilya kahit kelan. Pero panghahawakan ko ang huling sinabi mo." "Ha?" Naglakad na sya papalabas at binuksan ang pinto. "Michaela." "Ha? Bakit Care?" "Simula ngayong gabing ito, break na tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD