Chapter 8

3669 Words
(CARE'S POV) "Totoo ba?!" "Totoo nga!" "KYAAAAAA! Available na ulit si Prince Care! Wala nang asungot! Wala na syang girlfriend! Akin na sya! WAHAHAHAHA!" wika ng isa kong kaklase. "Anong iyo?! Akin sya! Ako lang ang may karapatan sa kanya noh!" wika ng isa ko pang kaklase. "Bakit?! Mas mayaman naman ako sayo ah! Mas bagay kami!" wika ng isa pa. At ano naman ang ibig nilang sabihin dun?! Sa kanila na daw ako?! Ang taas naman ng pangarap nila! Tss, mangarap na lamang sila ng gising! Wala na akong balak mag-girlfriend simula nang makipagbreak ako kay Michaela ano! Mali pala. Hindi ko naman talaga sya girlfriend. Wala pala akong balak mag-girlfriend kahit kailan! Kahit pa magunaw ang mundo! Kahit na lumuhod pa sa harapan ko si Moe! Alam ko kasi na kukulitin na naman ako ng babaeng yun lalo na't nawalan na ako ng girlfriend. Psh. Bahala na nga. Basta ayoko nang madamay pa dito si Michaela. Teka, kelan pa ako naging concerned sa ibang tao?! Nababaliw na ata ako. Tsk tsk tsk... "Magtigil ka nga! Akin sya! Akin!" "Akin!" "AKIN!" "Kyaaaa etong sayo!" at nag-away-away na silang lahat. Kagabi lang ako nakipag-break kay Michaela pero ngayon buong campus na ang may alam! Masyado na ba akong hot issue para pagkaguluhan nila? Tss. Sa bagay, ako ang may-ari ng school na ito kaya ano pa bang aasahan ko? Pero nakakainis lang ang ganitong buhay. Wala na ata akong maisisikreto sa kahit kanino. Ang tanging bagay lamang na maiisikreto ko ay ang pagiging alien ni Michaela. Teka, bakit ko naman iniisip ang babaeng yun?! Nababaliw na talaga ako! Arrghhh! Mayamaya, pumasok na sa loob ng classroom si Michaela. "..." Biglang nanahimik ang lahat. Para lang may dumaang anghel. Pagkatapos noon ay naupo lamang siya sa tabi ko. "Tss." Ako naman ay nakahalumbaba lamang at kunwari ay walang paki sa mga nangyayari sa paligid. "Girl...okay na kaya kung i-bully na natin si Michaela? Wala na sigurong masama kung gagawin natin iyon diba?" bulong ng isa kong kaklase sa kasama nya. "Tama. Pagkatapos noon ay patatalsikin na natin sya sa school na ito at ibabaon ng buhay sa ilalim ng lupa, ano sa palagay mo?" wika ng kasama niya. "Hmmmm..." Nagtinginan silang lahat kay Michaela at sa akin. "Hmmmm..." Palipat-lipat sila ng tingin sa aming dalawa na waring nakikiramdam sa kung ano ang magiging reaksyon ko. Magagalit ba ako? Sisigawan ko ba sila? Ipapagtanggol ko ba ang kaibigan ko? Ano bang dapat gawin? Tumayo na ako. "Waaa!" Natigilan silang lahat. Pagkatapos noon ay naglakad na ako papalabas ng classroom na parang wala lang akong narinig. Iyon ang pinakamagandang gawin sa tingin ko. Mayamaya pa ay may bumato ng notebook sa ulo ko. "..." "Who's that?!" sigaw ko sa kanilang lahat. "Waaaaa..." Nagulat at natakot sila. Nakakapagtaka naman. Kung takot sila, bakit nila ako babatuhin?! "Bingi ka ba o bingi ka lang talaga?" tanong ni Michaela na kalmado lamang na nakaupo sa upuan nya. Mukhang alam ko na kung sino ang gumawa nito. "Aaargh. Bakit mo ko binato?!" tanong ko kay Michaela. AKO, SI CARE WILLIAMS, AY BASTA BASTA NA LAMANG BABATUHIN NG NOTEBOOK?! Hindi ata kakayanin ng image ko ito. Hindi bagay sa katauhan ko na basta basta na lamang babatuhin ng notebook! "Bingi ka kase." "Hoy babae! Anong karapatan mong batuhin ako ng notebook! At ang lakas na ng loob mo ngayong kalabanin ako porke't magkaibigan na tayo!" "Ha? Ano nga ulit yung sinabi mo?" tanong ni Michaela. "Ang sabi ko, magka- WALA!" "May narinig ako eh." "WALA! HINDI AKO CONCERNED SAYO NO! I"M CARE WILLIAMS but I don't care about you!" Tumayo na si Michaela. Mukhang gusto nitong makipagdebate sakin ah. "Hoy lalake..." lumapit sya sakin. "Mag-usap nga tayo. Bakit-kyaaa!” napatili sya ganun din ang iba ko pang classmates nang may biglang nagpapaputok ng baril sa labas. "Kyaaaaa!" "Michaela!" agad kong niyakap si Michaela at nagpagulung-gulong kami sa sahig. Nabasag ang mga glass windows sa room namin. Mukhang may mga terroristang umaatake sa school ko. Ano bang klaseng security ang inilagay ko rito sa school na to?! Mga walang kwenta, sayang lang ang binabayad ko sa kanila. Tss. "AAAAAHHH!" pagpapanic ng mga tao sa loob habang patuloy na nagbibira ng mga bala ang armalight na hawak hawak ng isang babae. Nagsitakbuhan na papalabas ang mga classmates namin. "Kyaaaaa..." Kaming dalawa na lamang ni Michaela ang natira dito sa loob. "Tsk..." hanggang ngayon, nakaakap pa rin ako sa kanya at tinatakluban ang ulo nya. Aba! Baka kasi matamaan sya! Kailangang protektahan ang ulo dahil baka mawala ang katalinuhan nya at hindi ko na sya mapakinabangan. "HAHAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa ng babae na may hawak na malaking armalight. "HAHAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawa ito ng tawa at mukhang wala ito sa sarili. "TODD KIKUNAE! MAGPAKITA KA NA SA AKIN NGAYON DIN! HUWAG KA NANG MAGTAGO DAHIL KUNG MAGTATAGO KA MAN AY HUHUNTINGIN PA RIN KITA! HAHAHAHA! Wala kang takas sa kamandag ko!" sabi nung babae. Mukhang kilala nya si Todd Kikunae. "Tss. Gago yung lalakeng yun ah. Pati katarantaduhan nya dinadala nya sa school ko! Kailangan nyang magbayad ng damage of property!" sabi ko. "Aray..." sambit ni Michaela. "Ok ka lang?! May masakit ba?! May tama ka ba?!" bulong ko sa kanya. "Ang higpit ng yakap mo," sabi nya. "A-ah sorry..." napabitaw ako sa pagkakaakap. "Phew." Nag-init ang pakiramdam ko. "TODD KIKUNAE! YOHOOOO! WHERE ARE YOU TODD KIKUNAE! I LOVE YOU! MAGPAKITA KA NA!" pang-aakit nung babae. Baliw ata tong babaeng ito. Lagot na pag nakita kami nito, baka bigla na lamang kaming barilin. Tsk. Ok lang sana kung ako lamang ang naandito. Kayang-kaya kong pigilan to kaya lang kasama ko si Mic- "Mawalang galang lang. Hindi mo kailangang gumamit ng dahas para lamang makita si Todd Kikunae dahil hindi naman sya isang kriminal. At isa pa, bakit naman nya kailangang magtago sayo? May atraso ba sya sayo?" tanong ni Michaela sa kanya. AAAAHHHH! Ang babaeng ito talaga pahamak sa buhay! Para saan pa ang pagtatago ko dito kung yung itinatago ko naman ang kusang lumabas at nagpahamak sa sarili nya. Haist kung kelan kailangang mag-isip saka hindi ginamit ang utak! "Sino ka? Girlfriend ka rin ba ni Todd Kikunae? Papatayin ko ang lahat ng girlfriend ni Todd Kikunae, alam mo ba yon?" mahinahong sambit ng baliw sa babaeng kaharap nya ngayon. "Mawalang galang lang ulit. Paano mo naman nasabing girlfriend ako ni Todd Kikunae? Para sa kaalaman mo, kabebreak lang namin ni- "So hindi ka na pala nya girlfriend. You're now an ex-, just like me," wika ng baliw at pagkatapos ay tinutukan na nya ito ng baril. "Magsama-sama kayong lahat sa ilalim ng lupa! Papatayin ko kayo! Hahahahahahahaha!" sabi nya. "STOP!" sabi ko. Great. Sa akin naman napunta ang atensyon ngayon. Kasalanan ng alien na to eh. "Oh. And you are?" "I'm Care Wiiliams, the owner of this school." "So?" "So I'm ordering you to throw your gun and back off!" sabi ko. "You're cute. But I don't like you," sabi ng babae. "Mas gwapo pa rin si Todd Kikunae para sakin." "WHAT?! I strongly disagree! Mas gwapo ako dun ano!" "No! Todd Kikunae is so so so much hotter than you!" "Nagkakamali ka! Hoy Michaela, magsalita ka nga! Sinong mas gwapo samin ni Todd Kikunae?! Ako o sya?!" tanong ko kay Michaela. Teka. Bakit ito ang pinag-aawayan namin ngayon?! "H-ha?...ano...sino nga ba...pareho lang eh." sabi ni Michaela na kakamot kamot. "How dare you!" sabi ko. "Ne." (Hey) Bigla na lamang may dumaan sa may pinto at napansin kami. Si Todd Kikunae. "Aba! Buti naman at nagpakita ka na rin sa wakas!" sabi ko. "TODD! KYAAAAA!" sigaw nung baliw na babae at pagkatapos ay dalidali syang nagtatakbo kay Todd at niyakap ito. "I miss you SWEETIE!" sabi nung babae. "Sweetie..." pag-uulit ni Todd. Mukhang pinoprocess pa nya sa utak nya ang mga nangyayari. "Matsu. ANATA WA KOKO DE NANI O YATTE IRU?!" (Wait. WHAT ARE YOU DOING HERE?!) sambit nito. "Miss na kita Sweetie kaya naman di na ako nahiyang dalawin ka sa school mo," wika ng baliw. "Excuse me. This school that you're talking about is MINE. Bayaran nyo ang damage of property na ginawa nyo dito. Gumawa pa kayo ng eksena magtatagpo lang pala kayo!" sabi ko sa kanila. "Anak ng. Magkikita lang kailangan pang manira! Lugi ako rito ah!" "Sweetie, that guy is doing too much blabbing. I'm getting irritated na. Should I shoot him?" tanong ng baliw kay Todd. "Aba! At may balak pa akong patayin sa istoryang ito!" sabi ko. "Tama na nga ang kalokohan nyo. Mabuti pa siguro ay umalis na lamang kayong dalawa. Natigil tuloy ang klase dahil sa ginawa nyo." wika ni Michaela. "How dare you blame us for what happened! And oh. I forgot. I still have to kill you nga pala. Ex-girlfriend ka ni Todd diba?" wika ng baliw sa pag-aakalang ex-girlfriend ito ni Todd. "Hindi noh." "Liar." wika ng baliw sabay tutok rito ng baril. "Tama na, Hearthrob." wika ni Todd sa babaeng baliw. "Not yet, sweetie." wika ni Hearthrob sabay kasa ng baril. Damn…kinakabahan na kaming lahat ditto ngayon. Kahit ako…ambilis ng t***k ng puso ko. Mamamatay na ba kami? "Akin na yan!" biglang hinablot ni Todd ang baril kay Hearthrob. "Todd...akin na- "I love you." Pagkatapos noon ay hinalikan ni Todd ito ng mariin sa labi. "Hmmmm..." "Eeeeeh?" hindi makapaniwalang reaksyon namin ni Michaela. "Mahal na mahal kita sweetie at hindi ko na ata kayang maghanap pa ng ibang kapalit mo...mmmm...nagising ata ulit ang katawang lupa ko nang magkita ulit tayo," wika ni Todd habang nakikipaghalikan pa rin dito. "Mmmmmm...talaga, mmm-sweetie-mmmm..." wika ng baliw. Mayamaya pa ay napansin ko ang kamay ni Todd. Pasimple itong naghahand-signal sa akin habang nakikipaghalikan sya sa baliw na babae. Mukhang sinisenyasan nya ako na umalis na kami habang naghahalikan pa silang dalawa. "Let's go..." Agad kong hinila si Michaela at pasimple na kaming lumabas ng kwartong iyon. Mukha kasing sarap na sarap si Todd sa ginagawa nya at ayaw paistorbo. Tss. "Ang galing ni Todd anoh? Isa syang bayani," wika ni Michaela habang naglalakad kami. "What the. Bayani?! Baka manyak. Tss." "Hmp. Eto naman. Magpasalamat nga tayo at naligtas tayo nang dahil sa ginawa nya eh." "Tss. Eh sakin, hindi ka magpapasalamat?!" sabi ko. Napatingin si Michaela sa akin. Right. Alalahanin mo lahat ng ginawa ko sayo kakina. ANO?! TAHIMIK KA NGAYON. HAH! Buti pa si Todd nasabihan ng bayani. Eh ako? AKO?! MUNTIK PA AKONG MAMATAY NG WALA SA ORAS! PAANO NA LANG KUNG NAMATAY AKO! MAWAWALAN NG BIDA ANG KWETONG ITO! Hindi ba nya naisip yun?! HAH! "Hmp." Hmp?! Yun lang ang sasabihin nya?! ARRRGHH! KAINIS KAINIS KAINIS! (PRINCESS MICHAELA'S POV) "OOOOOOOOOOOHHHHH..." "OOOOOOOOOOOHHHHH..." "OOOOOOOOOOOHHHHH..." "OOOOOOOOOOOHHHHH..." Heto ako ngayon at umaawit sa saliw ng hangin ngayong umaga. Isa na naman itong araw ng pagpapasalamat sa Poong Maykapal dahil sa panibagong araw na ipinagkaloob Niya sa mga nilalang na naninirahan sa Planetang Earth. Hindi man ako tagarito ay nagpapasalamat ako dahil buhay pa kaming lahat sa kabila ng balitang kumalat noong isang araw na magugunaw na daw ang mundo? Alam ko namang hindi yun totoo dahil walang sinuman ang nakakaalam kung kailan talaga matatapos ang buhay ng planetang ito diba?! "OOOOOOOOOOOHHHHH..." "OOOOOO- "HEY!" "Hm?" Napalingon ako sa aking likuran. "AAARGH WOULD YOU STOP THAT?!" inis na inis na tanong ni Care sa akin. "Hmp. Bakit ba sa tuwing kumakanta ako palagi mo akong kinokontra?! Maganda naman ang boses ko ah?!" "Nagtataka nga ako eh. Bakit ang pangit ng boses mo tuwing umaga?!" "Sinungaling ka talaga! Alam ko namang maganda ang boses ko eh." "Maganda sa gabi, pero pangit sa umaga! You're really weird you know. Patingnan kaya natin sa doctor yang vocal chords mo? Oh. I forgot. Hindi nga pala pwede. Pwede bang manahimik ka na lang?!" "Nakakainis ka talaga!" "Your voice is worse than my attitude." "Arrrggghhhh..." "Tss." Binato ko nga ng unan. "Aw! Alright. Your pitch is the highest pitch that I've ever heard inside my beautiful and luxurious house. You sing like a CHIPMUNK!" "Anong sabi mo?!" "Sabi ko boses CHIPMUNK ka! May lahing chipmunk ka siguro noh. Alam ko na, chipmunk na lang itatawag ko sayo hahaha..." "CAREEEEEEEE..." "Chipmunk." "CAREEEEE!" ang tanging naisigaw ko na lamang sa buong kabahayan. Pero hindi ko lubos maisip na aalingawngaw ang boses ko sa buong kagubatan kaya nagambala ang lahat ng ibon at iba pang mga hayop malapit sa palibot ng mansyon. Si Care kasi eeeee! Palibhasa hindi sya marunong mag-aliw sa saliw ng musika! "Lang hiya tumalsik ang dumi ng tenga ko sa palatak mo! Oh kita mo na! Pati mga wild animals sa forest ng mansyon ko nagambala mo!" "OOOOOOOOOOOHHHHH..." lalo pa akong kumanta at tinaasan ang maganda kong boses. "Hey!" "OOOOOOOOOOOHHHHH..." Akala nya magpapatalo ako sa kanya ha! "Huy ano ba?!" dali dali syang lumapit sa akin. "OOOOOOMmmmmfffttt...hmft! Hmft!" tinakpan nya ang bibig ko. "Tumigil ka na sabi!" "Hmft! Hmfffffttt-PWEH!" Tinabig ko nga ang kamay nya. "OOOOOOOOOOOHHHHH..." pagpapatuloy ko. "Ayaw mong tumigil ha..." bigla nya kong tinulak sa pader. "OOOOHHHHHH. Teka anong gagawin mo?" Kinulong nya ko gamit ang mga braso nya. Tapos inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko na para bang hahalikan ako. "Kyaaaa..." "O ano. Kakanta kapa..?" "Huh?! Hindi na po hindi na po hmmmmmmm..." sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya. "Tss." At iyon na nga ang nangyari. Syempre hindi ako nagpahalik. Takot ko na lang sa kanya noh. Napakasagrado kaya ng halik ng isang prinsesang tulad ko para lamang ipamigay sa isang imbecielo, walang kwenta at swapang na lalaking tulad nya! Haist. Kabaligtaran na kabaligtaran talaga sya ng lalaking hinahanap ko. Ang malas ko talaga! Bakit ba sa dinami-rami ng lalaking makikilala ko sya pa?! Gwapo nga, sobrang sama naman ng ugali! Nakakataas ng dugo! Oh tunay na pag-ibig nasan ka ba? Magpakita ka na sa akin parang awa mo na. Huhuhuhu. Buti pa si Prinsipe Zander. Sya yung matalik kong kaibigan na iniwan ko sa planeta namin. Masaya na sya ngayon sa piling ng prinsesang mahal nya. EH AKO?! Nagdurusa ako ngayon dahil sa halip na makatagpo ako ng tunay na pag-ibig ay si CARE WILLIAMS ang nakita ko! Si Care na swapang at wala man lamang pagkamaginoo sa katawan! HUHUHUHU UWAAAA AHUU AHUUU! Tama na nga. Masisira lamang ang kagandahan ko kapag inisip ko pa ang lalaking yun. Isa kang prinsesa Michaela. Maging prinsesa ka sa isip, sa salita at sa gawa. Umakto ka ng ayos. "OHAYOO Michaela." "KYAAAA!" Ang gulat ko naman. Bigla kasi akong binati ni Todd Kikunae. Oo nga pala. Naandito na ako sa loob ng eskwelahan. Kung mapapansin ninyo, mag-isa na lamang ako ngayon nang biglang magpakita sa akin si Todd. Hindi ba't ang bastos talaga ni Care? Ppinabayaan nya na lamang akong nag-iisa dito eh. Tama. Hindi ko na pala kailangang ipaliwanag ang bagay na iyon. "Ok ka lang?" tanong ni Todd. "Ha? Oo naman. Nagulat lamang ako kanina." "Sa kagwapuhan ko?" "Ha? Hinde. Hehe...nagulat lang talaga ako." Isa pa itong mahangin eh. Buti na lamang at gwapo. Hmmm...maginoo naman. Medyo may pagkahangin nga lamang ng kaunti. Pero pwede na. Kung ako ang papipiliin kung sino sa dalawa ang gusto ko, mas pipiliin ko pa si Todd. Pareho silang gwapo ni Care pero kung mamarkahan ko ang kwalipikasyon nilang maging prinsipe ko, 9-1 at pabor kay Todd. Wala na kasing pag-asa na mabago pa ang ugali ng swapang na lalaking iyon. "Nga pala, break na daw kayo?" pambungad sa akin ni Todd. Ang bilis talagang kumalat ng balita. "Oo naman. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako nalulungkot." sabi ko sa kanya. "Ah...okay. So pwede na kitang maging girlfriend?" diretsahan nyang tanong. "Hmmm...pwede naman. Pero kailangan mo munang manligaw noh." sabi ko. Hindi naman ako basta basta para angkinin na lamang ng iba sa ganun ganun lang. Kailangang paghirapan nya ako. "Nani demo daijōbu bakkin." (Okay fine whatever.) "So punta ka babes sa concert ko ah. Hihintayin kita. At oo nga pala, iniinvite kitang sumali sa band namin. Mag-audition ka ah. Alam ko namang..." bigla nyang hinaplos ang baba ko at inilapit ito sa mukha nya, "maganda ang boses mo..." "Huh..." Biglang nag-init ang pakiramdam ko. Ang lapit na nang mga mukha namin sa isa't-isa at lalo syang gumagwapo habang mas napapalapit ako sa kanya. "Bakit ba ang gwapo ng nilalang na ito..." bulong ko. Napangiti si Todd. "So, nagagwapuhan ka pala sakin." "H-ha? N-narinig mo yun? Ah hindi wala yun wala akong sinasabi hahaha!" sabi ko. "Ototo." (Brother) Napalingon kaming dalawa ni Todd sa kung sino mang istorbo ang nagsalita. Si Moe Kikunae. Bigla na lamang sumulpot ang kakambal ni Todd ng wala sa oras. Haist. "Oh. It seems that both of you are enjoying. I shouldn't have bothered you." sabi nya. Psh. Wala na. Nangyari na eh. "Oh. Moe-chan. May problema ba?" tanong ni Todd. "Wala naman. Natutuwa lamang akong makita kayong dalawang magkasama. Ang bilis mo naman atang makapag move-on Ms. Nijenhuiso. Hindi ba't kabebreak nyo lamang ng ex-boyfriend mo? Or rather...ng FUTURE HUSBAND ko? Hindi ko akalaing may katalandian ka palang taglay. You know what? Hindi ko talaga maintindihan kung paano nagkagusto sa isang LOW-CLASS na tulad mo si Mr. Williams. Oops. Sorry for the right term." sabi nya. "Pardon?" mahinhin kong tanong. "Woah. Tama na yan Moe. Huwag mo ngang awayin si babes. Okay na nga kami hihirit ka pa dyan." Ngumiti si Moe. "Ganun ba? That's good. Well anyway, congratulations ha. I'm glad that you two are doing great. Keep up the good work brother." Pagkatapos ay tumingin sya sakin. "And thank you very much Ms. Nijenhuiso. Alam mo bang pinasaya mo ako ngayon? You really made my day." "Ganun ba? Isang karangalan para sa akin ang mapasaya ka sa simpleng bagay ng ginawa ko. Ang babaw naman ng kaligayahan mo," sabi ko sabay pakita ng isang napakagandang ngiti. Hindi ako ang tipo ng babaeng mukhang mataray kahit nagtataray. Kaya kong ayusin ang sarili kong emosyon sa lahat ng pagkakataon. Bilang prinsesa, nasanay na akong maging ganito kahit na masakit ang tyan ko o dili kaya naman ay gustung gusto ko nang sapakin ang mukha ng kaharap ko. Tiningnan nya ako nang masama. "Che!" pagtataray nya samantalang ako naman ay nagpatuloy lamang sa aking pagngiti. Kung akala nya na nalulungkot ako sa paghihiwalay namin ni Care, umasa na lamang sya. Ikabit pa nya sa leeg nya si Care para hindi sila maghiwalay. Ibinibigay ko na sa kanya ang balasubas na iyon ng buong buo. Tingnan lang natin kung makatagal sya sa swapang nyang ugali. "Ah...Michaela, tara na?" sambit ni Todd. "Saan?" mahinhin kong tanong. "Diba mag-aaudition ka sa band? Samahan na kita," wika ni Todd at pagkatapos ay inakbayan na nya ako at kinaladkad papalayo. Mukhang takot sya na magkagulo kami ni Moe. Hmp. Pasalamat ang babaeng iyon at gwapo at mabango ang kakambal nya kaya naman tahimik at matiwasay na lamang akong sumama kay Todd. Naglalakad na kaming dalawa ni Todd papunta sa destinasyon namin nang biglang may dumaang isang magandang babae. Hinabol siya ni Todd nang tingin. Halos mapilipit na nga ang leeg nito eh. "Ahm babes, sandali lang ha. May nakalimutan kasi akong kunin. Pero babalik din ako kaagad. Dumiretsyo ka na lang dyan tapos makikita mo na yung announcement board, isulat mo dun pangalan mo." wika ni Todd at pagkatapos ay nagtatakbo na sya patungo dun sa direksyong pinuntahan nung babae. "Hmmm, ano naman kaya ang binabalak nun? Sige na nga. Hahayaan ko na lamang siya." Nagdirediretsyo na lamang ako sa aking paglalakad at tama naman ang sinabi ni Todd na makikita ko nga ang announcement board. "Waaaa." may lumapit at nagtago sa likod ko. "Hm? Care- "Ssssh wag kang maingay..."sabi ni Care. Patingin-tingin ito sa kanyang paligid at waring may pinagtataguan habang umiinom ng chuckie. "Ano na namang kalokohan ang pinaggagagawa mo dyan? Bakit ka nagtatago?" tanong ko. Hindi nya ko sinagot at sa halip ay sinimot nya ang iniinom nyang chuckie. Adik siguro ‘to sa chuckie noh? "Huy." "Ha? Tss. Nasa canteen kasi ako para bumili ng chuckie at tanggalin ang stressful experience na nangyari sa akin kaninang umaga nang biglang dumating si Moe at hinanap ako. Ayan. Kasalanan mo kung bakit ako nagtatago ngayon!" "At bakit naman ako?!" "Kung di ka kumanta kaninang pagkagising ko, hindi ako maiistress!" "Aba't sumusobra na ata itong swapang nato...HOY LALAKE. AGAHDJSHAKJDJS." Hindi na lamang ako nagsalita at baka pati ako ay sumakit ang ulo! "Teka lang. Ano bang ginagawa mo dito ha?" tanong nya. "Isusulat ko lang naman sana ang pangalan ko sa listahan nang biglang may dumating na asungot at naistorbo ako. Psh" Tiningnan nya kung ano ang nakasulat sa announcement board. "Do you believe that you are born to be a star? Welcome to HONEY HONEY band. The band of hearthrobs! If you have a good voice and a pleasant personality, then what are you waiting for?! Audition now," wika ni Care habang binabasa ang nakasulat roon. "What is this stupidity?" dugtong niya. "HOY! ANONG STUPIDITY ANG SINASABI MO DYAN?! Para sa kaalaman mo, isa ito sa pinakasikat na band sa buong school at si Todd Kikunae ang promotor nito!" "Kaya pala. TEKA LANG. At kelan pa ako pumayag na magtayo sa school KO ng isang walang kwentang fans club na tulad nyan?!" "Teka lang din. Hindi ito FANS CLUB! Bulag ka ba?! Band ito! BAND." sabi ko nang maliwanagan naman ang mokong na ito. "Band o Fans Club pareho lang yun! Pero sasali ka ba talaga? Alam mo, kahit na walang kwenta ang fans club na yan, sigurado akong hindi ka nila tatanggapin." "Ha? At bakit?!" "Eh boses chipmunk ka eeee! LANGYA may balak ka pa palang maghasik ng lagim sa school KO!" "Care...ANG SAMA MO TALAGA! AAARRRGGGHHHH" pagkatapos nun ay hinabol ko sya! "Hahaha..." "Waaaa! Humanda ka talaga sa akin sa oras na maabutan kita!" "Asa ka pa. Hahaha!" Akala ko talaga maabutan ko na sya at mapipingot ang tenga nya kaya lang bigla nyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at itinulak ako sa dingding. Nagkatititgan kami. Biglang tumibok ng malakas ang puso ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD