(PRINCESS MICHAELA'S POV)
Biglang tumibok ng malakas ang puso ko...
T-teka...ano itong nararamdaman ko..?
Ilang segundo pa kaming nagkatitigan nang bumalik ako sa huwisyo ko.
"Kyaaa...ano na namang gagawin mo?! Bitawan mo nga ako! Nakakainis ka talaga ang sama ng ugali mo!"
"Alam kong masama ang ugali ko. Pero nagsasabi lamang ako ng totoo kaya wag kang magalit. Ha?" sabi nya sabay ngiti na parang nang-iinis.
"Hmp. UWAAAAAAAAA! HUHUHUHUHUHU! Grabe hindi ka lamang pala isang halimaw. Isa ka ring BULLY! UWAAAAA!"
"Hahaha..."
"Anong nangyayari dito?!" wika ni Todd Kikunae na bigla na lamang dumating.
"Huhuhu buti dumating ka na! TODD! Inaaway ako ni Care oh! Huhuhuhu ang sama talaga nya!" sabi ko kay Todd.
"Ok ka lang babes?"
"Huhuhu buti pa si Todd, tinatanong kung okay ako samantalang ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako nagiging okay! Huhuhuhu," sabi ko kay Care.
"Psh would you shut up! Para kang bata dyan iyak ka ng iyak! Para yun lang iiyakan mo! Isip bata talaga. Tss" wika ni Care.
"Pare, ano bang problema mo? Kung gusto mong magsign-up at sumali sa band ko, hindi mo naman kailangang mang-away ng babae." wika ni Todd kay Care.
"AGSJAGDJAJSG at sino namang mag-aabalang sumali dyan sa fans club mo?! FYI, wala akong balak sumali sa walang kwentang audition na yan. Pwede ba? MAGTATAYO AKO NG SARILI KONG FANS CLUB PWEH." paghahamon ni Care.
"Excuse me. Hindi ito fans club. This is a band and I'm serious about my stuff. Well anyway, bakit ka ba naandito ha? May LQ ba kayo? Diba break na kayo? Ipaubaya mo na sakin si Michaela pare."
"WHAT?! NO WAY!"
"Anong no way?! Yes way! Wala ka nang magagawa pare." bigla na lamang kinuha ni Todd ang kamay ko at ipinirma nya ako sa listahan ng mga sasali sa band. "Malapit na ang concert ko at tanging mga tao lamang na nakalista rito ang makakapunta dun. Ibig sabihin," bigla nya akong inakbayan, "solo ko lang si babes. Walang eepal, diba babes?" tanong nya sa akin.
"Tss. As if I care," wika ni Care. "Para namang makakasama sya kapag di ako pumayag. Pumayag man ang alie-este babaeng yan, hindi sya sasama. And that's final."
"Teka lang. Ano namang sinasabi mo dyan Care?" tanong ko sa kanya ng may pag-aalala.
"Tsk."
"Hindi pwedeng hindi ako makakapanood ng concert. UWAAAA! Pangarap ko yun!"
"May business meeting tayo Michaela at kailangan mong sumama sa akin."
"Ha? Business meeting? Oo nga pala. Nasabi mo na nga pala sa akin yun noong isang araw. UWAAA pwede bang ipagpaliban na muna iyon? Gusto ko talagang manood ng concert! Huhuhuhu." sabi ko.
"Ganun ba? Hmmm...pasensya na dude. Business meeting kamo? Pwes, nauna na akong kumuha ng deal sa kanya. Pirmado pa nga oh. Ibig sabihin, palagi ko na syang makakasama simula ngayong araw na ito bilang fan ko. Pero palalagpasin ko muna ang araw na ito dahil may kailangan pa pala akong puntahan. Sayonara Michaela. Magkita na lamang tayo sa concert," wika ni Todd sabay kindat sa akin. Pagkatapos ay naglakad na ito papalayo.
"HEY WAIT!" pipigilan pa sana siya ni Care ngunit wala na sya. Nakaalis na si Todd. Nagkatinginan tuloy kaming dalawa.
"Problema mo?" tanong ko.
"Psh." bigla na lamang nyang kinuha yung ballpen sa bulsa ng coat nya at nagsulat ng pangalan nya sa listahan ng sasali sa band ni Todd.
"Bakit ka sumali rin?"
"Pakialam mo?! Syempre di ako papayag na masolo ka ng lalaking yun ano!" wika nya at pagkatapos ay inis na inis na umalis sa harapan ko.
"Hm? Problema nun?"
(CARE'S POV)
"Hoy. Halimaw."
"Aish. Kulit."
"Huy!"
"Tss. What?" tanong ko sa alien na parang magnet kung makadikit sakin dito sa loob ng classroom.
"Mamaya na yung concert ni Todd, diba?" tanong nya.
"Don't know, don't care," I said.
"Pupunta ako sa concert, ha?"
"No."
"Care naman!"
"Tss. Kailangan mong asikasuhin yung presentation na ibibigay ko bukas sa meeting ko. Is it really hard to understand?! Kulit mo rin ano?!"
"Eeeh...hindi ba pwedeng iba na lang ang gumawa nyan? Bayaran mo na lang sila tutal mukha ka namang pera."
"Shut up." I uttered annoyingly.
"Psh. Mukhang pera! Swapang!"
"Yeah right."
"AAARRRGH!" nanggigigil na sya. Feeling ko gusto na nya akong sabunutan. Nakaprepare na kasi yung kamay nya.
"Tss."
"UWAAAAA. Huhuhuhu!"
"Shut up. Pag ikaw ang gumawa ng presentation, walang bayad. Mas ok yun."
"Care naman eeh...gusto kong manood eeeh." Haist. Ang kulit talaga ng babaeng to. Konti na lang talaga papayag n-wait. Bumabait na ata ako ngayon?! Brrssh. Hindi pwede. Bad influence talaga tong babaeng to nag-iiba ang ugali ko eh.
"HEY YOU!" sigaw ko sa classmate kong babae.
"Hm? KYAAA! Bakit Prince Care?! KYAAA pinansin ako ni Prince Care! Ang ganda ko ngayon ano? Buti napansin mo ako!" sabi nya. Lumapit ako sa kanya at binigyan sya ng pera.
"Heto pera. Kausapin mo yung babaeng yun. Ang kulit nya. Ayoko ng kausap." sabi ko sa kanya sabay alis.
"Eh?"
"Hi Mr. Williams," bati sakin ni Moe.
"Tsk." I just ignored her. Isa pa tong makulit.
"Oh. Mukhang masama ang mood natin ngayon ah," wika nya habang naglalakad kami. Tss. Ayoko sabi ng kausap!
"Well anyway, remind ko lang yung meeting natin bukas. Good luck sa presentation Mr. Williams. Alam ko namang kayang-kaya mo yun, right?"
"Tss. Would you shut up?!" sigaw ko.
"H-huh..." She smirked. Aba...talagang nang-iinis ata tong isang to ah.
"You know what? Mas lalo kitang nagugustuhan habang tumatagal," sabi nya.
"WHAT?!"
"I like your attitude. Gusto ko ng mga palaban at kakaiba ang ugali na tulad mo. Anyway, I have to go. See you around." sabi nya at pagkatapos ay umalis na sya.
"AAAARRRGGHH!" Gustung-gusto ko syang tadyakan alam nyo ba yun? Kinikilabutan ako kapag naiisip ko na magpapakasal ako! Ang bata-bata ko pa eh! Tss. At saka iniisip ko, bakit ba ang daming babaeng patay na patay sakin?! San ba kasi ako pinaglihi?! Hindi ako natutuwa. Naiinis ako!
Sa bagay. Gwapo ako. Mayaman. Lahat na ng magagandang description ibinigay na sakin. Sa murang edad kong ito, naimulat na ang mga mata ko sa business, na sya ko namang nagustuhan at naging passion ko na. Dahil rin dun, hindi na ako nagkaroon ng oras para sa ibang bagay. Tinatanong nga ako ng pinsan ko kung bakla daw ako! Yuck! Di noh! Wala lang akong time sa babae. Kaya nga tuwang-tuwa ako nung pareho kaming natulog ni Michaela sa kwarto ko. Ang lambot pala nya. WAAAAA ANO BANG INIISIP KO?! WALA KAYONG NABASA! WALA IMAGINATION NYO LANG YUN! HAHAHAHAHAHA!
Eh ayun. Masaya rin naman palang magkaroon ng kaibigang babae. Ang sarap ng pakiramdam na palagi kang may inaasar. Hahahaha. May pakinabang naman pala yung babaeng yun kahit na hindi ko na sya ipagbili sa NASA. Tss. Pero nanghihinayang talaga ako. Pera yun eh. Tsaka sayang yung effort ng pag-iisip ko ng planong yun. Ang hirap kayang mag-isip! Tinapos ko na yung planong yun simula nang makipagbreak ako sa kanya. Una, ayoko na syang madamay sa kaguluhan ng pamilya ko. Pangalawa, masyado syang mabait at nakokonsensya nako! May konsensya naman ako ano! Pangatlo, ayoko nang maglokohan kaming dalawa. Tss. Gusto kong magsimula ulit kami bilang magkaibigan. Langhiya ngayon nga lang ako nagkaroon ng kaibigan tapos kakawawain ko pa! Tama na yung sya ang tagagawa ng mga presentations ko, tagaayos ng prototype ko at taga-close ng mga deals na inooffer ko sa mga investors. Aba, kulang pa yun. Lugi pa nga ako kung tutuusin. Billion dollars kaya ang kikitain ko kapag pinag-eksperimentuhan sya ng mga scientists. Makikilala pa sana ako sa buong mundo! Pang-apat, mag-iisip na naman ako ng panibagong plano kung papaano tatakasan yung arranged marriage ko sa anak ni Mr. Kikunae. Kurimaw yun eh. Haist. Bakit ba mukhang pera ang tatay ko at pati pagpapakasal ko kay Moe naisip nya!
Gabi na nung umuwi ako sa bahay ko.
"Good evening young master," yun agad ang bumungad sakin nung pumasok ako ng pintuan. Hindi ko na sila pinansin at nagdiretsyo nako sa kwarto ko. I want to finalize my presentation as soon as possible. Hindi na rin ako kumain, di naman ako gutom. Naupo nako sa may table sa loob at binuksan ang laptop ko. Then I suddenly remembered something so I pressed a button beside me. Ginagamit ang button nato para makausap lahat ng gusto kong kausapin dito sa loob ng bahay ko. For easier way of communication.
"Hey." I said.
"Young master, may kailangan po ba kayo?" sabi sa kabilang line.
"Obviously! Tss. Papuntahin mo si Michaela sa kwarto ko ngayon din."
"But young master, hindi pa po sya umuuwi ng mansyon hanggang ngayon."
"WHAT?!" Sa gulat ko ay napabaligwas ako sa pagkakaupo. "Teka...mukhang alam ko na kung saan nagpunta ang alien na yun! Aissh ang kulit talaga ng lahi ng babaeng yun!"
"Hey! Prepare the car right now!" sinabi ko sa kabilang linya. "Psh. Pahirap talaga yung babaeng yun sa buhay ko kahit kailan! Aish! Aaargh!"
Nagpunta nako dun sa kung saan man yung concert ng lalaking yun. Di ko alam kung saan eh. Basta dun, bahala na yung driver ko! Langhiyang babae yun ah. Sa buong buhay ko, ngayon lang may sumuway sa orders ko!
"Nandito na po tayo young master. Gusto nyo po bang magpatawag ako ng mga tao para po mahanap natin ng mas mabilis si madam?" tanong nya. Damn it. Di ko naisip yun ah.
"Yeah! I want them in 5 minutes! Kung kailangang gumamit ng chopper gawin nyo! Ayoko nang naghihintay! Marami pakong gagawin!"
"Yes young master." sabi nya. Pero dahil naiinip na ako agad eh bumaba nako ng kotse at ako na ang unang naghanap.
"Ang ingay. Lakas ng tugtog kakarindi naman!" Nagpunta nako sa concert grounds ni Todd Kikunae at napansin na sobrang dami ng tao. Pano ko makikita ang babaeng yun?! Ang dilim pa! Tss. Oh damn. May cellphone nga pala sya. Ba't di ko ulit naisip yun? Matawagan na nga ang babaeng yun! Di nial ko na ang number ni Michaela. Buti naman at sinagot nya ang tawag.
"Hello?" wika nya.
"HEY! Ano bang ginagawa mo dito?! Diba sabi ko sayo wag kang pumunta dito?!"
"Dito? Teka, asan ka ba?"
"DITO NGA! SA CONCERT!" napahawak ako sa ulo ko. Ang slow naman ng babaeng to.
"Nandito ka rin? Teka, saang banda ka nandito?"
"Sa may unahan damn it!"
"O sya sige na sige na pupunta nako dyan. Wag ka nang magalit. Hehe."
"Damn!" sabi ko sabay end call.
After 5 minutes, nakita ko na sya. Naglalakad na sya papunta sakin. "CARE!"
"Hm?"
"Andito ako!"
"There you are! Let's go!" Hinila ko na agad ang kamay nya.
"Teka lang san tayo pupunta?!"
"We're going home!"
"Eeeeh! Ayoko pa!"
"Tss. ANO BA?! TIGAS DIN NG ULO MO ALAM MO BA YUN?!"
"Eeeh!" mayamaya pa ay hinawakan nya ang right hand ko. Yung parehong kamay nya nakahawak dun. Tapos tumingin sya sakin. Yung mukha nya, sobrang nagpapaawa at nakikiusap na wag muna kaming umalis. "Care...please...ngayon lang naman to eh, pagbigyan mo naman ako oh," pagmamakaawa nya tapos inilapit nya ang kamay ko sa mukha nya.
"Huh..." Bigla akong natigilan. Biglang…nag-init ang pakiramdam ko. Bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko biglang tumibok ng malakas yung puso ko. Ang sakit ng dibdib ko eh. Tsaka biglang uminit yung tenga ko!
"Care?"
"Aishhht ok fine! Five minutes."
"Care naman eeeh!"
"Ten minutes!"
"Eeeh!"
"Kung ayaw mo edi tara na! Psh," sabi ko.
"Biro lang Care sige ten minutes," sabi nya na parang napipilitan lang. Tss. Kulit nya pasalamat sya at pinagbigyan ko sya.
"This next song is dedicated to a special girl that I have met a few weeks ago. Ahm, first day of class namin nun ng kapatid ko bilang transferees ng Williams Academy. And then I met her," wika ni Todd sa stage.
"KYAAAAA!" Ang daming nagsigawan. Tss. Tapos si Michaela naman napapangiti. Siguro iniisip nya na sya yung tinutukoy ni Todd. Sa tingin ko naman, sya nga yung tinutukoy ng gagong yun. Malakas ang kutob ko eh.
♫Because I listen to my heartbeat one by one
Because I listen to my heart heart
Listen to my heart heart
modorenai toki wa boku no naka de maboroshi dake wo nokoshite
No No kimi wa kienai kurushikute munashikute ♫
"This is nonsense! Wala naman akong maintindihan eh!" nasabi ko na lang. Kainis naman oh.
♫Why why... Why why... Why why... ♫
"Hay nakooooo. Halika nga rito," sabi sakin ni Michaela at pagkatapos ay bigla nyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at pinagdikit ang mga noo namin.
"T-teka, w-what are you doing?!" may pagkagulat kong sinabi sa kanya. Ikaw ba naman ang biglang lapitan ng babae tapos ilapit ang mukha mo sa mukha nya!
"Pumikit ka na lang."
"E-eh? A-h huh?" I was really shocked.
"Eeeh diba gusto mong maintindihan? Ipapaintindi ko lang sayo yung kanta nila sa pamamagitan ng pagsasalin ng ilang impormasyon mula sa utak ko," sabi nya.
"O-okay..." nilagay ko ang mga kamay ko sa bewang nya.
"Huh..." May kakaiba akong naramdaman. Parang may pumapasok na mga information sa utak ko. Yung mga Japanese lyrics, parang unti-unti kong nauunawaan kung ano ang ibig sabihin. Para bang kusang nagtatranslate sa utak ko. Naalala ko nung una kaming nagkita ng babaeng to. Pinagdikit rin nya ang mga noo namin. So this is how it goes. Paraan nila ito para makapagtransfer o makasagap ng information sa ibang tao.
♫Before The Dawn Before The Dawn kowareta omoi ja nai yo ♫
(Before the dawn before the dawn knowing how certain my own self is to me)
"Woah...naiintindihan ko na nga! Cool..." but weird...a-and awkward.
♫Before The Dawn Before The Dawn tashika na boku wo kanjite ♫
(Before the dawn before the dawn these feelings that I have are infallible)
Minulat ko ang mga mata ko. "Huh..." Nagulat ako dahil konti na nga lang mahahalikan ko na sya. Ano ba tong posisyon namin? Hindi ba sya...naiilang..?
♫kanaeru sou sa kitto shite Mean To
megutta CHANSU himitsu mo hime miru ♫
(Meant to say "Of course, surely, this will come true", Chance had come but I hid my secret and simply view)
Nakapikit lang sya. B-Buti naman. Hindi ko kasi alam kung ano ang hitsura ko ngayon. Basta ang alam ko lang…ambilis talaga ng t***k ng puso ko sa mga oras na ‘to. Pinagpapawisan na ako. Grabe, kinakabahan ako!
♫bokura wo nuke Fly To The My Heart
I will be there by your side ♫
(Fly to my heart, let us escape and fly
I will be there, by your side)
"Hmmm..." Bigla syang mumulat at ngumiti sakin. Eto na naman. Ang puso ko…parang kabayong tumatakbo sa sobrang bilis ng t***k…nanigas ako sa kinatatayuan ko. N-nang-aakit ba sya?! Tumatalab eh. Habang naiintindihan ko kasi yung lyrics, di ko maiwasang tumingin sa mga mata nya. Psh, ang lapit lapit aish. Pakiramdam ko naga-ground ako!
♫todokanai koe wa muishiki ni kimi no kage wo sagashite iru
No No akiramekirenai kurushikute munashikute♫
(Before I knew it, I'm chasing your shadow with my voice that never reaches
No, no! I'll never give up! I feel so tortured I feel so empty)
Ang puso ko...ang puso ko. Ang lakas ng t***k. Para akong tinotorture ng babaeng to. Ayoko na!
♫Why why... Why why... Why why... ♫
Bakit ganito ang nararamdaman ko?! Parang sasabog ang dibdib ko!
♫Why why... Why why... Why why... ♫