(PRINCESS MICHAELA’S POV)
Ang saya-saya ko kagabi. Haha. Eh pano ba naman, nakapunta kaya ako sa concert! Sinong hindi matutuwa?! Pero bago kasi ang lahat ng iyon, sinamahan muna ako ni Todd papunta doon sa lugar na pagdarausan ng okasyon. Hindi ko kasi alam kung papaano ako makakarating sa nasabing lugar. Ang bait-bait nga nya sa akin, hindi tulad ni Care. Psh. Tapos palagi nya akong inaasikaso kahit na nag-aayos rin yung grupo nila para sa pagtugtog nila. Ewan ko ba, basta ang pakiramdam ko, espesyal ang tingin nya sakin. Hehe. Nakakakilig. Pagkatapos, nung gabi na at nagsisimula na sila, panay ang sigaw ko! Sayang-saya kasi ako sa pakikinig ng musika nila. Kaya lamang ay hindi rin nagtagal at biglang dumating si Care doon at galit na galit! Hindi ko naman sya masisisi, tumakas ako eh. Kasi naman, gusto ko talagang manood! Tss, kung di pa ako tumakas hindi ko sya mapapapayag.
Nagpunta na ako sa kwarto ni Care at kumatok sa pinto.
“Who’s that?!” sigaw ni Care sa loob ng kwarto nya.
“Ako to, si Michaela,” sabi ko.
“Aaah! Wag kang papasok!” bigla nyang sinigaw at pakiramdam ko, bigla syang nagulintang ng malaman nyang ako etong nasa labas ng pintuan.
“Bakit?”
“Tss. Basta! Wag kang papasok! Busy ako!” sigaw ulit nya sa loob. Teka, anong busy ang pinagsasasabi nya?! Sa pagkakaalam ko kasi, kailangan naming umalis ng maaga ngayon dahil may business meeting sya diba?
“Hoy lalake, lumabas ka na nga sa lungga mo! Ano bang pinagsasasabi mo dyan? Tara na, malalate na tayo. Diba sabi mo kahapon may business meeting ka ngayon?” tanong ko.
"..."
“WHAT?!” bigla na lamang bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang mukhang kababagong-gising pa lamang na si Care.
“Anong ‘what’? Bakit di ka pa bihis?”
“Nakalimutan ko! May meeting nga pala ngayon! AAAAAH!”
“Ang gulo mo ha. Diba ikaw pa nga ang palaging nagpapaalala sa akin ng bagay na yan kahapon tapos ikaw pa ang nakalimot? Grabe ka. Kaya nga ayaw mo akong papuntahin sa concert dahil sa bagay na iyon diba? Paano mo nakalimutan?” sabi ko. Grabe sya. Ano bang nangyayari sa kanya? Parang nawiwirduhan na ako.
"..." bigla syang natigilan sa akin.
“Teka, parang bigla kang namula ah."
"H-ha? Ako? M-mapula?"
"M-mmm. May sakit ka ba Care?” tanong ko at pagkatapos ay hinaplos ko ang leeg nya.
“Don’t touch me!” iwas niya sa akin. Tapos mas lalo syang namula.
“Ano bang problema mo?”
“AAAAARGH! Don’t talk to me!” sabi nya tapos bigla na lamang niyang inilagabag pasara yung pinto.
"Kyaa! FHJDHFKAL ambastos mo ah! DYAN KA NA NGA! Psh”
Nagpunta na lang ako sa may dining room para mag-almusal. “Problema ng lalaking yun?” bulong ko habang umuupo sa harap ng hapag-kainan.
“Why? Bad mood na naman ba sya? Don’t worry Michaela, that’s normal.” Sabi ni Danica, pinsan ni Care. Kasabay ko syang kumakain ngayon.
"Sa bagay, hindi pa ba ako nasasanay sa ugali ng lalaking iyon? Palagi naman yung galit. Haist. Makakain na nga lang."
“I’m going.” Bigla na lamang dumating si Care at bihis na bihis na.
"Ang bilis ah. Sige. Tara,” sabi ko.
“WAIT. Don’t go with me.” Sabi nya. Tapos parang kinakabahan sya.
“Ha?” tanong ko. Nakatingin lamang ako sa kanya ng may pagtataka.
"Huh..." napatingin sya sakin.
"Teka...namumula ka na naman..." sabi ko.
"Tsk." sabi nya sabay iwas ng tingin sa akin.
"Care-
“Aaaah! Aalis na’ko!” sabi nya tapos dali-dali na syang lumabas ng mansyon.
"Eh? Teka! Sasama ako!” sabi ko. Hinabol ko sya papunta sa kotse nya.
“Ayoko! Dito ka lang!” sabi nya sabay bukas ng pinto ng kotse nya.
"Sandali lang!" Hinawakan ko ang kamay nya.
“BITAWAN MO KO!”
"Kyaa!" napabitaw ako sa takot. Ang lakas kasi ng boses nya eeeeeh!
“GO INSIDE!”
“Pero-
“SHOOO!” sabi nya.
"..."
"Psh. Bahala ka nga. Kung ayaw nya akong isama edi wag! Bahala kang magpresent ng kung ano mang ipepresent mo doon. Wala na akong pakialam!"
"Tsk." pumasok na sya sa loob ng kotse. Umalis na sya.
“Oh, anong nangyari, ba’t andito ka pa?” tanong sa akin ni Danica pagpasok ko sa bahay.
“Psh. Ayaw nya akong pasamahin eeeeh! Bahala sya sa buhay nya! Ang sama-sama ng ugali. Psh.”
“Eh diba ngayon yung meeting nila with the Brazilian investors? Naku, malaki-laking deal yun ah. Natapos na ba raw nya yung presentation?” tanong nya sa akin.
“Ha? Aba malay ko. Sabi nya kasi sa akin ay ako raw ang gumawa noon. Eh hindi naman nya ipinagawa sa akin kagabi. Alam mo, ang wirdo nya kagabi, hindi ko kasi siya makausap ng matino. Parang wala sya sa sarili nya. Tapos kanina, nakalimutan pa nya na may meeting sya.”
“Really? Ano bang nangyari kagabi?”
“Ha? Nanood kami ng concert.”
“Hm? Weird. Nanonood na sya ng concert? Ngayon ko lang narinig yun ah. Impossible.”
“Pinilit ko kasi sya, buti naman at pumayag.”
“Hahahahaha. I really, really can’t believe it. Sa pagkakaalam ko kasi sa kanya, hindi sya mahilig sa mga ganung bagay. Well, mukhang unti-unti nang nag-iiba ang ugali ng mokong na yun. Iba na talaga kapag inlove. Hahahaha!”
“Eh?” tanong ko. Anong ‘inlove’ ang sinasabi nito? Aish, oo nga pala. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya na break na kaming dalawa ni Care. Kawawa naman si Danica. Nagkakamali sya sa kanyang iniisip.
“Sundan mo sya Michaela. I’m really sure that he’ll be needing your help.”
“Ewan. Bahala sya sa buhay nya!”
Lumapit sa akin si Danica at hinawakan ang mga kamay ko. “Sige na...please?”
“Ayoko.”
“Sige na...para rin naman sa kanya yun. Pagpasensyahan mo na lang ang ugali ng kulugong yun. Nahihiya lang yun sayo kaya ayaw ka nyang makasama.”
“Nahihiya? Iyung hitsurang iyon? Itinataboy nya nga ako eeeeh!”
“Kaya nga sya ganun kasi nahihiya sya. Believe me. Kilala ko si Care, Michaela. He’s my cousin!”
“Hwag mong idadahilan ang bagay na yan dahil mas lalong hindi kapanipaniwala. Paano kayo naging magkadugo eh dugong halimaw yun? Magpinsan ba talaga kayo?”
“Hahahahaha you’re really funny Michaela. That’s why I really really like you. Bagay na bagay talaga kayo ng pinsan ko. Kayang-kaya mong baguhin ang ugali nya alam mo ba yun?”
“Psh.”
“Sige na.” sabi nya with matching puppy eyes.
"..."
"Hay nakooo. Ano pa bang magagawa ko, edi susundan ko na!" sabi ko.
"That's my girl!"
Nag-aalala rin naman ako kahit na papaano. At tama nga ang aking hinala. Nadatnan ko sya sa harap ng mga investors na tila hirap na hirap na at wala nang masabi. Alam ko, malapit nang dumugo ang ilong nya. Ang dami kasing mga dayuhan doon na kung anu-ano ang itinatanong sa kanya. Buti na lamang at dumating ako.
(CARE'S POV)
The hell with it. Bakit dumating ang babaeng yun?! Sabi ko wag syang pupunta! Ang kulit talaga nya! Anyway, she's my savior. What did I just said?! Erase that. Haist grabe, bakit ba kasi iba't-iba pa ang languages ng mga tao eh iisa naman ang mundo! Hindi kasi sabi ako marunong umintindi ng foreign language maliban sa English! That's really my weakness...and seriously...I can't deal with it. REALLY CAN'T DEAL WITH IT! DAMN IT!
"OOOOOOOOOOOHHHHH..."
"OOOOOOOOOOOHHHHH..."
"OOOOOOOOOOOHHHHH..."
"OOOOOOOOOOOHHHHH..."
Psh. Ano yung ingay na naririnig kong yun?
"OOOOOOOOOOOHHHHH..."
"OOOOOOOOOOOHHHHH..."
May naririnig akong ingay na parang nanggagaling sa kabilang kwarto.
"OOOOOOOOOOOHHHHH..."
"OOOOOOOOOOOHHHHH..."
Palakas ng palakas. Patinis ng patinis.
"OOOOOOOOOOOHHHHH..."
"OOOOOOOOOOOHHHHH..."
"AAARGH!" nanggigigil kong tinakpan ang tenga ko gamit ang unan.
"OOOOOOOOOOOHHHHH..."
"OOOOOOOOOOOHHHHH..."
"Haist, pano ako makakapagrelax dito sa loob ng kwarto? Ang lakas talaga ng boses nya!" sabi ko habang nagpapagulung-gulong sa kama ko.
"OOOOOOOOOOOHHHHH..."
"OOOOOOOOOOOHHHHH..."
"Haist..." lumabas na ko ng kwarto at walang ganang pumunta ng kwarto nya. Pagkatapos noon ay kumatok na ako sa pinto nya.
"Oh-oh-oh-oh....sino ya-ah-ah-ah-an?" sabi nya habang kumakanta. Feeling nya talaga ang ganda ng boses nya. Kelan kaya sya maniniwala sakin? Na pangit ang boses nya? Na ang PANGIT-PANGIT ng boses nya? Masyado ba syang naoverwhelm at nakuha sya na singer ng banda ni Todd Kikunae? I'm just thankful that she's not yet showing them how awful her voice is. Unless sa gabi sya kumanta. Ewan ko kung anong kababalaghan ang nangyayari sa vocal chords nya...nagiging mala-anghel kasi ang boses nya pag kumakanta sya gabi-gabi. Ayos yun, masarap ang tulog ko sa gabi. Pero nababalewala rin dahil sumasama din ang gising ko eh.
Kumatok ulit ako. "This is me, Care," walang gana kong sabi.
"Ba-a-a-a-a-kit?"
"Haist. Kelangan laging may tono pag nakikipag-usap? Psh. Open the door."
"Bakit?" binuksan nya ang pinto at masigla syang humarap sakin.
"Huh..." I was stunned.
"Hm?"
Bakit...bakit parang gumaganda sya?! Ba't ganun?! Ang puso ko…bumibilis na naman ang t***k…
"Care?"
"Huh..." bigla akong tumalikod sa kanya. Hindi ko alam kung bakit! Ang weird ng nararamdaman ko! Nag-iinit ang pakiramdam ko. s**t s**t s**t.
"Hm...may problema ba?"
"H-ha? Ah-w-wala. AH MERON PALA!" bigla akong humarap sa kanya. "ANG PANGIT NG BOSES MO!" tapos tumalikod ulit ako.
"Anong sabi mo?!"
"I'm sure that you heard me. No need to pretend that your deaf. You just have to accept the truth and move on."
"Ano bang pinagsasasabi mo dyan?!"
"Haist akala ko ba matalino ka?! Bakit simple english lang di mo pa maintindihan?!"
"Naintindihan ko ang sinabi mo! Pero saan ako magmomove-on?"
"Sa pagkanta! Accept the truth that you don't have a beautiful voice. Hindi mo ba alam na maraming tao ang napupurwisyo mo sa ginagawa mo! At isa pa, bakit ka ba nagpunta dun sa meeting ko! Diba sabi ko sayo huwag kang pupunta! Ayan tuloy, nagkautang pa ako sayo!"
"Ha? Anong utang?"
"Ewan! Basta feeling ko may utang ako sayo!"
"Ah...baka utang na loob..."
"OO! Yun nga! Ayoko ng may utang!"
"Hm...wag kang mag-alala. Wala yun sakin."
"What?!"
"Hm? Anong what?"
"I can't accept it. Magkano ang ibibigay ko?"
"Ha?"
"I said how much?! I need to pay for it!" sabi ko sa kanya.
"Ha? Sabi ko nga...di na kailangan. Kaibigan naman kita eh. Walang bayaran pag magkakaibigan."
Bigla akong nag-init sa sinabi nya. Arrggghhh...I hate this feeling...seriously.
"Care, ok ka lang? Teka. Mapula ka na naman..."
"A-a-AAAAAAHHH!" nagtatakbo na ako.
"Huy Care san ka pupunta?!"
Hindi ko talaga tinigilan si Michaela hangga’t hindi nya sinasabi kung magkano ang ibabayad ko sa kanya. Hanggang sa dining room kinukulit ko pa rin sya. Ayoko kasi talaga ng may utang!
"Ayoko ng may utang!"
"Psh. Ano ka ba Care? Kumakain na nga tayo yan pa rin ang bukambibig mo." wika ni Michaela habang kumakain kami.
Kahit sa classroom kinukulit ko pa rin sya.
"Ayoko sabi ng may utang! Babayaran kita! Just tell me the price dammit!"
"Damit? Marami na akong damit."
"Arafajfakjfajhfa..." Napapablab na lang ako sa tabi nya. Eh kasi naman, ayoko talaga ng may utang ako! Hindi kaya ng pride ko! Mayaman ako at kaya kong bayaran ang kahit na sino ng kahit na magkano! Anong gusto nyang palabasin, na hindi kayang tumbasan ng pera ko ang ginawa nya sa meeting ko nung isang araw?! Haist!
Nasa CR na kami kinukulit ko parin sya.
"Tell me the price!" bulyaw ko sa kanya.
"Care ano ba?! Pati ba naman dito sa loob ng CR sinusundan mo ko?! Alam ko na. Namamanyak ka na noh..." sabi nya sakin.
"What?!"
"Kyaaaah! Si Prince Care nasa loob ng CR natin! Kyaaaaah he's so cute talaga!" sigawan ng mga kababaihan.
"Ang gwapo-gwapo talaga ni Prince Care! Kyaaaah!"
"Hoy lumabas ka na nga rito! Ang daming nag-iingay rito dahil sayo! Nakakarindi! Tsupi! Shooo! Dun ka sa labas!" sabi ni Michaela habang tinutulak ako papalabas.
"T-teka lang sabihin mo muna kung magkano!" sabi ko sa kanya.
"Oo na iisipin ko muna lumabas ka na nga muna! Mabilis lang ako rito! Hintayin mo ko dyan sa labas! Dali naaaaa!" sabi nya habang pinipilit akong ilabas ng CR.
"T-eka lang!” hindi ko na sya nakulit dahil bigla nyang sinarhan ang pinto. "Damn...it's locked." Wala na akong nagawa kundi ang maghintay na lang rito sa labas. "Kainis talaga ang babaeng yun. Tss."
Habang naghihintay ako rito sa labas ng CR ng mga...1 minute I think? Eh hindi pa rin sya lumalabas. Ang tagal naman nya!
"Hm?" Isn't that the son of Mr. Kikunae? May nakita akong lalaki sa di kalayuan. Ah what's his name again? Oh I remember. Todd. Nakita ko syang may kasamang babae at nakaakbay sya rito. Is that her girlfriend? Mayamaya pa ay lumipas na ang limang minuto pero di pa rin sya lumalabas.
"Haist ano bang pinaggagagawa ng babaeng yun sa loob ng CR?!"
May dumaan na naman sa harapan ko. Si Todd Kikunae. May kasama na namang babae. Teka, ibang babae ata yung nakita kong kasama nya kanina ah. Sinundan ko lang sila ng tingin habang papalayo sila sa akin. Hindi nya siguro ako pansin. Busy kasi sa pambababae nya. Tss.
Ten minutes. Di pa rin lumalabas si Michaela. "AAAARRGGGH!"
"..."
"Tagal." Lumipas pa ang 10 minuto at-
“Kyō wa! Anong ginagawa mo dyan?" tanong sakin ni Todd. Himala. Napansin na nya ako sa dinami-raming beses na dumaan sya sa harapan ko. (Kyo wa = Hi)
"Obvious ba kung anong ginagawa ko? Edi naghihintay." sabi ko.
"Ah...sino hinihintay mo? Si Michaela?" tanong nya sakin.
"Tss. Step out of other people's business."
"Hm? Business? Hahaha! Ikaw naman! Tinatanong ko lang kung si Michaela nga hinihintay mo business naman agad iniisip mo." sabi ni Todd.
"Hey sweetheart, close pala kayo ni Care. Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa kanya?" bigla na lang nagsalita yung babaeng kasama nya.
"Ikaga shite." sabi ni Todd. (Ikaga shite = what for)
"Gusto ko lang naman na makilala rin ako ng isang gwapo at mayamang lalaking tulad nya...hehehehe."
"Fine. Kung gusto mo sa kanya ka na lang. Maghahanap na lang ako ng bago." wika ni Todd at pagkatapos ay inalis na nya ang pagkakaakbay sa babaeng yun. "Si Michaela, nakita mo?" tanong nya sakin.
"Tss. What?"
"Sabi ko, nakita mo ba si Michaela?" tanong nya.
"What are you planning? Gagawin mo rin syang katulad ng babaeng yan? Hindi clubhouse ang school ko pare. Dun ka sa labas, bawal ang virus dito," sabi ko kay Todd.
"Anong sabi mo..." wika nya at akmang susuntukin na ako.
"Sweetheart wag! Halika na, umalis na tayo rito..." pagpipigil sa kanya ng babaeng kasama nya.
"Tsk. Pasalamat ka may kasama akong babae." bigla nyang kinalma ang sarili nya. "Tss. May araw ka rin." wika nya at pagkatapos ay nagpatuloy na sya sa paglalakad.
"Swwetheart wait!" Hinabol sya nung babaeng yun. Tss. Bahala sila sa buhay nila.
"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH! HUHUHUHUHU!"
"Huh? Ano yun?!"