(CARE’S POV)
"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!" may sumisigaw sa loob ng CR. Kaboses ni Michaela yun ah. Sa lakas ba naman ng pagkakairit. Sigurado ako sya yun! Dali-dali na akong nagpunta sa may pinto at kinatok ito.
"Hey what's going on there?!"
"KYAAAAAA! HUHUHUHU! CAAARRREEE!" sigaw ni Michaela mula sa loob.
"HEY! OPEN THE DOOR!" sigaw ko mula sa labas. Mayamaya pa ay may nagbukas na ng pinto kaya agad na akong pumasok.
"Kyaaaaa!" May sumisigaw dun sa may cubicle.
"Anong nangyayari sa kanya..." bulungan nung ibang babaeng mukhang nag-aalala rin dahil sa patuloy na pagsigaw ni Michaela. Mukhang nasa loob sya nun.
"Ahm Michaela, anong problema?! Anong nangyayari sayo dyan?" tanong ng isang babae.
"UWAAAAAAAAA! WAG KAYONG LALAPIT! WAAAAAAA! CARE ASAN KA?! CARE!" sigaw nya.
"I'm here! What's happening?!" nag-aalala kong tanong sa kanya mula sa labas ng cubicle. Ano bang nangyayari?!
"Palabasin mo sila! Palabasin mo silang lahat!" sabi nya.
"Huh?"
"Palabasin mo sila!"
"A-ah you heard her! Get out! All of you!" sigaw ko sa kanilang lahat habang pinapaalis silang lahat sa loob. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya sinunod ko na lang ang sinabi ng babaeng yun. Naguguluhan nga rin ako eh! Tapos nilock ko agad ang pinto!
"Huhuhuhuhu..." narinig ko na lang syang takot na takot habang umiiyak. "Care..."
"Hey, they're gone." sabi ko. Pagkasabi ko nun ay binuksan na nya ang pintuan sa may cubicle.
"Huhuhuhu..." bigla niya akong niyakap.
"Huhuhuhu Care tulungan mo ko! Natatakot ako! Mamamatay na ko!" wika nya habang umiiyak.
"Huh? Why?! Anong nangyayari?" nag-aalala na talaga ako.
"Mamamatay nako..."
"Kailangan na kitang dalhin sa doktor kung ganun! Halika bubuhatin na kita-
"Wag tayong aalis! Natatakot akong lumabas...huhuhu..." sabi nya. Grabe, ang daming luha nang lumalabas sa mga mata nya.
"B-bakit ba?! Sabihin mo sakin, anong masakit sayo?!"
"Huhuhu...yung tyan ko masakit...tapos...may dugo..."
"Huh?!"
"May dugong lumalabas sakin Care! WAHUHUHUHUHUHU!" sabi nya.
"Asan?!"
"Eto oh..." sabi nya tapos ipinakita nya sakin yung likuran ng palda nyang punung-puno ng dugo.
"Huh?! What's that?!" natakot ako sa sobrang dami ng dugo. "Dadalhin na kita sa doktor! I need to take you to the hospital!"
"Care ayoko! Papatayin nila ako! Natatakot ako! Baka pag-eksperimentuhan nila ko! UWAAA!" sabi nya at pagkatapos ay lalo pa syang umiyak. Takot na takot sya.
"May nakain ka ba kanina?! Baka na-food poison ka!" sabi ko.
"Hindi ko alam Care...pero ang sakit talaga ng bandang ibaba ng tyan ko...huhuhuhu..."
"Anong gagawin ko?!"
"Hindi ko alam...uwaaaaa....huhuhuhu...."
Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya niyakap ko na lang sya. "Anong gagawin natin?!" tanong ko sa kanya. Natatakot na rin ako. Wala kaming pwedeng hingan ng tulong na kahit na sino. Hindi nila dapat malaman ang tunay na katauhan ni Michaela. Pano na?!
Teka lang.
"Michaela, I think I know what the hell that is. That's just PMS! Langya pinag-alala mo ko ah!" sabi ko sa kanya. PMS lang pala. Tss. Ba't di ko agad naisip yun?!
"Ha? Ano yun?"
"PMS."
"Ha?"
"What?!"
"Ayan ka na naman sa pa-what-what mo! Eeeeh di ko nga alam yun!" sabi nya.
"What?! You don't know that?! Akala ko ba matalino ka? Ba't di mo alam? PMS! It's normal for women like you! Wait. Ngayon ka lang ba nagkaganyan?"
"Ha? Oo!"
"Weird. Hindi pala. Alien ka nga pala kaya kakaiba ang katawan mo. Kadalasan kasi maagang nagkakaganyan ang mga babae. You're late! Anyway, you don't have to worry. That will always happen to you every month."
"Ano?! Kada buwan?! Hindi ko kaya! Mauubusan ako ng dugo!" sabi nya. Haist. Dahil dun nagtagal kami sa pag-uusap ng tungkol sa PMS. Ayaw nya kasing maniwala sa pinagsasasabi ko sa kanya! Eh diba normal naman talaga yun sa mga babae?! Ang kulit-kulit nya!
"Ano nga ulit yung PMS?" tanong nya sakin habang nasa mansion na kami. Nasa sofa kami. I'm just reading the magazine while she's disturbing me. Ganun sya kakulit.
"Pre Menstrual Stress Syndrome..." walang gana kong sabi.
"Ano nga ulit?"
"Pre Menstrual Stress Syndrome."
"Ano nga ulit?"
"Pre Menstrual Stress Syndrome!"
"Ulit nga?"
"Pre Mens- inuuto mo na naman ba ako?!" sabi ko sa kanya. Bat ngayon ko lang nahalata ang engot ko naman.
"Ano nga ulit?!" sabi nya. Haist ang kulit! Tuwang tuwa pa sya tapos niyakap nya ako. Nag-init tuloy ang mukha ko!
"Don't touch me!"
"Hahahahaha salamat Care!"
"What?!"
"Salamat sa ginawa mo kanina sa school. Buti andun ka, kung hindi, hindi ko na alam ang nangyari sakin. Baka namatay na ko."
"Sheesh. You're overreacting."
"Hahaha...ganun ba. Nagulat ako roon eh. Oo nga pala, bayad ka na sa utang mo! Yung pagtulong mo sakin kanina at pagbili mo ng napkin, yun na ang kabayaran sa ginawa kong pagtulong sayo noon sa meeting mo!"
Biglang nagningning ang mga mata ko. "Really?!"
"Oo! Hahahaha!"
"Great!" Pagkatapos nun ay napabuntong hininga na ako at napasandal sa sofa. Buti naman at wala na kong utang. Hahahahaha!
(PRINCESS MICHAELA'S POV)
Naandito ako ngayon sa loob ng Williams Academy at masayang naglalakad dito sa loob. "Lalalalala...lalalala...KYAA!" may nakaagaw agad ng aking atensyon. "Si Todd Kikunae! Ang tunay kong pag-ibig!" sabi ko habang nagniningning ang aking mga mata. Nakahiga sya ngayon sa isang folding bed at nagpapainit sa sikat ng araw. Hubad ang itaas ng kanyang katawan at siya ay naka-trunks lamang.
"Ang ganda ng katawan nya...grabe..."
Hulaan nyo kung anong suot ko! Hahaha! Oo alam ko nang seksi ako wag nyo nang sabihin! Hahaha! Idagdag nyo pa, ang ganda ng legs ko! Ang kinis ng balat ko! Ang puti-puti! At isa pa, ang hot kong tingnan! Hahaha! Sige sasabihin ko na, naka-2 piece ako ngayon! Sarap maglantad ang daming humahanga sakin dito! Hahaha!
Wow! Ang ganda talaga rito sa loob ng Williams Academy! Di ko akalaing ganito pala kalawak ang paaralang ito! May resort sa loob! Nagmumukha tuloy "tourist spot" ang lugar nato. Pero hindi rin pala. Mga estudyante lang kasi ang pwedeng magsaya rito. Pero noong una, hindi ko talaga alam na may beach pala rito sa loob ng school. Weeee ang saya-saya!
"KYAAAAA TOODD ANG GWAPO MO TALAGAAA!" sabi ng mga babaeng nakapalibot sa kanya.
"Huh?"
"KYAAAAAAA!"
"PLEASE BE MY BOYFRIEND!"
"IYO NA LANG AKO! IYO NA LANG AKOOOOO!"
"Waaa! Pinagkakaguluhan nila si Todd ko!" sabi ko.
"KYAAAAAAAA!"
Ang damiraming babaeng nahuhumaling sa kagwapuhan nya! WAAAA! Andami kong kaagaw nakakainis! UWAAA!
"Uy miss, mag-isa ka lang?" biglang may lumapit na dalawang lalaki sakin at kinausap ako.
"Ha? Ah-eh..."
"Sama ka na lang samin, tutal wala ka namang kasama eh. Tara!" wika ng isa pang lalaki at pagkatapos ay hinawakan nya ang kamay ko.
"Teka lang-" hindi ako pwedeng lumayo noh! Pano na si Todd! Andaya! Kailangan kong makalapit sa kanya ngayon din!
"Sandali lang...teka. Si Care yun ah..." napansin ko si Care sa may di kalayuan. Psh. Yung lalaki talagang yun oh. Parang may sariling mundo? Eeeh pano ba naman kasi, diba dapat nagrerelax kami ngayon at nageenjoy? Eeeeeh sya nakaupo lang dun at nagbabasa ng kung anuman doon. Haist ang boring nya talaga! Kaya ko nga sya iniwan dun! Psh. Kaya may mga asungot ding nangungulit sakin ngayon wala kasi akong kasama rito.
"Tara na miss beautiful." sabi ni Asungot 1.
"Teka lang, hindi pwede, may kasama ako eh," sabi ko sa dalawang asungot.
"Miss naman, wag ka ngang magsinungaling pa. Kitang-kita naman naming mag-isa ka lang dito at wala kang kasama. Ayaw mo bang mag-enjoy kasama namin?" wika ni Asungot 2.
"Ayoko. Hindi nyo ba ako narinig kanina? Ang sabi ko, may kasama ako." wika ko sa kanila.
"Ha? Pinaglololoko mo ba kami? Eh wala ka namang kasama eh!"
"Ayun oh." sabi ko sabay turo kay Care habang tahimik na nagbabasa sa may di kalayuan. Haist, ni hindi nya man lang napapansin na wala na ako sa tabi nya ngayon.
"T-teka...diba si Care Williams yun?"
"Ha? O-oo nga pare! Yung may-ari nitong school?!" gulat na gulat na sambit ni Asungot 1 kay Asungot 2.
"Care! Yuhooo!" sigaw ko kay Care habang kinakawayan ito.
"Hm?" napansin na ako ni Care. Bigla nyang sinamaan ng tingin yung dalawang pangit na lalaking kasama ko. Isang mapanlisik na tingin ang ibinigay niya sa kanila.
"Waaa..." Kinilabutan ata yung dalawa.
"Tara na pare, umalis na tayo rito!"
"Oo nga! Tara! Bilisan mo nga! Ang bagal mo nadapa ka pa tuloy!" sabi nila tapos dali-dali na silang umalis palayo sakin.
"Hm? Problema nila? Hindi pa ba sila nasasanay sa mukha ng lalaking yun?! Hahahahaha! Ang duduwag naman pala nila eeeeeh! Hahahahaha! Oo nga pala, si Todd Kikunae. KYAAAA! Heto nako pupuntahan na kita!" sabi ko.
"Naandito na ko Todd maakit ka sakin mas sexy ako sa kanilang lahat noh!"
"KYAAAAAAA!" sigawan ng mga babae.
"Todd I LAABB YUUU!"
"AKIN KA NA LANG PLEASE?!"
"KYAAAAA!"
"UWAAA! Di ako makalapit! Andaming babae. Huhuhu...teka. Alam ko na!" Nagtungo ako sa isang dako kung saan malapit sa kinalulugaran ni Todd at kung saan ay matatanaw niya ako. Pagkatapos noon ay nagpa-sexy ako at kung anu-anong pang-aakit ang ginawa ko para makuha ang atensyon nya. Kumindat-kindat pa nga ako eh. Hihihi. Kyaaa! Todd! Pansinin mo ko!
"Woah...pare tingnan mo oh."
"Seksi..."
"Pare ang ganda nun oh. Lapitan natin dali."
"Witwew..."
"Hi miss." sabi nung isang lalaki.
"Waa. Tumabi nga kayo dyan di tuloy ako makita ni Todd nakahara kasi kayo eee!" sabi ko sa kanila.
"Sumama ka na lang samin...di ka naman mapapansin nun sa dami ng babae run."
"Wow seksi. Miss ako nga pala si Andrew..." sabi nung isang lalaki sakin. Actually pinagkakaguluhan na nila ko ngayon dahil sa pagpapaseksi ko kanina.
"Waaa! Todd naman! Bakit ba di mo ko makita?! Ang sexy-sexy ko kaya rito! Todd!" sigaw ko sa malayo, umaasang maririnig ako ni Todd.
"HEY!"
"Kyaa!" nagulat ako nang bigla na lang may sumigaw sa tenga ko! "Care..?" sabi ko.
"What the hell are you doing?!" galit na galit na sambit nya.
"Ano kasi..kkyaa..." hinatak na nya ako papalayo sa mga lalaki at hinila kung saan. "Aray ko ang sakit ng braso ko! UWAAA! TODD! Huhuhuhu..." pilit ko syang tinanaw.
"Hm?" napansin na rin ako ni Todd sa wakas! Ngumiti sya at kumaway sakin.
"Kyaaa! Hihihi." sabi ko.
"Tsk. Let's go!" sabi ni Care.
"Teka lang aray..." mas hinatak pa ako ni Care papalayo at mas hinigpitan pa nya ang hawak sa braso ko. "Huhuhu..."
Pagdating namin sa cottage ay binitiwan na nya ako.
"Umupo ka nga dyan!" sabi nya. Ako naman si takot umupo nga.
"Huhuhu...ang sakit ng braso ko...hmpft..."
"..."
"Aray!" binato ako ni Care ng tela sa mukha.
"Yan! Ibalot mo yan sa katawan mo! At wag na wag kong makikita na lumalapit ka pa sa lalaking yun!" sabi nya sakin. Grabe, ang laki ng mata nya.
Ngumiti na lang ako at nagpa-cute. "Sinong lalaki?" tanong ko sa kanya. Aba, marami kayang lalaki roon. Hahaha...
"Damn...that stupid bastard!" tapos kung anu-ano na ang binulong nya na hindi ko maintindihan. "Are you an i***t or are you just fooling around with me?! Don't you get what I'm saying?! Stay away from that stupid jerk!" tapos ay itinuro nya si Todd doon.
"Oo na alam ko namang si Todd ang tinutukoy mo eeeh! Psh."
"..."
"Tsk."
"Haist. Hindi ko pa ba nasasabi sayo?" sabi ko kay Care.
"What?" sabi nya ng may pagtataka.
"Haist. Nahanap ko na...ang tunay kong pag-ibig."
"What?"
"Ang tunay kong pag-ibig...ay si Todd Kikunae. Ngayon, nasabi ko na sayo ang bagay na ito. Alam mo naman na kaya ako nagtungo sa planetang ito ay upang hanapin ang tunay kong pag-ibig diba? At ngayon na nakita ko na sya, siguro naman hindi mo na papakialaman ang pag-iibigan namin sa isa't-isa." tumayo na ako.
"What?!"
"Ano ka ba? Engot ka ba talaga? Hindi mo ba nakuha ang sinabi ko? Si Todd Kikunae...gusto ko sya! Sya ang tunay kong pag-ibig!"
"Shut up!"
"Gusto ko si Todd Kikunae!"
"Shut up!"
"GUSTO KO SY-
"Shut up!"
"Bakit ba?! Ano bang problema mo?!" pinanlakihan ko na rin sya ng mata.
"..." Bigla syang natahimik at hindi na nakapagsalita. Bigla na lang syang natigilan. Bakit kaya sya nagkakaganito?! Ano bang masama kung si Todd Kikunae ang tunay kong pag-ibig?!
"Gusto ko si Todd Kikunae. Pupuntahan ko sya at sasabihin ko kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya." sabi ko sa kanya at naglakad na ako papalayo.
"Wag ka sabing aalis!" sabi nya at bigla nyang hinawakan ang braso ko at hinatak ako papaharap sa kanya.
"Ano ba?!"
"Stay away from that guy. OR ELSE..." sinabi nya nang may pagbabanta sa akin.
"Or else what? Sasabihin mo sa lahat ang tunay kong pagkatao? Dadalhin mo na ako sa mga scientists? Pag-eeksperimentuhan na nila ako? Ano Care, iyon ba ang gusto mong sabihin?! Magsalita ka!" sabi ko sa kanya. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hanggang ngayon ba, ganito pa rin ang tingin nya sakin? Nakakalungkot isipin na hanggang ngayon ay ibang nilalang parin ang turing nya sakin. Nilalang na hindi kailanman mapapahalagahan bilang isang kaibigan. Pano nya nagagawang pagbantaan ako ng ganito gayong ang lalim na ng pinagsamahan namin?! Ang sakit nya talagang magsalita! Grabe sya-
"Tss. Ano bang pakialam ko sayo? Bakit pa ba ako nag-aabalang kausapin ang isang tulad mong hindi nag-iisip?! Haist, bahala ka na nga sa buhay mo! Sumasakit lang ang ulo ko! Aaargh!"
"Aba't...hoy lalake! Ang kapal naman ng mukha mong sabihin na hindi ako nag-iisip. Para sa kaalaman mo, mas mataas ang lebel ng katalinuhan ko sayo! Hmpft!"
"Haist. Mas mataas nga ang IQ mo sakin, pero mas ginagamit ko naman ang utak ko kaysa sayo!" sabi nya.
"AGDGAJSBXHSU ANONG SABI MO?!"
"Tss. Dyan ka na." pagkatapos ay naglakad na sya papalayo sakin.
"AMPPFT. NAKAKAINIS!"
Lumipas pa ang mga oras. Gabi na rito sa resort sa loob ng Williams Academy. Nakaupo lang ako sa tabi ng dagat at nakatingin sa mga bituin.
"Hay...aw...ahhh...ang sakit pa rin ng braso ko dahil sa kanina. Tsk. Grabe talaga ang lalaking yun. Psh. Ansama ng ugali. Psh."
Tumayo nako. "Haist. Hindi muna ako uuwi. Ayokong makita ang pagmumukha ng lalaking yun noh. Psh, sigurado ako, umuwi na yun ngayon at sarap na sarap na sa pagtulog nya. Ni hindi man nga lang nya ako niyayang pauwi. Psh." Bilong ko sa sarili. Naglakad lakad na muna ako sa may dalampasigan at nilanghap ang sariwang hangin. "Hmmm..."
Mayamaya, may narinig akong tunog ng isang gitara. Sinundan ko kung san nanggagaling ang tunog...hm...? Si Todd yun ah...
♫See the stone set in your eyes
See the thorn twist in your side
I wait for you♫
Nagsimula na syang kumanta...hmmm...ang sarap namang pakinggan ang boses nya...
♫Sleight of hand and twist of fate...
On a bed of nails she makes me wait
And I wait without you
With or without you♫
Napapasabay tuloy ako. “With or without you…” sabi ko.
"Hm?" napatingin sakin si Todd.
"A-ah sori..." sabi ko.
"Michaela? Bakit andito ka pa? Gabi na ah..." sabi nya.
"H-ha? A-ayoko pa kasing umuwi..." sabi ko.
"Hm? Ganun ba?"
"Ah...sige ituloy mo lang yang ginagawa mo...hehehe..." sabi ko.
Ngumiti sya. "Upo ka rito." sabi nya habang tinatapik ang batong inuupuan nya. Malapit yung bato sa may tubig...
"H-ha? Ah s-sige..." sabi ko at pagkatapos ay naglakad na ko papalapit sa kanya at naupo sa tabi nya.
♫Through the storm we reach the shore
You give it all but I want more
And I'm waiting for you♫
Sumabay na ulit ako sa kanya...
♫With or without you
With or without you
I can't live
With or without you♫
(Michaela)
♫And you give yourself away
And you give yourself away
And you give
And you give
And you give yourself away♫
"Nice..." sabi nya. "Ganda ng boses..."
"H-ha? Hehe...salamat." sabi ko. "Hmmm...nga pala...bakit andito ka pa rin?" tanong ko sa kanya.
"Hm? W-wala naman. Magulo kasi sa apartment. Bad trip yung manager ko. Tsaka si...ah wala. Ano kasi ayoko pang umuwi. Sasakit lang ang ulo ko run." sabi nya at pagkatapos ay tumingin na sya sa karagatan. "Hay...dito...tahimik..." pagpapatuloy nya. Pagkatapos noon ay pumikit sya. “Ang lamig ng simoy ng hangin..." sabi nya.
Pumikit na rin ako at nilanghap ang sariwang hangin. "Oo nga...ang sarap nga sa pakiramdam nito. Nakakarelax ng isipan."
"Hai..." sabi ni Todd.
"Ako rin. Ayoko pang umuwi. Dito na muna siguro ako magpapalipas ng gabi." sabi ko sa kanya.
"Hm? Bakit? Nag-away na naman ba kayo ni Care?"
"Ha? Pano mo nalaman?"
"Hm? Palagi ko kayong nakikitang mag-away kaya alam ko."
"Ha? Ganun ba? Hehehe...sya kasi. Ang sama ng ugali nya."
"Tss. Sinabi mo pa. Gago sya..." bulong ni Todd.
"Hm? May sinasabi ka ba?" tanong ko.
"Ha? Wala no. Hahaha! Hmmm...bakit nga pala kayo nag-away?"
"A-ano kasi..." nahihiya akong tumingin sa kanya.
"Hm?"
"Ano kasi..."
"Hm? Bakit?"
"Ano..."
"Hahaha."
"Bakit ka tumatawa?"
"Nakakatawa ka kasi. Haha..."
"Hmft."
"Ano ba kasi yung sasabihin mo?"
"Wala. Di bale na lang," sabi ko. Ang hirap kayang sabihin. Nag-away kami ng dahil sayo. Haist.
"Nga pala, malapit na yung welcome party ng elite group natin. Ahm...pwede ba kong humingi ng pabor sayo?"
"Ha? Ano yun?"
"Pwede bang ikaw ang magbigay ng intermission number para sa band natin. Wag kang mag-alala, alam kong mag-eenjoy tayong lahat." sabi nya tapos ngumiti ulit sya. Haist...ang gwapo talaga nya...
"Ganun ba? Hehe. Salamat...sige, aawit ako sa band."
"Talaga?! Great!"
"Hehehe...ahm Todd, may nais sana akong sabihin-
"And one more favor."
"H-ha? A-ano yun?"
"Pwede ba...pwede ba kitang maging girlfriend?"
"H-ha?"