(PRINCESS MICHAELA’S POV)
"Sabi ko, pwede ba kitang maging girlfriend?" sabi nya.
"Huh...KYAAAAA...talaga..?" hindi makapaniwalang sambit ko. Ang pangarap ko...ang pangarap ko...malapit nang matupad...
Tinitigan lang ako ni Todd sa aking mga mata. Ang mga mata nya...nakakatunaw ang mga titig nito. Parang nangungusap ang mga ito sa akin. Hinawakan nya ang kamay ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
"P-pwede naman. K-kaya lang di ka pa nanliligaw eh..." sabi ko.
"Tsk. Di ako marunong. Tsaka, di na uso yun." pagkasabi nya noon ay inakbayan nya ako. "So ano...tayo na?"
"H-ha? P-pero..."
"Sige na." tapos ngumiti sya sakin. Haist...matutunaw na ata ako...anong sasabihin ko? Matitiis ko pa ba to? Hmpft...minsan lang to mamgyari sakin...baka di na to maulit kapag pinalampas ko pa...hinaplos nya ang kamay ko. Nakaakbay pa rin sya saken.
"S-sige..."
"H-hontoni?!" hindi makapaniwalang sambit nya.
"Oo na. Payag na ko. Hehehe..." sabi ko.
Ngumiti sya. "Woah..." Tapos niyakap nya ako. "YES! KAMI NA!"
"Hahaha...wag ka nga masyado sumigaw..." sabi ko.
"Ang saya ko ngayon. Arigatoo..." sabi nya.
"Hehehe..."
Mayamaya...unti-unti nyang inilalapit ang labi nya sa labi ko.
"Huh..." Umiwas ako. "S-sandali lang..."
"Hm? Ayaw mo?"
"Hindi naman sa ganun. P-pero..."
Ngumiti ulit sya. "Di bale. Halika na nga. Pasok na tayo sa loob. Baka malamigan ka pa rito. Malalim na rin ang gabi. Kailangan mo nang magpahinga." tumayo na sya at hinawakan ang kamay ko.
"S-sige..." Pagkatapos nun ay sinamahan na nya akong maglakad papasok sa resthouse.
(CARE’S POV)
“Oh, bakit ngayon ka lang?! Gabi na ah. Hindi pala! It’s already 2 o’clock in the morning! San ka ba nagsususuot ha?! Hindi mo baa lam na pinag-alala mo’ko?!” wika ni Danica pagpasok na pagpasok ko pa lang sa pinto ng mansion.
“Tss.”
“Hoy couz! Kinakausap pa kita!"
Nagdirediretsyo na akong maglakad at di ko na lang sya pinansin.
"Aba’t afjkfjkd. Teka lang. Ba’t di mo kasama si Michaela?! Asan sya?!”
“Wala. Hindi sya uuwi. Wag mo nang itanong kung bakit.” Sabi ko tapos dirediretsyo na ako sa pag-akyat ng hagdan. Hindi na ako kinulit ng pinsan ko pagkatapos nun. Alam nya sigurong mainit ang ulo ko. Nakahiga lang ako rito sa kama at napapaisip. Si Michaela...
“Si Todd Kikunae ang tunay kong pag-ibig!”
“Gusto ko si Todd Kikunae!”
“Shut up!”
“Gusto ko si Todd Kikunae!”
“Shut up!”
“GUSTO KO SI TODD KIKUNAE!”
“SHUT UP!”
Haist. Naalala ko na naman. Si Todd Kikunae. "Todd Kikunae Todd Kikunae Todd Kikunae nakakainis! AAARGHH..." Nagdadabog ako at nagsisipa habang nakahiga. "Tsk..."
Nakita ko sya roon sa resort. Oo, andun lang ako buong magdamag. Andun lang ako at pinagmamasdan ko sya. Kaya ako ginabi este minadaling araw sa pag-uwi ay dahil sa kanya! Mag-isa lang kasi sya run sa tabi ng dagat at tahimik na nakatingin sa langit. Ano kayang iniisip ng babaeng yun?! Bakit kaya di pa nya naiisipang umuwi? Akala nya siguro nakauwi nako sa mansion...hay dapat nga kasi kanina pako umuwi. Hindi ko lang maintindihan sa sarili ko kung bakit mas pinili ko pang manatiling nakatayo sa malayo habang nakatingin sa kanya kaysa sa umuwi na lang at matulog ng mahimbing. Hanggang sa...makita ko na silang magkasama ni Todd Kikunae, nakatingin pa rin ako sa kanya. Ayoko pang umalis nun, ayoko syang iwan. Kaya lang di ko magawang magpakita sa kanila at lumapit dahil di ko alam ang sasabihin ko pag nangyari yun. Ang gulo ko talaga! Ang gulu-gulo ko. Ano ba talagang nangyayari sakin?!
Napaupo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama. "Aaaarghhh..." ginulo ko ang buhok ko sa pagkairita. "HAIST...bakit bako nagkakaganito..?" bulong ko sa sarili. Ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya? Ayoko syang mawala sa paningin ko. Nag-aalala ako kapag palagi nyang nakakasama si Todd Kikunae. Nagagalit naman ako pag may mga lalaking lumalapit sa kanya.
Naalala ko nung biglang tumayo si Todd Kikunae sa tabi ng dagat at hinawakan ang kamay ni Michaela. Tapos umalis na silang dalawa.
"Tss. Niloloko lang naman sya ng lalaking yun. Teka. Oo nga pala. May board meeting nga pala mamaya! Wait...wala nga pala rito si Michaela! Sya yung gumawa ng presentation nung isang araw eh. Lagot na. Hindi sya makakapagpresent mamayang umaga kung di sya uuwi ngayon!" sabi ko habang parang tangang kinakausap ang sarili. "WAAAA...tama! Si Miko na lang! Si Miko na lang ang tatawagan ko!" kinuha ko na agad ang phone ko at dinial ang number ni Miko.
“Hello?!” sabi ko sa kabilang line.
“Hooooohh..."
"Miko?"
"Hoooohhh...Mr. Williams..?”
"I have to talk to you."
“Huuuuh...bakit ka napatawag sa disoras ng madaling-araw Mr. Williams?”
“Pumunta ka sa bahay ko ngayon din. May gagawin tayo.”
“H-huh? Ngayon na mismo Mr. Williams..? 3:00 pa eeeee. Antok pa ako eeeee. Ang aga-aga pa...tulog muna tayo Mr. Williams...”
“HEY!”
“Waaah! Bakit Mr. Williams?!” gulat na gulat na sambit nya.
"Haist. Buti naman at nagising din ang utak mo! I WANT YOU TO GO TO MY HOUSE RIGHT NOW! ANO! PUPUNTA KA BA O HINDI?!”
“S-sabi ko nga po pupunta nako dyan. S-sige po Mr. Williams lalayas nako rito sa bahay namin-“ nangangatal na sabi nya tapos nag-end call na. Tss. Binabaan ako ng telepono?!
Ipinatong ko na sa table yung presentation na ginawa ni Michaela. Si Miko naman, hihikab-hikab pa rin. Pero kahit na ganun, pinilit nya pa ring basahin ang mga files na binibigay ko sa kanya. Kailangan nyang intindihin yung mga yun. Sya ang magpepresent sa board pamaya. Pero siguro...kung ako mismo ang mag-aaral nyan ngayon...walang papasok sa utak ko. Konti na lang kasi ang natitirang oras! Eight o’clock yung meeting. Sheesh...buti na lang andito si Miko.
"WOAH..." sabi ni Miko.
"Hm?"
“Wow...si Miss Michaela ba talaga ang nagdesign nito?!"
"Hm...yeah."
"Huh..? Hindi ako makapaniwala...” sabi nya.
“...”
“WAHH! This is the work of art!” sabi nya.
"Tss." Ewan ko sa kanya.
“Isang spacecraft...na kasing bilis ng ordinaryong eroplano habang lumilipad sa outerspace! Ang ganda ng design...hindi...teka...WAHHHH! Hindi normal ang design nito Mr. Williams! Pero ang mga calculations nya...tamang-tama ito Mr. Williams...ang galing ng imagination ni Miss Michaela, Mr. Williams...pang out-of-this-world...” sabi ni Miko.
"Hmmm...that's good." napangiti naman ako. Isa lang ang ibig sabihin nito. May magandang mangyayari pamaya...HAHAHA. Humanda ka sakin Mr. Kikunae. Wala ka nang panama sa imbensyon ni Michaela!
“Mr. Williams...she’s really a genius...wag kang mag-alala Mr. Williams, ako ang bahala rito. Hihihi.”
Pagkatapos namin sa ginagawa ni Miko, nagpunta na kami sa Williams Corp. at sinimulan na ang presentation. Sinabi sa amin ni dad na napagdesisyunan ng mga board members na mamili sa pagitan ng team ko at ng team ni Mr. Kikunae kung alin sa dalawang project ang gagawing best aircraft design. Williams Corporation is one of the top manufacturing companies that build different vessels that can be used for expiditions and war. This company is working under NASA. The whole team are to develop an advanced military aircraft that can be used both inside and outside the planet. May dalawang designs na inihain sa company: of course the one is from my team, which was presented by Miko; the other one was from Mr. Kikunae’s team, which was presented by his daughter Moe. The truth is...we did great. Ang ganda ng kinalabasan ng presentation namin, pero di ko maitatangging naimpress din ako sa design na ginawa ng scientist na yun.
“I guess both team have already presented. Each member of the board will be given a copy of the presentation. Voting for the design will be held next week,” sabi ni dad. At dun natapos ang meeting namin.
"Let's go." sabi ko kay Miko.
"Yes sir!"
"Mr. Williams." may tumawag sakin.
"Hm?" lumingon ako sa kanya.
"Oh. Mr. Kikunae." sabi ko.
“Mr. Williams, ang ganda ng design na ginawa nyo,” sabi sa akin ni Mr. Kikunae.
“Alam ko nayan dati pa Mr. Kikunae, hindi mo na kailangan pang sabihin. Hahaha!"
"Tsk..."
"Wag kang mag-alala, hindi magtatagal at itong project na hawak ko ang mapipili sa gagawing botohan next week. Pano na yan Mr. Kikunae, san ka na kaya pupulutin pagkatapos nun?” sabi ko sa kanya.
"Ganun ba...masyado ka yatang bumibilib sa sarili mo bata..." Halata ko sa mukha nya na nagsisimula na syang magalit pero pinipigilan nya lang ang sarili nya. Palibhasa, duwag sya. Takot makipaglaban ng harapan. Tingnan ko lang kung hanggang saan ang itatagal ng pasensya ng matandang to. Huh.
"..."
“Mr. Williams, masyado ka yatang kampante sa mga sinasabi mo. Ingat-ingat sa pagsasalita, baka kainin mo lahat yan.” Sabi nya.
I smirk. “Ikaw ang mag-ingat, Mr. Kikunae. Hindi rin magtatagal at ako ang magmamay-ari ng kumpanyang ito. Baka mamaya...di mo na pala namamalayan...napatalsik ka na pala sa kumpanya...” pagbabanta ko sa kanya.
“Anong...” pinilit ni Mr. Kikunae na pakalmahin ang sarili nya. “Pinagbabantaan mo ba ako Mr. Williams?!” pagpapatuloy nito.
“Woah. Hinay-hinay lang sa pagsigaw Mr. Kikunae. Teka, pano mo nalaman? Ang galing mo talaga! Wag ka nang magalit...baka ma-high blood ka. Matanda ka pa naman, mahirap na...” sabi ko sa kanya. “Oo nga pala. Hindi pala ako dapat nag-aalala sayo Mr. Kikunae. Matagal nga palang mamatay ang masasamang damo! Hahahaha!”
“Aba’t...WALANG HIYA KA TALAGANG BATA KA! Pasalamat ka at ikaw ang nag-iisang anak ni Mr. Williams kaya nirerespeto kita!”
“Ganito pala ang nirerespeto, sinasabihan ng WALANG HIYA! Hahahaha!”
“Tandaan mo ang sasabihin ko sayo bata. Hindi mo alam kung anong pwede kong gawin. Hindi mo alam kung anong maaaring mangyari sa paligid mo simula ngayong oras na ito kaya mas mabuti siguro kung mag-iingat ka. Ngayon pa lang magsisimula ang tunay na laban. Tingnan natin kung sinong magtatagumpay sa bandang huli.”
“Okay.” I shrug my shoulders.
“Tsk. Sinisigurado kong pagsisisihan mo na kinalaban mo ako!” galit na galit na sabi nya. Pagkatapos nun ay tuluyan na syang umalis sa harapan ko.
“Mr. Williams, ayos ka lang ba?” tanong sakin ni Miko.
“Sapak...gusto mo?” sabi ko sa kanya. Gusto nya atang makatikim ng suntok sa mukha eh. Anong akala nya sakin, WEAK?!
“H-ha? A-ayoko Mr. Williams! Hihihihi...”
“Tsk.” Inayos ko nga ang damit ko. Baka sabihin pa nila natatakot ako sa matandang kurimaw na yun!
“P-pero Mr. Williams, ang galing ng ginawa mo kanina! Hangang-hanga ako sa mga sinabi mo! Ang astig mo talaga Mr. Williams! Hihihihi...idol na idol kita Mr. Williams! Hihihihi...” sabi nya.
"Hahahaha. Talaga."
"Hihihi."
“Teka. Anong oras na ba?”
“Ha? Mag-aala-una na ng tanghali Mr. Williams! Hihihihi...”
“Ganun ba? May oras pa pala. Pumunta na tayo sa school.” Sabi ko.
“H-ha? P-pupunta tayo sa school? P-pero Mr. Williams, kagagaling lang natin sa meeting! At saka Mr. Williams! Wala ka bang balak matulog?”
“...”
“Sabi ko nga pupunta tayo ng school. To the school! Tara lets!” sabi nya tapos nauna pa sya sakin at nagtatakbo papaalis. Natakot ata.
"Tsk." Ano na kayang nangyari kay Michaela? Pupuntahan ko sya sa school dahil sigurado akong nakikipaglandian na naman yun sa gagong yun! Si TODD KIKUNAE. Panggulo talaga sa buhay ko ang lahi ng lalaking yun kahit kelan.
Pagkarating namin ng Williams Academy, as usual, pinagkakaguluhan pa rin ako ng mga babae. Tss. Nasan na kaya si Michaela?
“KYAAAA! Si Prince Care! Buti dumating ka! Akala naming di ka na papasok ngayon eeeeh...KYAAAA!” sigawan ng mga babaeng nakapalibot ngayon sakin. Ayos na rin. Pampawala ng antok ang ingay nila.
"Hooohh..." hikab ko.
“Prince Care gusto mo ng chuckie?”
“Yeah...thanks...” inabot ko yung chuckie na binigay nya at akmang iinumin na ito.
"Akin na yan Mr. Williams!" bigla na lang itong inagaw sakin ni Miko sabay inom nito.
“WAAAAH! BAKIT MO ININOM?!” sigaw ko sa kanya.
“Ang sarap ng chuckie Mr. Williams! Nomnomnomnom...” sabi nya habang ninanamnam ang chuckie na dapat ay para sakin.
"Huh..." Unti-unti kong kinuyom ang kamao ko sa galit. THIS IS WAR...
“Damn you Miko...how dare you do this...” sabi ko sa kanya.
"Wala na." sabi nya habang sinisimot ang chuckie. Langhiya parang wala syang naririnig.
“PAGBABAYARAN MO ANG GIN-
"UGH..aaarrgh..." bigla syang bumagsak sa sahig.
"T-teka, anong nangyayari sayo?!" sabi ko kay Miko.
"Aaaarrghhh..." Namilipit ang buong katawan nya sa sakit. "Mr...Williaaaams..."
"Miko!"
“KYAAAAA! WE NEED AN AMBULANCE! HANG IN THERE MIKO!” sigawan ng mga kaklase kong nag-aalala kay Miko. Napaisip agad ako. Hinanap ko agad yung babaeng yun. Yung babaeng nagbigay ng chuckie! Asan na sya?!
Nagkakagulo na ang mga kaklase ko sa loob ng classroom. "Halika buhatin natin si Miko dali!" sabi nung isa kong kaklase. Tumulong na ko sa pagbubuhat.
"Hang in there Miko! Dadalhin ka na namin sa clinic..." sabi ko sa kanya.
"Mr. Williams...si Michaela..." sabi ni Miko.
"Huh..?"
"Puntahan mo si Michaela...okay lang ako..." sabi ni Miko.
"Huh...bakit..."
"Delikado kayo..." sabi nya.
"What..." natigilan ako. Dinala na nila papalayo si Miko. May bigla akong naalala. Yung mga sinabi ni Dr. Kikunae.
“Tandaan mo ang sasabihin ko sayo bata. Hindi mo alam kung anong pwede kong gawin. Hindi mo alam kung anong maaaring mangyari sa paligid mo simula ngayong oras na ito kaya mas mabuti siguro kung mag-iingat ka...” sabi sakin ni Mr. Kikunae. “Pagsisisihan mo na kinalaban mo ako...”
"Huh..." Dali-dali akong nagtatakbo papalabas ng classroom para hanapin si Michaela. Kung nadamay si Miko, siguradong madadamay rin si Michaela...si Mr. Kikunae ang may pakana ng lahat ng to, sigurado ako dun. Mukhang sinisimulan na nya ang mga plano nya ngayon...
"Huh..." inilibot ko ang tingin sa buong paligid.
“KYAAAAA! CCCAAAARRREEE!” narinig kong may sumigaw mula sa di kalayuan.
"Michaela!"
Tumakbo na sya papalapit sakin. "Huh...huh...whooo....hah...ha..." hingal na hingal syang yumuko habang nakapatong ang mga kamay nya sa tuhod nya.
“What happened?!” tanong ko sa kanya.
“M-may humahabol sakin Care! Babae! May dala-dala syang armas! May baril sya! Babarilin nya akoooooo!” sabi nya.
"Damn it. Sinasabi ko na nga ba!"
"Hah...hah..."
“Umuwi ka na muna sa mansion. Ipapahatid na kita sa driver. At wag na wag ka munang lalabas kahit na anong mangyari. Halika na!”
“Teka lang Care, hindi pwede!”
“Huh?! Bakit naman?!”
“Eh ano kasi...ano...ano...hmpft...may date pa kasi kami ni Todd eeeeeh...” sabi nya habang pinagtatagpo nya yung dalawang hintuturo nya sa bawat isa.
“What?!”
“Boyfriend ko na si Todd, Care!” sabi nya.
“WHAT THE HELL!”
“Sige na Care, ok lang ako. Kaya ko na ang sarili ko. Poprotektahan ako ni Todd.”
“At sinong may sabi sayo na makipagboyfriend ka sa lalaking yun?! Niloloko ka lang ng lalaking yun sira ka ba?! Bakit mo pinatulan?!”
“At sino namang may sabi sayo na niloloko ako ng lalaking yun?! Mahal ako ni Todd! Ramdam ko yun!”
“Diba sinabi ko naman sayo na gamitin mo yang utak mo?! Haaaaah...” sabi ko sa kanya habang ipinagdidiinan ang hintuturo ko sa noo nya ng maintindihan nya kung ano ang ibig kong sabihin!
“Aba’t amppfft-“ inalis nya ang kamay ko sa noo nya, “Hoy Care Williams...para sabihin ko sayo, ginagamit ko ang utak ko. At hindi lang ang utak ko, pati na rin ang puso ko...” sabi nya sabay turo nya sa may dibdib nya. “Kaya pwede ba...huwag mong pagsasalitaan ng ganyan si Todd? Mahal ko sya...mahal nya rin ako!”
“SIRA KA TALAGA!”
“Engot ka naman!” sabi nya.
“Aba’t...hoy babae, sa oras na pinaiyak ka ng lalaking yan, ito ang tatandaan mo...” sabi ko sa kanya at pagkatapos ay inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya at pinanlakihan ko sya ng mata. “TATAWANAN KITA! TATAWANAN KITA NG WAGAS NA WAGAS! TATAWANAN KITA TO THE MAXXXXX! Nababaliw ka na talaga! Sira na utak mo! Para sa kaalaman mo, inuuto ka lang ng lalaking yun!” sabi ko.
“Ampfft...anong sabi mo?!”
“Utu-uto ka! Utu-uto!"
“Tumigil ka nga!”
“Utu-uto! Utu-uto!” sabi ko.
“Napaka mo talaga! Ang sama ng ugali mo!”
“Utu-uto ka!” nagpatuloy lang ako sa pang-iinsulto ko sa kanya.
"Hmft..."
"Utu-uto!"
“Wala ka talagang kwenta...” sabi nya sabay ng pagtulo ng luha sa mga mata nya. Wala akong pakialam. Kailangan nyang maintindihan ang sinasabi ko:
“UTU-UTO! MAPAPAHIYA KA LANG!”
"..." Pinahid nya ang luha nya.
"Utu-uto ka na nga, iyakin ka pa!"
"Hmft..." Pagkatapos nun ay nagtatakbo na sya papalayo sa akin pero alam ko, patuloy pa rin syang umiiyak. Baka nga humahagulhol nay un.
"ISIP BATA! IYAKIN!" Dali-dali na syang lumabas ng school. Pero di pa rin ako nagpapigil at sinigawan ko pa rin sya habang lumalayo sya sakin. “Hoy! Sinasabi ko sayo, mapapahiya ka lang dyan sa gagawin mo! Sira ka talaga! Utu-uto! Hahaha...” sabi ko sa kanya. Pahina ng pahina ang boses ko. Alam ko...nasaktan ko sya ng todo...
Pero ito lang ang masasabi ko...
Hindi lang sya ang nasasaktan sa mga sandaling ito...ako rin...
Unti-unti na akong tumalikod sa kanya at naglakad papalayo...utu-uto ka talaga Michaela...
Mayamaya, may narinig akong putukan sa labas.
“AAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!”
"Huh..." I was shocked. Boses yun ni Michaela.
"Michaela..." Napatingin agad ako sa direksyon ng boses. Dali-dali na akong nagtatakbo papalabas para hanapin sya. "Michaela!" hinanap ko sya.
"..."
"Michaela! Asan ka?!"
Pagdating ko sa labas ng campus, wala na akong nadatnan na kahit na sino. Wala akong nadatnan na kahit na ano. Ni anino nya, wala...
I just saw a small letter suddenly flying through the wind, then it slowly falls and touches the ground near my feet. I grab it and read the note written on it.
“HAWAK KO NGAYON SI MICHAELA CARE WILLIAMS. MAGDASAL KA NA.”
Shit.