(CARE'S POV)
Agad akong nagpunta sa mansion at kinuha lahat ng mga documents na kelangan ko. Yung project na ipinresent namin sa company nung isang araw. Sigurado ako, yun ang kelangan sakin ni Mr. Kikunae. Sigurado, yun ang gusto nyang makuha sakin kaya nya kinidnap si Michaela. Oo sigurado ako, sya ang kumidnap kay Michaela. Gusto nya kasing manalo yung project nya at sya ang mapili ng company. Mayamaya pa ay biglang nagring ang phone ko kaya naman agad ko tong sinagot.
“Hello?!”
“Hello...Mr. Williams, right?” sabi sa kabilang linya. Boses babae.
“Oo, ako nga!” sabi ko.
“Hm...mukhang kinakabahan ka ah...don’t worry...she’s still breathing...”sabi nya.
"Wait. Do you mean...Michaela?"
"Hahahaha! Hahahaha!" tumawa na sya na parang baliw.
“Who the hell are you?! Bakit nyo kinidnap si Michaela?!”
“Simple lang. Because she’s getting into my nerves and I hate her!” sabi nung babae.
“Teka, sino ka ba, ha?!”
“You’ll know me soon. Pero ito lang ang masasabi ko. Wala ka nang oras. Puntahan mo na sya rito hangga’t kaya ko pang pigilan ang sarili ko...dahil sooner or later, baka di ko na mapigilan pa ang sarili ko at mapatay ko agad sya. Hahahahaha!”
“Baliw ka na! How dare you do this! Kung sino ka man...humanda ka sakin pag nakita kita! Asan si Michaela?! Sabihin mo sakin kung nasaan!” sabi ko sa kanya.
I drive myself towards the place where she directed me to go. Mag-isa lang ako ngayon papunta roon dahil sabi nya, wag daw akong magsasama ng kahit na sino or else...mapapahamak si Michaela. Tapos may nakita akong mapa sa labas ng pinto ng mansion. Ewan ko kung sinong naglagay, pero sabi nya, galing daw yun sa kanya. Tsk. Ang mahirap kasi, di ko maintindihan yung mapa. Ang pangit ng pagkaka-sketch! Parang di man lang marunong ng basic drawing yung gumawa nito. Tsk. Maintindihan ko kaya? Bahala na nga!
"Okay...sabi sa mapa...kakanan daw pagdating sa 24-hour shop na to..." so kumanan ako habang nagd-drive at hawak hawak ang map na binigay nya.
"Kakaliwa papuntang police station..." so kumaliwa naman ako. "Kakanan ulit...kakaliwa papuntang kabilang kanto...tapos dirediretsyo lang..." Nilibot ko itong buong pier tapos may nakita akong bodega roon. Tapos kailangan ko raw yung lagpasan hanggang sa makarating ako ng panlimang kanto tapos kakanan ulit ako. Pagdating sa pangatlong kanto, kakaliwa ako tapos...dito na.
"TEKA! ITO RIN YUNG PINANGGALINGAN KO KANINA AH!"
Mayamaya pa ay tumunog na naman ang phone ko.
“Hello?!” I answered the phone.
“Tama nga ang naririnig kong tsismis galing sa mga tao sa paligid...utu-uto ka Mr. Care Williams...hahahahaha!”
“WHAT?! AAAARRGH!" nanggigigil ako! Hinawakan ko ng sobrang higpit ang phone ko para madurog! Pero wala eh. Ang tibay pala nito.
“HEY! HINDI ITO ANG TAMANG ORAS PARA MAKIPAGLOKOHAN!” sinigawan ko ang kausap ko sa phone para naman marealize nya kung anong ibig kong sabihin!
“Relax ka lang. Tumingin ka sa kanan...” sabi nya kaya naman tumingin nga ako sa kanan. Utu-uto ba talaga ako?
May nakita akong spotlight na gumagalaw-galaw sa kalangitan. Parang nanggagaling yun sa isang coliseum. May show ata roon, concert or something?
“See that spotlight moving graciously in the night sky? It’s beautiful isn’t it? Sundan mo ang liwanag na yan. For sure, di ka maliligaw. Makikita mo na rin si Michaela pag nakarating ka roon. Hahahahaha!”
"Hey wait” hindi ko na sya nakausap dahil inend-call na nya. "Tsk." Dali-dali na akong nagdrive papunta sa lugar na yun. Di ako nahirapang makarating dun sa coliseum, alam ko naman talaga kung papano pumunta roon. Nagdrive nako papasok sa entrance ng coliseum kung saan may naka-post na banner na may nakasulat na "HONEY HONEY...WELCOME PARTY"...etcetera etcetera. Teka...HONEY HONEY? Parang familiar. San ko nga ba narinig yun?
"..." HONEY HONEY. Yun yung band ni Todd Kikunae. Si Todd Kikunae. Sya pala ang kumidnap kay Michaela. "Humanda ka sakin..." Bumaba nako ng kotse at nagpunta dun sa maraming tao para hanapin si Michaela.
"KYAAAA!"
"WHOOOOO!"
Ang daming nagsisigawan. May welcome party pala rito sa lugar na to. Welcome party ng gagong yun.
"You want more?!" Nakita ko si Todd na kumakanta sa stage habang tumutugtog naman yung mga ka-band members nya.
"YEAH!"
"YOU WANT MORE?!"
"YEAH! KYAAAA!"
Tumingin ako sa buong paligid. Haist, pano ko kaya makikita si Michaela rito eh ang dami-daming tao?!
“Hi! You’re Care Williams, right?” may lumapit sakin na lalaki.
“OO! AKO NGA SI CARE WILLIAMS! NASAN SI MICHAELA?!” sabi ko sa kanya. Hinawakan ko agad ang kwelyo nya.
“Ha? What are you saying man?” sabi nya.
“TINATANONG KITA. NASAN SI MICHAELA?!” sabi ko ulit.
“Hindi ko alam. Chill lang bro. Relax!” sabi nya tapos inalis nya ang pagkakahawak ko sa damit nya.
"Tsk."
“Kaya kita nilapitan bro, kasi itatanong ko sana sayo kung kasama mo ngayon si Michaela. Alam mo kasi, magpeperform dapat si Michaela ngayon dito sa welcome party ng HONEY HONEY. Pero hanggang ngayon, di parin sya dumarating.” Sabi nya. “By the way, I’m Kyle. Ako ang manager ng HONEY HONEY. Kilala ko si Michaela. Girlfriend sya ni Todd, diba? Naku. Pagsabihan mo yang kaibigan mo. Sabihin mo, makipagbreak na sya kay Todd sa lalong madaling panahon. Alam mo ba, maraming babae yang si Todd. He’s a player. Pinagsasabay-sabay nya ang mga babae. Marami syang girlfriends, at hindi lang si Michaela ang girlfriend nya ngayon. Madalas nga, nagkakaroon ng kaguluhan nang dahil sa pag-aaway ng mga babae nya. Yung iba kasi sa girlfriends ni Todd, warfreak. Yung iba obsessed na obsessed sa kanya kaya di sila pumapayag na may ibang babae si Todd. Ginagawa nila ang lahat para wag maagaw si Todd sa kanila. Kahit na makasakit sila ng tao.” Sabi ni Kyle.
"What?"
“Naku...hindi kaya, nasa panganib na ang kaibigan mo ngayon? Baka may ginawa na namang kalokohan si Hearthrob...” Sabi ni Kyle.
“Hearthrob? Who’s that?”
“Ha? Si Hearthrob? Sya yung isa sa mga girlfriend ni Todd na mahilig gumawa ng gulo. Hindi nga sya nag-iisip ng ayos eh. Ewan ko ba. Baliw na ata. Palagi syang may dalang baril at nakakatakot sya...nabalita ko nga nung sumugod sya minsan sa Williams Academy at nanira roon. May daladala syang armalight nun. Buti na lang walang namatay!” sabi ni Kyle. Mayamaya pa ay biglang tumigil ang music. Nawalan kasi ng power supply.
"WOAH..."Nagsigawan lahat. May spotlight na biglang umilaw sa stage. Bigla yung tumapat kay Todd kaya nasilaw sya.
"HAHAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHAHA!" wika ng isang babaeng nagsasalita sa speaker.
"Teka. Familiar yung tawa na yun ah..."
"TODD! ANG GWAPO MO TALAGA LALO NA KAPAG NASUSURPRISE KA SA GINAGAWA KO! HAHAHAHAHAHA!" tumawa na naman yung babae. Teka...san ko nga ba narinig yung boses na yun...wait. I remember!
"Sya yung kausap ko sa phone kanina! Anak ng-
"Todd...sweetie ko...kailan ka ba magbabago? Hmpft...akala ko ba ako lang ang girlfriend mo forever? Bakit may bago ka na naman? Hmmm...Michaela nga ba ang pangalan nya? NYAHAHAHAHAHA! Alam mo sweetie, mas maganda ako sa kanya! Bakit sya pa?! Kakainis ka naman sweetie! Hahahahahaha!" sabi nya. Baliw na ata talaga sya. Di ko maintindihan kung galit ba sya, nalulungkot o natatawa...tsk. Lagot na. Delikado si Michaela.
"Ano na naman bang ginawa mo ha Hearthrob?! Pwede bang itigil mo na to?! Hindi ka na nakakatuwa!" sigaw ni Todd mula sa stage. Hinanap ko kung nasaan yung Hearthrob. Di ko makita, boses lang talaga nya ang naririnig namin.
"Kung gusto mo pang makita ang babaeng yun ng buhay, makipagkita ka sakin ngayon din! Now na, as in ngayon na! HAHAHAHAHA!" sabi nya. Bigla na lang bumalik ang lahat sa dati. Nagkailaw na ulit. Si Todd naman, agad na nagtatakbo papuntang backstage. Sinundan ko sya.
"Sasama ako." sabi ko sa kanya nang papasok na sya sa kotse.
"Hm? Hwag ka nang makialam dude. Problema ko to." sabi nya tapos sumakay na sya ng kotse. Tss. Akala nya ha. Sumakay nga rin ako.
"Teka. Di ba sinabi ko nang hwag kang makialam? Bat sumakay ka pa?" tanong nya. Inayos ko na lang ang pwesto ko at inayos ko rin ang coat ko.
"Oh. Ano pang hinihintay mo? Let's go!" sabi ko. Tsk. Bat ba hindi pa nya iniistart ung engine?!
"Tss." napailing na lang si Todd at pagkatapos ay pinaandar na na yung sasakyan.
Tumigil ang sasakyan sa isang lumang basement. Pagkatapos nun ay lumabas na si Todd at sinundan ko sya habang naglalakad kami papasok. Kung ganun pala...hindi si Mr. Kikunae ang may pakana nito. Kagagawan lang to ng isang babaeng baliw. Tsk. Ano bang kalokohan ang nangyayari rito?! Tsk. Sayang ang oras! Pati si Michaela nadamay nang dahil sa kagaguhan ng lalaking to!
"Pag may nangyaring masama kay Michaela, lagot ka talaga sakin..." sabi ko sa kanya habang naglalakad kami. Tsk! Kung di naman dahil sa kanya wala kami dapat dito ngayon eh!
"Tss." Todd smirks. Tsk! May gana pa syang tumawa! Asar! "Andito na tayo..." sabi nya nang makapasok na kami sa isang madilim na room sa loob ng basement. Mayamaya pa ay biglang bumukas ang ilaw.
"Huh..." Nanlaki ang mga mata ko. Nakita ko agad si Michaela run sa isang tabi.
"Hmft...hmmmmftt..." umiiyak sya habang nakatingin samin. She looks so haggard and tired. Nakatali ang kamay at paa nya tapos nakatakip ang bibig nya.
"Michaela!" sigaw ko.
"Hmmmmmmft nnnnfft huhihuhmmmm..."
"So, andito na pala kayo. Hi sweetie!" pambungad ng isang babaeng bigla na lang nagpakita samin.
"Hearthrob..." nasambit ni Todd. So...sya pala yung Hearthrob na sinasabi nila.
"Tsk."
Bigla na lang tumakbo si Hearthrob kay Todd at inakap ito. "I miss you sweetie..." sabi nya habang nakaakap kay Todd. Napatingin ako kay Michaela.
"Hmmmft hmmmmmmmffffttt..." Nakatingin sya kina Todd at Hearthrob at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Ang lungkot-lungkot ng mga mata nya...tss. Sabi ko naman kasi sa kanya na niloloko lang naman sya ng gagong to eh. Tsk. Yan tuloy ang nangyari. Tss.
"Kumusta ka na sweetie? Di mo ba ako namiss?" tanong ni Hearthrob.
"Tsk. Pwede ba Heart, itigil mo na tong kalokohan mo? Pakawalan mo na nga si Michaela!" sabi ni Todd.
"Ayoko nga! Papatayin ko muna sya!"
"WHAT?!" sabi ko sa kanya.
Napatingin si Hearthrob sakin. "Sabi ko, papatayin ko muna sya."
"What?!"
"Anong what? Bingi ka ba?" sabi ni Heart.
"Pwede ba Heart, pakawalan mo na sya. Ikaw naman ang mahal ko eh. Wala na akong ibang mahal...ikaw lang." sabi ni Todd kay Heart.
"Weh? Niloloko mo lang naman ako eeee. Eh laos na yang palusot mo sweetie! Palagi ka namang ganyan!" sabi ni Heart.
"Hindi na ko nagpapalusot. Sige na sweetie...pakawalan mo na sya..." pangungumbinsi ni Todd sa kanya.
"Hmm...sige. Pero kailangan iconvince mo muna ako." sabi nya. "Sino ba talaga ang mahal mo sa aming lahat?!"
"Ikaw nga..." sabi ni Todd.
"Me? Really? You love me among the rest? Including that girl?" sabi ni Heart habang nakaturo kay Michaela.
"Hai." sabi ni Todd sabay ngiti. Dahil sa sinabi nyang yun ay biglang nanlumo si Michaela at napatungo ito. Kinuyom ko mga kamao ko. Nagpipigil lang ako sa galit eh...ang sarap talagang upakan ng lalaking katabi ko alam nyo ba yun..? Asar...I feel pity towards Michaela right now. Para bang nararamdaman ko rin kung anong nararamdaman nya ngayon? How disgusting...
"Kiss mo nga ako sweetie..." sabi ni Heart.
"Sure..." wika ni Todd at pagkatapos ay hinalikan na nya si Heart. Naghahalikan na silang dalawa. They're doing that as if sila lang dalawa ang naandito ngayon. Pasimple akong naglakad papunta kay Michaela para tulungan sya...
"Hephep. Dyan ka lang." sabi ni Heart habang tinututukan ako ng baril.
"Sweetie ano ka ba. Hayaan mo na sila. Mag-enjoy na lang tayong dalawa okay?" sambit ni Todd habang inaakit nito si Heart.
"Pero sweetie-
"Ssssh...hmmm..." muli na naman syang hinalikan ni Todd. Sinamantala ko na ang pagkakataon at dali dali ko nang pinuntahan si Michaela.
"Michaela."
"Hmmmmffftttt..."
"Don't worry. I'll get you out of here." sabi ko habang tinatanggal ang tali sa kamay at paa nya.
"Hmmmmfft-HUHUHUHU..." tinanggal ko na ang tape sa bibig nya.
"Tsk let's go..."
"Hmmmmft...huhuhu..." umiyak lang si michaela.
"Com'on hurry. Tumayo ka na nga dyan..."
"Huhuhuhuhu..." nakaupo pa rin si Michaela.
"Shit." hinila ko na sya para makatayo at kinaladkad sya papalayo. Mukha kasing wala sa sarili.
"Huhuhuhuhu..."
"Tsk! Pede ba bilisan mo ngang maglakad baka magbago pa ang isip ng baliw na babaeng yun eh!"
"Huhuhuhuhu..."
"Tsk ano ba?!" kinaladkad ko pa sya lalo.
"Huhuhuhuhuhu..."
"..."
"Huhuhuhuhuhuhu..."
Nakalabas na kami sa basement. Madilim pa rin sa paligid. Dinial ko agad ang number ng driver namin. "s**t. Walang signal. Hey, where are you going?" tanong ko kay Michaela.
"Pabayaan mo nga ko...huhuhu..." sabi nya habang naglalakad papalayo.
"San ka ba pupunta?! Delikado tayo ano ba?!"
"Umalis ka na kung gusto mo! Pabayaan mo na ko! Gusto kong mapag-isa!" sabi nya at pagkatapos ay nagtatakbo na sya papalayo.
"Michaela..." hinabol ko sya! Ang engot kasi may pag-iinarte pang nalalaman! Hindi ba nya naiisip na baka mabaril kami pag nakita kami nung baliw na babaeng yun?! "Tsk. Nasan na ba yung babaeng yun?" bulong ko sa sarili habang hinahanap sya.
"Si Todd...niloko nya ko! Manloloko sya...huhuhu..."
"Hm?" May narinig akong nagsasalita sa di kalayuan.
"Huhuhu...ang sama nya...sinaktan nya ng todo ang puso ko. Bakit nya ko niloko?! Bakit sya ganun?! Huhuhuhu..."
Sinilip ko sya. "Tsk..." andito lang pala sya sa may gubat. Nakaupo sya at nakasandal sa may puno roon habang umiiyak. Hindi muna ako nagpahalata sa kanya at pinakinggan ko lang ang sinasabi nya.
"Huhuhu...may babae pala sya...at marami pa pala syang ibang babae! Tapos pinaglaruan nya lang ako...ang sama nya talaga! Ipinandagdag lang nya ako sa koleksyon nya. Ang sakit sakit talaga...huhuhu...hindi ko na kaya...akala ko pa naman nakita ko na ang tunay kong pag-ibig, hindi naman pala. Wala syang kwentang lalaki...wala! Wala talaga...manloloko sya! Waaaaaaah! Nakakainis ka Todd! Huhuhuhuhu....proud na proud pa naman ako na boyfriend ko sya. Ipinaglaban ko pa sya sa mga taong naninira sa kanya at sinasabing babaero sya pero totoo pala lahat yun! Mukha akong tanga! Ang tanga-tangako...uwaaaaa..."
"Sinabi mo pa." sabi ko.
Napatingin sya sakin.
"Oh, anong ginagawa mo dyan?" tanong nya.
"Tsk."
"PSH OO NA! TAMA KA NA! PWEDE MO NA KONG TAWANAN. OO NA PAHIYA NA AKO. PAHIYANG PAHIYA...HUHUHUHU" sigaw nya habang umiiyak.
"UWAAAAAA..." Pagkatapos nun ay lalo pang lumakas ang hagulhol nya. "Tama ka nga naman diba? Utu-uto nga ako...isa akong malaking tanga..huhuhu..."
"SABI KO NAMAN SAYO EH. IKAW KASE!" sabi ko.
"TSS. OO NA AKO NA AKO NA! KAKAINIS GANYAN KA BA TALAGA MAG-COMFORT?!"
"Kasalanan mo naman talaga..." bulong ko.
"May sinasabi ka?"
“Wala...tss." sabi ko.
"Nakakainis ka talaga...huhuhu...mabuti pa umalis ka na lang...uwaaaaa..."
"Haist." lumapit na ko sa kanya.
"Uwaaaaaa..."
Tumabi na ko sa kanya. Nahihiya man ako…dahan-dahan ko syang...niyakap.
"Huh..." natahimik sya.