(CARE’S POV)
Tumabi na ko sa kanya. Nahihiya man ako…dahan-dahan ko syang...niyakap.
"Huh..." natahimik sya.
Napakamot ako sa ulo ko. Awkward…
"Anong nangyayari sa planetang ito..? Nabaligtad ata ang ikot ng mundo..? Katapusan na ba ng Earth? Oh baka naman nababaliw na ako at kung anu-ano na ang naiimagine ko ngayon..?" sabi nya.
"Tsk! Ano. Sige na! Ok lang na mabasa mo ng sipon mo etong shirt ko!" sabi ko.
"..."
"OUCH! WHAT'S THAT FOR?!"sabi ko. Bigla ba naman akong kinurot sa tyan!
"Ibig sabihin...hindi ako nananaginip..." sabi nya.
"What?!"
"Akala ko kasi panaginip lang ang lahat. ..kaya kinurot kita..." sabi nya. Anak ng.
"Tss. Sira. Dapat sarili mo kinukurot mo...haaaaa?" sabi ko sabay kurot ng matagal sa ilong nya.
"ARAY! AAAH ANSAKIT..." sabi nya sabay haplos sa ilong nya.
"Oh ayan. Baka isipin mo pang nananaginip ka. Totoo lahat ng nangyayari ngayon. You're actually an i***t, you should know that."
"Anong sabi mo?!"
"Sabi ko, utu-uto ka!"
"Waaaaa...oo na...ang sama mo talaga...uwaaaa! Napaka mo talaga! Di mo man lang iniisip ang nararamdaman ko ngayon. Ang sitwasyon ngayon! Hindi mo ba nakikita na nagluluksa ako ngayon?! Nasasaktan na nga ang puso ko may gana ka pa manlait!"
"Halika nga kasi rito! Diba sabi ko naman sayo iyakan mo natong shirt ko! Ge...singahan mo na at basain ng laway mo!" sabi ko sa kanya sabay yakap ulit sa kanya ng mahigpit.
"Hay ewan ko sayo! Waaaa..." lalo ata syang napaiyak sa sinabi ko. Nakakaiyak ba yung sinabi ko? Wala namang nakakaiyak dun ah.
"Waaaa!"
"Tsk." Lalo ko na lang hinigpitan yung yakap sa kanya.
"Care..."
"Hm?"
"Hindi ako makahinga..."
"Oops. Sorry..." medyo niluwagan ko ang pagkakayakap ko at pagkatapos ay nagpatuloy lang sya sa pag-iyak.
"Huhuhuhuhu..."
Nanatili lang kaming ganun ng ilang minuto…umiyak lang sya ng umiyak buong magdamag. Hinayaan ko lang sya...mukha namang...nilubos lubos na nya ang paglalabas ng lahat ng sama ng loob nya...basang basa na kasi ang damit ko eh. Sana lang matapos na ang lahat ng sakit ngayong gabing to...gusto ko nang ilabas nya lahat...sana matapos na to...
(PRINCESS MICHAELA'S POV)
Haist...bakit ba ganito ang buhay? Ang saklap talaga...huhuhuhu...nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko at nakalugmok pa rin sa kama ko. Umiiyak pa rin. Ano bang magagawa ko...kusang lumalabas yung luha sa mga mata ko...di ko mapigilan...
Mayamaya pa ay may kumatok sa pinto. "Hmfft..." Pinahid ko agad ang luha ko. Ayoko kasing makita na naman nila akong umiiyak, nakakahiya. Pagbukas ng pinto, nakita ko si Care. Nakatingin sya sakin.
"OH, NAIIYAK KA PA RIN?! PUNUNG-PUNO NG SIPON MO YUNG SHIRT KO KAGABI! TSS..." sabi nya habang nanlalaki ang mga mata.
"Okay nakooo..." sabi ko sa kanya.
"Really. Wow. You look really convincing," he said sarcastically.
"Hmmffft..." Napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Eeeeh...ok na sabi ako...umalis ka na nga...uwaaaa..." sabi ko sabay iyak.
"..."
"Oo na, hindi pa ako okay. Hinding hinding hindi pa...at hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito. UWAAA! Hindi ko na kaya! Huhuhuhu..."
"Tss. Hindi pa ba tapos yang pagdadrama mong yan? Would you please shut it?! You're really irritating! Mas nakakairita pa yan sa boses mo pag kumakanta ka!" sabi nya.
"WAAAAA. Tigilan mo nga ako! Pwede ba, umalis ka na nga sa harapan ko! Hayaan mo na lang ako ritong mag-isa! UWAAAA! Tutal wala na naman si Todd wala na ring kwenta ang buhay ko! WAAAAA!"
"Huh? Tsk tsk tsk...you're so stupid."
"Ampft...hmpft...oo na stupid na kung stupid! Umalis ka na nga! Labas na!"
"Yeah right. Pagod na rin naman ako eh. Napuyat ako sayo kagabi!"
"Langhiya ka talaga sino bang may sabing magpuyat ka kagabi?! Akala ko pa naman mabait ka na, sinapian ka lang pala ng masamang espiritu kaya nag-iba ang katauhan mo kagabi! Waaaa nakakatakot ka Care sinasapian ka na pala ng masamang espiritu!" sabi ko sa kanya.
"HEY” aangal pa sana sya nang bigla ko syang binato ng unan. "Ouch!"
"WAG KANG LALAPIT!" sabi ko.
"Aba't adkahsfaywhj. Anong sinapian ng masamang espiritu?! Ako na nga ang concerned ako pa ang sinapian?! Baka ikaw! Nababaliw ka na! Naeexorcism ka na! Tingnan mo nga yang hitsura mo, mukha ka na talagang may sapi!"
“Anong sabi mo?! Bagong gising kaya ako! Di pa ako nagsusuklay noh!"
"Bagong gising...mukha ka ngang walang tulog!"
"Waaaaa ayoko ko na sayo Care akala ko pa naman naging mabait ka na, ugaling ano ka parin pala!"
"Anong ano?"
"Ewan basta! Ang sama ng ugali mo!"
"Sige goodnight. Isipin mo gabi pa rin kahit umaga na. Ok lang matulog ka maghapon. Matulog ka na lang ulit mukha kasing kailangan mo pang mag-isip isip ng mahaba-habang oras."
"Ewan ko sayo!" sabi ko. Binato ko sya ulit ng isa pang unan.
"Tss." sabi nya tapos sinara na nya yung pinto. Ewan ko sa kanya! Haist. Makahiga na nga lang ulit.
Mayamaya... bigla nalang ulit nagbukas ang pinto. Si Danica pala...
"GIRL! Huh..." Nagulat si Danica nang makita nya'ko. Hindi ata sya makapaniwala na...nakahiga pa rin ako ngayon?
"Mich...ok ka lang? May sakit ka ba?" tanong nya.
"Wala." sabi ko sabay taklob ng kumot sa mukha ko.
"Girl...ano ba talagang nangyayari sayo? May problema ka ba?" lumapit sya sakin at tinanggal nya ang kumot. "WAAAAH! Mich...anong nangyari sayo?! Bakit ganyan ang hitsura mo?!" sabi nya.
"Bakit? Mukha na ba kong zombie?"
"Hindi naman. Hehehe. Pero bakit parang maga ang mga mata mo?"
"Ha? Wala to. Napuyat lang ako. Ahm, bakit ka andito? Me sasabihin ka ba?"
"Alam mo kasi Mich, may good news ako sa inyo! Nasaan ba si Care?! Naku, for sure matutuwa si Couz sa ibabalita ko sa kanya!" sabi nya. Ano naman yun? Kung ano man yun...wala akong pakialam dun...hindi pa ito ang tamang oras para pag-isipan ko ang ibang mga bagay-bagay.
"Ah...ano ba yun?"
"I'll tell it ng sabay sa inyong dalawa. Tara let's go downstairs."
"Eeeh... nilalambot ako...dito na lang ako..." sabi ko.
"Tara na Mich pleaaase? I'm so excited to tell it to the both of you!"
"Pero-
"Come on..." hinawakan na nya ang kamay ko at pinilit akong bumangon sa kama.
"Haist...nilalambot pa ako...pwede bang kay Care mo na lang sabihin yun? Bakit kailangan kasama pa ko?"
"Basta..."
Nang makababa na kami ni Danica…saka pa lang sya nagsimulang magkwento. "Guys, guess what?!"
"..." tahimik lang kami ni Care na nakatingin sa kanya.
"Hey. Bakit ba parang hindi kayo naeexcite na dalawa? This is so exciting!" sabi nya.
"Ano ba kasi yun? Sabihin mo na kasi." sabi ni Care.
"Okay. This is it."
"..."
"Napili ang design na ipinresent nyo last week na maging bagong model ng aircraft ng company naten! I can't believe it. Natalo nyo ang design ni Mr. Kikunae!"
"Woah..." sabi ni Care.
"Ang galing nyo talaga I am so proud of you!" sabi ni Danica samin. Mukha ngang tuwang-tuwa sya. Yun lang naman pala eeeeh...wala na bang mas magandang balita tulad ng...ay! Break na si Todd at Hearthrob! Ay! Sobrang nalukungkot ngayon si Todd kasi nagkahiwalay na raw kayo Michaela...ay! Makikipagbalikan na sayo si Todd Michaela! Hay...
"Woahohohoho...is that really true?! YES! Wohoooooo! Wait. How did you know that?! Ang aga mo namang sumagap ng balita couz...are you sure of that?!" natutuwang sambit ni Care. Pati sya tuwang-tuwa na rin. Buti pa sila...masaya...
"I'm pretty sure about that couz. Tito (Mr. Williams) told me just yesterday about his decision. Besides, mamaya na magaganap ang formal announcement sa meeting natin kaya naman agad akong umuwi para mabalita agad sa inyo! Kyaaaa...I'm so proud of you couz!" sambit ni Danica at pagkatapos ay niyakap nya si Care.
"You heard that Michaela?" hindi makapaniwalang sambit ni Care sakin at pagkatapos ay hinawakan nya ang magkabilang balikat ko. "YOU'RE REALLY A GENIUS! " at pagkatapos non ay bigla nya kong hinalikan sa pisngi.
"Huh..." nagulat ako...
"Huh..." nanlaki ang mga mata nya. "Waaa. Sorry. I didn't mean to do that." hindi mapakaling sambit sakin ni Care. Namula ang mukha nya.
"Ah eh...wala yun...alam ko namang dulot lang yun ng sobrang kasiyahan mo." sabi ko sa kanya. Patay malisya lang ako. Malay ko ba. Malay natin...nadala lang si Care ng emosyon nya.
"Aahh...yeah...you're right! HAHAHAHAHAHA! Anyway...hindi mo ba ako icocongratulate? Ang galing-galing ko! Wahahahaha! Wahahahaha!"
"Eeh? Ewan ko sayo. Psh. Kung di naman dahil sakin, hindi mapipili yung design MO."
"HAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHA!" wika ni Care at pagkatapos ay tumawa lang sya ng tumawa.
"Baliw."
"Well, maybe kailangan nyo nang trabahuhin yung design na ginawa nyo." wika ni Danica.
"Hahahahahahaha!" nababaliw na tawa ni Care.
"You need to start working on the prototype. Besides, tito asks Mr. Kikunae to check on the product after you finish the job," wika ni Danica.
"Hahahah-teka couz." naputol ang tawa nya. "What do you mean? Narinig ko ata ang pangalan ng matandang kurimaw na scientist na yun?" sabi ni Care.
"Well...since Mr. Kikunae has experienced a lot in making such inventions, you would need his assistance. That's what Tito said."
"What?"
"Hayaan mo na couz. At least, napili yung design mo, diba? I-aassist ka lang ni Mr. Kikunae."
"Oo nga naman Care. Pasalamat ka, napili yung design MO dahil tinulungan kita. Aba, kung hindi kita tinulungan, siguradong kulelat ka na naman. Sigurado ako, yung kay Mr. Kikunae ang mapipili." sabi ko sa kanya.
"Aba't asdhsjsk. Tss. Haist. Ano pa nga bang magagawa ko, wala naman talagang bilib sakin si dad. PERO HUMANDA SYA. IPAPAKITA KO SA KANYA KUNG SINO TALAGA ANG MAGALING. Right, Michaela?"
"Halata naman kung sino talagang magaling." sabi ko.
"Anung- ampft. Kahit ba naman ikaw, hindi mo ko kakampihan?!"
"Hay, ano pa nga bang magagawa ko. Kawawa ka naman. Sige kakampihan na lang kita." sabi ko.
"Aaaarghhh wala ka talagang kwentang babae ka!" sabi nya saken. Ano raw..? Ako? Walang kwenta..?
"Oh com'on...itigil nyo na nga yang pagbabangayan nyong dalawa! Pwede ba, magfocus na lang kayo sa trabaho. I-set aside nyo muna ang mga personal issues nyo. Let's be professional, ok? Nga pala, anytime pupunta rito sa mansion sina Mr. Kikunae para makipag-coordinate sa inyo."
"WHAT?!" hindi makapaniwalang sambit ni Care.
"Mabuti pa siguro, umakyat na ko. Sisimulan ko nang ayusin yung prototype..." sabi ko tapos iniwan ko na roon si Care na patuloy lang na nagdadadada roon. Psh. Palibhasa hindi kaya ng pride nya ang makipagtulungan dun sa scientist na yun. Di bale, basta gagawin ko na lang ang pwede kong gawin para naman makalimot ako kahit papaano. Baka sa pamamagitan nito, makakalimutan ko si Todd...
"Kalimutan mo na si Todd...kalimutan mo na si Todd...kalimutan mo na si Todd...kalimutan mo na si Todd...kalimutan mo na si Todd...kalimutan mo na si Todd...kalimutan mo na si Todd...kalimutan mo na si Todd...kalimutan mo na si Todd..." Yun lang ang tumatakbo sa isipan ko ngayong mga oras na to habang nagsusulat at inaayos ang specifications ng prototype. Nagsisimula na kaming magtrabaho ni Care. Si Care naman mismo yung nag-aasemble ng mga parts. Bale nasa kwarto nya kaming dalawa.
"Kalimutan mo na si Todd...kalimitan mo na si Todd..." patuloy kong sinasabi yun sa isipan ko.
"Hey, ano bang ginagawa mo dyan?" lumapit sa akin si Care at tiningnan ang isinusulat ko. "What's that?" Nagulat sya at nadisappoint. Mukha kasi ni Todd ang naka-sketch doon. Pano ba kasi, di ko mapigilang isipin si Todd eeeeeh...
"Kalimutan mo na si Todd..." bulong ko...
"Tsk akin na nga yan!" Bigla nyang kinuha ang papel saken at ginusot ito, pagkatapos ay itinapon kung saan.
"Haist...nakakahilo palang isipin si Todd...inaantok na ko..." nahihilong bulong ko sa sarili. Makalipas ang isang oras...
"Hey Michaela, I need some help here. Alin bang wire ang dapat pagdikitin dito?"
"Haaaaa...?" malumanay kong sagot habang lumilingon sa kanya.
"Oh come'on. Tingnan mo nga dali."
Tumayo na ako sa pwesto ko at lumapit sa kanya. Tiningnan ko naman yung mga wire. "Etoooong dalawaaaaa." sabi ko sa kanya. Sinunod naman nya ang sinabi ko at pinagdikit nga ang dalawang wires. Mayamaya pa ay biglang sumabog ang prototype. Napuno ng usok ang mukha namin ni Care.
Makalipas ang isa pang oras, pinipilit pa ring ayusin ni Care ang nagkawasak-wasak na parts ng prototype. Ako, nakatingin lang sa kanya at sinusubukan syang tulungan. Anooo baaang nangyayari sakeeeen..? Hindiiiii ataaaaaa gumaaaaaganaaaaa ng ayoooooos aaaang utaaaaak ko ngayon..? Buuuuuuti na laaaaang...hindi akoooooo pinagalitan ni Caaaareee? Pero nakakapagtaka namaaaan....para kasing aaaaaang tahitahimik nya ngayooon...?
Isang piraso na lang, buo na ulit yung prototype. Pinagdikit na ulit ni Care ang huling piraso pero nagkahiwahiwalay ulit lahat.
"..." Tahimik lang si Care. Napasulyap naman ako sa kanya...hay...kasalanan ko to eeeh...nakokonsensya tuloy ako. Bigla na lang tumayo si Care.
"Kyaaa!" Nagitla at natakot ako kaya napapikit ang mga mata ko. Mayamaya pa ay dahan dahan ko nang minulat ang mga mata ko. Nakita ko si Care na naglalakad papunta sa may refrigerator. Teka...hindi nya ako sinigawan?
Inobserbahan ko lang sya. May kinuha sya sa ref. Chuckie. Dalawa. Tapos ininom nya ang isa at naglakad sya papalapit saken at naupo na sa tabi ko.
"Oh..." inioffer nya yung isa saken.
"Huh..." Napatingin lang ako sa kanya. Tinanggap ko ang chuckie at ininom ito. Pagkatapos nun ay uminom lang kaming dalawa ng chuckie.
"SLUURP. Ang saraaaap....gusto ko paaaa..." kaya naman pagkaubos na pagkaubos ko ng chuckie ay pumunta ako sa may ref at kumuha ng maraming chuckie. Marami marami, yung kayang sapuhin ng braso ko. Tapos naupo ulit ako sa tabi ni Care at uminom ulit. Kumuha na rin si Care ng panibagong chuckie at uminom ulit.
"Care...shorry ahh... kashalanan kho khung bhakit nagkhalokoloko yung ghinagawa nhaten khanina..."
"Ok lang."
(CARE’S POV)
Kinabukasan.
"Young master, naihanda ko na po ang lahat ng mga gagamitin nyo para sa pagpasok nyo sa school ngayong araw na to. Pwede na po kayong umalis," sabi sakin ng butler namin paglabas namin ni Michaela sa mansion.
"Okay. Let's go Michaela." I was about to go inside the car.
"Sandali lang..." sabi nya. Dahil dun ay napatigil ako at lumingon ako sa kanya. Napansin kong nililikot nya lang ang mga daliri nya sa kamay, and it seems that she wants to say something.
"What?"
"CARE. IKAW NA LANG ANG PUMASOK MAG-ISA. DITO NA LANG AKO SA BAHAY..." sabi nya.
"HHHUUUUUUUUHHHH?" hindi makapaniwalang sambit ko. "You almost made me wait for 3 hours and then you won't go with me?! Nakakaloko ka nang babae ka ah! Sabi mo papasok ka na ngayon sa school. Bakit nag-iba na naman ang isip mo?!"
"Eeeh...nahihiya kasi ako eee...tsaka, baka makita ko roon si Todd..."
"Tss. Hindi malabong mangyari yun dahil classmate natin sya."
"Yun na nga eh. Hehehehe...kaya ikaw na lang ang pumasok, okay? Sige na, paalam!" sabi nya.
"Aba't...nakakaasar na ah..." hinawakan ko ang braso nya para pigilan sya.
"Kyaaa!"
"Tsk. Una sa lahat, ayoko nang pinaghihintay ako ng kahit na sino. Pangalawa, ang gulo mo kausap! Sabi mo papasok ka tapos hindi naman pala!"
"Eeeeh..."
"HALIKA NA NGA RITO!" kinaladkad ko sya papasok ng sasakyan.
"UWAAAA CARE WAG! AYOKO!"
Wala syang nagawa dahil tinulak ko sya.
"Hmmppfffttt..."
"Tsk." Pagkatapos nun, maayos naman kaming nakarating sa school. Pero bago ko ikwento ang mga sumunod pang mga pangyayari, may iba muna akong ikukuwento.
Hindi kami nakagawa ng prototype ni Michaela. In short, nasayang ang effort ko sa paggagawa dahil ang katulong ko, si Michaela, eh lipad ang utak. Wala sa sarili. Ayun. Sayang ang oras at pagod ko. Hindi ko naman magawang pagalitan yun dahil alam kong masama ang pakiramdam nya. Tapos, one week na syang hindi pumapasok sa school. Pinilit ko lang talaga sya ngayon eh. Hinintay ko pa sya ng matagal kanina, mapapasok ko lang sya. Alam nyo naman siguro kung bakit ayaw niyang pumasok.
Dahil ayaw nyang makita si Todd. What kind of reason is that?
"KYAA! PRINCE CARE! GOOD MORNING!" bati sakin ng mga babaeng nakakasalubong namin habang naglalakad kami papasok ng school building. Naglakad lang kami hanggang sa nakarating na kami sa classroom.
"KYAAAAA! SI PRINCE CARE OH, DUMATING NA SYA!" sigawan ng mga babae sa loob. Tahimik lang akong pumasok at naupo na. Kasunod ko lang si Michaela. Ang iingay talaga ng mga babae kahit kelan. Tss. Mayamaya pa ay may biglang kumulbit sa braso ko.
"Hm?" nilingon ko sya. "WAAAA!" pagkakita ko kay Michaela, nagulat ako dahil kakaiba ang hitsura nya. Para syang natatae na naiiyak na ewan!
"Hmmpppffftt...gusto ko nang umuwi..." sabi nya. Paiyak na sya. Haist. Wala na talaga syang pag-asa. Ganyan ba talaga sya kadesperada na umuwi, wag lang makita ang pagmumukha ng tarantadong lalaking yun?!
"KYAAA! SI TODD!" sigawan ng mga babae. Tss. Speaking of the devil...
"OHAYO MINNA-SAN!" bati ni Todd sa kanila.
"KYAAAAAA!" at lalong lumakas ang sigawan nila.
"Hm?" napasulyap si Todd sa direksyon namin. Napatingin sya kay Michaela...
"Todd..." nagkatitigan sila ni Michaela nang matagal.
"..." nagdirediretsyo na sya sa paglalakad at naupo na sa pwesto nya.
"Hmpfftttt...UWAAAAA!" bigla na lang humagulhol sa pag-iyak si Michaela.
"Hey! What are you doing?!" tanong ko sa kanya. Nagulat talaga ako.
"UWAAAAAA! HUHUHUHUHU!" nagpatuloy lang sya sa pag-iyak.
"Bakit bigla ka na lang umiyak?!" tanong ko sa kanya.
"Si Todd kasi eeehh...huhuhuhu...nasasaktan pa rin ako Care...nasasaktan pa rin ako pag nakikita ko sya...naalala ko pa rin yung ginawa nya saken...naiiyak pa rin akoooo....uwaaaaaa!"
"Tsk. Pwede ba, tumahan ka na nga dyan...baka sabihin nila, ako ang may kasalanan kung bakit ka naiyak..."
"HUHUHUHU...UWAAAAAA!" at lalo lang lumakas ang pag-iyak nya. Napatingin tuloy sa kanya yung mga kaklase namin. Tapos mayamaya, tumingin sila sakin.
"Ehem. Aba...wala akong kinalaman dyan..." sabi ko habang iniiwasan ang mga tingin nila.
"Huhuhuhu...huhuhuhu..."
"Tss. Shut up please...tahan na..." sabi ko kay Michaela.
"WAAAAA... "
"Haissstt..." napailing na lang ako.
"Huhuhuhuhu..."
"Tsk tsk tsk..." napatingin ulit ako sa kanya. Mabuti pa siguro, lumabas na muna ako. Ayaw nyang tumahan, edi wag. Madamay pa ako.
"UWAAAAAA....UWAAAAA..."
"Mr. Williams! Hihihi! Hihi congratulations Mr. Williams, success tayo! Success! Hihihihi," binati ako ni Miko habang naglalakad ako sa corridor papuntang canteen. Ang dami nyang bitbit na mga libro. Nakasalubong ko lang sya at aksidente kong nakasabay sa paglalakad, pero sure akong papunta sya ngayon sa library.
"..." Dirediretsyo lang ako sa paglalakad at di ako nagsasalita.
"Mr. Williams, ang galing ni Ms. Michaela noh, biruin mo yun, natalo ng design nya yung design ni Mr. Kikunae, hihi" nagpatuloy lang sya sa pagsasalita. Speaking of.
"Oo nga pala. Buti pinaalala mo. Pumunta ka sa bahay after class. Ayusin mo yung prototype na binubuo namin. Haist."
"Hm? Bakit Mr. Williams, may problema ba?" tanong sakin ni Miko. Napahinto kami nung magkakahiwalay na kami ng dadaanan, sya kasi papuntang library. Ako papuntang canteen. Ayaw ko sa library kaya inakbayan ko si Miko at kinaladkad sya papuntang canteen.
"Wooooaa pasaan tayo Mr. Williams?!"
"Dun." sabi ko. Basta gusto ko dun. Gutom na rin ako eh. Kinuwento ko kay Miko yung mga nangyari habang nasa canteen kami.
"Ha?! Ganun po ba Mr. Williams?! Kawawa naman po pala si Ms. Michaela Mr. Williams!"
"Uhuh..." I said while silently drinking my chuckie.
"At ngayon umiiyak pa rin sya Mr. Williams?!"
I nodded while taking a spoonfull of macaroni cheese inside my mouth. Mayamaya pa ay tinusok ni Miko ng tinidor ang burger sa harapan nya. "Anong gusto mong gawin natin Mr. Williams, itutumba na ba natin?!" sabi nya. Napatingin naman ako sa kanya.
"Seriously Miko, don't you get my point? My point is, ang engot talaga ng babaeng yun!" sabi ko at galit na galit ko ring tinusok ng tinidor ang macaroni cheese na kinakain ko ngayon. Natahimik naman si Miko.
"Ah...hehehe" sabi nya. Napatingin ulit ako sa kanya. Tapos tumigil na muna ako sa pagkain.
"You know what, Miko? At first, naawa talaga ako sa kanya, to the point na palagi ko syang nilalapitan at kinukumusta kung ok na ba sya. And then there comes a time when she doesn't want to go to school anymore. At pinagbigyan ko naman sya. Absent sya for one week. Umabsent na rin ako para samahan sya. Pasalamat sya, mabait ako sa kanya! Alam mo bang buong buhay ko, sa kanya ko lang ginawa yun?! Ni hindi nga ako makapaniwala kung bakit ko ginawa yun eh! And besides, ako ang may-ari ng school kaya okay lang. But now what? Akala ko okay na sya. Eh iyak pa rin sya ng iyak pag nakikita ang lalaking yun!"
"Kung ganon, hindi pa rin sya nakakapag-move on Mr. Williams!"
"You think so?" I asked him. "Isn't she overreacting already or something..?" I seriously asked him.
"Alam mo Mr. Williams...ang mga babae...masyado talagang emosyonal, lalo na kapag nasaktan sila ng taong mahal na mahal nila. Kaya kung sino mang nanakit sa kanila...yun lang din ang makakatanggal ng sakit na nararamdaman nila..."
"Attention all students of Williams Academy, please proceed to your respective clubs. Attention all students of Williams Academy, please proceed to your respective clubs..." bigla na lang may nagsalita mula sa loudspeaker sa loob ng campus.
"What's going on?" tanong ko kay Miko. Sa tinagal-tagal kong absent, di ko na alam kung anong nangyayari rito sa school ko.
"Ah, yun ba Mr. Williams? Activity day ngayon Mr. Williams! Wala tayong klase maghapon! Hihihi!"
"Huh? So what are we gonna do?"
"Aatend lang tayo sa mga ELITE GROUPS na sinalihan natin! Diba ang saya-saya Mr. Williams?! Hihihi. Excited na'ko Mr. Williams, sige Mr. Williams, pupunta na'ko sa SETI! Hihihi...gusto mong sumama? Hihihihihihi..." pag-aalok nya sakin.
"A-ah...no thanks. See you around. And don't forget to go to my house later."
"Yes bosing! Hihihi!" he salutes and then runs away.
"What a weird guy. Tss. Teka lang. San naman kaya ako pupunta?" Hmm...may sinalihan ba akong ELITE GROUP? Parang wala n- wait. Nag-isip isip muna ako. Napa-face palm ako. Sumali nga pala ako sa band ni Todd Kikunae. I can't believe this. What the hell. Aatend ako sa walang kwentang fans club na yun?!
Dahil wala na rin naman akong choice, naglakad nako papunta dun sa singing club. Sheesh...ano bang alam ko sa pagkanta?! Eh kaya lang naman ako nakasali-sali run eh dahil kay Michaela! Pumirma kasi sya run. Edi pumirma rin ako! Tss. Teka, ibig sabihin...naandun din si Michaela.
Dali-dali akong nagtatakbo. Kailangan nya ng kasama ngayon. Hindi ko sya pwedeng hayaang mag-isa, lalo pa't naandun din si Todd Kikunae. Baka kung anong gawin ng lalaking yun sa kanya.
"Alam mo Mr. Williams...ang mga babae...masyado talagang emosyonal, lalo na kapag nasaktan sila ng taong mahal na mahal nila. Kaya kung sino mang nanakit sa kanila...yun lang din ang makakatanggal ng sakit na nararamdaman nila..."
Naalala ko yung sinabi ni Miko. Sigurado ako, kailangan nya ng taong magpoprotekta sa kanya ngayon. Sigurado ako, kailangan nya ako...
Nung makarating na'ko sa room, nakita ko agad si Michaela. Nakaupo sya sa isa sa mga seats dun, at kaharap nya mismo si Todd Kikunae. Hell no...
"Huhuhuhuhu...."
As expected, she's crying...again. Maraming tao ang nanonood sa kanila ngayon.
"Bakit...bakit mo nagawa sakin to?" tanong nya kay Todd.
"Wala akong ginagawa. Ikaw ang nakipag-break, hindi ako." nakatayo lang si Todd at kinakausap sya.
"Malamang makikipag-break ako sayo, eh may babae ka eeeh!" sigaw nya tapos napasubsob na lang sya sa desk. "HUHUHUHUHU..." umiyak lang sya ng umiyak.
"Tss. Bakit? Wala ka bang naririnig na balita tungkol sakin? Di mo pa ba alam kung ano talaga ako? Kung ano talagang nakasanayan kong gawin?" sabi Todd.
"Marami akong naririnig...pero di ko pinaniniwalaan. Malaki ang tiwala ko sayo eh...huhuhu..."
"Huh?" Nagulat si Todd sa sinabi nya. "Tss." napangiti sya. "Hindi ko akalaing...ganyan pala talaga kalaki ang tiwala mo sakin," sabi ni Todd tapos dahan-dahan syang naglakad papalapit kay Michaela at hinawakan ang pisngi nito.
"Wag ka nang umiyak..." pinunasan nya ang mga luha sa mga mata ni Michaela.
"Todd..."
"Gusto mo...tayo na ulit?"
"H-ha?" hindi makapaniwalang sambit ni Michaela. Pati ako hindi makapaniwala kaya naglakad na ako papalapit sa kanila.
"Sige...pero hiwalayan mo muna sila." sagot ni Michaela.
"Hm? Sino?"
"Silang LAHAT. Lahat ng babae mo. Gusto ko, ako lang, wala nang iba."
"Gomenasai (sorry)...hindi ko magagawa yun. Maraming babae ang humahabol sakin at kawawa naman sila kung hindi ko sila pagbibigyan. Wala akong magagawa sa bagay na yun dahil gwapo ako. Kaya naman...hindi na rin kita masisisi kung bakit ka nagkakaganyan..." he smiles at her.
"Isa pa...wala akong kasalanan sa mga nangyayari ngayon kaya wag mong isisi sa akin ang lahat. Ikaw ang nagkagusto sakin," todd suddenly holds her chin and puts his face closer to hers, "kaya naman pinagbigyan din kita...tulad ng iba..." Inalis na ni Todd ang pagkakahawak nya sa mukha ni Michaela at nagpunta na sya upuan na katapat nito.
"So ano Michaela...payag ka pa rin bang maging girlfriend ko? Alam ko namang papayag ka, malaki ang gusto mo sakin eh." Humarap si Todd kay Michaela at ngumiti rito.
"So, tayo na ul-” uupo na sana si Todd nang bigla kong sinipa ang upuan kaya nagdagasa sya.
"WOAH..." Maraming nagulat sa nangyari.
"Aw..."
"Care..." sambit ni Michaela nang makita nya ako.
"Sira ka ba? Utu-uto lang ang papatol sa alok mo." sabi ko kay Todd. Nagulat ang lahat nang makita nila ako. Hindi siguro nila inaasahan na darating ako run. Nakatayo lang ako sa harapan ni Todd at nakatungtong ang isa kong paa sa upuan na sinipa ko.
"Tss." Tumayo na si Todd at ang angas pa rin ng dating. Tss, tingnan lang natin kung hanggang saan ang kayabangan neto. Hah!
"Pwede ba, wag kang makikialam sa usapan ng may usapan? Isa pa, pasensya na...nasanay nako sa ganung klaseng alok. At kadalasan naman...maraming pumapatol..." sabi ni Todd at pagkatapos ay tumingin sya ng makahulugan kay Michaela.
"Gago ka pala eh!" susuntukin ko na to eh!
"CARE! WAG!"
"Huh...Michaela..."
Humarap si Michaela kay Todd. Tapos biglang sinuntok ni Michaela si Todd sa mukha laya nagdagasa ito sa sahig.