(CARE’S POV)
Humarap si Michaela kay Todd. Tapos biglang sinuntok ni Michaela si Todd sa mukha laya nagdagasa ito sa sahig.
"WOAHH..."
"TAKBOOO!" sigaw ni Michaela at pagkatapos nun ay agad nyang hinawakan ang kamay ko at hinila nako papalabas ng room. Tumakbo kami ng mabilis. Mabilis na mabilis...
Tama ba ang nakita ko..? Teka...hindi ako makapaniwala...s-sandali lang...
Si Michaela...sinuntok nya ang mukha ng gagong yun sa harap ng maraming tao. Sigurado ako sa nakita ko, hundred percent.
Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa nakarating na kami sa may terrace. Pagkatapos nun, tumigil na sya sa kakahila sakin. Grabe, hiningal ako run ah!
Nagkatinginan kaming dalawa habang naghahabol ng hininga.
"Hahahahahaha..." napatawa si Michaela habang nakatingin sakin.
"What?" napatawa na rin ako habang nakatingin sa kanya.
"Hahahahahahaha..." tumawa lang kami ng tumawa.
"Grabe...napagod ako...hahaha..." sabi ko sa kanya.
"Hahahaha...ang sarap sa pakiramdam...haha" sabi ni Michaela sakin.
"Did you see his face? Hahaha..." I asked her. Naalala ko na naman kasi ang reaction ng lalaking yun after syang maupakan. Haha. If you could just see that, its just so epic you know. Hahaha...
"Hahahaha...mauutas ata ako Care sa ginawa ko...grabe...hahaha..." sabi nya habang hawak-hawak ang tyan nya sa kakatawa.
"Nice one, Michaela. Hahahaha..."
"Galing kong umarte no. Ano ka?"
"Yeah right, akala ko pa naman magpapauto ka na ulit sa lalaking yun..."
"Hindi na noh. Tama na yung nalaman ko kung ano ba talaga ang tunay nyang ugali. Grabe, buti nga sa kanya! Hahaha! Ginawa ko ba talaga yun?!"
"Ewan ko sayo, haha, dapat pinaubaya mo na sakin yun eh."
"Wag ka nga! Alam mo Care...nung sinuntok ko sya, parang nailabas ko lahat ng sama ng loob ko eh...ang sarap talaga sa pakiramdam...haha..." sabi nya.
"Haaay. Mabuti naman kung ganun."
"Hehehe..."
Humarap kaming dalawa sa labas at nilanghap ang sariwang simoy ng hangin.
"Hmmmm...whoooooo! Ang sarap sa pakiramdam! Malaya na'ko! Kyaaaa! Hahahaha! Ang saya-saya ko! Weeeeee!" sabi nya habang ineenjoy ang malakas na hangin na dumadampi sa aming katawan. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanya. Nakakatuwa talaga sya.
(PRINCESS MICHAELA'S POV)
Waaa. Akala ko talaga makakapagpahinga na'ko matapos ang nakakapagod na araw galing sa eskwelahan...alam nyo na...yung...yung...hehe. Yung nangyari samin ni Todd. Nung sinuntok ko sya sa mukha. Nagulat talaga sya nung ginawa ko yun. At isa pa, nakakatawa yung hitsura nya! Grabe talaga, dahil sa hitsura nyang yun nawala lahat ng sama ng loob ko sa kanya! Hahahaha! Gulat na gulat kasi sya sa ginawa ko at di sya makapaniwala na sa gwapo nyang yun ay may susuntok sa pagmumukha nya! Hitsura nya! Hmft!
Alam nyo ba kung anong nararamdaman ko ngayon? Para sakin isa na syang lalaking hindi na dapat pang binibigyan ng atensyon. Sayang lang ang oras ko sa kanya noh! Marami pa namang ibang lalaki riyan sa tabi-tabi diba? Hindi lang naman sya ang gwapo at mabait, mali. Binabawi ko na pala na mabait sya. Basta. Hindi lang naman sya ang pwede kong maging tunay na pag-ibig diba?! At saka, natutunan ko na hindi lang naman kagwapuhan ang basehan sa paghahanap ng tunay na pag-ibig. Ang mahalaga, mahal mo sya at mahal ka rin niya. Dapat pareho kayong nagmamahal sa isa't-isa.
Oo nga pala. Hindi pa namin kasi natapos buuin yung prototype na matagal na naming binubuo ni Care. Psh, haist...eh ang tagal-tagal na nun eee! Buti na lang! Andito si Miko sa bahay! Hehehe. Bale, kagabi pa nya tinatrabaho yung prototype na yun...nakatulog kaya sya ng ayos? Siguro napuyat yun. Tsk tsk tsk...kawawa naman sya. Di bale, papagandahin ko nalang ang gising nya ngayon sa pamamagitan ng aking napakagandang boses! Kakanta ako!
"Ooooooooooh! Owowowowowowoow! Awooooooooh.....ohohohow..."
"OOOOOOOOHHHH...OOOOH-
"EEK EEK EEK EEK EEK!" biglang nagsiliparan ang mga ibon at tila nabulabog sila.
"Hmpft! Ambabastos nyong mga ibon kayo ah! Sa ganda kong to lalayasan nyo ko?!" sinigawan ko ang mga ibon.
"Hahahaha, sino bang di mabubulabog sa boses mo eh ang pangit-pangit!" may narinig akong nagsalita sa baba. Andito ako ngayon sa tapat ng bintana at nakita ko si Care.
"Hoy! Ang kapal ng mukha mo ah, maganda boses ko noh!"
"What? Yeah, boses chipmunk nga! Hahaha! Morning Michaela!" sabi nya tapos kinawayan nya ako.
"Grabe talagang lalake ka...panira ka talaga ng araw kahit na kelan! Aaaarrggh!"
"Mr. Williams! Kulang po pala ng spare parts...wala na po tayong spare parts Mr. Williams!" sabi ni Miko na bigla na lamang lumabas ng mansion at lumapit kay Care.
"Hm? Spare parts?" Sa prototype ata yung pinag-uusapan nila.
"Hm...pano yun, next week pa darating yung inorder kong spare parts galing sa Washington...gawan mo ng paraan yan." sagot ni Care.
"Waaaa. Anong gagawin ko? Hehehe..."
"Aba malay ko sayo! Basta gawan mo ng paraan!"
"WAAAA! Opo Mr. Williams!" natakot si Miko. Teka...parang may spare parts akong nakatago sa spaceship ko ah...
"Ah! Oo nga. Naalala ko...siguro naman pwedeng gamitin yun sa prototype..." bulong ko sa sarili.
"Sandali lang! Meron ata ako nyan, kukunin ko lang ah..." sabi ko sa kanila tapos ay kinuha ko yung magic control sa cabinet ko. Bumaba na ako at lumabas ng mansion.
"Ms. Michaela, pasaan ka?" Tinanong ako ni Miko kung saan ako pupunta.
"Ah eh...dyan lang sa labas. Hehehe..." sabi ko. Pagkatapos nun ay nagdiretsyo na'ko papalabas ng gate. "Hmmm..."
Dali-dali na kong nagpunta sa gubat, 100 meters lang naman ang layo nun sa mansion. Nakaprogram ang aking spaceship na maging invisible kaya walang nakakapansin nito rito sa gubat. Tsaka, lupain naman to nina Care kaya wala talagang ibang makakahalata na may nag-crash na spaceship dito. Pinindot ko yung magic control na dala ko para maging visible na ulit yung spaceship. O diba, magic?! Sa planeta ko lang meron nyan!
Pagkapasok ko roon ay hinanap ko agad kung nasaan yung mga spare parts na pwedeng gamitin. Tapos lumabas na'ko ng spaceship at pinindot muli ang magic control para maging invisible ulit yung spaceship. Tapos yun, umuwi na ulit ako!
"Nandito na'ko!" bati ko sa kanila pagkarating na pagkarating ko. May dala-dala akong isang malaking kahon na naglalaman ng mga spare parts.
"Ms. Michaela...ano yan?" tanong ni Miko.
"Ahm...spare parts!"
"Woah. Akin na Ms. Michaela tulungan na kita..." Sinalubong naman ako ni Miko at tinulungan ako.
"Michaela na lang..."
"Huh? Ah eh...s-sige...hihihi..."
Tapos nagpunta na kami sa may table kung saan kinukumpuni ni Care yung prototype.
"Mr. Williams! Eto na yung spare parts. Hihihi." sabi ni miko.
"Hm?"
Lumapit na ko sa kanilang dalawa at tinitingnan ang ginagawa ni Care. Ayos, mukha namang may mga nagmamatch na spare parts dun sa binubuo namin at saka dun sa mga gamit na dala ko...akalain mo yun? Hehe.
"Mmmm..." seryosong seryoso si Care at mukhang di mo makakausap. Hahaha
"Teka. Ano to?" wika ni Miko habang hawak-hawak ang magic control. Teka, bakit hawak na nya yung magic control ko?!
"Ah...wala yan!" Inagaw ko sa kanya, kaya lang nakaiwas sya.
"Hmmm..." iniinspeksyon ni Miko yung control. Aish naisama ko pala yun sa kahon! Aish lagot na...
"Akin na nga yan!" pinipilit kong agawin kay Miko kaya lang di ko talaga makuha. "Akin na sabi!"
"Hmmm..." pinindot ni Miko yung control nang paulit-ulit. Waaa baka masira!
"Waaaa Miko akin na yan! Wag mong pindut-pindutin...baka masira! Huhuhu..." sabi ko. Ganunpaman, nagpatuloy lang sya sa pagpindot at tila wala syang naririnig. Huhuhu.
"UWAAAA!"
Biglang kinuha ni Care ang control at ibinalik sakin. Pagkatapos non ay binatukan nya si Miko.
"Aray..."
"Young master." bigla na lang may nagsalita sa di kalayuan kaya natigilan kaming tatlo.
"Ehem. Pasensya napo sa abala...pero may mga bisita po kayo." sabi nung matandang lalaking nagsisilbing tagapag-bantay ng mansyon o "butler" sa Ingles.
"Papasukin!" wika ni Miko. Binatukan ulit sya ni Care. Teka, sino naman kayang bisita? Nakakapagtaka naman. Wala naman kaming alam na bisitang darating eeeeh.
Mayamaya ay may pumasok sa salas. Naka-sapatos sya ng pangbabae. Si Moe Kikunae.
"WAAAA!" sabay-sabay naming sigaw sa sobrang pagkagulat. Anong ginagawa nya rito?!
"Kumusta Mr. Williams? Tapos nyo na bang ayusin yung prototype?" wika naman ng isang matandang lalaking kasunod ni Moe. Ang scientist na si Mr. Kikunae.
"WAAAAAA!" sigaw ulit naming tatlo. Bakit sila naandito?!
"You're house really looks so great Charles..." may narinig kaming boses ng isang babae. Pero hindi lang sya, marami pa sila. Nakita namin silang naglalakad sa may dining area. At naandun din ang tatay ni Care, si Charles Williams.
"Hahahaha! Marami pa kayong makikita sa taas ng mansion. Maganda ang view sa labas. Bakit hindi natin puntahan?" pag-aanyaya ni Mr. Williams sa mga bisita nya.
Nganga kami. Bakit dinumog ata ng sobrang daming tao etong mansion?
"WHAT THE HECK ARE ALL OF YOU DOING HERE?!" sigaw ni Care kaya napatingin lahat ng tao sa kanya at nagulat ang mga ito.
"Oh. And by the way, that is my son Care. Care, say hi to the visitors."
"Bullshit!"
Maraming taong nagsidatingan sa mansyon. May ilan na inimbitahan lang pala ni Mr. Williams dahil sa gusto lang ata nyang ipagmalaki yung bahay nya? Mga kaibigan daw nya ang mga ito at ang iba ay mga negosyante galing sa ibang kumpanya. May mga nagsidatingan din na mga board members ng Williams Corporation. Dumating din ang scientist na si Mr. Kikunae na kasalukuyang tinitingnan ang prototype na ginagawa namin. At syempre, makakalimutan ko pa bang banggitin ang babaeng napaka-plastik kung makakilos na akala mo kung sinong mabait?
"So...Care, kumusta ka na? One week kang absent sa school. May problema ba?" sabi ni Moe. Aish. Ang hinhin nyang magsalita di bagay sa kanya! Psh. Magkapatid talaga sila ni Todd.
"Wala." sagot ni Care.
"Mr. Kikunae, how's the prototype?" tanong ng tatay ni Care kay Mr. Kikunae. Bale nanonood kami nina Care kay Mr. Kikunae habang iniinspeksyon nya yung ginawa namin.
"Hmmm...itetest ko muna 'to kung maayos. Teka, Care, bakit di mo muna ipasyal ang fiance mo habang inaayos ko itong prototype? Hindi ba't magandang ideya yun? Ano sa tingin mo Charles? Hahahaha!" wika ni Mr. Kikunae sa tatay ni Care.
"Huh? Ayoko. Tss," naiiritang sambit ni Care.
"Hm? Magandang ideya nga yan Mr. Kikunae. Care, ipasyal mo muna si Moe sa may garden. Tamang-tama, tutal naandito na rin naman sya ngayon. Mas maganda kung makikita nya ang pasikut-sikot ng mansion dahil di na rin naman magtatagal at magpapakasal na kayong dalawa. Hindi ba Moe?" wika ng tatay ni Care.
"P-po? Ah...hehehehe..." wika ni Moe na tila ay nahihiya pa sa sinasabi ni Mr. Williams.
"Ayoko sabi." sabi ni Care. Dahil sa sinabi ni Care ay medyo napahiya si Moe at nalungkot ito.
"Pasensya na Mr. Kikunae sa ugali ng anak ko," mahinahong wika ni Mr. Williams kay Mr. Kikunae at pagkatapos ay humarap na ito kay Care at kinausap ito ng masinsinan.
"Pinalampas ko yung ginawa mo kanina sa mga bisita ko. Samahan mo si Moe sa labas, kung ayaw mong mapahiya..." pagbabanta ni Mr. Williams habang dinuduro si Care.
"Care..." nasambit ko na lang...nakakatakot ang tatay ni Care...kahit hindi ako ang dinuduro nya nasisindak ako. Natameme na lang kaming dalawa ni Miko. Teka, hindi pala dapat kami kasali rito ni Miko, usapang pamilya to eh.
"Fine. But I want Michaela to come with us." wika ni Care.
"Ano bang pinagsasasabi mo?" wika ni Mr. Williams.
"Huh..." Nagulat din naman ako. Ako, sasama sa kanila? Anong kinalaman ko dyan?!
"Hindi ko ipapasyal ang babaeng yan. Unless kasama si Michaela. Tss," wika ni Care. Teka anung meron bakit ako?
"Care..." nanggigigil na si Mr. Williams kay Care pero pinipigilan nya lang ang galit nya dahil baka mahalata sila ng mga bisita. Teka nga. Ano bang iniisip ng lalaking yun at pati ako dinadamay nya?!
"Ahm, Mr. Williams ok lang po. Payagan nyo napo si Care na isama si Michaela, naiintindihan ko naman po kung hindi pa komportable si Care na makasama ako," mahinhing sambit ni Moe. Eeer, kinikilabutan ako sa kanya. Ang galing nya talagang magpanggap na mabait noh? Nakakarumi!
"Haist." Napabuntong hininga si Mr. Williams. "Sige..." pagkatapos ay tumingin sya sa akin at kay Care. Mukhang napilitan lang syang pumayag. Si Mr. Kikunae naman, ang sama ng tingin sakin. Anong ginawa ko?!
Naglakad na kaming tatlo nina Moe at Care sa may garden. Nasa likuran lang ako nilang dalawa at sumusunod sa kanila. Nakakailang kaya! Pano sila makakapaglambingan kung naandito ako? Diba mag-fiance sila?! Kumusta naman kaya yun?
"Ahm Care, ang lawak pala talaga ng garden nyo noh? Ang ganda..." wika ni Moe habang tinitingnan ang buong paligid. Si Care naman walang kaimik-imik at patuloy lang sa paglalakad.
"Hey Michaela, ang bagal mong maglakad. Bilisan mo nga!" bigla akong kinausap ni Care.
"Pake mo ba, ayokong bilisan eeee!" Inirapan ko naman sya. Bakit ba kasi nya ako pinasama pa rito?! Tsaka bakit ba ako ang pinapansin nya eh si Moe nga itong nagpapapansin?!
"Ahm, Michaela, matagal ka na bang nakatira rito?" bigla naman akong kinausap ni Moe. Napakaplastik talaga nyang magsalita. Eer.
"Ah, hindi naman. Simula lang nung," bumulong ako kay Moe. "...niligawan ako ni Care..."
"Nani? (What?)" Nagulat si Moe sa sinabi ko. Alam ko namang patay na patay to kay Care kaya sinabi ko yun, hahahaha! Si Care naman, nasa unahan lang namin at patuloy na naglalakad. Hindi ko talaga pinarinig yung huling sinabi ko, baka mapahiya ako eh.
Ngumiti si Moe, "Ay sayang naman. Pano na yan, ako na ang magiging future wife nya?" tapos bumulong din sya sakin. "...dito ka pa rin ba titira kapag nangyari yun?"
Natigilan ako. Asaran pala ang laban ha. Tingnan lang natin...ang matalo panget! Ngumiti ako sa kanya. "Ahm...depende yun kay Care. Baka kasi...hindi nya kayanin kapag nawala ako sa paningin nya diba? Tuloy-tuloy na sana ang pagmamahalan namin kung walang isang babae dyan na nakikisali eh di naman pala dapat kasali..." sabi ko sa kanya. Buti nalang di naririnig ni Care ang pinag-uusapan namin, nasusuka kasi ako sa sinasabi ko. Gusto ko lang namang asarin tong impaktang to eeee!
Nanlaki ang mga mata ni Moe sakin. Ano ha? May sasabihin kapa? Ha?! Ha?!
"Hmpft!" hindi na ata nakayanan ni Moe ang sinabi ko kaya inunahan na nya ako sa paglalakad at dumikit na sya kay Care. Hah. Wala ka pala eeee!
"Care...ipasyal mo naman ako run sa maze. Nakakatuwa naman. May playground ka rin pala rito," at kinausap na nya lang si Care. Sa madaling salita, nanalo ako! Hahahaha!
"Yeah...dyan ako naglalaro nung bata pa'ko," sabi ni Care.
"Hmm...wow. Ang laking maze nyan ah." sabi ko. Baka maligaw ako pag pumasok ako.
"Talaga?! Sugoi! Tara, pasyal tayo run!" wika ni Moe at pagkatapos ay nauna na itong maglakad papunta sa may maze. Nung makalayo na si Moe ay agad naman akong lumapit kay Care. Sinikuhan ko nga.
"Aw!"
"Bakit mo pa ba ako pinasama-sama rito? Grabe, hindi ko na kayang lumapit sa babaeng yan. Akala mo kung sinong anghel kung magsalita! Nasusuka na ako sa pagmumukha nya...psh," bulong ko kay Care.
"Tss, akala mo ba gusto ko rin tong ginagawa ko? Eh kung pwede nga lang taguan ko na yang haponesang yan eee! Ang hirap ng sitwasyon ko alam mo ba yun?" naiiritang bulong nya sakin.
"Hmm...taguan ba kamo? Bakit hindi? Haha" sabi ko sa kanya tapos hinawakan ko ang kamay nya.
"Teka, san tayo pupunta?"
"Tatago. Hahaha..." At nagtago kami kay Moe. Si Moe naman, hindi kami napansin kaya nagdirediretsyo na sya papasok ng maze. Maligaw sana sya! Muahahahaha!
"W-wait where are we going?!" naguguluhang tanong nya sakin.
"Ssshh..." Hinila ko sya papunta roon sa may likuran ng maze. Tapos naupo lang kami roon.
"Ahm...Care? Nasaan ka? Care?" narinig naming tumatawag si Moe sa loob.
"Care..? Michaela..? Asan kayo?" sabi nya.
"Hahahaha..." pinipilit kong pigilan ang tawa ko.
"Tss..kaw talaga...hahaha..." sabi ni Care sakin.
"Sssh." sabi ko kay Care.
"Care..? Michaela..? Anyone?"
"Anyone? Taskete! Taskete!" (Taskete= Help Me)
"Taskete! Care? Asan ka?! Naliligaw na ata ako rito...tulungan mo naman ako...huhu..."
Nagkatinginan kami ni Care. "Hihihihi..." pareho kaming napatawa.
"Tara na, umalis na tayo..." bulong ko.
"Teka...pano sya?" sabi ni Care.
"Makakalabas din naman si Moe pamaya, kaya nya yun. Sya pa!"
"Tss...hahaha..."
(MIKO'S POV)
"Ang tigas talaga ng ulo ng batang yun, tsk" wika ni Mr. President sa scientist na si Mr. Kikunae. Katabi nya lang ako, umalis na kasi sina Mr. Williams at Ms. Michaela.
"Hayaan mo na Mr. President, pasasaan ba't magkakagustuhan din ang mga bata, hahahaha!" wika naman ni Mr. Kikunae.
"Hm. Sa bagay, maganda at matalino ang anak mo Mr. Kikunae. Siguradong magiging maganda ang kinabukasan ng kumpanya ko kapag nag-merge ang business natin." wika ni Mr. President.
"Hm..." Lumipat ang tingin ko sa mukha nya.
"Tama ka dyan Mr. President! Hahahaha." wika ni Mr. Kikunae.
"Hmmm." Tumingin naman ako sa kanya.
"..." tumingin silang dalawa sakin.
"A-ah! Alis na po ako Mr. Kikunae Mr. President! Mag-CCR ako! Hihihihihi." sabi ko. OP ako sa kanila kaya alis na lang ako...hehe.
Ang dami namang tao rito sa baba, at saka, hindi naman talaga ako mag-CCR. Hihihihi may maidahilan lang. Hihi. Hmmm, san na kaya ako pupunta? Hmmmm...kung mag-kulong na lang kaya ako sa kwarto ni Mr. Williams? Tapos lalabas na lang ako pag bumalik na sila! Hihihihi. Tama! Yun na lang ang gagawin ko. Hihihihihi.
Umakyat nako at nagpunta sa kwarto ni Mr. Williams. Hihihihi. Magkukutingting na lang ako rito. Hihihi. "Hmmm..." Tiningnan ko ang buong paligid. Inayos ko ang salamin ko. Tapos may napansin ako sa may study table ni Mr. Williams.
"Waaaa! Yun yung...yun yung...alien detecting device na ginawa ko dati. Waaaa!" Agad ko tong kinuha. "Muah tsuptsup tsup...waaaa...namiss ko talaga tong invention na to! Hihihi..." Alam nyo ba, pangarap ko talagang makakita ng alien kaya ginawa ko to?! Waaaa simula ng ipinanganak ako sa mundo yun na talaga ang pinangarap ko! Huhuhuhu...tapos ngayon...muli ko nang natagpuan...muli ko nang natagpuan ang aking alien detector!
"Hm? Teka lang. Bakit parang...may crack..? Hmmm..." Ininspeksyon ko itong mabuti. Ang daming crack sa palibot nito. Parang sinadya ang pagkakasira...parang pinukpok ng kung anong matigas na bagay o kaya ay binagsak ito at inapak-apakan ng paulit-ulit...
"WAAAAA. Bakit?! Bakit nangyari ito sayo oh aking alien detector?! Minassacre ka ng kung sinong nakahawak sayo! Huhuhuhu...waaaa...ang alien detector ko...huhuhu..."
Mukhang...wala na akong magagawa. Naiiyak man ako, dahan dahan ko na lang inilapag sa study table ni Mr. Williams ang aking alien detector. Kumuha ako ng puting panyo sa aking bulsa at dahan-dahan kong tinakluban ng panyo ang bagay na iyon.
"May you rest in peace, my beloved alien detector..."
Pagkatapos nun ay nalulungkot akong naglakad papunta sa may sofa ni Mr. Williams at umupo. Napatingin ako sa bintana at nasilaw ako. Tapat na tapat kasi ang pwesto ko sa sikat ng araw. Dahil dun ay nagpunta ako sa may bintana para sarhan yung kurtina. Habang sinasarhan ko ito ay napatingin ako sa labas.
"Wow. May spaceship. Siguro may alien na naglanding dito sa Earth." sabi ko at akmang sasarhan ko na sana ang bintana nang bigla ko itong binuksan ulit.
"M-M-MAY SPACESHIP! MAY SPACESHIP SA LABAS! WAAAAAA!" sabi ko at pinukpok ko ang ulo ko dahil baka panaginip lang to. Pag-tingin ko, andun pa rin yung spaceship!