(MIKO’S POV)
"M-M-MAY SPACESHIP! MAY SPACESHIP SA LABAS! WAAAAAA!" sabi ko at pinukpok ko ang ulo ko dahil baka panaginip lang to. Pag-tingin ko, andun pa rin yung spaceship!
"WAAAAA! Nandun! Nasa labas lang ng gate malapit sa gubat! Kitang-kita ko! WAAAA!" Dahil dun ay agad na akong nagtatakbo pababa at hindi ako magkaintindihan kung ano ang gagawin ko! "Waaaaa!"
Nagtatakbo ako papalabas ng mansion. Sa talambuhay ko, ngayon lang talaga ako nakakita ng tunay na spaceship!
"Hindi talaga ako makapaniwala! Waaaaa!"
"Hahahahaha" nakasalubong ko sina Mr. Williams at Ms. Michaela na nagtatawanan sa daan.
"Oh, Miko! Teka, anong nangyari sa'yo?!" nagtatakang tanong sakin ni Ms. Michaela.
"HAH...HUH...HAH...HAH..." Hindi ako makapagsalita. Naghahabol kasi ako ng hininga sa katatakbo. Itinuro ko na lang yung labas.
"M-MAY.... M-M-MAY"
"Huh?" tanong ni Ms. Michaela.
"M-MAY.... M-M-MAY"
"May?" tanong ni Ms. Michaela.
"What?" sabi ni Mr. Williams.
"May...MAY...MAY SPACESHIP! WAAA!" histerical na ako. "WAAAA PIPOL OF THE WORLD MAY SPACESHIP NA NAGLANDING DIYAN SA LABAS! WAAAA MAY ALIEN DITO SA EARTH! MAY ALIEN!" sigaw ko sa lahat nga mga tao sa paligid.
"Hm?!" sabi ng mga tao.
"Huh..."
"Ano raw? May spaceship?"
"Waaaah!" naagaw ko agad ang atensyon nila. Nagulat silang lahat sa sinabi ko. Mayamaya pa ay may mga taong nagtatakbo palabas para tingnan kung totoo ang sinasabi ko.
"Aaaaah! Totoo nga! May spaceship dun sa labas," turo ng isang lalaki sa labas, " tingnan nyo dali!" pagkasabi nya nun ay marami pang nag-usisa sa spaceship na sinasabi ko.
"Waaaa! Anong ibig sabihin nito?! Ibig sabihin ba nito, matutupad na ang pangarap kong makakita ng isang alien?! Waaaaaa naeexcite ako! Nasaan na yung alien?! Nasaan?!" excited kong sambit. Hihihi.
"Waaaaa!"
"May spaceship nga! May spaceship!"
"Anong nangyayari rito?!" tanong ni Mr. Kikunae. Lumabas na sila ng mansion kasama si Mr. President.
"May spaceship dyan sa labas Mr. Kikunae, Mr. President! May spaceship!" sabi ko sa kanila.
"Kyaaaa..." Napansin kong natatakot si Ms. Michaela kaya napahawak sya at napatago sa likuran ni Mr. Williams.
"Teka, san kayo nagpunta Care? Bakit bigla kayong nawala? Teka...anong meron sa labas?" sabi ni Ms. Moe na bigla na lang dumating.
"Moe. Tawagan mo ang mga scientists. Papuntahin mo sila rito ngayon din." sabi ni Mr. Kikunae kay Ms. Moe.
"Nani? Bakit po?" naguguluhang tanong ni Moe.
"May spaceship na natagpuan sa labas. Bilisan mo, papuntahin mo na sila rito ngayon na mismo, walang dapat sayangin na oras."
"Huh?! Totoo ba yang sinasabi mo papa?!" hindi makapaniwalang sambit ni Ms. Moe.
"Bilisan mo Moe, kailangan nila itong malaman sa lalong madaling panahon!"
"Hai...hai..." wika ni Ms. Moe at pagkatapos ay dali-dali na syang nagdial sa cellphone nya. Napatingin naman ako kina Mr. Williams at Ms. Michaela. Kinakabahan si Mr. Williams.
"Mr. Williams, eto na ang pangarap natin! Makakakita na tayo ng alien sa wakas Mr. Williams! Hihihi!"
"Care..." nanginginig sambit ni Ms. Michaela habang nakahawak ng mahigpit sa braso ni Mr. Williams. Mukhang...natatakot si Ms. Michaela sa alien...?
"Let's go," sambit ni Mr. Williams kay Ms. Michaela at pagkatapos ay hinila na nya ito papasok ng mansion.
"T-teka, san kayo pupunta?"
Makalipas ang ilang oras ay nagsidatingan na ang mga scientists para imbestigahan ang pangyayari. Ako naman ay masugid na nakikiusisa sa mga ginagawa nila. "Waaa...Isa talaga tong spaceship...ang sasakyan na nasa harapan ko ngayon ay totoong spacehip na talaga..." sabi ko habang nangingislap ang aking mga mata. Kakaiba at kahanga-hanga ang pagkakayari nito...waaaa...dream come true ito para sakin! Huhuhuhu...
"Mr. Kikunae, base sa obserbasyon namin, mukhang di naman katagalan na naandito ang spaceship na ito. Mukhang naglanding ito mga 6 na buwan o higit pa ang nakararaan." wika ng isa sa mga scientists.
"Hm...ganun ba? Ibig sabihin, malapit lang dito ang alien na galing sa sasakyan na yan. Siguradong hindi pa yun nakalalayo." wika ni Mr. Kikunae.
"Tama ka riyan Mr. Kikunae. Nakakapagtaka naman, bakit ngayon lang ito nakita rito? Eh malapit lang naman ito sa mansion na yun ah," wika ng scientist.
"Huh..." Nanlaki ang mga mata ko. "Ibig sabihin..." napatingin ako sa mansion nina Mr. Williams...
"Miko, do you believe in aliens?" naalala kong sambit ni Mr. Williams sa akin noon. Teka, hindi kaya...
"Hm...nakapagtataka nga...tama ka sa sinabi mo...hindi kaya, may alam dito si Care?" sabi ni Mr. Kikunae. Napalunok ako. Mukhang...tama ang hinala ko.
"Hihihi. Nagkakamali ka Mr. Kikunae." sabi ko kay Mr. Kikunae.
"Hm?"
"Imposibleng may alam dito si Mr. Williams! Dahil kung may alam sya, matagal na nya yung sinabi. Hahaha!" sabi ko.
"Hmmm. Mukhang tama ka. Matagal na dapat nya yung sinabi, base sa ugali nya. Pero...maaari rin namang meron pang ibang dahilan kung bakit nya itinatago ang bagay na iyon hanggang ngayon..."
"H-ha? Hehehe. Di ko rin alam..." sabi ko na lang.
Makalipas ang ilang oras na obserbasyon ay napagdesisyunan na ni Mr. Kikunae na magbalik na sa mansion ng mga Williams, marahil ay para mag-imbestiga. Sinundan ko sya. Nang makarating kami roon ay eksakto naman na dumating ang pinsan ni Mr. Williams na si Ms. Danica. Dito rin sya naninirahan sa mansion kasama sina Mr. Williams.
"Oh. Why are there so many people around here? May party ba rito?" tanong ni Ms. Danica.
"Nagkaroon lamang po ng kaunting salu-salo madam. Dumating po ngayon si Mr. Williams," wika ng butler ng mansion.
"Really?" wika nya at pagkatapos ay napatingin sya samin. "Oh Hi Miko!" bati sakin ni Ms. Danica.
"Ah...hello! Hihihi."
"Hello Mr. Kikunae," wika ni Ms. Danica at pagkatapos ay nakipagkamay ito sa matandang scientist.
"Mabuti naman at dumating ka Ms. Phelps. May ilan lamang akong katanungan tungkol sa nadiskubre namin." wika ni Mr. Kikunae.
"Hm? Nadiskubre..? Bakit? Ano po ba ang nadiskubre ninyo?"
"Nalaman namin na may spaceship na naglanding dito sa lugar ninyo ilang buwan lamang ang nakakalipas mula ngayon. May nalalaman ka ba tungkol dito Ms. Phelps?"
"Huh? What?! Did you just say...spaceship? Anong spaceship?"
"May spaceship dyan sa labas, mga 100 na metro lang ang layo mula rito sa mansyon. Wala ka bang napansin na kakaibang tunog nung nangyari yun? Imposibleng walang nakapansin ni isa sa inyo." wika ni Mr. Kikunae.
"W-wala po..."
"Baka naman...may itinatago lang kayo..."
"H-ha? Hindi ko po alam ang sinasabi nyo..."
"Ms. Phelps. Gusto ko lang namang malaman kung ano ang totoo."
"Wala nga po sabi akong alam!"
"Tsk."
"Haist. Palagi po kasi akong wala rito sa bahay kaya siguro hindi ko na lang napansin. Kung gusto nyo, pwede nyong tanungin etong si Mr. Martin." wika ni Ms. Danica.
"Madam, mabuti po siguro ay magpahinga na po kayo sa taas. Ako na lang po ang bahalang kumausap sa kanila," wika naman ni Mr. Martin, ang butler ng mansion.
"Ok. I'm gonna rest na. Bahala na po kayo dyan."
"Yes madam." nagbow si Mr. Martin sa kanya at pagkatapos ay kinausap na nya kami.
(PRINCESS MICHAELA'S POV)
Natatakot ako...papaano na'to..? Nalaman na ng lahat na may alien dito sa lugar na'to...ang daming scientists sa labas.
"Papatayin nila ako...huh..." bulong ko kay Care habang nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang takot. Nanigas lang ako sa likuran ni Care habang nagkakagulo ang lahat ng tao rito sa paghahanap sakin. Konti na lang, lalabas na ang luha sa mga mata ko.
"Let's go," bigla na lang nagsalita si Care at pagkatapos ay hinila na nya ako papasok ng mansion.
"Care..."
Nagpunta kami sa kwarto nya at pagkatapos ay nilock nya ang pinto. Pagkatapos nun ay naglakad sya ng pabalik-balik sa harapan ko. Mukhang malalim ang iniisip nya at hindi sya nagsasalita...pero batid kong bakas sa mukha nya na nag-aalala rin sya sa mga nangyayari. Makalipas ang ilang minuto ng katahimikan ay nakayanan kong magsalita at pag-isipan ang mga pangyayari, kahit na nanginginig pa rin ang aking katawan...
"Yung control...mukhang hindi ko napindot yung invisibility option para maging invisible yung spaceship...kaya nakita nila..." nanginginig na sambit ng bibig ko. "Marahil ay dahil na rin ito sa ginawa ni Miko nung paulit-ulit nyang pinindot yung magic control, baka napindot nya yung visibility option at hindi ko na ito napansin. Natatakot ako Care..." Tumingin ako kay Care. "Anong gagawin ko..?"
Tumigil si Care sa paglalakad. "No one will know about you as long as we don't say anything."
"P-pero...p-papano kung...malaman pa rin nila..? Hindi natin alam ang mga pwedeng mangyari. M-maraming p-paraan na pwedeng gawin para malaman nila ang totoo..."
"Hindi mangyayari yun. Hindi ko hahayaang mangyari yun."
"Care..."
Naglakad na si Care papunta sa may bintana at tumingin sa labas. Tiningnan nya ang mga taong nagkakagulo roon. Napakaseryoso ng mukha nya.
"Poprotektahan kita."
"Care..." tumulo na ang luha sa mga mata ko. "Salamat..." Hindi ako papabayaan ni Care...hindi nya ko hahayaang mapahamak.
Mayamaya pa ay may bigla na lang may kumatok sa pinto.
"Huh..." kinakabahan kong sambit. Nagpatuloy lang ang pagkatok na iyon dahil walang nagsasalita saming dalawa ni Care. Mayamaya pa ay sumagot na rin si Care.
"Who's that?" wika ni Care.
"Young Master, pinapatawag po kayo ni Mr. President sa baba." wika ng tao sa labas. Mukhang si Mr. Martin ang tinig na iyon. Mayamaya pa ay lumapit na si Care sa pinto at binuksan ito. Nagbow samin si Mr. Martin. "Young master, madam, gusto po kayong makausap ni Mr. Kikunae. Pinapapunta po nya ang lahat ng mga tao rito sa mansyon sa baba para interviewhin."
"Anong...s-sabi mo..?" nanlaki ang mga mata ko. Kinabahan ako.
"Alright. We'll be there in a few minutes." sabi nya.
"Sige po young master. Mauuna napo ako pababa." wika ni Mr. Martin at pagkatapos ay nag-bow ito muli, sinarhan ang pinto at umalis na.
"Huh...pano na..."
"Michaela..." malumanay nyang sambit sakin. Hinawakan nya ang magkabilang braso ko. "Don't worry. Everything will be alright."
"Care..."
"Wag ka nang umiyak. Baka makahalata sila." di ko namalayan, umiiyak na pala ko. Hindi ko mapigilan. Hindi ko mapigilan ang luha ko. Hindi ko mapigilan!
"Hindi ko mapigilan. Nanginginig talaga ako. Mahahalata nila ako... P-pano na..?" sabi ko habang umiiyak.
"Here, hold my hand." sabi nya at pagkatapos ay hinawakan nya ang kamay ko. Pero sa halip na hawakan ko lang sya sa kamay ay niyakap ko sya sa sobrang takot.
"Hmmmfftttt...natatakot ako...natatakot ako..."
"Tsk. Ang duwag mo talaga. Para ito lang kakatakutan mo pa."
"Huh?! Kung ikaw kaya ang nasa katayuan ko?! Ano ka ba, hindi ka ba natatakot?!" sabi ko sa parang ewan na si Care.
"Tss. Hindi ako natatakot. Kaya ikaw, wag kang magpapahalata. Kundi lagot ka sakin!"
"Care naman eeeh huhuhuhu!"
"Tsk ano ka ba! Tumigil ka na nga dyan!"
"Haissst."
Inakbayan nako ni Care. "Relax lang. Akong bahala."
Naglakad na kami ni Care pababa habang nakaakbay sya sakin at ako naman, nakahawak sa may bewang nya. Nakita namin na nagtitipon na ang mga katulong at iba pang mga taong taga mansion...mukhang kami na lang ang hinihintay nila. Nang makarating na kami roon ay magkatabi kami ni Care na naupo sa sofa. Natatakot talaga ako. Nakayuko lang ako roon.
"Mukhang kumpleto na tayong lahat. Maaari ko nang simulan ang pagtatanong. Ehem..." wika ni Mr. Kikunae at pagkatapos ay nagsimula na syang maglakad sa palibot namin.
"Wala ba talagang nakapansin ni isa sa inyo noon pa man doon sa spaceship na iyon? Sinabi ng isa sa mga scientists ko na mukhang ilang buwan na rin na nakatigil ang sasakyang yun malapit dito sa mansion." tanong nya.
"Wala po..." wika ng mga maids. Sumulyap ako kay Mr. Kikunae. Pagkatapos ay tumingin sya ng seryoso sakin.
"Hmmm..."
Umiling-iling lang ako, nagpapahiwatig na wala rin akong nakitang spaceship. Tapos yumuko ulit ako.
"And you, Mr. Williams?"
"Hm? Nope." wika ni Care at pagkatapos ay nagkibit balikat lang ito.
"Hahahahaha!" tumawa lang si Mr. Kikunae at pagkatapos ay naging seryoso na muli ito. "Imposible yun..."
"Bakit? Kayo nga eh, di nyo rin napansin. Kung di lang nakita ni Miko. Besides, palagi akong busy sa trabaho." wika ni Care. "Hey you," tumingin si Care sa mga katulong, "sa tinagal-tagal nyong nakatigil dito, hindi nyo ba talaga napansin yung spaceship na yun?" tanong ni Care sa mga maids.
"Hindi po young master."
"What?! Are you sure about that?!"
"Opo young master. Wala po talaga kaming nakikita," wika ng isang maid. "Ngayon lang po."
"How about you Mr. Martin?" tanong ni Care kay Mr. Martin.
"Wala po, young master."
Tumingin si Care kay Mr. Kikunae. "See?"
"Tsk..." Medyo nainis si Mr. Kikunae sa inasal ni Care. Ganunpaman ay nagpatuloy pa rin sya sa pagtatanong samin. "Wala ba kayong narinig na malakas na dagundong o kahit na anong tunog ilang buwan na ang nakakalipas mula ngayon?" tanong ni Mr. Kikunae.
"Ah! Meron po." wika ng isa sa mga maids.
"Huh..."
"Hontoni?!" (Really?!) Nabuhayan si Mr. Kikunae.
"Siguro may ilang buwan na rin yun. Gabi po nun, tapos bigla na lang lumindol..." sumagot ang isa sa mga maids.
"Oo nga noh..."
"Oo nga. Naalala ko na. Lumindol nga nun." Sumang-ayon naman yung ibang kasamahan nya.
"Hehehe..." Napangiti si Mr. Kikunae sa sinabi ng maid.
"Mr. Martin, anong masasabi nyo tungkol sa bagay na yun?" tanong ni Mr. Kikunae kay Mr. Martin.
"Narinig ko rin po na may dumagundong dyan sa labas ilang buwan na rin ang nakalipas. Pero pinatingnan ko naman po sa mga tauhan namin kung anong nangyari nung kinabukasan. Wala po kaming nakitang spaceship nung mga panahong yun."
"Talaga? At paano naman nangyari yun?"
"May nakita po kaming nasirang mga punong kahoy, at may gitak po ang lupa na para bang may bumagsak na malaking bagay dito. Pero wala po talaga kaming nakita na kahit na ano." sagot ni Mr. Martin. Wala talaga silang makikita. Invisible pa noon ang spaceship ko eh.
"Hmmm...nakakapagtaka naman kung ganun." wika ni Mr. Kikunae. "Hindi kaya, may itinatago lang kayo sakin?"
"Kyaaaaaa..." natatakot na talaga ako!
"What are you trying to say...pinagbibintangan mo ba kami?! Dad...this is too much. Sumosobra na ata ang matandang yan!" sabi ni Care sa tatay nya.
"Mr. Kikunae, baka naman wala talaga silang alam. Kung meron man, sigurado akong nasabi nayun satin ni Care. Kilala ko ang batang yan, hindi nya itatago ang mga ganitong klaseng bagay. Pwera na lang kung may hidden agenda sya. Right, Care?" sabi ng tatay ni Care.
Care smirks. "Right, dad. You're definitely right..."
"Kung ganun Mr. President, ok lang ba na bigyan nyo pa ng ilang araw ang mga tauhan ko para mag-obserba dito sa lugar ninyo? Kung maaari nga rin sana ay hayaan nyo kaming halughugin ang bahay nyo dahil may posibilidad na nagtatago ngayon ang alien dito, malaki pa man din ang mansion na ito...hmm..." wika ni Mr. Kikunae habang inoobserbahan ang bahay.
"Hmmm...ganun ba? O sige, walang problema. Mr. Martin, samahan mo nga sina Mr. Kikunae sa pag-oobserba rito sa loob." wika ng tatay ni Care.
"Hahahaha! Harigatou Mr. President. Pero di muna ngayon. Siguro ay sa mga susunod na araw na lamang. Sa ngayon ay oobserbahan muna namin ang natagpuang spaceship."
"Ah ganun ba? Sige, sabihin mo na lang sakin kung kelan." wika ng tatay ni Care. Marami pang tinanong si Mr. Kikunae samin. Hindi ako makatingin ng diretsyo sa kanya dahil natatakot ako. Pero sa tingin ko, naging ok naman ang lahat dahil naandito si Care sa tabi ko. Palagi nyang nababara si Mr. Kikunae sa tuwing nagtatanong ito sa kanya. Hehehe. Pansin ko nga na napipikon na rin ang matandang yun pero di nya lang pinapahalata dahil andito ang tatay ni Care. Nakwento na rin kasi sakin ni Care na may pagka "sipsip" itong si Mr. Kikunae kay Mr. President kaya di nya magawang makipagtalo kay Care sa twing kasama nya si Mr. President.
Nung natapos na ang sobrang tagal na pagtatanong nya samin at nang nag-alisan na ang mga bisita sa bahay ay saka ako nakahinga ng maluwag. Nawala na ang tensyong nararamdaman ko sa dibdib ko. Buti naman at natapos na rin. Hay salamat...pero babalik daw sila bukas...waaa...kinakabahan na naman ako...pano kung may dalhin silang "alien detecting device" tulad ng ginawa ni Miko noon? Sigurado ako...lagot na ako...huhuhuhu.
Mayamaya ay may narinig akong nagbukas ng pinto ng kwarto ko.
"Oh. Care." si Care pala. Naandito ako sa may balkonahe ng kwarto ko at nagpapahangin lang sa labas sa malamig na gabi. Pumasok na si Care at naglakad papalapit sakin. Nakitambay na rin sya. Nakatingin lang ako sa langit at nagmumuni-muni.
"Ayos ba?" tanong nya sakin.
Lumingon ako at ngumiti sa kanya. "Ayos."
"Hmmm..." ngumiti sya.
Napatungo ako. "Ano...salamat..." Medyo nahihiya kasi ako.
"Hehehe." Napangiti naman si Care, sabay kusot sa ilong nya. Napasulyap ako sa kanya. Tumingin sya sa kalangitan at tinitigan ito. Ako naman…nakatitig sa kanya. Naisip ko lang...ngayon ko lang sya ulit nakita na ngumiti ng ganyan. Ang pula pala ng labi nya. Ang gandang tingnan para sa isang lalaki. At saka...kakaiba ang mga ngiti nya. Nakakadala ito, pati tuloy ako napapangiti. May biloy sya na bihira ko lang makita sa tinagal-tagal na naming nag-uusap. Saka lang kasi lumalabas yun pag nangiti sya. At ang mga mata nya, hindi naman singkitin pero nakakapagpadagdag ng kagwapuhan nya. Ang ilong nya, ang kutis ng balat nya...ang gandang tingnan sa ilalim ng sikat ng buwan. Humarap sya sakin at muling ngumiti. Teka, ano nga bang tawag dun sa ingles? Ahm...
Cute...cute sya pag ngumingiti. Gwapo naman sya pag seryoso...sa madaling salita, ang sarap nyang titigan sa kahit na anong anggulo.
(MOE'S POV)
Ilang araw na rin ang lumipas simula noong nakakita ng spacesphip ang aking ama sa Williams Residence. Simula non, naging busy na sila palagi sa pagpunta kina Care para mag-imbistiga. Well, its really a big news after all. Actually, nakarating na ang balita sa NASA. Nakipagcoordinate na rin ang mga scientists doon at hindi naman naging mahirap yun since doon nagtatrabaho ang asawa ni Mr. President. Hanga na talaga ako sa pamilya nila, ang mother ni Care ay isang sikat na scientist sa NASA samantalang ang tatay ni Care naman ay may-ari ng isang malaking kumpanya. At si Care, may-ari naman siya ng isang mayamang school. Wala ka nang mahihiling pa kapag nakapangasawa ka ng isang lalaking mayaman at gwapo na tulad nya.
Katatapos lang ng trabaho ko sa Williams Corporation kaya umuwi nako. Gabi na rin at kelangan ko nang magpahinga. Habang nakasakay ako sa kotse ay kinumusta ko muna ang kapatid ko. Tinawagan ko sya sa phone. Ilang minuto na ang nakalipas pero di pa rin nya sinasagot ang tawag ko. Haist, nasan na naman kayang sulok nagpunta etong kapatid ko?
“Hey shhweetaaaart?" wika sa kabilang linya. Mukhang lasing ang boses nya.
"Hello? Todd?"
"You're shho lhhovely..." sabi ni Todd sakin.
"Todd!" Naririnig ko ang malakas na tunog ng music na nanggagaling doon. Siguradong nasa bar na naman ang kapatid ko. Aish, si Todd talaga oh!
"Oi, otosan, naglalasing ka na naman? Umuwi ka na...gabi na oh." sabi ko habang nakatingin sa wristwatch ko.
"Moe-chan! Ikhaw phala yahn. Haha... Wag khang mag-ahlala sakeeeen. Hindi ka pah bha nashanay shakeeen?" sabi nya.
"Haist. Syempre nag-aalala pa rin ako kahit papano! Bakit ba kasi di ka na lang sa mansion natin tumira?" tanong ko sa kanya.
"Ihlhang bhesesh mho bang sashabhihin shakeen yan..?"
"Alam kong paulit-ulit ko nang sinasabi to sayo pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit ka ba nagkakaganyan."
"Hhindhi nhaman nilllaa akho khailangan M-mmoe. Phabighat lahng nhamhan akho sha khanila khaya gushto ko nalhang ng ghanito. Mhadaaaaadagdagan lhang ang shama ng lhoob nila phag nagphaaakita pha ako dyhhan."
"Otosan..."
"Bashhta Mohhe-Chan phag may kahhhilangan kah, tawhhagan mo na laaaang ako ok? Loveee you!" sabi nya tapos ini-end call na nya.
"Hay, si Todd talaga..."
Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ay nagbihis nako at natulog na. Kailangan kong makaipon ng energy para bukas, papasok pa kasi ako sa school eh. Si Todd kaya, naku sigurado akong magkakahang-over na naman ang lalaking yun. Kinabukasan, naghanda nako papunta sa school.
"Moe."
"Hm? Papa?"
"Going to school?"
"Teka, andito ka na?" sabi ko sa kanya. Ilang araw din kasi syang di umuuwi dahil busy sa trabaho.
"Moe, may ipapagawa ako sayo."
"Hm?"
Lumapit sakin si Papa at may iniabot sakin. Isang kakaibang bagay. Maliit na device ito pero di ko alam kung para saan.
"Ano po to papa?"
"Nakita ko yan sa bahay ni Mr. President." sabi nya.
"Huh?" Nanlaki ang mga mata ko. "Kinuha nyo po papa? B-bakit po?" nag-aalalang tanong ko.
"Mukhang may sikretong itinatago sa atin ang lalaking yun. Si Care Williams, nakita ko to sa kwarto nya. Alam mo ba kung ano ang bagay na yan? Isa yang "alien detecting device." Malakas ang kutob ko...may inililihim sa atin si Care." sabi ni Papa.
"T-teka Papa...totoo ba talaga yang sinasabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Sigurado ako, tama ang hinala ko. Sira na yan pero nagawa ko namang ayusin. Mabuti pa, dalhin mo yan doon sa school at mag-imbestiga ka. Kailangan nating malaman ang sikreto na itinatago ng mga Williams. Hindi natin alam, baka may alam din dito si Charles. Kailangan natin silang maunahan habang hindi pa nahuhuli ang lahat." sabi nya. Si Mr. President ba ang tinutukoy ni Papa?
"T-teka po papa...bakit naman po yun gagawin ni Mr. President?"
"Tsk tsk tsk. Akala ko ba matalino ka Moe? Tandaan mo...iba ang labanan pagdating sa business. Kailangang matalino ka sa lahat ng bagay. Dapat nating malaman ang totoo habang maaga pa. Mahirap na, baka mapaglamangan tayo..."
"S-sige po papa..." Wala na akong nagawa kundi tanggapin ito. Pagkatapos non ay nagdirediretsyo nako papunta sa school habang dala-dala ko ang bagay na yun.
"Good Morning Prince Care!"
"Kyaaaa! Si Prince Care! Ang gwapo-gwapo talaga nya!"
"Hi girls! Hihihihi." bati naman ni Miko sa mga babaeng bumabati kay Care. Kasama nya kasi si Care nang pumasok sila sa loob ng classroom. At hindi lang si Care ang kasama nya. Pati na rin ang babaeng yun. Si Michaela. Psh. Hadlang talaga ang babaeng yun sa mga plano ko. Tsk. Hmm…kelan kaya maglalaho ang babaeng yun sa paningin ko? Panira talaga sya samin ni Care. Ang kapal ng mukha nya. She's a social climber. Hindi talaga ako makapaniwala kung papano sya nakatira sa bahay ni Care! Nakakainis! I need to do something about her...
"Kyaaaa! Si Todd! Dumating na rin!"
"KYAAAAAA..." kinikilig ang mga kasama kong babae rito sa classroom. Dumating na rin kasi ang kambal ko. And as usual, ang napaka-charming na ngiti ni Todd ay ipinakita na naman nya sa mga babaeng to. Ganyan naman talaga sya eh, wala nakong magagawa tungkol dun. Pero nung nakita nya si Michaela ay parang natigilan sya kaya umiwas sya ng tingin sa kanya. Nakita naman nya ako kaya agad na syang lumapit sa akin.
"Moe-Chan! Ohayoo!" bati nya sabay upo sa tabi ko. Inakbayan nya ako. "Kumusta ka na sis, namiss kita..." sabi nya sabay akap sa akin.
"Amoy alak..." sabi ko tapos inalis ko ang pagkakaakap nya.
"Hmfft." Nagpout si Todd. "Di mo ba ako na-miss Moe-Chan?" pacute na tanong nya.
"Psh." Poker face lang ako.
"Huhuhu. Nagtampo ka ba sakin sis? Paakap naman oh..."
"Sandali nga. Mag-CCR lang ako." sabi ko sabay tayo at kuha ng shoulder bag ko. Kailangan kong mag-retouch at magpabango. Hindi ko na kasi matagalan etong amoy ni Todd. Alam nyo kasi, allergic ako sa amoy ng alak. Nung makarating na ako sa CR ay humarap ako sa salamin at kinuha ko ang pressed powder ko. Mayamaya pa ay may narinig akong tumutunog sa loob ng bag ko. May nag-b-beep.
"Hm?"
Umiilaw yung "alien detecting device" sa loob ng bag. Kasabay nito ang beeping sound na naririnig ko kanina pa. Teka…anong nangyayari? Bakit tumutunog to..? Inalis ko ito sa loob ng bag at ininspection ng mabuti.
"T-teka...bakit umiilaw? A-ano bang ibig sabihin nito?" bulong ko sa sarili. Nagpatuloy lang sa pag-beep ang device.
"Hindi kaya...huh..." Nanlaki ang mga mata ko. Mukhang naandito sa lugar na to ang alien...tama si Papa. Malaki ang possibility na may kinalaman si Care dito. Maaaring nakatago lamang sa lugar na to ang alien. Nagpalibot libot ako ng tingin sa paligid. Kailangang malaman na to ni Papa as soon as possible. Mayamaya, biglang bumukas ang pinto ng CR.
"Hm?" bungad sakin ni Michaela.
"Huh..." agad ko nang itinago yung device sa bag ko. Nanahimik lang ako at di na nagpahalata. Di na lang nya ako pinansin at pagkatapos ay pumasok na sya sa may cubicle. Ganun pa man, hindi pa rin tumitigil sa pagtunog etong device. Sa halip ay lalong lumakas ang tunog nito at lalo pang nagliwanag. Tapos nagkalaser ito at nagtungo ang laser sa may pinto ng cubicle kung saan naroroon ni Michaela. T-teka...anong ibig sabihin nito?!
"Extraterrestrial specimen detected...analyzing..." bigla na lang nagsalita ang device.
"Huh..." Hindi ko alam ang gagawin kaya dali-dali na akong nagtatakbo papalabas ng CR. Dali-dali akong lumabas at lumayo sa lugar na yun. Nagpunta ako sa may corridor at di pa rin ako makapaniwala sa nakita at narinig ko. Matapos kong magtatakbo ay napahinto ako tapos nagdahan-dahan na ako sa paglalakad habang nag-iisip. Tiningnan ko ulit ang device. Nagb-beep pa rin ito.
‘Extraterrestrial specimen detected...’ yun ang nakadisplay dun sa screen. "I can't believe this..." napabulong ako sa sarili ko. Ang babaeng yun...ang babaeng yun...she's a freak!