Chapter 17

1652 Words
(CARE'S POV) "Care! Tara na, uwi na tayo!" masayang sambit sakin ni Michaela nang matapos na yung klase. Nginitian ko sya at pagkatapos ay magkasabay na kaming lumabas ng classroom... "Care..." Biglang may tumawag sakin mula sa likuran. . "Hm?" Tumingin ako sa likod. Si Moe pala yung tumawag. "Let's talk." Sabi nya. Sumulyap sya kay Michaela at pagkatapos ay ibinalik ang tingin sakin. “I want to talk to you alone." "Ano ba kasing sasabihin mo? Tss." "Pag di mo ko kinausap ngayon, sasabihin ko na kay papa ang nalalaman ko tungkol sa inyong dalawa." "Huh? Anong ibig nyang sabihin? "..." Nagkatinginan kaming dalawa ni Michaela...did she know something? "Ok. Umuna ka na Michaela. Maya nalang ako uuwi." "H-ha? S-sige..." Gusto ni Moe na mag-usap kami sa labas ng school. Nagpunta kami sa isang restaurant dahil yun din ang gusto nya. I was just silently observing her while she's drinking her coffee. Wala akong kibo. At isa pa, di ako umiinom ng kape. "Hmmm...today is a very great day...isn't it?" sabi nya habang umiinom ng kape. "Ano ba talagang sasabihin mo?" tanong ko sa kanya. “Hmmm..." She puts her cup on the table and smiles. "I know Michaela's true identity." She said. Hindi ko masyadong pinahalata ang pagkabigla sa sinabi nya. P-pero, pano nangyari yun? P-papano nya nalaman? "Tss." I just smirked para di nya mahalata ang naging reaksyon ko. "Ano bang pinagsasasabi mo?" "Wag ka nang magkaila pa, Care. That girl...she's a FREAK." "W-what? I don't understand you." "Tss." She smirked. "Itigil mo na nga ang pagpapanggap. Alam ko na ang totoo. But...honestly, I-I really can't believe this. I-it's just that...shocks Care. Papano mo nagawang mag-alaga ng isang FREAK na tulad nya?!" napabuntong-hininga sya. "And now, I'm having a great feeling that you're falling for her. Oh Care...you don't belong to her. She's a monster!" kinikilabutang sambit nya. "Shut up!" "Why would I shut up?!" "She's not a monster, Moe. She's a normal being, just like everybody else. Wag na wag kang magsasalita ng ganyan sa harapan ko." Naiinis na sambit ko sa kanya. "What do you mean she's normal? She's an ALIEN! She's a FREAK!" nanlalaki ang mga mata nya sakin. Mayamaya pa ay may kinuha sya sa bag nya at ipinatong nya ito sa table. "Huh..." T-teka...hindi ba yan yung...yan yung alien detecting device na ibinigay ni Miko sakin? T-teka lang...papano napapunta sa kanya yan? At saka sira na yan diba? Bakit parang naayos na ulit? "Nagulat ka ba?" tanong nya sakin nung napansin nya ang reaction ko. "Kinuha yan ni papa sa mansion nyo. Inayos nya ulit. Dinala ko yan sa school kaninang umaga. Yan din ang dahilan kung bakit ko nalaman ang sikreto nyo." "What..?" Natigilan ako. Di ko na alam kung ano ang sasabihin sa kanya. "Alam mo bang matagal nang inaasam-asam ni papa na malaman to?" "Please Moe. Wag mong sasabihin sa kanya ang nalalaman mo." Pakikiusap ko sa kanya. "Wow. I can't believe it, Care. At marunong ka na palang makiusap ngayon? Ang alam ko, matapobre ka, suplado, walang modo, walang sinasanto at walang pinapakiusapan. Pero heto ka ngayo't humihingi ng favor sa harapan ko." Hindi makapaniwalang sambit nya. "Sige. Hindi ko sasabihin ang mga nalalaman ko. Pero sa isang kondisyon." "Ano yun?" "Gusto kong umalis na ang FREAK na babaeng yun sa mansion nyo. After that, gusto kong magpakasal na tayong dalawa as soon as possible." "What?!" "Yun lang ang gusto kong mangyari, Care. Pag ginawa mo yun, wala ka nang maririnig sakin. Wala akong sasabihin kay papa. Walang mangyayaring masama sa babaeng yun." Bago ako makarating sa mansion, tinawagan ko na si Mr. Martin para asikasuhin ang mga gamit namin ni Michaela. Para pagdating ko, aayusin ko na lang ang mga gamit sa kotse at aalis na kami. Wala na akong naiisip na ibang choice. Kailangan ko nang maitakas si Michaela bago pa man mahuli ang lahat…bago pa masabi ni Moe kay Dr. Kikunae ang totoo. "Care, san tayo pupunta?" tanong ni Michaela sakin habang inaayos ko ang mga gamit namin sa kotse. "We're going to Washington." Sabi ko. "Ha? P-pupunta tayo sa Washington? Sa ibang bansa yun diba? Teka, bakit tayo pupunta roon?" tanong nya. "Aalis na tayo.” Sabi ko habang inilalagay sa likuran ng kotse ang mga gamit namin. Pagkatapos noon ay sinaraduhan ko na ang likuran ng kotse at lumapit na kay Michaela. “Halika na Michaela." "Teka lang. Bakit muna tayo pupunta roon? Hindi ko maintindihan." Sabi nya. "Halika na lang." Hinawakan ko sya at binuksan ko na ang pinto ng kotse. Pinilit ko syang itinulak papasok sa loob ng sasakyan. "Ayoko...bakit ba tayo aalis?" "Ang kulit mo rin ano?! Sumakay ka na sabi!" "Ayoko nga!" "Sumakay ka na nga!" sabi ko habang itinutulak sya paloob. "Ayoko nga...ano baaa? Caaaarrreeee!" "BAKIT BA KASI AYAW MO PA RING SUMAKAY? ALAM NA NI MOE ANG TOTOO KAYA KELANGAN NA NATING UMALIS!" "Huh? A-anong sabi mo?" "..." "Alam na ni Moe ang totoo." "Huh..." "Sumakay ka na. Itatakas kita." "Care...ano namang gagawin natin pag nakarating na tayo run?" "I'll talk to my mom. Pauuwiin na kita sa planeta mo." "Huh..." "Let's go." "Care ayoko! Ayokong umalis! Ayokong malayo sayo! Dito lang ako! Ok lang kahit na pag-eksperimentuhan na nila ako! Basta gusto ko dito lang akoooo!" "Nasisiraan ka na ba ng bait?! Mag-isip ka nga! Papatayin ka nila!" "Care, gagawin ko ang lahat para payagan mo lang ako na manatili rito...gusto mo, hindi na ako mangungulit!" "Huh? Ano bang pinagsasasabi mo dyan?!" "Hindi na ako aawit sa umaga!" "Tsk. Tigilan mo na nga yan! Pwede ba!" "Hindi nako magrereklamo kapag may ipapatrabaho ka sakin! Hindi na ko manggugulo kapag may ginagawa ka! Hindi na kita aawayin! Palagi kitang ibibili ng chuckie! Sabihin mo lang kung anong gusto mong gawin ko! Gagawin ko ang lahat wag mo lamang akong paalisin..." "Shut up! Ang gusto ko, sumama ka na sakin! Ihahatid na kita pauwi!" hinawakan ko ang braso nya pero nagpumiglas ulit sya at niyakap na lang ako. "Mahal kita Care..." "Huh..." Natigilan ako...biglang tumigil ang mundo ko sa sinabi nya. Ang puso ko…bigla na lang tumibok ng mabilis at di inaasahan. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Natutuwa akong narinig ko yun mula sa labi nya pero nalulungkot din ako dahil aalis na sya. Gusto kong gantihan ang mahigpit na yakap nya sakin at halikan sya sa nalaman ko. Pero hindi pwede. Hindi dapat. Magugulo lang ang lahat pag ginawa ko yun. Mapapahamak lang sya kapag nanatili sya rito sa poder ko. "Mahal kita Care..." "A-ano bang sinasabi mo?" sabi ko sa kanya. Tsk…I hate this feeling. I keep on denying my true feelings right now…my deepest desire towards her. Damn it! “Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ngayon ko lang napagtanto ang bagay na ito? Nakakainis talaga...dapat matagal ko nang nasabi ang bagay na to eh. Ikaw ang tunay kong pag-ibig! Care...ikaw ang tunay kong pag-ibig..." "…" Natigilan na naman ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya… "Umalis ka na, Michaela..." "Ayoko Care...mahal na mahal kita..." "It's not important." “Care...ikaw ba, mahal mo rin ba ako?" "..." "Sagutin mo ko. Mahal mo rin ba ko?" "H-hindi." "Hindi ako naniniwala!" sabi nya at mas hinigpitan pa nya ang yakap nya sakin. Lalo lang bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa ginawa nya. Nakakainis. "Naririnig ko Care...naririnig ko ang lakas ng t***k ng puso mo. Mahal mo rin ako, ayaw mo lang aminin." "Tsk. Umalis na tayo..." "Care...ang tagal kong hinintay na makita ka. Bata pa lamang ako, pinapangarap ko nang makasama ka. Nakakatawa, kung saan-saan pa ako tumitingin, nasa harapan lang pala kita." "Tsk. Pwede ba, itigil mo na nga yang sinasabi mo! Wala akong gusto sayo. As if naman na magkakagusto ako sa isang tulad mo. You're a freak!" pagsisinungaling ko sa kanya. "Huh..." Natigilan sya sa sinabi ko. "Care...ano ka ba...itigil mo na nga yan...alam ko namang hindi yan ang nilalaman ng puso't isipan mo- "YOU'RE A FREAK! KAHIT KELAN, HINDI AKO MAGKAKAGUSTO SA ISANG FREAK NA TULAD MO!" "Huh..." unti-unti nang tumulo ang mga luha sa mata nya. "G-ganun ba...kung ganon pala...m-mali pala ang hinala ko..." "Tsk. Halika na, umalis na tayo..." "Pero, pwede bang...manatili pa rin ako rito? Kahit isang gabi lang...gusto ko lang naman kasing- "No! Umalis na tayo. Malapit nang lumipad yung eroplano," hinawakan ko ulit ang kamay nya. "Ayoko...parang awa mo na...dito na lang muna ako." Niyakap na naman nya ako. "Tsk." Inalis ko ang pagkakaakap nya. "Hindi kita gusto! Pwede ba?!" sabi ko sa kanya. "Care naman...maawa ka naman sakin...huhuhuhu..." Naglakad na ko papasok ng mansion. "Care!" sinundan nya ko. "Isara nyo ang pinto. Hwag nyo syang papapasukin." sabi ko habang patuloy sa paglalakad. "Opo young master." sabi ng mga katulong at pagkatapos ay sinaraduhan na nila ang pintuan. "Care buksan mo to! Papasukin mo ko!" "Mr. Martin...ikaw na ang bahalang maghatid sa kanya sa Washington. Tumawag ka sakin pag andun na kayo. And then, mag-stay muna kayo sa Hotel. Wag mong palalabasin si Michaela. Susunod na lang ako. Ako na ang bahalang makipag-usap kay Mom." "Care, papasukin mo naman ako! Parang awa mo na oh...huhuhuhuhuhu..." "Sige po, young master." "CARE! HUHUHUHUHU....CARE BUKSAN MO NAMAN TO!" kinakatok ni Michaela nang malakas ang pinto. "And one more thing. Dun ka dumaan sa likod ng bahay. Ayokong buksan ang pintong yan." "Care...pagbuksan mo naman ako ng pinto oh...CARE!" wika ni Michaela. "Umalis na kayo. Bilisan nyo na." Sabi ko kay Mr. Martin. "Opo, young master." malungkot na sambit ni Mr. Martin. "Care...Care! Huhuhuhuhu..." Pagkatapos nun ay umalis na si Mr. Martin sa harapan ko. Dali-dali na lang akong umakyat at nagpunta sa kwarto ko. Inilock ko agad ang pinto. Tears suddently flow out from my eyes and I can't help it. Mahal din kita…Michaela...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD