(PRINCESS MICHAELA'S POV)
"Madam...umalis na po tayo." wika sa akin ni Mr. Martin. Pinagbuksan na nya ako ng pinto ng kotse. Nalulungkot man ako at nanghihina ay wala na rin akong nagawa kundi ang pumasok na sa loob at umiyak ng umiyak. Tahimik lamang ako sa buong biyahe namin pero patuloy pa ring lumalabas ang mga luha sa mata ko. Hindi ko matanggap ang mga pangyayari. Hindi ko matanggap na ipinagtabuyan ako ng lalaking mahal ko. Hindi ako makapaniwala na pinaalis ako ni Care...hindi ko matanggap na hindi nya ako mahal...nasasaktan talaga ako...bakit ba ganito?! Nabigo na naman ako...pangalawang beses na to...pangalawang beses nang nasasaktan ang puso ko...
"Madam...patawad po. Nalulungkot din po ako sa mga nangyayari..." sabi ni Mr. Martin sakin.
"..."
Care, mahal na mahal kita...ngayon ko lang naramdaman to sa buong buhay ko. Akala ko masakit na ang nangyari noon, mas masakit pala ang nararamdaman ko ngayon. Higit pa sa inaakala ko. Wala na atang makahihigit pa sa sakit na nararamdaman ko ngayon...
Makalipas ang ilang oras, nakarating na rin kami ni Mr. Martin sa airport. "Madam, andito na po tayo." Malumanay nyang sambit. Pinagbuksan nya ako ng pintuan at bumaba na ko sa sasakyan. Nagtatalo ang isipan ko. Ayokong umalis, pero pinapalayas na ako ng taong mahal ko. Walang mangyayari sa buhay ko kung uuwi lang ako. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang kaysa makasal sa isang lalaking hindi naman tinitibok ng puso ko.
"Madam, halina po kayo..."
"A-ah...oo..."
Nagdirediretsyo lamang si Mr. Martin papasok sa loob. Nakasunod lamang ako sa kanya, iniisip kung papaano ako makakatakas. Nang medyo napalayo na ang agwat namin sa isa't-isa, nagkaroon na ako ng pagkakataong tumakbo papalayo. Tumakbo na ako...
"Madam...madam!" sigaw ni Mr. Martin sakin nung napansin nya ako.
"Huh..." Binilisan ko ang pagtakbo, buti na lamang at maraming tao sa paligid kaya madali akong makakatakas.
"Ms. Michaela, sandali lang!"
Nagdirediretsyo lamang ako at pagkatapos ay nagtago sa isang sulok doon. Haist, sana wag akong makita!
"Ms. Michaela!" nagpatuloy lamang si Mr. Martin sa pagsigaw. Dumaan sya sa may tapat ko pero di nya ako napansin. Nagpalinga-linga sya, at pagkatapos ay nagdirediretsyo na ulit sa paglalakad para hanapin ako.
"Wew..." nakahinga ako ng maluwag. Pagkatapos noon ay umalis na ako sa pwesto ko at lumabas na ng airport. Pero san naman ako pupunta? "Hmft...teka." Kinapa ko ang bulsa ko. Wah. Buti na lang naibulsa ko itong phone ko. Dinial ko na agad ang number ni Todd.
"Moshimoshi?" wika ng lalaking kausap ko sa kabilang linya.
"T-t-odd...ako to...si Michaela."
"H-huh...Michaela...b-bakit ka napatawag..? T-teka…umiiyak ka ba..?"
"P-pwede bang...sunduin mo ko ngayon sa airport?" tanong ko sa kanya.
"H-huh?"
"..."
"S-sige na...pakiusap..."
"..."
"A-ah sige..."
"Salamat..." Inend-call ko na. Napaupo ako sa sahig. Wag sana akong makita ni Mr. Martin...haist...sana dumating na sya. Siguro may isang oras nakong nagtatago rito. Natatakot kasi ako baka makita ako ni Mr. Martin. Ayokong sumama sa kanya. Ayokong umuwi...
Makalipas ang isang oras ay biglang nagring ang phone ko. "Hello Todd?" sinagot ko ang phone.
"Andito na ko. Asan ka?" sabi nya.
"A-ah andito ako sa may mga bench...sa labas..."
"Hmm. S-sige..."
Tumayo nako at tinanaw si Todd. "Todd..." kumaway ako at naglakad papunta sa kanya.
"Michaela..."
"Umalis na tayo bilis!" sabi ko habang hinihila sya.
"H-huh?"
"Bilisan natin baka makita ako ni Mr. Martin..." sabi ko.
"T-teka lang-
"Bilis..." Nagpunta na kami at pumasok sa loob ng kotse nya.
"Ano nga palang ginagawa mo rito sa airport? Ano bang nangyari..? Paalis ka ba?" tanong nya sakin.
"H-ha? H-hindi...hindi...ayokong umalis..."
"Hm? Eh bakit...andito ka? M-may problema ka ba? Nag-away na naman ba kayo?" tanong nya.
"Todd...pwede bang humingi ng pabor sayo?"
"Hm? Ano yun?"
"..."
"Pasensya ka na, wala na kasi akong alam na ibang taong pwedeng puntahan. Patawad..."
"Bakit...ano ba yun?"
"P-pwede bang...dun muna ako sa inyo?"
(CARE'S POV)
"Owowowowowow....OHHHHHHHH! Ohhhhhhoooooohoooow!"
"Owowowowowow....Ohhhhhhoooooohoooow!"
"Hmmmm...tss. Ang ingay..." I was sleeping on my bed when I heard someone singing so loud. "Arrgh...asar naman...agang-aga nambubulahaw!" Napamulat ang mata ko sa pagkagulat. Teka, ibig sabihin, nandito na naman si Michaela?! Agad-agad na kong umalis sa kama at lumabas ng kwarto para puntahan yung kwarto nya. Grabe talaga, ang kulit nya! Pano sya nakapasok sa bahay?! Dali-dali kong hinawakan yung door knob ng kwarto at binuksan ang pinto.
"Michaela!" sigaw ko.
"..."
Maayos ang kama. Hindi magulo sa loob. Sarado ang mga bintana roon. Wala sya dun. "Huh..." Mukhang...nananaginip lang pala ako. "Michaela..." nasambit ko na lang.
"MR. WILLIAMS! MUSTA NA TAYO DYAN? HIHIHIHI." binati ako ni Miko nung nasa school na ako.
"..." Wala akong pinapansin sa mga tao sa paligid.
"Weee excited na'ko sa school fest next week!" wika ng isa sa mga kaklase ko.
"Bro, kasali ka ba ngaun sa varsity?"
"Yes bro."
"Woah. Akala ko pahinga ka muna. Pagbiyan mo naman yung iba dude!"
"Tss."
"Kyaaaa! Ang gwapo talaga ni Prince Care..." rinig ko ring tilian ng isang grupo ng mga babae sa kabilang banda.
"Girl, tara sa may beach pamayang lunch! May MV daw na i-sh-shoot dun...nood tayo!"
"Oh? Sinong mag-sh-shoot?"
"Si Todd..."
"Hmmm...may problema ka ba Mr. Williams?" nagtatakang tanong sakin ni Miko.
"..." Hindi ako sumagot. Napayuko na lang ang ulo ko. Nalulungkot ako. Ang sama sa pakiramdam...namimiss ko na agad sya.
"Mr. Williams...anong problema? Ok ka lang ba..?" nag-aalalang tanong sakin ni Miko.
"..."
"Anong meron Mr. Williams? Bakit tingin ng tingin ka sa phone mo?"
Hindi ko sya sinagot. Binalik ko na yung phone sa bulsa ko. Mayamaya pa ay dumating na ang teacher namin at nagsimula na ang klase.
“Class, hindi na naman siguro lingid sa kaalaman nyo ang nalalapit na school festival next month..."
"WAAA. Sir hindi ba next week na yun dapat?"
"Ah...eh...hindi ba next month?"
"NEXT WEEK PO SIR!"
"Ah...ganun ba? Sensya na medyo nagiging makakalimutin na rin ako. Hahahaha! Anyway, I hope na meron na kayong mga nasalihan sa mga patimpalak na gaganapin doon. Nga pala, magkakaroon ng additional points ang mga students na makikilahok at mananalo sa mga contests na magaganap. Aasahan ko na gagalingan nyong lahat ang performance nyo."
"YOHOOOO!"
"Excited na ko!"
"Weeee!" sigawan ng mga kaklase ko. Ang gugulo nilang lahat. Lumipas na ang ilang oras pero tahimik lang ako sa klase. Ang saya-saya nilang lahat, maliban sakin. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang may mali. Hindi ako mapakali. Haist. Bakit ba di pa rin tumatawag si Mr. Martin? Tsk. Naiinip na ko. Baka kung ano nang nangyari sa mga yun...
"Mr. Williams! Sabay na tayong kumain! Hihihihi." sabi ni Miko sakin.
"Di pa ko gutom." sabi ko.
"Ha? Hindi ka pa gutom Mr. Williams? Kanina ka pa rito sa loob eh. Wala ka bang balak lumabas? Lunch break na Mr. Williams! Hihihihi." sabi nya.
Tiningnan ko ulit ang phone ko. Hindi pa rin tumatawag si Mr. Martin. Tss.
"..."
"Mr. Williams...bakit ba parang ang tamlay mo ngayon?"
"Huh?"
"Nag-away ba kau ni Ms. Michaela? Teka...bakit nga pala absent sya? Me sakit ba sya Mr. Williams?"
"Pwede ba?! Wag mo nga kong kausapin." sabi ko sa kanya.
"P-pero Mr. Williams..."
"..."
"Bakit ka nga pala malungkot Mr. Williams?"
"Tsk. Hindi ako malungkot. At pwede bang wag ka nang dumaldal dyan lalong sumasakit ang ulo ko."
"Eh ang lungkot lungkot mo kasi eee!"
"Tsk. Sinabi nang hindi!"
"Malungkot ka kaya."
"I'm not."
"Yes you are!"
"No I said NO. Shut up."
"Yes you are!"
"No!"
"Yes!"
"Anak ng-"
“Aray!" sabi nya. Binatukan ko sya.
"Gusto mo pa ng isa?!"
"Waaaa ayoko na ayoko na! Aissshht..." sabi nya habang hinihimas-himas ang ulo nya. Kulit kulit kasi! Tss. "Waaa. Si Ms. Michaela ba yun?" sabi nya.
"Huh?! Asan?!" Tumingin ako sa direksyon na tinitingnan ni Miko.
"Hihihi. Joke lang..."
Binatukan ko ulit sya.
"Awww!"
"Tsk. Nahanginan na ba ulo mo?! Wala ako sa mood makipagbiruan ngayon. Mamaya uupakan na kita eh."
"Waaaa! Wag!"
"Tss." Napatingin ako sa bintana. "Michaela..." Teka, totoo na ba to? Kinusot ko ang mga mata ko. Pagtingin ko ulit sa bintana, wala na sya. "Imposible namang naandito pa sya. Umalis na sya kagabi. Hindi kaya...naghahallucinate na ako dahil na mimiss ko na talaga sya..? Man. This is not good." pailing-iling na sambit ko.
"May sinasabi ka Mr. Williams?"
"H-huh? W-wala. Kung anu-ano lang kasi ang nakikita ko..."
"Gutom lang yan Mr. Williams. Hihihihi!"
"Baka nga. Tara nang kumain." sabi ko kay Miko at pagkatapos ay nauna na kong lumabas ng classroom. Nakasunod lang si Miko sa likod ko. Nagpunta na kami sa canteen ni Miko at kumuha na sya ng pagkain.
"Waaa. Ang dami naman nitong inorder mo Mr. Williams..." wika ni Miko habang hindi magkaintindihan kung pano ilalapag ang pagkain sa table. Kumain na agad ako. Kailangan kong busugin ang sarili ko dahil baka kung anu-ano na naman ang makita ko.
"Huh..." Natulala nalang si Miko habang pinapanood ako.
"Phroblemha mho?" sabi ko kahit me laman pa ang bibig ko.
"Ah...gusto mo pa...Mr. Williams?" wika ni Miko habang inaalok nya ang pagkain nya sakin.
"Huh..." Napatigil ako sa pagkain. "Si Michaela..." nakita ko si Michaela sa may likuran ni Miko...
"Huh?" lumingon si Miko sa likod nya. "Asan Mr. Williams?" tanong nya.
"Huh? Ayun oh…” Pagtingin ko ulit doon, wala si Michaela. Natatakot na ako. "Akin na yang pagkain mo." Kinain ko lahat nung pagkain ni Miko dahil mukhang kulang pa yung nakain ko kanina kaya naghahallucinate pa rin ako.
"Huh..."
"Mmmppghh! Mmmpggh...tubig tubig..."
"Waaa Mr. Williams eto tubig!" binigyan nya ako ng tubig at agad-agad ko tong ininom.
"Ayos ka lang Mr. Williams?!" sabi nya.
Kinalma ko ang sarili ko at huminga ako ng malalim pero di ko pa rin mapigilan ang pagkataranta ko. "AARRGH! Ginugulo ako ng babaeng yun! Asar..." Pinukpok ko ang lamesa at pinigil ang galit ko.
"Waaa!" natakot na si Miko sa ginagawa ko.
"Naiinis na ako...kanina pa sya nagpaparamdam sakin!"
"Waaa bakit Mr. Williams? Ano ba talagang nangyari?! Huh...wag mong sabihing..."
"Hm?"
"Pinatay mo ba sya Mr. Williams?!"
Binatukan ko ulit si Miko dahil ang tanga nya.
"Waaaa...anshakeeet..."
"Sira!" sabi ko. Tumayo na ako.
"KYAAAAA! Girl tara bilisan mo dali!" May narinig kaming nagsisigawan sa labas.
"Hm?"
"KYAAAAA!"
"BILIS!"
"Hm? Ano kayang nangyayari run?" Curious na tanong ni Miko.
"Si Todd! May MV shoot dun sa beach! Tara na girl bilisan mo!"
"KYAAA! Dali gusto kong makita ang hot na abs ni papa Todd bilisan natin kyaaa!" sigawan ng mga babae habang nagsisitakbuhan. Mayamaya pa ay may mga lalaki na ring nagsisitakbuhan.
"Guys, balita ko andun din si Michaela tara manood ng shooting..." wika ng isang lalaki sa mga kabarkada nya habang naglalakad sila papalabas ng canteen. Wait. Did they say 'Michaela?'
"Tara pare..." wika ng kasama nya at pagkatapos ay umalis na sila.
"Did I hear Michaela's name...or am I getting crazy already?" I asked Miko.
"Huh? H-hindi ko alam Mr. Williams..." wika ni Miko.
"Maybe I'm getting crazy..." nasambit ko na lamang. Maya-maya ay biglang nag-ring ang phone ko. Kinuha ko ang phone sa bulsa ng coat ko at tiningnan kung sinong tumatawag. Pagtingin ko, si Mr. Martin.
"H-hello..?"
"Y-young master...p-patawarin nyo po ako...si Ms. Michaela po...nawala po sya kagabi sa airport. Kanina ko pa po sya hinahanap, nagbabakasakali na makikita ko sya. Pero di ko pa po sya makita hanggang ngayon. Young master, tumakas po sya sakin...hindi ko po alam kung saan sya hahanapin kaya tinawagan ko na kayo..."
"Huh..." Nanlaki ang mga mata ko. Ibig sabihin, andito talaga sya!
(PRINCESS MICHAELA'S POV)
"Ok Todd and Michaela...stay like that. Namnamin nyo ang pagtititinginan nyo sa isa't-isa. You're inlove with each other...ok. Sige, ganyan nga..." wika ng director habang kinukuhanan kaming dalawa ng video ni Todd sa tabing-dagat. Nakaupo kami roon at nakaharap sa tubig habang nakasandal ako sa balikat ng walang saplot na si Todd. Nagtititigan kaming dalawa at nagngingitian.
"KYAAAA!" sigawan ng mga tao.
"ANG GWAPO TALAGA NI TODD!"
Gumagawa kami ng music video para sa school fest. Sinabi sakin ni Todd na kapag naging maganda ang kinalabasan nito ay makakapagpasikat to sa band namin at baka may kumuha samin na mga recording companies at makapag-produce na rin kami ng album sa wakas. Nagsisimula pa lamang kasi ang band namin at nagpapalakas pa kami sa mga tao. Matagal na ring pangarap ni Todd na makilala ang 'HONEY HONEY' ng maraming tao.
"KYAAAAAA! SANA AKO NA LANG SI MICHAELA NOH?!"
"NAKAKAINGGIT!"
"KYAAAAAA!"
Nagsisitilian ang ibang mga babae habang nanonood sa amin. Siguro kung gusto ko pa rin si Todd hanggang ngayon, isa rin ako sa mga kinikilig habang nakasandal sa balikat ng lalaking to. Baka nga dumugo na ang ilong ko kanina pa.
"Ok guys...cut!" sabi ng director.
"Haist salamat...natapos din..." bulong ko. Nagpahinga na muna kami ng ilang minuto.
"M-michaela!" may biglang tumawag sakin.
"Hm?"
"Michaela...pede magpa-autograph?" wika ng isang lalaking bigla na lamang lumapit sakin.
"Ah...eh...sige..." nasabi ko na lamang sabay pirma sa notebook nya.
"Ako nga pala si Hibari...crush na crush kita alam mo ba yun?! Hehehe..." naeexcite na sabi nya.
"H-ha?"
"Ang cute mo talaga..." sabi nya.
"Pare...tara run. Andun si Michaela o!" may narinig akong sigaw ng isang lalaki sa may di kalayuan. Tinatawag nya yung mga kabarkada nya para lumapit sakin.
"KYAAAA! TODD! Papicture naman oh." wika naman ng ilang kababaihang nagsilapitan kay Todd. Aba. Sikat na pala kami ngayon?
"Michaela, can I have a picture with you?!" may mga lumapit na ring babae sakin at nagpapicture. Ang dami palang nanonood ng shooting namin. Hindi ko akalain na ganito na pala karami ang mga fans namin! Hahaha! "Diba ikaw yung ex-girlfriend ni Care Williams?" tanong ng isang babae sakin.
"H-huh?" Natigilan ako sa tanong nya. Naalala ko kasi bigla si Care.
"Ah...oo...ako nga..."
"Ang ganda mo pala talaga sa malapitan! At ang bait-bait mo pa. Hello, ako nga pala si Trix. Nice to meet you. Balitang-balita ang pagiging controversial couple nyo ni Care sa buong campus, alam mo ba yun?" sabi nya.
"G-anun ba?" sabi ko. Ngumiti na lang ako sa kanya.
"Todd...bati na pala kayo ni Michaela! Magkwento ka naman kung pano kayo nagkabati. Nagkakamabutihan na ba ulit kayong dalawa?" tanong ng isang journalist kay Todd. At may video pa silang dala.
"Hm...sa tingin ko, muling bumabalik ang pagkakagusto nya sakin. Hindi naman nakakapagtaka yun, wala naman kasing nakakatiis sa kagwapuhan ko. Hahahahahaha! Anong masasabi nyo, maganda ba ang pagkakaregister ng mukha ko dyan sa camera?" tanong ni Todd sa mga nag-iinterview sa kanya.
"Hay nako...ang yabang talaga nya kahit kelan..." naibulong ko na lang. Kakasura sya. Buti napagtyagaan ko pang matulog sa kanila kagabi. Kagabi pa kasi hinahangin ang loob ng utak nya. Tinanong ba naman nya ako kagabi kung payag daw akong makipag-s*x sa kanya? Uuugh! Utang na loob. Kadiri sya! Buti na lang andun yung manager nila, kundi baka kung ano nang nagawa sakin nung lalaking yun! Kung pwede lang talaga akong matulog sa tabi ng kalsada kagabi ginawa ko na, kesa makitulog sa apartment nya. Haist.
"Ok tapos na ang break! Trabaho na ulit tayo guys..." wika ni Kyle, yung director namin. Sya rin nga pala yung manager ng HONEY HONEY.
"Sandali lang..." bigla na lang may sumulpot na lalaki at hinawi ang daan ng mga nagsisiksikang tao sa paligid namin. Hingal na hingal sya at mukhang napagod sya sa katatakbo para makarating dito.
"Huh..." Natigilan sya ng nakita nya ako. "Michaela..."
"Care..." Nagkatitigan kaming dalawa. Natigilan na rin ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakatayo lamang sya sa harapan ko at nakatingin sakin na nanlalaki ang mga mata dahil hindi sya makapaniwala na nakikikita pa rin nya ako hanggang ngayon.
"Care..."
"Halika nga rito!" Dali-dali syang lumapit sa akin at hinila ang braso ko papalayo sa lugar na iyon.
"T-teka...s-sandali-
"Hey! We're not yet done here!" sigaw ni manager Kyle samin.
"Tss." Walang pakialam si Care sa sinabi ni manager. Sa halip ay ipinagpatuloy nya lang ang paghila sakin.
"Care nasasaktan ako!" sabi ko. Parang wala syang naririnig, wala syang pakialam sa nararamdaman ko.
"Sandali lang. Hindi mo ba nakikitang nag-sh-shoot pa kami?" maangas na tanong ni Manager nang bigla nya kaming hinarangan. Nagulat na lang kaming lahat nang bigla syang inupakan ni Care kaya natumba ito sa lupa.
"..." Hinawakan ni manager ang pisngi nya at pagkatapos ay tumayo ito. Bigla nyang binawian si Care! Sinuntok nya rin ito sa kanyang mukha.
"Tsk." Napasubsob rin si Care pero agad ring itong tumayo upang makipagsuntukan kay manager.
"Tama na wag na kayong mag-away!" sinusubukan kong pigilan si Care pero wala akong magawa. Nagpatuloy lang sila sa pag-aaway nila...
"Tama na yan manager!" sigaw ng mga staff namin.
"Pare tama na..."
"Pigilan nyo dali!"
"Tsk!" may pagkairitang reaksyon ni Care nang hawakan nila ang magkabilang braso nito. Buti na lamang at may mga umawat na mga lalaki at pinaghiwalay silang dalawa.
"Hey Care Williams, punung-puno na ako sayo ah. Akala mo kung sino ka porket may-ari ka ng school na to!" wika ni manager Kyle.
“Tsk. Alam mo pala kung sino ako eh. Mag-ingat ka sa binabangga mo. Baka gusto mong palabasin kita ng campus ngayon!"
"Tama na ano ba! Wag na kayong mag-away..." pagpipigil ko sa kanilang dalawa.
"Tsk bitawan nyo nga ko!" Nagpumiglas si Care sa mga lalaking nakahawak sa kanya. Nung makawala ito ay lumapit na ulit ito sa akin. "Let's go!" hinila na naman nya ako papalayo.
"Care-
"Tsk."
"Care ano ba bitawan mo ko!" sigaw ko sa kanya. Nang medyo nakalayu-layo na kami ay tumigil na sya sa paglalakad pero hawak pa rin nya ako.
"Bakit di ka pa umaalis?!" tanong nya sakin.
"Umalis na ako sa bahay mo ah ano pa bang gusto mo!"
"Gusto kong umalis ka na sa planeta ko!" sigaw nya.
"Bakit, iyo na ba tong planetang to?! May-ari ka lang ng school noh! Wala kang karapatang utusan ako! Isa pa, di mo rin ako pagmamay-ari kaya wala kang karapatang kontrolin ako!" sabi ko sa kanya.
"San ka natulog kagabi?!" tanong nya sakin.
"Ha?"
"Sabi ko san ka natulog kagabi?!"
"A...ano..."
"Saan?!"
"W-wala kang pakialam! Bitawan mo nga ako, ang sakit na ng braso ko eeeeee!"
"Bibitawan lang kita kapag sinagot mo ang tanong ko!" sabi ni Care at mas hinigpitan pa nya ang pagkakahawak sakin.
"Aray aray ang sadista mo talaga ang sama ng ugali mo! Oo na sasagutin ko na bitawan mo muna ako!" sabi ko sa kanya.
"Tsk." Buti naman at binitawan na nya ako.
"Psh. Sama ng ugali..." sambit ko.
"Ano! Sagutin mo na!"
"Kina Todd! Kina Todd ako natulog kagabi! Ano? Masaya ka na?!"
"WHAT?!"
"Wag kang mag-alala. Solo ko ang apartment na yun. Wala sina papa at Moe-Chan," wika ni Todd na bigla na lamang sumulpot sa pagitan naming dalawa.
"WHAT?!" hindi makapaniwalang sambit ni Care.
"Ano ba, what ka ng what magulo ba ang sinabi ni Todd para di mo maintindihan?!" sabi ko kay Care.
"What?! Kayo lang dalawa ang magkasama kagabi?!" tanong ni Care sakin.
"Hai hai! Ang sarap ngang kasama ni Michaela-Chan eh. Sobrang nag-enjoy ako. Hehehe..." wika ni Todd.
"What?!" umiinit na talaga ang ulo ni Care pero nakangiti lang si Todd sa kanya.
"Teka nga. Hindi lang naman kami ni Todd sa apartment eeee-
"Halika na!" bigla ba naman akong hinila ni Care!
"Teka Care ano ba?!"
"Halika na umuwi na tayo!" sabi nya.
"Ha? Kagabi pinapalayas mo ako tapos ngayon pababalikin mo naman ako! May sayad ka na ba sa utak mo?!"
"Tsk. Baka kung anong gawin sayo ng lalaking yan eh!"
"Bitawan mo nga ako!" Nagpumiglas ako sa kanya kaya nabitawan nya ako. "Eh ano naman kung may gawin sya sakin?! Wala kang pakialam!"
"May pakialam ako!"
"Bakit?! Ano bang pakialam mo?" tanong ko sa kanya.
"..."