(PRINCESS MICHAELA'S POV)
"May pakialam ako!"
"Bakit?! Ano bang pakialam mo?" tanong ko sa kanya.
"..."
"Ano? Magsalita ka!"
"A-ano..." Natahimik si Care. Hindi nya alam kung anong sasabihin nya, pero parang may gusto syang sabihin eh.
"Ano? May sasabihin ka pa?"
"Tsk. Wala!"
"Wala pala eh. Tara na nga Todd..." sabi ko.
"Hey-
"Hephep. Wag kang susunod. Wala na tayong pakialamanan simula ngayon. Pinalayas mo na ako diba? Isipin mo na lang, wala na ako." ngumiti ako sa kanya. "Bye!" Pagkatapos noon ay umalis na ako sa harapan nya.
"Michaela wait!"
(DANICA'S POV)
Kagagaling ko lang sa Washington dahil pinapunta ako ni Tito Charles doon para kausapin si Tita. Pinapakamusta kasi ni Tito si Tita. Tito hasn't been there for a while because he's busy and he also wants to tell his wife about the company's whereabouts. Care was supposed to go there but since he's also busy or dahilan nya lang yun, I took his place. Haist kawawa naman ako noh. Si Care kasi, alam nyo naman na kakaiba talaga ang ugali ng pinsan kong yan kaya heto ako't kinukunsinti sya. Ako na lang ang nag-aasikaso ng ibang mga bagay na ayaw nyang asikasuhin.
"Maligayang pagbabalik madam..." bati sakin ni Mr. Martin pagpasok ko sa mansion. Nakahilera ang mga maids at butler sa harapan ko at nagbow silang lahat.
"Great...I'm finally home! Magb-beauty rest muna ko. Pakidala na lang ng mga gamit ko sa kwarto."
"Opo...madam."
Umakyat na muna ako sa kwarto at nagpahinga. Medyo nakatulog ako ng matagal, gabi na kasi nung magising ulit ako. Hmmm...dumating na kaya sina Couz at Michaela? Bumaba na ko sa kwarto para hanapin sila. Syempre namimiss ko rin naman sila ni Michaela kahit ilang araw lang akong nawala. Hahaha. Besides, may pasalubong ako kay Michaela na perfume and I can't wait to give it to her!
"Are they home yet?" tanong ko kay Mr. Martin pagbaba ko ng hagdan.
"Madam...wala pa po si Young Master. Si Ms. Michaela naman po...ah eh..." hindi maituloy ni Mr. Martin ang sinasabi nya.
"Teka Mr. Martin, me problema ba?" tanong ko kay Mr. Martin. Maya-maya pa ay nagbukas ang pinto at pumasok sa bahay si couz.
“Couz! You're here na pala!" dali-dali akong lumapit sa kanya at niyakap sya. "How are you? Di mo ba ko namiss?" tuwang-tuwa kong bati sa kanya.
"..." Tahimik lang si Care.
"Teka...bakit ganyan hitsura mo? Anyare?"
"I'm tired..." sabi nya at pagkatapos ay nagdirediretsyo na sya papuntang kwarto nya.
"Nakakapagtaka naman ang reaksyon ni Care. May sakit ba sya?" bulong ko. Nung makaalis na si Care ay bumulong ako kay Mr. Martin. "Is there any problem? What's going on?" tanong ko kay Mr. Martin.
"Madam..."
Ikinuwento sakin ni Mr. Martin ang lahat. Sinabi nya sakin na nag-away pala sina Couz at Michaela at pinaalis na ni Care si Michaela sa mansion. I was shocked when I heard that news! At mas na-shock ako nang mabalitaan kong next month na pala ikakasal sina Care at Moe. I was like, oh my gosh, what the hell is going on here?! Ilang araw lang akong nawala, nagkagulu-gulo na ang lahat dito! Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Haist hindi ako makapaniwala...is this for real?! Pinuntahan ko agad si Care sa kwarto nya at kinatok ang pinto para makausap ko sya.
"What..." mahinang sambit ni Care sa loob ng kwarto. Binuksan ko na ang pinto at pumasok ako.
"CARE!" tumakbo ako papunta sa kama.
"Tss. What?"
"Is that true?! Ikakasal na kayo ni Moe next month?! Sabihin mo sakin! Totoo ba talaga yun?! Ha?!"
"Ba't ka ba nasigaw?!" naiiritang sambit nya. Nakahiga kasi sya at mukhang matutulog na nung pumasok ako.
"Sabihin mo! Totoo ba talaga yun?! Waaaaa I can't believe this! I can't believe this Care! I can't take this! This can't be happening! NO WAY!"
"Tumahimik ka nga dyan! Kung makapagreklamo ka parang ikaw yung ikakasal! Tss."
"Huhuhu...baket? BAKET?! Pabalikin mo si Michaela rito magbati na kayo pleassseeee..." nagdadabog na ako sa may kama nya. "Oh my gosh I can't take this...I'M FREAKING OUT!"
"Will you zip your mouth?! Ang lakas ng boses mo nabibingi na ko!"
"Mag-usap tayo Couz. Don't sleep! Halika rito!" hinila ko sya papalabas.
"Teka lang ano ba matutulog na ko!"
"Hindi pwede! Hindi kita patutulugin hanggat hindi mo pinapaliwanag sakin ang lahat!" sabi ko kay Care habang hila-hila ko sya pababa ng living room. Pinaupo ko sya sa sofa at kinausap ko sya ng masinsinan. Sya naman parang ewan na nakatingin lang sa isang tabi at parang ayaw makipag-usap!
"Care bakit mo ba sya pinaalis?!" naiiyak na tanong ko sa kanya.
"Tss."
"Couz naman! Kausapin mo naman ako oh! Magpapakasal ka ba talaga kay Moe?! Ayoko! Hindi ako papayag!"
"Wala ka nang magagawa. Everything was settled."
"At hahayaan mo na lang na mangyari yun?! Pano na si Michaela? Papabayaan mo na lang ba sya?! Hindi ka ba naaawa sa kanya at pinalayas mo pa sya rito?! San na sya titira?!"
"Why do I have to worry about her? Kina Todd na sya nag-s-stay. Mukha namang enjoy na enjoy sya dun sa Todd na yun."
"What? Kina Todd sya nag-s-stay? O...M....G. OMG! Pabalikin mo na sya rito!"
"Couz pwede ba?! Tumahimik ka na nga! Hayaan mo na sya! Ayaw nyang umuwi eh di wag!"
"Ikaw kasi!"
"Tsk."
"Makipagbati ka na sa kanya bukas!"
"Tsk."
"Care!"
"Pinapauwi ko na sya kanina, ayaw nya naman!"
"Syempre nagtatampo yun, pinaalis mo kasi! Magsorry ka sa kanya!"
"Huh? Are you kidding?"
"Me? Kidding?! Sapakin kita dyan eeee!" sabi ko at sinapak ko talaga sya ng maraming beses.
"Awww! Stop! Ouch! Ouch!"
"Magsorry ka!"
"No. Way! Aw!" sabi nya at patuloy ko lang syang pinaghahampas. Tumayo sya at nagtatakbo papunta sa kwarto nya. Hinabol ko sya kaya lang hindi ko sya nahabol dahil nailock nya agad ang pinto!
"CARE!"
Grabe talaga. Hindi ako nakatulog ng ayos dahil sa mga nalaman ko. Sobrang nag-aalala ako kay Michaela. Kinabukasan, maaga akong gumising. I really need to see her. I wanna talk to her. Sasama ako kay Care sa skul!
"Asan si Care?!" tanong ko kay Mr. Martin.
"Madam...nauna na pong umalis si Young Master."
"Huh?" napatingin ako sa relo ko. Six am pa lang. "Ang aga pa ah." sabi ko. "Asar talaga ang pinsan ko...tinakasan na naman ako...aish."
"Madam...hindi na po nag-almusal si Young Master. Tapos mukha pong hindi sya nakatulog ng maayos dahil medyo malalim ang mga mata nya. Nalulungkot po ako sa mga nangyayari. Sana po bumalik na si Ms. Michaela rito," malungkot na sambit sakin ni Mr. Martin.
"Don't worry Mr. Martin. Ako nang bahala. Aayusin ko to."
Nagpunta na ko sa Williams Academy at hinanap si Michaela. Kung ayaw ni Care makipag-usap kay Michaela, ako ang makikipag-usap. Kung ayaw nyang mag-sorry, ako na ang mag-sosorry! Ang taas-taas kasi ng EGO ng pinsan ko at ni ang pag-sosorry di nya magawa. Hay nako, wala na talaga syang pag-asa!
Nakita ko si Care dun sa may garden ng school. Kasama nya si Miko. "Care!"
"Huh...couz..." Nagulat si Care nang makita nya ako.
"Humanda ka sakin..." Nagtatakbo ako papalapit sa kanya.
"Waaaa." nagtago sya sa likuran ni Miko. Anong akala nya?! Makakaligtas sya sakin?! Huh! Lagot ka sakin Care!
"AW! AW! TAMA NA PO ARAY ARAY..."
"Walang hiya ka talaga bakit mo ko tinakasan kanina ha?!" sabi ko habang pinipilit hampasin si Care. Sa kasamaang palad ay si Miko ang sumasalo ng hampas ko dahil nagtatago si Care sa likuran nya.
"Aray aray Miss Danica tama na po ang shhaaakit..." wika naman ni Miko.
"Care, lagot ka talaga sakin bubugbugin talaga kita!"
"Wag po Miss Danica...wag po!" iyak ni Miko dahil sya ang tinatamaan ng mga sipa at suntok ko. Suntok dito sipa roon. Bugbog-sarado na si Miko.
"Hahahaha. Talaga? Ganyan ba talaga si Manager sayo?" may narinig kaming nag-uusap sa di kalayuan. Teka. Kaboses ni Michaela yun ah. Hinila ko sina Care at Miko at nagtago kami sa may halamanan. Inobserbahan namin kung sino ba yung nag-uusap sa may bench. Isang lalaki at isang babae. Nagside-view yung lalaki.
"Huh..." Si Todd Kikunae yun ah!
"Oo nga. Masyado kasi syang overprotective. Sa tingin mo, bakla kaya yun? Baka mamaya may gusto na pala yun sakin!" wika ni Todd kay Michaela.
"Hahahaha ano ka ba? Malabo naman ata yun...lalaking-lalaki kaya si Manager Kyle!" wika ni Michaela.
"Tss. Siguraduhin nya lang dahil kung hindi, lagot yun sakin."
"Hahahaha..." tumawa si Michaela.
"Mukhang masaya silang dalawa ni Todd. At mukhang...nagkakamabutihan na silang dalawa! Huhuhuhu..." hindi makapaniwalang bulong ko kina Care at Miko.
"Sssssh...wag ka ngang maingay dyan, baka mamaya makita nila tayo rito..." wika ni Care.
"Tsk ano nang gagawin natin...kailangan nating paghiwalayin silang dalawa!" bulong ko kina Care. Mayamaya pa ay inakbayan na ni Todd si Michaela. Feel na feel ni Todd ang paghaplos sa balikat ni Michaela.
(CARE'S POV)
"Mukhang masaya silang dalawa ni Todd. At mukhang...nagkakamabutihan na silang dalawa! Huhuhuhu..." hindi makapaniwalang bulong ni Couz samin ni Miko.
"Sssssh...wag ka ngang maingay dyan, baka mamaya makita nila tayo rito..." sabi ko.
"Tsk ano nang gagawin natin...kailangan nating paghiwalayin silang dalawa!" bulong ni Couz. Mayamaya pa ay inakbayan na ni Todd si Michaela. Uminit bigla ang dugo ko. At pumapayag na pala ang babaeng yun na hawak-hawakan sya ni Todd. Naaasar talaga ako. Tsk, aalis na nga ako!
"Teka Care san ka pupunta?" sabi sakin ni Couz. Di ko na lang sya pinansin at nagdirediretsyo nako papalayo. Mukha namang masaya si Michaela kay Todd. Tsk, ganun lang naman pala kadaling kalimutan ako. Hah! Wala na syang pakialam sakin!
Naglakad nako papasok ng building at nagtungo na sa CR. Sinipa ko ng malakas yung pinto ng cubicle sa sobrang inis. Pagkatapos nun ay napatakip ako sa mga mata ko. "Hmmmpt..." pigil na pigil ko ang pag-ungol ko habang umiiyak. Damn...I look like an i***t here. Para akong batang naagawan ng candy. Naiinis talaga ako. Sana walang makakita sakin dito...
"Mr. Williams, andyan ka ba?" wika ni Miko sa labas ng CR.
"Shit." Inayos ko agad ang sarili ko. Pumasok na si Miko sa CR. Pasimple akong tumalikod sa kanya.
"Mr. Williams...ah eh...hihihi...pinapahanap ka sakin ni Miss Danica eh. Hihihi."
"Tsk. Sabihin mo sa kanya, wag nya akong isali sa mga kalokohang naiisip nya." sabi ko habang nakatalikod kay Miko. Sabay singhot.
"Mr. Williams, ok lang yan. Nagtampo lang si Miss Michaela. Babalik din yun sayo..." sabi nya.
"Pwede ba, I don't care kung makipaglandian sya sa kung kanino. I don't care about her anymore. Magsama sila ng kulugong yun!" I said. Nakatalikod pa rin ako sa kanya. Napasinghot na naman ako.
"Mr. Williams...umiiyak ka ba?"
Hindi ako sumagot. Suminghot lang.
"Mr. Williams...wag ka nang umiyak...naiiyak din ako eeee..." wika ni Miko. Mukhang napapaiyak na rin sya.
"Pwede ba, hindi ako umiiyak noh! Ako iiyak? Tss."
"UWAAAAA! UWAAAAA! HUHUHUHUHU!" umiyak na si Miko.
"Hey! Anong nangyari sayo?! Bat ka naiyak dyan?!" gulat na gulat kong tanong sa kanya.
"Eee kasi Mr. Williams, nalulungkot ako eh. Nalulungkot ako para sayo! Huhuhuhu...Mr. Williams, alam mo namang idol na idol kita. Ayaw kong nalulungkot ang idol ko...UWAAAAA!" humahagulhol na sambit nya.
"Tsk. Wag ka ngang umiyak dyan! Kakahiya baka may makakita sayo kung ano pa ang isipin nila!"
"Pero Mr. Williams...huhuhuhu..."
"Tara na nga lumabas na tayo. Tsk."
Umuwi na ako sa bahay after class. Andito lang din si Danica sa mansion, wala kasi syang trabaho ngayon. Magkasabay kaming nagdidinner at the moment. Tahimik lang ako at di ko ginagalaw ang pagkain ko. Wala akong ganang kumain. Di ako makatulog. Di rin ako makapag-isip ng maayos. Miss na miss ko na talaga si Michaela. I really want to see her. I want her back. I want her back right now. I want her...
"Bakit di mo pa ginagalaw yang pagkain mo. Kumain ka na..." malumanay na sambit ni Couz habang kumakain sya.
"..." Hindi ako sumagot. Wala pa rin akong kibo.
"Nakausap ko si Michaela kanina..."
"R-REALLY..? A-anong sabi nya..?" i asked her.
"Uuwi daw sya-
"Young master." Mr. Martin suddenly interrupts our conversation. "Dumating na po sya." wika ni Mr. Martin.
"What..." Agad akong napatayo sa upuan ko at pumunta sa may salas. Dumating na sya?! Andito na si Michaela?! For real..?
Pagdating ko sa salas ay pumunta agad ako sa may pinto. "Michaela..."