(CARE'S POV) "Miko..." sinenyasan ko agad si Miko. "Hm?" Buti naman at napansin nya agad ako. Nag-eye language kami at tinuro ng mga mata ko ang bag ni Moe. Kinuha na nya yung pekeng device sa bag nya at pasimple nya itong inilalagay sa bag ni Moe. "Ahm...ano pa bang mga wedding matters ang kelangan naming asikasuhin?" interesado kong tanong sa wedding arranger. Sige lang Miko bilisan mo lang. "Ahm sir, kelangan nyo rin po palang magbigay ng lists ng mga aabay sa wedding nyo. Ganun din po yung best man nyo at yung maid of honor..." "Hmmm...ganun ba? Ok I'll give you the names. Ilista mo." sabi ko. Sumunod naman yung babae at agad itong kumuha ng listahan. "Hmmm...sir ano nga pong pangalan ng parents nyo?" "Charles and Diana Williams..." "Maid of Honor?" "Maid of honor...hmmm...sin

