Kabanata 8

1649 Words
ISANG gabi, habang nag-iinuman kami sa tabi ng pool nila Novice ay bigla na lang siyang humalakhak na agad naman naming ipinagtaka ni Rudny. “Why, pare, what’s the good news?” tanong ko habang nilalaro ang malaking ice sa basong aking nilalagok. “Wala! Hindi naman importanteng malaman nyo pa ito. At saka wala naman kayong magagawa oras na malaman ninyo ang pinagkaabalahan ko last week, hindi ba?” patuyang sagot sa amin ni Novice habang lumalagok sa hawak niyang baso ng alak. “Ikaw, ah, pare! May pasekre-sekreto ka nang nalalaman? Unfair na iyan!” untag ni Rudny kay Novice. Tumingin nang makahulugan si Novice sa amin at mayamaya ay masaya nitong pinagmasdan ang ice na nasa loob ng basong nilalagok niya. “Nawala na kasi ang problema ko tungkol kay Shaira at saka sa boyfriend niya. . .” walang anu-anong pagbubukas ng topic ni Novice. “Anong ginawa mo, pare? Huwag mong sabihing. . ." himutok na banggit ni Rudny kay Novice na alam na yata kung anong klaseng katarantaduhan ang pinaggagawa ni Novice kamakailan. “Simple lang. Pinatanggal ko lang ang papa niya sa trabaho at ang exciting doon ay hindi na ito makakapasok ng ibang trabaho. Inalis ko ang liscense niya at the same time ganoon din sa mama niya. Ang boyfriend naman niyang gago ay napagbintangang lang naman na drug user dahil na rin sa akin. Mabubulok na sa kulungan ang lalaking iyon!” nakangising sambit ni Novice sa aming dalawa na walang nagawa kundi ang mapaawang ang mga labi. “Kumusta si Shaira?” tanong ko na tila may bikig sa lalamunan. Napangiti si Novice na tila demonyong nagdidiwang. “Nabaliw dahil sa mga nangyayari sa kaniyang pamilya. Ilang araw kasi ang nakalipas ay natagpuang patay ang boyfriend niya sa selda. Nagtamo raw ito ng sugat sa leeg at sa tingin naman ng mga pulis ay sinakal ito. Kaya siguro sa bilis ng mga pangyayari ay hindi niya nakayanan. Tumigil na rin sa pag-aaral si Shaina pero noong nakaraang araw ay nagpunta siya rito para humingi ng tulong para sa kapatid niyang baliw. Ngunit hindi ako nag-atubiling magbigay. Tama na ang isang beses na nagpauto ako!” masaya niyang pagbabalita sa amin. “Ang sama mo, pare! Bilib ako sa yo! Ang galing mong gumawa ng pagganti mo,” masayang sagot ni Rudny at saka tinapik nito ang ulunan niya. “So, anong plano mo ngayon sa kapatid ni Shaira, Novice?” tanong ko habang nakatingin lang sa kaniya. “Plano? Itinatanong mo pa ba? Paglalaruan ko lang sandali ang kambal niya. Matapos ko siyang bigyan ng part-time job niya sa kompanya namin ay saka ko paglalaruan ang damdamin niya. Kung anong atraso ng kakambal niya ay dapat niyang pagbayaran. Pagbabayarin ko siya sa paraang alam ko!” makahulugang sambit ni Novice sa akin. Kasalukuyang iniinom ko ang huling laman ng aking kopita nang magsimulang magsalita si Novice. “Ngayon mag-uumpisa ang bagong buhay sa ating tatlo, mga brad! Huwag na huwag ninyo akong iiwan,” masayang sambit ni Novice. Ngunit alam kong mag-iiwan iyon sa akin ng kaisipan upang gumising sa nakatakdang bukas. Ang tadhana na mismo ang nagturo sa amin para maging mapusok. Apat na taon na kami rito sa St. Sanity Madrigal School. Apat na taon na rin kaming nabubuhay sa pangako naming nagsimulang itatag. Ngunit hanggang kailan ba mapapawi ang sugat ng isa kung ang lahat sa amin ay nangako? Walang iwanan! Pangako! Iyon ang huli kong naalala nang gabing iyon hanggang sa unti-unting napapikit ang aking mga mata at humimlay sa malambot na kama. PARANG akong nananaginip nang mga sandaling iyon. Hindi ko tuloy namalayang nagtitinginan na sila sa amin ngunit si Esteffany ay patuloy pa rin ang mahimbing na pagtulog mula sa kaniyang kinauupuan. Kapagdaka’y nagdesisyon na akong maupo sa aking silya at tumahimik. Pero bago ako lumayo kay Esteffany ay nagpaalam muna ako sa pamamagitan ng masuyong paghaplos sa kaniyang buhok. Habang ako’y nakaupo sa aking silya ay pinakiusapan ko ang aming guro na hayaan na lang si Esteffany sa kaniyang pagtulog. Sumang-ayon naman ito. Siguro alam ng aking guro ang tunay kong nararamdaman kay Esteffany. Habang siya’y aking tinatanaw, sadya na lang yatang ibinubulong ng aking isip at damdamin ang mga katagang nakaukit na sa aking pagkatao. "Mahal na mahal kita, Esteffany. . .” NAGSIMULA nang tumunog ang bell nang sumapit ang alas tres ng hapon. Isinasaayos ko na ang aking mga gamit sa aking bag nang mapansin kong kagigising lang pala ni Esteffany. Palihim akong napangiti roon dahil imbes na ang mga mata ni Esteffany ay pisngi niya ang namumula. Nagkunwari tuloy akong may kinakalikot sa aking bag upang mapagmasdan si Esteffany. Ngunit sa kabiglaan ko sa ikatlo niyang lakad upang lumabas ng kawrtong iyon ay bigla siyang huminto. Nahilo yata siya. Biglang binundol ako ng kaba sa aking dibdib at hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong umagapay sa kaniya at nagtanong. “May problema ba, Miss?” masuyo kong tanong sa kaniya. Wala, sumakit lang ang ulo ko. "Salamat sa concern. . .” mahinahong sagot niya sa akin ngunit nagbigay naman iyon sa akin ng sobrang kaligayahan. Hanggang sa makalabas kami sa konkretong silid na iyon ay naroon pa rin ako sa kaniyang tabi at nakaagapay siyang kinakausap sa mga bagay-bagay na kadalasan namang pinag-uusapan ng mangilan-ngilang kabataan. MAG-AALAS singko na nang marating namin ang gate ng school. Siya na ang unang nagsalita at namaalam. Dahil siguro sa mga magagandang bagay na aming napag-uusapan ay nagawa pa niyang magpaalam sa akin. “Sige, Lawrence, una na ako. Masarap ka palang kausap!” pamamaalam sa akin ni Esteffany mula sa dulo ng gate. “Ganoon ka rin naman. Saka. . . sorry. . . "ganti ko na rin kahit makahulugan pa ang huling salitang aking nabanggit. Bigla na lang nawala ang kaniyang magandang pagkakangiti sa akin at napalitan iyon ng matinding tensyon sa aming paligid. “Wala ka namang dapat ipag-sorry. Ano mang nagawa mong kasalanan sa akin ay wala iyon. Para sa akin ay isa kang mabait na kaibigan na parating maasahan sa anumang oras. Basta kahit na anong mangyari ay panatilihin mo ang tiwala mo sa akin," pahayag ni Esteffany habang nakatitig sa akin nang walang kakurap-kurap. Bilang ganti sa lahat ng nabanggit niya ay ngumiti na lang ako. “Lawrence, kahit dumarami pa ang atraso mo, okay lang. Ibubunton ko na lang lahat kina Novice at Rudny!” nakangiting hiyaw niya sa akin mula sa malayo. Natawa na lang ako sa tinuran niya at mayamaya ay nag-umpisa na akong lumakad para maibsan ang lungkot na muling namuo sa aking dibdib. Alam kong may hangganan na rin ang lahat ng ito Esteffany. Pero hanggang kailan ko ba masasabing mahal kita? Noong una pa lang, hanggang saan ba ako puwedeng magdesisyon para sa sarili ko? Magagawa ko bang isakatuparan na kahit isang araw man lang sana ay maitatama ko ang lahat na hindi na kasama sa plano ang mga bestfriend ko? KASALUKUYANG pumapanhik ako sa ikatlong palapag ng bahay namin nang bigla akong makarinig ng halinghing sa aming guest room mula sa kung kanino. Hindi ko alam pero sa pagkakaintindi ko lang sa aking natunugan ay boses babae at lalake iyon. Naglakad ako. Nakalimang katok ako sa pinto nang dahan-dahang pumihit ang seradura ng pintuan kung saan nanggagaling ang mga halinghing . Ang una kong nadatnan doon ay ang nakababata kong kapatid na si David at ang mga nagkalat na basyo ng alak. Mataman ko siyang tinitigan at bakas ang galit sa akin. “Ano ito?” maikli kong tanong ngunit may diin sa bawat katagang aking nabitiwan. Nagkamot ng ulo si David at parang naghahanap ng isasagot. Dahil sa tagal ng paghahagilap niya ay napag-aralan ko kung anong kalokohan na naman ang kaniyang ginagawa. Napansin ko ang tuwalyang nakatapi sa kaniyang kahubaran at namumulang mata niya dahil siguro sa mga nainom niyang alak. Hindi ko na naman mabibisto ang nakaugalian niyang bisyo. “Nagdala ka na naman ba ng babae rito sa bahay? Pang-apat na iyan!” paninita ko kay David habang nakataas ang isang kilay ko at nakapamaywang sa kaniya. “Last na ito, promise, Kuya! Masarap kasi! Sorry, Kuya!” nakangiting bunyag sa akin ni David. “Ows?! Sige na nga! Last na ito! Huwag mo na lang uulitin,” sagot ko bilang pag-sangayon sa kaniya. Naisara na niya ang pintuan nang makarinig ako ng buhos ng tubig sa banyong iyon. Nasapo ko na lang ang sarili kong noo. “Womanizer. Kailan ka kaya magtitino, David? Sumasakit ang ulo ko sa iyo!” pagalit kong sambit habang papasok sa aking sariling silid. Naglalaro tuloy sa aking isip kung anong pinaggagawa ni David sa kwartong iyon kasama ang isang chix. Ang exciting pa ay magkasama pa sila nito sa loob ng shower room habang dumadaloy ang malamig na tubig sa katawan nila. Bigla tuloy pumasok sa kokote ko si Esteffany at. . . s**t! Huwag mong pagnasahan si Esteffany! Igalang mo siya, Lawrence! mura ko sa aking isip habang idinadantay ko ang isang unan sa aking ulo. HUNYO 17, 2008, MONDAY, 10:30 AM, CLASSROOM. Tahimik akong nakaupo sa aking lamesa at nililibang ang aking sarili sa kaparaanang pasimple-simpleng panonood lamang sa labas ng aming bintana at nakatitig lang ng pagkalalim-lalim sa puno ng Acacia na kung saan ay dumarapo ang mga ibon. Wala ako sa mood na gumawa ng kahit ano. Pati nga sina Novice at Rudny ay nagtaka at tila nagugulat sa pag-iiba ko ngayong araw na ito. Para silang costumer sa isang bilihan ng mga book store na parang nagsawa na sa kapipili ng bibilhin. Hanggang kailan ba ako magtitiis nang dahil sa maikling panahon na ikaw ay wala sa piling ko, Esteffany? Para sa akin, ang isang segundo ng sandali na kapiling kita ay parang isang anino na hindi na mawawala. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD