Kabanata 9

1759 Words
HUNYO 24, 2008, MONDAY, 6:00 AM, CLASSROOM. MATAAS na ang araw nang pumasok ako sa aming silid-aralan. Ngunit sa aking pagmamasid ay natukoy kong absent na naman si Esteffany at natitiyak kong hindi na naman siya makakapasok. Mabibiblang na naman ang bawat kilos na aking mabubuo sa araw na ito. Tahimik akong naupo sa aking lamesa at malungkot kong tinitigan ang lamesa na inoukupahan ni Esteffany. Isang linggo ko nang hindi nasisilayan si Esteffany at tila magugulo na ang buo kong mundo dahil sa kahahanap ng aking paningin at damdamin sa kaniyang presensya. Hindi ko naman akalain na ganoon siya katagal mag-a-absent. Hindi kaya nababahala ang mga magulang niya sa mga grades niya? Nagkamali yata ako sa kaniya! Hindi ko akalain na katulad rin siya ng iba, mapagbalatkayo! “s**t, kapag wala ka pa ngayong araw na ito, hinding-hindi na kita hihintayin at mag-a-absent na rin ako! "mura ko sa hangin habang nakatitig nang masama sa kaniyang lamesa. Kasabay ng aking paglingon sa may pintuan ay nabungaran ko ang isang korte na kabisadong-kabisado ko na at matagal ko nang hinhintay. "Esteffany!” masigla kong panambitan sa aking isipan. Alam kong nagsisimula nang magbalik sa normal ang lahat, lalo na ang aking sigla, dahil masisilayan ko na ang first love ko. 2ND YEAR HIGH SCHOOL ROOM. Mataman lang nakadungaw si David sa labas ng bintana at nagliliwaliw ang kaniyang gunita nang biglang nagbigay ng surprise quiz ang teacher nilang terror na si Ms. Auring Nalepazan. Dahil sa mga pangyayaring hindi inaasahan ni David ay nagdadabog siyang tumayo. “Kailangan ko ng Lenghtwise!” maigting na bulong ni David sa sarili habang nakatitig na siya sa mga kaklaseng mahihingan ng papel. Ngunit sumulyap lang siya at hindi pa nakakahakbang upang isangguni sa mga kaklase ang paghingi ng papel ay kaniya-kaniya nang nagsitaguan ng papel ang mga ito. Ang iba ay naghatian ng isang buong papel. Kaniya-kaniyang gamit ng dila upang lawayin ang hinahating papel. “s**t! Ano ba iyan!” bulong na naman ni David sa sarili na tila inaaway ng lahat ng kaklase. Makita lang ng mga ito ang anino ni David ay agad siyang nilalayuan na parang may dala-dalang virus sa katawan. Sino naman kasi ang mabait na magbibigay ng kahit na ano kay David, eh, kinatatakutan siya dahil sa talas ng pagtitig niya sa mga kapuwa bata? Siyempre, bata nga pinandidirihan din siya at nilalayuan dahil sa mga kalokohang nagawa na niya sa mga kaklase. Nilalayuan siya dahil sa hindi maintindihang pag-uugali niya. Tulad ng katropa niya sa classroom na hindi man lang siya pinag-aksayahang sulyapan man lang kahit katiting. Hindi man lang nila binigyan ng importansya! Iyan ang patakaran! Kaniya-kaniya o mind your own business. Iyan ang magkakaibigan, walang pakealaman! Iniisip na lang ni David, “Okay, fine, mga aeta!” Ngunit sa karamihan ay iniisip nilang napakayaman niya para hindi makabili ng sariling materyales tulad ng Miracle Paper. Dahil sa mga nangyari ay dali-dali siyang naglakad palabas ng kanilang kuwarto upang magtuloy sa alam niyang mahihingan ng miracle paper. "Kuya Lawrence, alam kong may papel ka,” bulong ni David sa sarili habang paakyat sa 4th floor ng school building. Mula nang pumasok siya sa St. Sanity Madrigal School ay hindi pa niya nasusubukang malibot ang malaking estrakturang ipinagawa ng Tito Sami niya, ang eskwelahang pinapasukan niya ngayon. Sa laki ba naman kasi nito ay talagang mahihilo ka sa paglilibot. Bawat classroom ay may kaniya-kaniyang CR at may kasama pang locker room. Meron din silang sariling gymnasium na kung saan ay pinagprapraktisan ng mga estudyanteng magaling lumangoy. Bukod sa paaralan ng mga Elementarya at High School ay meron pang estraktura na ipinapatayo para sa mga may gustong magkolehiyo. Bukod sa mga ito ay meron pa silang dormitory. Hindi rin pahuhuli ang teacher na nagtuturo sa mga estudyante ng Madrigal. Akalain mong napakalaki ng kanilang Administrations Office? Tig-isa pa sila ng mga private office at CR na de aircon pa. Hay, ang sarap talagang mag-aral sa organisadong eskwelahan na purong pinapasukan ng mga may kaya at kilalang angkan ng mga may pera. Iyan ang St. Sanity Madrigal School. Pero ngayong taon na ito lang nagsagawa ang President ng St. Sanity Madrigal ng isang kaukulang hakbang upang matulungan mapag-aral nang maayos ang mga matatalinong hindi kayang makapasok sa isang private at mahal na eskwelahan katulad ni Esteffany. Scholar siya ng St. Sanity Madrigal. Nakailang hakbang pa siya bago niya natunton ang hinahanap na kwarto. Dahil sa wala siyang oras sa paghahanap ay agad siyang nagtanong-tanong sa mga estudyanteng pakalat-kalat pa sa labas ng kanilang mga silid-aralan. Isa nga ang nagbigay pansin sa kaniya pero mali naman ang itinuro nito. Dahil sa sobrang inis niya ay hindi na napigilan ni David ang daanin sa init ng ulo. Kung hindi siya hinila ng isang guro sa kwartong kaniyang hinahanap ay baka mapapa-admin na naman siya. Nakasimagot siyang pumasok sa loob ng aming classroom at inilibot ang kaniyang paningin sa bawat sulok ng aming kwarto. Hanggang sa matagpuan ng kaniyang mga mata kung saan ako naroroon. Naglakad siyang walang pakialam kahit may guro man sa aming classroom. Tumigil siya sa aking kinauupuan hanggang sa magtama ang aming mga mata. Kasalukuyang gumagawa ako noon ng talata. Oh, anong kailangan mo?” tanong ko sa kaniya at itinabi muna ang kasalukuyan kong inaatupag. Lalo lang siyang tumititig sa akin nang pagkaasim-asim at saka itinuong mabuti ang tingin sa hawak kong papel. “May extra ka bang papel?” mahina niyang tanong sa akin. "Hiningi ko na nga lang ito. . . humihingi ka pa?" matalas kong sagot kay David. Sino ba naman kasi ang hindi maiinsulto kung hindi marunong gumalang ang kapatid mo? Kapag sa school ay wala siyang pakialam kung nakatatanda ako sa kaniya. bBasta hihingi na lang siya ng kailangan niya. Isa iyon sa ang minsan naming pinagtatalunan. Dahil sa wala siyang paggalang sa akin sa school ay marami ang hindi nakakaalam na magkapatid kami. Sina Rudny at Novice lang ang nakakaalam bukod pa sa mga teachers namin dito sa school. Kapag nasa bahay kami ay hindi mo lubos maisip na minsan ay nakikitabi pa siyang matulog at hinihintay pa ako sa tuwing uuwi ako. Kasi naman . . . ako pa ang gagawa ng lahat ng assignment niya. Hay, ang samang maging Kuya! Lalong-lalo na kapag may kapatid kang suwail sa iyo. Dahil sa pagkakasambit ko ng mga katagang iyon ay agad tumalima si David at iinilibot ang sariling paningin agad itong huminto sa isang banda. “Bakit naman kita bibigyan, sumpunging bata?” mura ko sa aking sarili habang sinusundan ko siya ng tingin. Ngunit nagulat ako at kinabahan nang tumigil si David sa tapat ng isang babaeng nakasalamin at kilalang-kilala ko . . . “Esteffany . . .” bulong ko habang ang t***k ng puso ko ay pabilis nang pabilis. “Hi, Miss, may boyfriend ka na ba? Puwede bang makipagkilala?” masuyong bati ni David kay Esteffany na natigilan na sa pagsusulat dahil sa ginawi nito sa kaniya. Pati sina Novice at Rudny na nagbabatuhan ng kaniya-kaniyang kalokohan ay natigilan. “May sinasabi ka ba?” sagot ni Esteffany. Dahil sa pagsagot nang ganoon ni Esteffany ay lalong umawang ang perpektong ngiti ni David. "Ang sabi ko, pwede bang makipagkilala at makipagmabutihan? So, may boyfriend ka na ba? Ah, first, ako nga pala si David Berlington. Ikaw, anong name mo?” nakangiting sambit ni David kay Esteffany na halatang nagulat sa mga nangyayari. Dahil sa aking mga narinig ay tila nabingi ako sa mga nangyari. “David, bumalik ka na sa silid ninyo!” pabalang na sagot ko. Halatang nagulat si David sa akin at tila nainsulto sa nagawa ko kaya nagpatay-malisya lang siya. “Wala pa akong nobyo at ako nga pala si Esteffany Perez. Pero may ginagawa pa kasi ako David," masuyong sagot ni Esteffany kay David at kinausap ang guro mayamaya. Nakangiting bumalik si David at nagtatawa. “A-anong ginawa mo?” takang tanong ni Esteffany sa kapatid ko dahil sa ginawa nitong hakbang. “Nagbigay lang ako ng alibi upang mas makausap pa kita nang husto, Esteffany. Sinabi ko lang na pinapatawag siya sa administration at iyon ay kasinungalingan,"masaya pang sambit at pag-amin ni David kay Esteffany. “Ano? Ang sama mo, David! Bakit mo iyon ginawa?” nag-aalalang sagot ni Esteffany kay David. “Kasi type kita. Feel ko nga, gusto na kitang syotain ngayong oras na ito! Kunsabagay, wala kang boyfriend. Can you be my girlfriend, Esteffany Perez of 4th year High School?” walang anu-anong sagot ni David na lalo pang kumislap ang mga mata sa reaksiyon ni Esteffany. “D-David?” namumulang sambit ni Esteffany habang lumilingon sa aming mga kaklase. Napako ang kaniyang sulyap sa akin na tila humihingi ng saklolo. “Ssshhh Dont panic, baby! Ako ang bahala sa yo! Mayroon bang magagalit?” sita ni David at bilang pagpapakalma kay Esteffany ay hinawakan siya nito sa pisngi at hinimas. Ako naman na kanina pa nakakasaksi sa lahat ng pinaggagawa ng nakababata kong kapatid na si David sa aking first love ay hindi mapigil ang damdamin. “Baka ahasin kita, Kuya!” Nagbabalik sa aking gunita ang mga katagang lagi kong iniisip gabi-gabi at pilit kong ibinabaon sa limot na biglang binuhay ni David. Iyon din ang mga salitang hinding-hindi ko matanggap. Hindi lang basta kami magkapatid. s**t, David, huwag ka sanang. . . huwag mo akong aahasin! s**t! mura ko sa aking sarili habang nakatitig sa dalawang katauhan na mahalaga sa aking damdamin. Hindi ko matanggap na si David at ako ay in love sa iisang babae. Kilala ko si David at alam kong inlove siya. Mag-utol nga kami, iisa lang ang babaing type naming maging first love. Pero sana iba na lang. Hanggang maaga pa ay gusto kong ulitin ang oras at piliting ilayo ang tadhanang nakalaan sa aming tatlo. Si David ba ang taong maglalayo kay Steffany sa akin? “So, hihintayin kita mamaya sa may canteen. I will treat you, Esteffany, "masayang sambit ni David nang makakuha ng papel at magpaalam sa dalaga. “Huwag na lang. Thanks pero baka hindi ako makapag-break mamaya,” sagot ni Esteffany kay David. Dahil sa tinuran ni Esteffany ay tila nabuhayan ang puso ko at nagagalak. Pero natigilan ako nang muling magsalita ang kapatid ko. “Basta! Pumunta ka, kundi magtatampo ako! Sige ka! "pilit ni David. "Sige na nga. Ngayon lang, huh?” sagot naman ni Esteffany . “Bakit hanggang ngayon lang? No way! Paano ko maipagpapatuloy ang panliligaw ko sa yo kung ngayon lang, Ms. Perez?” nakangiting sambit ni David.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD