Mabigat ang pakiramdam ko nang magkaroon na ako ng malay. Ginala ko ang aking tingin sa paligid. Tingin ko ay nasa hospital ako dahil sa amoy ng paligid at nakumpirma ko iyon nang pumasok ang isang nurse. "Gising ka na pala, mam. Kumusta po ang pakiramdam ninyo?" bungad na tanong niya sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanya. Nagtaka lamang ako dahil wala akong nabungarang mga tao na kahit man lamang nagbabantay sana sa akin habang tulog ako. Katulad ng nababasa at napapanood ko. Paggising ng bida, naroon na sa tabi ng bida. Hay naku. "Bida naman ako sa kuwento ko, bakit wala man lamang taong nakabantay sa akin?"usal kong nakasimangot. Nakita ko kung paano mapangiti ang nurse na ngayon ay kumukuha na ng blood pressure ko. "Kinausap po sila ng doktor mam, narito po sila kanina," saad n

