Hila-hila ako ni Artur habang nakasunod kami sa bruha niyang ina. May pinto kaming nilusutan na parang dingding. Muli akong nagpumiglas. Baka sakaling dumating na ang mga pulis na tinawagan ni EJ. Baka sakaling mailigtas pa ako sa kamay ng mag-inang walang hiya. Baka kasi pagkatapos nito, isilid na lamang ako bigla sa isang maleta at itapon sa kung saan pagkatapos pagmalupitan. Kawawa naman ang maganda kong lahi. Mahal man ako ni Artur, paniguradong nanay naman niya ang susundin niya kapag nagkagipitan na. Baka tikman lang ako ni Artur saka itapon na lang. Mas matimbang pa rin ang dugo kesa sa ganda ko. Mas lalo nga lamang niya akong hinila nang makarinig kami ng putukan. Tila may barilan nang nangyayari. Ayoko man isipin, baka sila EJ na iyong binabaril. Huwag naman sana. "Bilisan nati

