Yakap ko ang envelope na ipinabibigay ni EJ jay Glenna. Alam kong wala pa si Glenna ngayon dahil bukas pa siya darating. Ganoon naman kapag umuuwi siya sa kanila. Kaya laking gulat ko nang mabungaran ko siya roon. "Shai! Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?" sunod-sunod na tanong niya. Puno ng pag-aalala. Nagulat pa ako nang makitang hawak niya ang bra ko. Napako roon ang mga mata ko. "Ah!" Itinaas niya iyon. "Tinutupi ko na ang mga damit mo. Naglaba rin kasi ako," sabi niya. Ibinaba ang bra ko na hawak niya sa mga damit kong tupi na rin talaga. Alanganin akong napangiti. Ayaw kong maging awkward pero hindi ko maiwasan. "Saan ka galing?" tanong niyang lumapit sa akin. Yayakap siya kaya agad kong iniamba ang envelope na pinabibigay ni EJ. "Galing ako kila EJ. Pinamimigay pala

