"Anong gusto mong pag-usapan?" Sumimangot ako. Nawala na sa isip ko ang sasabihin ko at hindi na rin naman importante. Ang importante ngayon at mahalaga. Charot! "Wala, kaya ko naman sigurong solusyunan. Don't worry." Hayep! Napa-english ako sa 'don't worry!' Nafi-feel ko ang pagbabalik ni Shai na lukaret sa tuwing nakakasama ko si EJ. Wala eh, sarap niya asarin dahil napakaseryoso niya. "Sure ka?" Tumango ako. Nasa sasakyan na kami ngayon at paalis na sa sementeryo. Buti na lang at nag-stay ang lola niya kung nasaan siya at hindi na kami inihatid sa sasakyan. Nakalagay na ako ng seatbelt ko nang maringgan ko si EJ ng super lalim na buntong hininga. "Oh, bakit ang lalim yata niyan? Nagsisi ka na bang dinala mo ako at ipinakilala sa lola mo?" "No." Sumimangot ako. "Lola mo p

