Sabado ng umaga nang magtext sa akin si Mader Earth. Nagpaalam raw kasi si Fader Earth na lalabas kaya ngayon, sinusundan namin. With the help of... "Inaantok pa ako. Magwo-work out pa ako. Ngayon, heto ako kasama niyo to stalk papa? What the heck!" Napanguso ako. Alam kong medyo masama ang gising niya dahil sa amin ni Mader Earth. "Pagbigyan na natin si Mader. Baka mabuang iyan, kasalanan mo." "Kasalanan mo!" inis na saad niya. Minsan itong taeng to, sweet pero minsan lang talaga. Parang Tatang kung makapagsalita at magalit. Nasa loob kami ng mall. Nasa department store uli si Fader at may binibili. Kami naman ay nasa medyo malayong fastfood at nagmamasid. Pare-pareho kaming nakasumbrero at nakasuot ng itim na damit. Kasalukuyan akong kumakain ng fries at heto siya, nanenermon.

