Chapter 29

1347 Words

"Ang kapal ng mukha niya para ipamukha sa akin na hindi pa ako nakaka-move on! Ang kapal ng mukha na humingi ng tawad! Ang kapal!" bulalas kong galit na galit.habang nakasakay na sa kotse ni EJ. Nasa parking lot pa rin kami. Nakikinig lamang siya sa mga hinaing ko.  "Hindi pa nga ba?" kaswal niyang tanong. Nakasandal ang siko niya sa bintana at nakatingin sa akin. "Oo, naka-move on na ako. Di ba nga, may tayo..." wala sa sariling usal ko.  Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Ngayon ay magkaharap kami at halos kadangkal na lamamg ang pagitan ng aming mga mukha.  "Ano nga ba ang meron tayo, Shai? Ano ang namamagitan sa atin?" Natameme ako sa kanyang tanong. Ano nga ba talaga ang meron kami. Sabi niya kasi, subukan namin. Pero ano ang susubukan namin? "Tayo! T-tayo hindi ba?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD