"Hey! It's you!"
Alanganin akong napangiti. Tumalikod ako at pasimpleng itinulak ang pagkain ko sa gitna habang itinatago iyon sa paningin ng lalaki. Gusto kong abutin ang kinakain ni EJ ngunit di na kaya ng maiksi kong kamay. Kainis kasi, di na nga ako biniyayaan ng tangkad, minamalas pa ako sa mga taong nakakatagpo ko.
"Hi!" alanganin ko rin na bati sa bagong kasal.
"You know each other?" tanong ni EJ at bumaling sa lalaking nasa harap ko.
Bago pa man sumagot ang lalaki ay ako na ang nagsalita. Baka maikuwento pa niya ang panghuhuli ko ng palaka sa kalsada.
"Oo, sila ang may-ari ng Macho-chopa..." sabi ko pero laking pagtataka ko sa naging reaksiyon ng mag-asawa.
Humalakhak ang babaeng kapatid ni EJ samantalang napakamot ng ulo ang lalaking groom. Hindi ko siya literal na kakilala.
"Hindi naman macho-chopa ang pangalan ng butcher house namin," kaila pa ng lalaki na lalong ikinatawa ng kanyang magandang bride.
"Haha...haha!" Pinilit kong tumawa kahit hindi ko alam ang tinatawanan ng magandang babae.
Kung nalilito ako, mas lalong hindi maipinta ang hilatsa ng mukha ni EJ. Nagpalipat-lipat sa aming tatlo. Para siyang nawawala.
"What's that? Matsutsupa!"
Lalong humagalpak ng tawa ang kapatid ni EJ. Hala siya! Baka mautot na lamang ito dahil agaw pansin na talaga ang kanyang pagtawa.
Hinarap ko si EJ. Hinawakan ito sa balikat. Gusto ko siyang paliwanagan. Hindi maaaring walang alam ang peke kong jowa. Kawawa naman ako kung napakaboring niya kasama.
"Saang mundo ka ba galing? Tsupa means..."
"Macho-chop! Iyan ang pangalan ng butcher house. There's no A after the letter P." biglang singit ng groom. Hindi ko tuloy natapos ang pagpapaliwanag kay EJ.
Lalong nalito si EJ sa amin.Napaiisp ako. Tuli na kaya si EJ. Parang walang alam eh. O dahil salitang mga kalye ang alam ko kaya 'di niya ako ma-gets.
Magsasalita sana ako ulit nang tawagin na sila. Mary Grace at Ethan. Iyon ang pangalan ng dalawa.
Muli kaming naupo. Muli kong inabot ang pagkain ko habang nililipat ang upuan malapit kay EJ para nakaharap ako sa stage. Agad ko nga lang naibaba ulit iyon at kinuha ang isang plato sa.tabi nito nang biglang bumalik si Ethan sa mesa namin.
"Thank you for coming pala," sabi niya. Kinabahan ako nang bumaba ang tingin niya sa pinggan na hawak ko. Bbuti na lang, panay damo ang nasa plato. "Nice, vegetarian ka nga pala."
Napalunok ako at pinagpawisan ng malapot ang singit ko. Nakahinga ako nang maluwag nang tumalikod na siya. Iyon lang ang walang prenong bibig ng abogaydo na kasama ko ang muling nagpatigil sa pag-alis ni Ethan.
"What are you doing with my food? Hindi mo pagkain iyan."
Napairap ako kay EJ. Gusto ko tuloy itaklob sa mukha niya ang plato niya. Lalo akong napahiya nang muling bumaling si Ethan sa akin. Nakangisi.
"Hehehe, nagbagong buhay na ako..." alanganin kong paliwanag kahit wala naman siyang sinasabi.
Mas lalo lamang lumaki ang ngisi niya sa labi. Tapos ay bumaling kay EJ na ang laki ng pagtataka sa mukha.
"Naku, kakayanin mo kaya ang big fresh meat?" tuksong saad ni Ethan sabay ngisi sa akin. "Good luck sa pagbabagong buhay," ika niya at muling pinuntahan ang kanyang asawa.
Napanguso ako. Nakakahiya ah. Huling-huli ako sa akto. Kung bakit kasi nagpaka-bitter ako sa karne!
Muli kong ibinaba ang pinggan habang iniirapan muli si Ej. Itong abogaydo na ito ang may kasalanan eh.
Nagkibit balikat naman siya sa pag-irap ko at hindi ako pinansin.
"Sit!"
Heto na naman siya. Makautos parang aso lang ang kausap. Kailangan ko na bang tumahol? Ilabas ang dila? Parang maamong tuta?
Napailing ako sa sarili. No! Hindi ako magpapakaamo sa abogaydo na ito. Kagatin ko na lang siya. Masarap naman siguro ang lasa kahit may pilantik.
"Bakit hindi ka maupo? Mag-uumpisa na sila!" muli niyang saad.
"Teka lang, nasaan ang palikuran ninyo? Naje-jebs ako!" tanong ko. Bigla kasing humilab ang tiyan ko. Ewan ko.kung sa pagkain o sa pagmumukha mg lalaking guwapo nga pero nakakasuka naman ang kasungitan.
'Sabi ko sa iyo abogaydo ka! Nakahanap ka ng isang babaeng magpapataob sa kasungitan mo. Ako ang taong magtutuwid ng daan sa iyo!
"What palikuran? Anong jebs?" Kanina ka pa ah! Ikaw yata ang nagnggaling sa ibang planeta. Iba ang mga salita mo..."
Hayay! Jusmiyo...
Hindi ko na talaga kaya. Kahit anong pigil ko hindi ko na kayang tagalan. Hindi ko na kayang sumabog. Sumabog ang sama ng loob ko.
Isang impit na tunog mula sa baba ko ang namutawi sa katahimikan naming dalawa.
"Shai!" Hindi makapaniwalang tawag niya sa pangalan ko. Nagngingitngit ang mga ngipin niya. Napalingon pa siya sa paligid kung may nakarinig sa ginawa kong pag-utot.
"Sorry naman? Ang dami mo kasing tanong. Hindi mo na lang sagutin tanong ko kung nasaan ang CR niyo. Ayan tuloy, lumabas ang kinikimkim kong sama ng loob sa iyo..." saad kong nakangiti at nag-peace sign sa kanya.
Lalo akong napangisi nang para siyang aso na suminghot-singhot. Aminado naman ako na medyo may amoy ang utot ko.
"I...I just don't know what you are, Shai! That way!" asik niya sa akin na itinuro ang paloob sa bahay nila. "Ask our maid!" utos niya.
Inismiran ko siya dahil nakatakip n siya sa kanyang ilong habang nagsasalita.
Ang arte naman. Parang hindi naman mabaho utot niya. Walang mabangong utot sa humihilab na tiyan!
"Sorry talaga, sige alis na ako. Tignan ko lang ang panty ko. Baka may laman..." ika kong pinipikon pa siya lalo. Aalis na sana ako pero bigla akong tumigil at bumalik. "Baka may mapahiram ka diyan na extra panty. Baka kailangan kong magpalit, wala akong extra dito..." dagdag ko na ikinalaki ng mga mata niya sa akin. Marahas siyang tumayo.
Agad niya akong hinawakan sa braso.
"Talaga bang sinusububukan mo ang pasensiya ko?"
Galit na siya. Naramdaman ko ang higpit ng hawak niya sa braso ko. Pero imbes na matakot ay mas lalo ko siyang gagalitin. Ano ako? Alex lang? Masyadong madrama ang buhay? No way, kamotey! Iba ako sa kanila. Lalaki ang luluhod sa paanan ko.
"Luhod!"
"Ha?"
Sandali? Kasasabi ko lang na lalaki luluhod sa paanan ko. Bakit ako pinapaluhod?
"Luhod!" Maawtoridad na utos niya.
Matatakot na ba ako nito? Dapat na ba akong manginig sa madilim niyang mukha. Sa galit niyang aura? Susuko na ba ang bataan?
"Luhod! Itali mo iyang sintas ng sapatos mo. Madapa ka pa niyan!" ika niyang pumutol sa pantasya ko.
Napatingin ako sa sapatos ko. Naalis nga ang pagkakatali ng sintas. Binitawan niya ako at tinalikuran ako. Nangunot ang noo ko. Bakit kailangan pang lumuhod kung puwede naman maupo at yumuko?
"EJ." tawag ko sa kanya. Napalakas yata iyon dahil napalingon rin sa akin ang ibang nasa paligid. Napangisi ako sa naiisip. "Luhod!" utos ko.
Natawa ako nang mapatingin siya sa sapatos niya. Wala naman siyang sintas kaya kunot noo siyang muling tumingin sa akin.
"What now?" Asik niya. Lalo akong napangisi.
"Lumuhod ka naman sa paanan ko oh. Pakitali na rin ang sintas ko..." malambing kong utos sa kanya.
"What?"
Lumingon ako sa paligid. Imbes na ang programa ang pinapanood ng mga nakapaligid ay sa amin sila nakatingin. Napalingon rin si EJ sa mga ito.
"Please...hindi ko talaga maitali. Baka masilipan ako!" ika kong nagpa-cute sa kanya. Inihakbang pa ang paang may sapatos na naalis ang sintas paharap.
Wala siyang nagawa kundi ang lumapit.
"Strike one, Shai! You will regret this!" Bumulong muna siya sa akin bago bumaba at itali ang sintas ko.
Nagpalakpakan ang mga nakasaksi at naghiyawan. Gusto ko lang naman siya asarin pero napatigil ang mundo ko nang umangat ang tingin niya mula sa pagkakaluhod sa harap ko na nakangiti.
Ang galing talagang umarte ng anogaydo na ito. Ang galing magpakilig.
"Next na ba kayo?" Sigaw ng isang babae.
Namula ako nang muling tumayo si EJ at akbayan ako. Nginitian at tinawanan niya ang mga nanunukso. Maging ang bride at groom ay nakatingin sa amin at nakangiti.
"Let's go!" yakag niya sa akin at iginiya papasok sa loob ng bahay nila.
Yes! Pagkatapos ng proposal. Honeymoon na dapat agad!
Pero hindi pa kami nakakapunta sa kuwarto ay isinalya na niya agad ako sa dingding. Nailapat ko ang kamay ko sa dibdib niya. Napatingin siya roon.
"What are you doing?" tanong niya. Ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin. Tila naghabulan ang mga paru-paru sa tiyan ko. Ang puso ko ay malakas na tumambol-tambol.
Sasagot sana ako ngunit muling lumabas ang masamang hangin sa katawan ko.
"Shaira! Just go. Iyan na ang washroom!" ika niyang itinulak ako sa isang pinto habang lukot ang mukha dahil sa naamoy.
"Hoy! Huwag ka ah! Walang mabangong utot!"sabi ko bago mabilis na pumasok. Natuluyan yata ang tiyan ko.