Success! Humilab talaga tiyan ko at pinagpawisan ako ng malapot. Buti na lang napigilan nasa CR na ako noong sumabog.
Suminghot ako sa paligid. Gumalaw-galaw ang ilong ko at napangiwi dahil malakas ang bombang pinasabog ko. Nangangamoy!
Buti na lamang at hindi public washroom ito, kundi kakahiya lumabas dahil siguradong amoy hanggang kabilang baranggay.
"Urgh! Eh wala namang mabangong jebs eh, kahit uminom pa iyan ng sandamakmak na pabango!" kausap ko ulit ang aking sarili.
Speaking of pabango. Kinuha ko ang cologne sa aking bag at nagwisik-wisik sa loob. Kawawa talaga kasi ang susunod at makakalanghap. Maging sa aking damit ay pinaliguan ko na ng cologne. Kumapit yata ang amoy sa akin.
Bago lumabas ay sinigurado kong naghugas ako ng kamay. Baka sabihin kasi ni EJ, marumi akong babae.
Dahan-dahan akong naglakad palabas sa banyo. Tahimik kong sinara ang pinto nang makita ko si EJ na nakasandig sa dingding. Nakahalukipkip at nakapikit ang mga mata. Parang modelo ang tindig niya. Nakataas pa kasi ang isang paa niya at nakasandig din sa dingding ang talampakan ng.kanyang sapatos.
Ang guwapo talaga nito. Batang bata pa! Bagay sa bata kong puso...
Kinuha ko ang aking telepono at agad na binuksan ang camera. Naka-pose na lang din naman, pi-picture-an ko na at nang hindi masayang ang kaguwapuhan.
Ngunit walang hiya talaga itong lumang cellphone ko. Nag-flash ba naman kaya tuloy agad na napamulagat at napalingon si EJ sa gawi ko.
"What are you doing?"
Nataranta ako nang tumayo siya ng maayos at naglakad palapit.
"Ah!" Agad kong pinindot ang camera para sa akin ma-focus." "I'm blogging!" sagot ko kay EJ noong nasa tabi ko ba siya. "Okay madlang pipol! Ngayon tapos ko ng i-blog ang..."
"What the heck!" Gulat ako nang inagaw niya ang telepono ko at i-off iyon. Buti na lang hindi niya tiningnan. "Are you out of your mind? Pati pagpunta mo sa ladies room at pag-release, ipapakita mo pa sa tao?" napipikon niyang tanong.
Inismiran ko siya at tinaasan ng kilay.
"Sinong tanga naman na iba-blog ang pagtae at pag-ire para makalabas lahat!" Inagaw ko rin sa kanya ang cellphone ko. "Iyong magara niyo lang na cr pinakita ko," pagsisinungaling ko kahit wala naman talaga.
Humugot siya ng pagkalalim-lalim na hininga bago ibuga iyon at napapailing.
"Kakaiba ka talaga...tsk!" inis na anas niya.
Napasimangot rin ako at nakaramdam ng inis. Kaya nang makita ko ang pinto ng banyo ay may kalokohan na naman akong naisip. Tignan natin kung makapagsungit ka pang abogaydo ka.
Inabot ako ang serasdura ng pinto at pinihit. Nagtatala si EJ na bumaling doon. Katabi niya kasi ang pinto.
Nginisian ko siya nang bumukas iyon bago walang sabi sabing itinulak siya sa loob. Sa gulat niya ay hindi siya nakahuma agad. Agad kong nakuha ang pinto at muling isinara na nasa loob na siya. Sigurado akong naroon pa ang amoy ng bomba. Hindi ko pala nai-on ang exhaust fan.
"Shaira! Open the door! Ang baho rito!" reklamo niya na kinalampag ang pinto. Hawak ko ang doorknob at pinipigilan iyon na bumukas. Pinipihit niya kasi iyon. "Open the godd*mn door Shaira!" may pagbabanta na sa kanyang boses.
"Pakilanghap muna iyan! Baka sakaling mabawasan kasungitan mo!"sigaw ko. Nagulat na lamang ako nang bigla niyang hilain ang pinto.
"Ay!" mas malakas siya sa akin kaya nagawa niya iyong buksan. Kahit dalawang kamay ko na ang nakahawak.
Dire-diretso ako at kamuntikan na madapa kung hindi lamang mahigpit ang hawak ko sa seradura ng pinto. At ang loko, nikalihis talaga ang katawan at malayo sa akin. Kapag nagkataon palang nadapa ako ay hindi niya ako sasaluhin.
Hindi pa ako nakakahuma nang galit siyang lumapit sa akin at ipitin ako sa pinto.
"Unang araw pa lamang kitang nakita! Unang araw pa lang kitang nakasama! Disaster na ang lahat! Let's end this! Hindi ko gustong mawala sa katinuan nang dahil sa iyo!" nanggigigil niyang saad. Nag-aapoy ang mga mata niya sa galit.
Napatigil ako at biglang napatino ang utak kong panay kalokohan. Mukhang napatid ko na talaga ang pisi ng kanyang pasensiya.
"You may go! Ako na ang magpapaliwanag sa kanila. Umalis ka ng tahimik!" sabi niyang tinalikuran ako at mabilis na umalis. Nakita ko siyang umakyat sa hagdan.
Napalunok ako at napakagat sa labi. Bagsak ang balikat kong naglakad palabas sa bahay. Tahimik akong naglakad habang nakatanaw sa mga ikinasal. Nakita ko pa si Mader Earth sa gilid.
Tahimik nga akong naglakad habang napapaisip. Grabe naman. Hindi man lamang ginawang bente kuwatro oras ang pagkakaroon ko ng jowa. Break kami agad. And it hurts! Parang tinusok tusok ang puso ko ng maliliit na karayom.
Charot! Paki ko sa abogaydong iyon! Balik na lang ako sa original plan. Magmamadre ako. Sana tanggapin pa ako ni Lord.
Gusto kong tahimik na umalis at hindi na makagulo pa. Para hindi makaabala, dumaan ako sa may gilid. Parang may daan doon patungo sa gate nila.
Tahimik akong naglalakad at maluha-luha nang bigla ay may tumahol. Nanindig ang balahibo ko nang masilayan ng mga mata ko ang nakakatakot na mga mata ng isang malaking aso. Nanginig ang mga tuhod ko. At naipako ako sa kinatatayuan.
"Aw!"
Muling tahol ng aso. Gustuhin ko mang tahimik na umalis, itong aso naman ang maingay at kumakahol. Sunod-sunod.
Sa takot kong kagatin ang legs kong makinis at maganda, mabilis akong napatakbo sa pinanggalingan ko. Kasing bilis ng kidlat sa sunod-sunod na kahol ng aso. Hinahabol ako.
"Nanay ko!" sigaw ko kahit wala naman akong nanay dahil sa takot. Napatakbo talaga ako nang matulin.
Wala akong pakialam kung sa akin na nakatingin ang mga bisita.
"Shaira!"
Kahit sa takot at nginig ko ay narinig ko pa rin ang tawag ni Mader Earth sa akin. Sa kanya ako napatakbo at napayakap. Hindi lumilingon kung malapit na ba ang aso sa akin. Alam kong hinahabol niya talaga ako.
Humahangos akong nagtago sa likod ni Mader Earth pagkatapos.
"Anong nangyari sa iyo?"
"May aso po!" sabi kong tinuro ang pinanggalingan ko. Agad akong dinaluhan ni Fader Earth at binigyan ng tubig.
"Nasaan na ba si EJ? Bakit hinayaan kang pumunta roon. Off limit doon dahil naroon si Goku," ika ni Fader Earth na medyo galit.
Goku? Goku talaga amg pangalan ng aso? Sabagay, biglang nagsuper saiyan kanina noong makita ako. Katakot.
"Pasensiya na po!" bulong ko nang magawi ang tingin ko sa mga bisita. May mga nag-aalala pero mas marami ang nakangiti at parang natatawa.
"Ayos lang iyon. Tapos naman na at pauwi na sila. Dito ka muna..."
Hindi talaga muna ako aalis. Parang hindi ko na ang maihakbang ang mga paa ko dahil sa nginig at pagod. Hinihingal pa nga ako hanggang ngayon.
"Nakatali si Goku. Mabait iyon pero dahil ibang mukha kaya natakot rin!"sabi pa ni Mader Earth. Natakot pa talaga sa akin yung aso?
Pinaupo nila ako malapit sa kanila habang naging abala na rin sila.sa pakikipag-usap at pagpapaalam sa mga bisita. Iilan na lamang ang natira at pawang mga kamag-anak nilang malalapit. Pinakilala na rin nila ako na kasintahan ni EJ. Mas gusto ko ng magpanggap kesa ang muling mahabol ng aso.
Tinanong nila ako kung nasaan si EJ. Sinabi ko na lamang na masama ang kanyang tiyan kaya nagpakalunod sa inidoro.
"Kahit kailan, KJ tong si EJ. Alam kasing inuman time na kaya nagtago na naman. Buti iniwan itong si Shai...may kapalit!" palatak ng pinsan nilang babae na si Emma. Nagkayayaan silang mag-inuman kahit wala na ang bride at groom dahil agad nu pumunta ang mga ito sa kanilang honeymoon na gaganapin sa ibang bansa.
"Naku! Uuwi na ako. Bawal ako malasing!"ika ko. Mahirap na baka paggising ko, may lalaki na akong katabi.
"Naku, huwag ka na umuwi! Okay naman siguro kila Tita Leonor na dito ka na matulog..." sabi naman ng isa sa lalaking pinsan nila na si Ryan.
"Tita?" Kinuha nila ang atensiyon ni Mader Earth. Nasa malapit lamang siya at inuutusan ang mga katulong sa paglilinis. Ang cool lang nila. Malaki ang bahay, mayaman pero napaka-down to earth.
"Ah oo, naman," sagot niyang lumapit sa amin at pumunta sa tabi ko.
"Weh? Ayos lang sa iyo Mader Earth? Kahit gapangin ko ang anak niyo mamaya? Ayos lang?" tanong kong seryoso ngunit nagtawanan lamang sila.
"Ano, Shai? Game ka?" tanong ni Ruel inakbayan pa ako.
Tumango ako. Broken hearted ako ngayon kaya sige. Daanin sa inuman. Tumingin ako kay Mader Earth na nakangiti.
"Hindi mo matatalo mga pinsan ni EJ, Shaira pagdating sa inuman. Kaya ihanda mo ang sarili mo," babala niya. Gusto ko sanang sabihin na wala sila sa kalingkingan ko. Pero gugulatin ko na lamang sila kapag nakaharap na nila ako sa inuman. Baka sila ang sumuko sa akin.
Napatawa ako sa aking sarili. Humanda talaga sila.