"Walanjo oh! Mga lasing na kayo! Magsiuwian na kayo! Walang-wala pala kayo sa akin eh!" bulalas kong tinampal pa ang lamesang gamit namin sa inuman. Pinilit kong tumayo pero mukhang natamaan na rin ako dahil nakakaramdam na ako ng hilo. Mga lasing na sila dahil umiikot-ikot na sila sa paningin ko. Hindi na yata alam ang pupuntahan. Napahalakhak ako nang malakas. Sinasabi ko na nga ba eh! Talbog sila sa akin pagdating sa inuman. Iilan pa lang mga nainom nila ah! Nakailan na ba ako? Sampo? Ah basta! Talo sila. "Lagot tayo nito kay EJ!" Namumungay ang mga mata ko habang pinapakinggan ang sinasabi nila. Parang ang layo-layo na nila. Tapos iiwanan lang ako sa mesa. Muli akong nagtaas ng aking ulo. Naningkit pa ang mga mata ko dahil tila nakita ko si EJ na palapit sa gawi ko. "Hehe!

