Late kaming nagising ni EJ dahil sa inabot kami ng madaling araw sa... Tinakpan ko ang aking bibig dahil ayaw kong ako na naman ang pansinin niya dahil kinikilig ang femfem ko. "Hey, eat up!" Pinitik niya ang noo ko nang matigil ako sa pagsubo. Magkaharap kaming kumakain ng breakfast sa kuwarto. Light breakfast lang iyon dahil may lunch date pa raw kami sa magiging kasosyo niya sa isang business. Pareho kaming gumayak na. Nag-dress lamang ako na hanggang tuhod ang haba at sandals na may tatlong pulgada ang heels para hindi ako magmukhang pandak. Namangha naman ako sa suot ni EJ. Naka-polo shirt lamang siya na tinernuhan niya ng faded jeans. Mas lalo siyang naging kaakit-akit dahil hindi formal ang suot niya gaya ng lagi niyabg sinusuot. "Wow!" hindi ko mapigilang lapitan siya at h

