Lutang pa rin ako nang hilain niya ako sa dati naming mesa. Bago iyon ay may binulungan muna siya na nakasalubong namin. Mukhang waiter sa cafe. "Dante, salamat sa ketchup. Hindi talaga ako makakakain kapag wala iyon." Ngumiti lamang ang kinausap niyang Dante at tumango. "Wow, advance ang pa-ketchup?" Taas-kilay kong pahayag na ikinatawa ni EJ. "Kilala niya ako. Hindi pa ako nag-ooder, naglalagay na sila sa table kubg nasaan ako," sagot niya. Kaya nga hinanap ng mga mata ko agad iyin noong nasa mesa na kami. Tama nga..may nakalatag na roon lagayan ng sachet na ketchup. Hinapit niya ako sa beywang. "If you think na pumapayag ako na sumama ka sa lalaking iyon, kahit na bestfriend mo pa, no!" Nanlaki ang mga mata ko sa kanya. "Kanina lang ay payag na payag ka..." "No! It's reverse

