Um-order nga siya ng pagkain at nagpa-room service na lang. Kumakain na ako at nanonood naman siya ng news nang maisipan kong mag-scroll sa fakebuk account ko. Pasulyap-sulyap pa ako noong tina-type ang pangalan ni EJ. Hahanapin ko siya at ifri-friend request ko. Panay ang pindot ko. Napasimangot ako dahil wala akong makita na account niya. "Tapos ka na ba kumain?" tanong niya at bumaling sa aking gawi sa maliit na dining table sa kuwarto. "Oo," sagot ko habang busy pa rin sa phone. Nakalabi ako nang si old friend naman ang sinubukan kong hanapin. Maraming lumabas na katulad ng pangalan niya ngunit may nakatawag agad sa aking atensiyon. Agad kong pinindot iyon. Pinalakihan ko pa nga. Alam ko at hindi ako puwedeng magkamali. Si Lois iyon... At si EJ. Nanginginig ang hintuturong dalir

