Isang linggo na akong hindi nakalalabas sa safehouse na pinagdalhan sa akin ni Jerome. Safe nga ako, pero hindi sa pagka-boring. Ni walang cellphone na puwedeng magamit. Kumusta na sila ate, si Glenna. Nami-miss ko sila. Si Mader Earth at Fader Earth. Si Aling Simang...lalo na ang taeng iyon. Kahit na galit ako. Galit lang naman ako! Pero gusto ko na rin siyang makita. "Psst, Bruno," tawag ko kay Bruno na nakatayo lamang malapit sa pinto. Iniwan siya ni Mafia Father sa amin para magbantay. Aayaw sana ako dahil sa lahat ng tauhan niya. Si Bruno lang ang pinakaiiba. Siya ang pinagpala sa lahat. Siya ang pinakaguwapo. Ngunit siyempre hindi galing sa mundong kinabibilangan ko. Sa Mars siya galing siyempre. Bumaling siya sa akin. Wala na namang reaksiyon ang mukha niya. Basta nakatitig lang

