Chapter 56

1811 Words

Nagpumiglas ako nang hilain niya ako. Paano ba naman kasi, agad niya akong niyakap nang mahigpit. "EJ, ano ba, bitiwan mo nga ako. Bakit narito ka?" tanong kong tinulak siya. Tinulak-tulak siya pero hawak ko naman ang t-shirt niya para mahila ko siya pabalik sa akin. Na-miss ko ang amoy niya. Ang init ng katawan niya. Lalo na ang kanyang pipinong feel na feel ko ngayong yakap niya ako ng mahigpit. "Where have you been?" anas niya. Magsasalita sana ako nang biglang siyang tumumba sa akin. Ang bigat niya at parang matutumba na rin akong niyakap siya. "EJ..." Nanginginig ang katawan kong niyugyog siya. Hanggang sa may maramdaman akong basang bagay sa likod malapit sa ulo niya. Dala ng liwanag sa street light, naaninag ko ang dugo sa daliri ko nang sipatin ko kung ano ang nahawakan ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD