"Anong ako? Kilala mo ako?" Maangas na sabi ni Artur. Oo si Artur! Nanlaki tuloy ang mga mata ko. Buti at hindi niya ako nakilala. Dahil siguro ito sa maskara ko, este sa bangs kong maharot. "I...ikaw! Hindi kita kilala kaya, ikaw! Gusto mo ng english? So it's YOU!" sabi ko. Huli na para mabawi ko ang sinabi ko. Parang nagduda na sa akin si Artur. "Sigurado ba kayong ang prinsesa ng Mondragon ito?" tanong niya sa mga tauhan. Lumapit pa siya sa akin. Sa taranta ko ay kinalabit ko si EJ na patuloy pa rin sa pasimpleng pagtanggal sa tali sa kamay ko. Napaatras ang mukha ko nang biglang lumapit ang mukha ni Artur sa akin. Kinabahan ako dahil isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin. Pinakatitigan niya akong mabuti. Iniiwas ko naman ang mukha ko sa titig niya. Kaya lang, hibawakan

