Dahan-dahan akong lumapit sa may pinto. Inilapat ko ang teynga ko roon at pinakinggan ang nasa labas. Kung ano ang ginagawa nila. "Scottie, kain muna. Hayaan mo na muna sila riyan. Hindi naman makakatakas mga iyan eh!" Mahina pero nakarating iyon sa pandinig ko. "Naku, Paolo, mapagalitan pa ako ni Madam!" sagot naman ng taong rinig na rinig ko dahil malapit lamang siya sa pinto. "Hindi iyan. Lock naman ang pinto. Kumakain na sina Derek, Gerald at Rayver doon. Babalik rin naman tayo agad. Halika ka na!" Naku! Mga pangalan pa lang ng mga tauhan ni Artur mga hindi na talaga mapagkakatiwalaan at mukhang manloloko. Buti na lang si EJ, hindi. Sinenyasan ko siya nang marinig kong lumayo na ang mga yabag sa pinto. Naghintay pa ako ng ilang saglit bago ko makumpirmang wala na ngang tao na

