EJ Being fooled by the woman you learn to loved is the worst feeling. Mas masahol pa sa break up na nangyari sa amin ni Lois noon. Lantaran na kasi akong niloko. The video is authentic. Bali-baliktarin man, kahit ipasuri ko pa iyon. Sasabihin totoong sila ang naghahalikan. At hindi ko basta mababalewala ang pag-amin ng lalaking iyon sa mismong harapan ko. Napipi ang lata ng beer na wala ng laman sa mga palad ko. I can't drink, but this time, gusto kong magpakalunod sa alak. Gusto kong kalimutan ang sakit. Hindi ko kasi talaga matanggap. Mahal ko si Shaira. Siya ang nakikita kong babaeng ihaharap ko sa altar. Siya ang babaeng nakikita kong pakasalan. Pero niloko niya ako. At ngayon nga, nawawala pa siya kasabay ng pagkawala ng Jerome na iyon. "EJ, umagang-umaga, umiinom ka. Ano ba tala

