"We are getting married!" sabay nilang litanya. Bagsak ang panga ko at halos timaas ang puwetan ko sa sinabi nila. Iyong pakiramdam mo, papataas ka na sa antisipasyon sa mahalagang sasabihin nila tapos, ganoon lang. Biglang babagsak at lalagapak. "Punyemas kayo! Ikakasal kayo? Eh ano ngayon? Anong kinalaman ko sa pagpapakasal sa pagsira ninyo ng kinabukasan ko?" Manghihiram talaga sila ng mukha sa aso. Niyeta! Pinagloloko ako ng mga ito. May pasafehouse-safehouse pang nalalaman. May paguwardiya pa. Tapos, pagpapakasal lang pala ang dahilan! Sarap paliparin tong dibdib ko at sampalin sila ng s**o! "Bago ka mag-react, patapusin mo muna kami, please." Umusod na muli ang puwetan ko sa sofa at naupo nang maayos. "Oh, siya tatahimik ako. Siguraduhin ninyong swak ang kuwento ninyo." "Gust

