Chapter 1

1726 Words
Shaira Maine's POV Pinisil niya ang isa kong bundok at nilapiris ang u***g nito.  Pagkatapos ay sinuso ang kabila na parang sanggol na gutom. May malakas pang tunog iyon at talagang sabik na sabik. Ini-enjoy niya ang pagsuso na para bang may nakukuhang malinamnam na gatas sa aking dibdib. Masakit na masarap sa pakiramdam ang ginagawa niyang pagsuso. Napasinghap ako dahil sa sensasyong pinaparamdam niya maging sa aking p********e. Hindi ko man makita ang mukha niya dahil sa dilim, wala na sa akin iyon, ang mahalaga ay napapaligaya niya ako. Naipaparamdam niya ang kinakapanabikan ko nang matagal na panahon. "Ahh!" muli kong ungol dahil ngayon ay pababa na siya sa aking p********e. Ang labi niya ay dumadampi sa bawat madaanan habang pababa ang kanyang mukha. Bumukaka ako at handang-handa na. Nang muli ay umangat siya para bitinin ako. Naiinis ako pero nawala agad iyon noong maramdaman ko ang pagtutok niya ng kanyang baril sa lagusan ko. Madilim man, alam kong malaki iyon, ramdam na ramdam ko siya kanina, lalo na at kanina pa ito tumutusok-tusok sa bawat paggalaw niya. Sobrang tigas pa kaya lalo akong na-excite na maangkin niya. Unang karanasan ko ngunit ilang taon ko nang pinaghahandaan. Panahon na para matikman ko ang sarap ng langit. Panahon na sa loob ng tatlumpu't limang pagiging birhen ko. Kung hindi ngayon, kailan pa? "Are you ready?" bulong niyang nagpakilig sa akin. Sa baritono niyang boses, parang ang sarap-sarap niya. Dahil sa kilig na nararamdaman lalo kong ibinukaka ang mga hita ko. "I'm ready!" agad kong sagot. Masakit daw sabi nila pero handa ako. Sabi ng mga kaibigan ko sa una lang naman daw masakit, sobrang sarap na daw ang kasunod noon at talagang hahanap-hanapin ng kahit sinong nakatikim. Handang-handa na ako. Itinaas ko pa ang kamay ko sa aking ulunan at kumapit sa unan. Mahigpit ang kapit ko roon dahil siguradong lilindol ng malakas. Mukha pa naman masarap siyang magpaligaya ng babae. Nang yumugyog ang mundo ko. Yumuyugyog pero hindi ko naman nararamdaman na may pumapasok. Wala namang masakit, basta yumuyugyog lang ang katawan ko. "Pusang gala oh! Shai!" Ewan ko kung tama ba ang rinig ko. Kaya ba hindi pa pinapasok ng lalaki ang kanya dahil gustong maki-threesome ni Glenna? Istorbo rin eh may jowa na nga! "Shai! Gumising ka na nga, tanghali na!" Lalong yumugyog ang katawan ko. Nararamdaman ko na ang sakit! Sakit sa balikat sa paulit-ulit na pagyugyog ni Glenna. "Glenna!" sigaw kong bumalikwas ng bangon at matalim siyang tinitigan. "Ayun na eh, ipapasok na! Madidis-virgin na ako kahit sa panaginip lang! Pero anong ginawa mo? Wala na naman!" asik ko dahil nabitin ako. "Hoy, bruha! Kung hindi lang nakakahiya na umuungol-ungol ka at bumubuka-bukaka ay hahayaan kita riyan hanggang sa mangisay ka. Pero nakakahiya ka, rinig na rinig sa kabilang kuwarto, teh! Akala, pusang nire-rape!" singhal niya rin sa akin. Binato ko sa kanya ang unan ko at muli akong nahiga saka nagtalukbong ng kumot. Muli akong pumikit baka sakaling maituloy pa ang naudlot kong panaginip, pero laking dismaya ko dahil wala na, inis na lang ang nasa sistema ko. Muli akong bumalikwas ng bangon habang sumisipa ang paa. Nakakainis! "Glenna!" sigaw ko sa pangalan ng kaibigan ko. Wala na akong pakialam kung maririnig ako ng nasa kabilang kuwarto. Basta naiinis ako! Nakapameywang ang isa niyang kamay na sumilip mula sa pinto, habang tila may kausap sa kanyang selpon. Ang sama pa rin ng tingin ko sa kanya. Tinaasan niya lamang ako ng kilay at muling nawala sa paningin ko. Padarag akong bumaba sa kama at inayos ang pinaghigaan ko. Pagkatapos noon ay nagtungo ako sa banyo para maligo. Maibsan man lamang ang init na nararamdaman ko at ang inis na rin ng pagkabitin. Buti na lamang at walang pila. Sampong kuwarto kasi iyon na apartment. Mapalalaki o babae ay naroon. May mag-asawa, magjowa at gaya namin ni Glenna na magkaibigan ang nakatira doon. "Iba na ito! Nagiging desperada na ako, nakakainis!" sabi ko sa aking sarili habang nagsasabon. Pumikit ako habang hinahayaang mabanlawan ang sarili ko sa maaligamgam na tubig. Paano ba ako nalagay sa ganitong sitwasyon? Biglang sumagi sa isip ko ang isang lalaking minsan kong minahal. "Naku! tumigil ka nga utak!" saway ko sa isipan ko dahil hindi pa rin nito nalilimutan ang taong iyon. Natapos ako sa paliligo at umayos naman ang aking pakiramdam. Naroon pa rin ang panghihinayang sa naudlot na pagniniig ng sinumang lalaki sa panaginip ko, pero naibsan naman ang init na nararamdaman ko. Bihis na ako pagkalabas ko ng banyo. Siya naman na nakasalubong ko si Glenna na mukhang paalis at nagmamadali pa. "May mahalaga akong lakad, Shai. Aalis na ako." Tumango ako ngunit hindi na niya nakita. Mabilis kasi siyang tumalikod at umalis. Nagkibit-balikat na lang ako at pumasok na rin sa kuwarto naming dalawa. Initsa ko ang tuwalyang gamit ko sa aking kama at nagsimulang suklayin ang aking buhok. Habang ginagawa iyon ay napasadahan ko ng tingin ang buong kuwarto namin. Dalawang twin bed ang bawat dulo. Dalawang side table rin ang nakapagitna. Maayos na maayos ang parteng sinasakop ni Glenna, samantalang mapapangiwi  na lamang ang makakakita pagdating sa side ko dahil magulo. Nahiya naman ako sa pagiging masinop sa gamit ni Glenna, burara kasi talaga akong tao. Pagkatapos makapagsuklay ay naglagay ako ng kaunting lipstick at pulbo sa mukha. Kinuha ko rin at isinampay ang basang tuwalya sa upuan bago tuluyang umalis na rin para sa aking trabaho. Nagsuot ako ng sneakers. Nakapantalon lamang ako ng kulay puti at kulay lila na t-shirt. Walang uniporme sa trabaho ko. Maliit lang naman kasi na kinika iyon at ako ang sekretarya. Hindi ko rin kailangan sumakay o maghabol ng jeep at tricycle dahil lalakarin ko lamang iyon. Wala pang sampung minuto ay naroon na ako. Labas na ang araw nang mag-umpisa akong maglakad. Hindi pa naman gaanong mainit kaya masarap pa sa pakiramdam kahit walang payong o sumbrero. Ika nila, bitamina pa sa umaga ang sikat ng araw. City proper ng Santiago, Isabela ang lugar kung nasaan kami. Marami na rin ang naglalakihang gusali, may mga mall na rin na naipatayo at iba't ibang restaurant. Talagang masasabing asensado na ang lugar. Kung ikukumpara sa ibang siyudad ay hindi talaga pahuhuli ang lugar namin. Dinama ko ang sikat ng araw at lamig ng hangin nang may mga maulinigan akong nagtatawanan at pawang mga nagbubulungan. Napatingin tuloy ako sa kaliwang gawi ko. Nakita ko ang mga kalalakihan sa basketball court na nadaanan ko. Akala ko ay mga naglalaro lamang ngunit nang magpatuloy ako sa paglalakad ay may humabol sa akin at humarang sa daraanan ko. "Miss, puwedeng makuha number mo?" Tinaasan ko ng kilay ang lalaking nasa harapan ko. Tantiya ko ay nasa twenties ang lalaki. Labinlimang tao  ang gap ko. Pasimpleng pinasadahan ko siya ng tingin. Puwede na, hindi naman na menor de edad para hindi patulan. "Huwag mo naman akong tingnan ng ganyan, Miss. Hindi pa po ako tuli!" Natatawang saad nito at napakamot pa sa ulo. Alam kong nagbibiro lamang ito. Inismiran ko ang lalaki at tinalikuran ngunit muli ay humarang siya sa daraanan ko. "Bhe, alis sa dadaanan ko kung ayaw mong ako tumuli sa iyo!" naiinis kong singhal. Napahimas ito sa batok ngunit hindi tuminag.  "Miss, please, late kasi ako sa practice kanina kaya parusa kong ihanapan si Coach ng babaeng puwedeng maka-date mamayang gabi," walang gatol na saad nitong hindi nahiyang ireto ang coach niya sa akin. May tiningnan siya kaya nagawi rin ang tingin ko roon. Nangunot ang noo ko nang makita ko ang nakakalbong bansot na lalaki. Mataba pa ito at ang noo ay puwedeng landingan ng eroplano, ay hindi pala, baka madulas at madisgrasiya ang eroplano sa kinis  ng kanyang noo. "Sorry, may boyfriend na kasi ako, hindi na puwedeng lumandi sa iba!" sabi kong pinitik ang noo ng binata. Dali-dali akong naglakad bago pa man ako muling habulin at harangan. Hindi naman sa namimili ako, hmmm, slight lang naman. Kung ganoon din naman ang magiging asawa ko, gugustuhin ko na lang si Dr. Agustin. Matandang binata, mataba at nakakalbo na rin. Nakalayo na ako sa binata ngunit lumingon pa rin ako sa pinanggalingan ko, tuloy hindi ko napansin na may mababangga na pala ako. "Ay puki mong bumuka!" bulalas ko dahil sa gulat. Muntik na talaga akong matumba kung hindi niya ako nahawakan sa braso. "Mag-iingat ka, hija," malumanay na saad ng babae. Maliit siya at hanggang balikat ko yata. Batay sa suot niya, isa siyang madre. "Patawarin nawa ninyo ako sa aking bunganga, hindi ko po sinasadya, Sister." Pilit kong binaba ang boses at yumuko para bigyan siya ng pugay...este respeto. "May tinatakbuhan ka ba, hija?" nakangiti niyang tanong. Para tuloy akong nasa alapaap. Parang ang gaan-haan niyang kausap. "Wala po, ako po ang naghahabol, Sister. Huli na po ako sa biyahe, hanggang ngayon, birhen pa ako..." Bigla kong natutop ang aking bibig. Tinampal ko pa iyon dahil napakabastos ng bunganga ko. Kaharap ko pa naman ay madre. Natawa ito kaya nawala ang kaba ko. Baka hindi na ako madala sa langit kapag nagalit ito. "Baka ibang daan ang gusto ng  Diyos para sa iyo, hija.  Baka kaya sa edad mong iyan ay birhen ka pa ay dahil.may ibang nakalaan para sa iyo." Makahulugan niyang saad. Nagkibit balikat ako. Nang biglamg sumagi sa isip ko ang isang pngako. Ilang taon na ba ako? Huli kong bilang ay nasa trenta ako. Ilang taon na ba ang lumipas? Napalunok ako at napatitig  kay Sister. Sa paningin ko, tila ba bigla siyang nagningning na halos ikabulag ko. Napatakip kasi ako sa aking mata dahil sa sakit ng liwamag na biglang bumungad sa mga mata ko. "Okay ka lang ba, hija?" muli niyang tanong. Naglabas siya ng payong at binuksan iyon. "Mainit na ang tirik ng araw," ika niyang iniangat ang payong para takpan ang sarili sa sikat nito. Biglang nawala ang liwanag. Sikat lang pala iyon ng araw.  "Oh siya, hija, aalis na ako. Hinihintay na ako sa kumbento." Tinanguhan ko lamang si sister at nginitian. May malaking simbahan na nakatayo noon pang panahon ng kastila sa lugar. Hindi lang basta-basta simbahan dahil may kumbento nga iyon at bahay ampunan. Napalabi ako habang pinapanood ang pag-alis ng madre at pagkawala nito sa paningin ko. "Is this a sign, Lord? Kailangan ko na ba talagang i-give up ang paghahanap ng forever ko? Tayong dalawa ba talaga ang forever?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD