Chapter 2

1709 Words
"May appointment?" Nakangiwi kong tanong sa lalaking nasa harap ko. Lalo akong napaismid nang ngumiti siya at kita ang dalawang ngiping natitira sa harapan. Parang bampira ang pagkakalayo ng nga ngipin niya. Ang kaibahan lang walang tulis iyon. Ang baba lamang niya ang patulis. Parang triyanggulong tinubuan ng mga mata, ilong at bibig. 'Patawarin mo ako Lord sa mapanghusga kong mga mata. Nagsasabi lamang po ako ng totoo. Bawal pong magsinungaling.' "Magpapabunot sana ako ulit, Shaira ng buhay ko. Dahil sa iyo, bumabalik-balik ako," sagot niyang nagpaikot sa bola ng mga mata ko. "Tumigil ka nga, Santino! Gusto mong ako ang bumunot diyan sa ngipin mong natitira!" singhal ko sa kanya dahil nakakainis na rin talaga. Kahit na may sakit siya'y mapapatulan ko talaga sa araw na ito. Halos linggo-linggo na kasi siyang dumadalaw para magpabunot at kung ano-anong dahilan. Gumagastos ng pera para sa cleaning ng dalawang ngipin niya. Ngayon bunot na. Sige, bunutin natin! At anong susunod? Ang bagang na niya ang palilinisan? "Ang sungit mo talaga, lalo tuloy akong nai-inlove sa iyo!" saad niyang nagpa-cute pa at ngumiti nang pagkalawak-lawak. Matanda na siya pero parang batang isip pa rin. Halos umusok yata ang ilong ko sa pinipigilang inis kaya napa-excuse ako para magtungo sa CR. Wala pa naman masyadong tao at may inaasikaso pa si Doc na ibang pasyente niya. Malalim ang buntong hininga ko habang nakaharap na ngayon sa salamin at sinisipat ang sarili. Hindi naman sa binubuhat ko ang sarili kong bangko pero, maganda naman ako. May malaking dibdib na siguradong ikalulunod ng sinumang lalaki. Sexy ako at maganda ang proportion ng katawan kahit matakaw akong kumain. Anong kulang sa akin? Napaismid ako nang magawi muli sa salamin ang mga mata ko. Height pala ang kulang sa akin. Pero hindi naman ganoon kaliitan. Napakagat labi ako, wala nga sigurong magkakagusto sa akin na mas matinong tingnan na lalaki. Talaga yatang tatandang dalaga ako. Tatanda na hindi man lamang natitikman ang langit na narito sa lupa. Paalis na ako sa CR nang tumunog ang selpon ko. Pagtingin ko ay si Glenna ang tumatawag. Himala ang babaeng iyon, napatawag sa oras ng trabaho niya. Dati-rati naman kahit anong text at tawag sa kanya, 'di niya pinapansin. I-o-off pa niya ang kanyang selpon para hindi maistorbo. "Ano?" Hindi naman ako galit, iritado lamang ako dahil umaga pa lang ay nasira na ang araw ko. Inumpisahan kasi ng babaeng kausap ko ngayon. "Hindi ako makakauwi, overtime ako ngayon." Kunot noong napatingin ako sa screen ng selpon ko. Tama naman na si Glenna ang tumatawag. Bakit parang may mali? "Naka-inom ka ba ng gamot mo?" tanong kong nagseseryoso. Baka kako lang eh, hindi nakainom kaya nababaliw. Timang-timang ang loka! "Gaga! Hindi ako katulad mo na nababaliw na dahil virgin pa! May pinapatapos na trabaho itong boss kong workaholic! Umagang-umaga parang babaeng nagtatalak-talak!" Natawa ako  sa kaibigan ko. Sekretarya ito ng isang abogago...este, abo-gay-do, naku naman abogado pala. Ayon dito, dahil kauumpisa pa lang ang firm ng boss niya, todo ito sa trabaho at pati siya ay damay. "Napakaaga mo ngang tumawag, nakakapagtaka ka naman. Akala ko pa naman makakapag-inuman tayo at makakapag-clubbing. Day-off pa naman natin bukas." Hindi niya ako sinagot ngunit naringgan ko siya ng malalalim na buntong hininga. Napailing na lang ako. "Glenna! Where's the papers? Kanina ko pa sinabi sa iyo na ibigay mo rito at ma-review ko!" Napaismid ako sa narinig sa kabilang linya. Isang galit at baritonong boses ang sumigaw sa pangalan ni Glenna. "O, siya, baba ko na ito, enjoy your night na lang! Babawi ako sa iyo. Pero hindi talaga puwede mamayang gabi." Napatitig na lamang ako sa screen ng selpon  ko nang biglang mawala ang boses ni Glenna. Buti na lang kahit medyo halatang may pagkamanyakis si Dok ay maayos naman siya kausap at malumanay mag-utos. Bumalik ako sa aking puwesto at naroon pa rin si Santino sa malapit. Agad siyang tumalima para lapitan ako nang makita akong paupo na sa desk ko. Iginala ko ang aking paningin sa loob, wala pa ring ibang tao kundi si Santino at ang tatlong naka-appointment. Isang matanda na magpapasukat ng pustiso. Isang batang magpapabunot at isang dalagang magpapa-retainer. "Puwede ba kitang maimbita para mamaya? Dinner?" Hindi ko alam kung mangingiti ako o lalong maiinis. Alanganin ang ginawa kong ngiti lalo na noong dumating ang yaya ni Santino na halatang may gusto sa lalaki. Bakit naman hindi? Malaking isda itong si Santino. Mayaman ang pamilya niya, sayang at may sakit ito sa pag-iisip kaya matanda na'y kailangan pang may mag-alaga. Hindi naman talaga ako ganito kasungit kay Santino.  Sa tuwina ay iniintindi ko siya at sinasakyan ang mga trip niya. Ngayon lang talaga ako naiinis dahil siguro sa pangit ang gising ko kanina. "Sorry pero may lakad ako..." "Shaira, ang susunod," biglang lumitaw ang ulo ng asssitant ni doc na si Joy kaya naputol ang sinasabi ko kay Santino. Nakita ko rin ang palabas na batang lalaki na may dala-dalang lollipop kasama ang ina nito. "Ikaw na ang susunod," ika ko kay Santino at talagang pinapalayas na sa harapan ko. Agad na lumapit sa kanya ang yaya nito at hinila na si Santino para pumasok sa loob. Siguradong magkukuwentuhan lang naman si doc at Santino. Wala naman kasi talagang bubunutin o lilinisin. Kung pustiso rin lang, madami na siyang naipagawa ngunit ganoon pa rin naman. Babalik at babalik pa rin siya dahil sa akin. Natapos ang maghapon na napaka-boring. Wala akong ginawa kundi paper works na paulit-ulit ko lang ni-review at ni-delete at tinipa sa computer. Pagkatapos kasi ng babaeng nagpa-retainer ay wala ng ibang dumating, kahit lang sana walk-in sa clinic. "Ang tumal!" wala sa loob kong saad at napa-inat pa sa may upuan at pumikit. Hindi ko tuloy napansin na may nakatayong mag-asawa sa harap ko. "Miss..." Mula sa pagkakapikit ay napamulagat ako at agad na umayos ng upo. "Yes, po?" Natataranta kong tanong na ikinatawa nilang dalawa. "Ipagpaumanhin niyo po, medyo napagod..." "Okay lang, Miss." Nakatawang inimuwestra ng medyo matandang lalaki ang kamay niya. "Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong kong tumingin sa kanilang dalawa. "Abala pa ba si Doctor Agustin? Gusto sana namin siyang makausap," ika ng babae kaya naman napatingin ako sa saradong pinto ng opisina nito. "Maupo muna kayo at kakatukin ko po siya. Wala naman na kaming pasyente. Sino ho ba kayo?" Nagkatinginan muna ang parang mag-asawa bago nila ako sagutin. "Pakisabi na lang, Mr. and Mrs. Saavedra, Miss." Tumango ako at tumayo agad para mapuntahan ang amo ko. Kumatok ako ng tatlong beses ngunit walang sumasagot, kaya naman pinihit ko ang busol ng pinto para tingnan siya, baka natutulog at hindi ako narinig. Matanda na si Dok kaya bingi na rin. Napaawang ang labi ko sa nabungaran. Wala siya roon na ipinagtaka ko ng husto. Hindi naman siya nagpaalam para umalis. Hindi ko siya nakita. Paalis na sana ako nang may maulinigan akong kakaibang tunog. Plok, plok, plok, sabi ng tunog na naririnig ko. Naikiling ko ang ulo ko at nanatiling tahimik para mas lalong marinig kung ano man iyon. Napakagat labi ako nang hindi lamang plok, plok ang naririnig ko. May naririnig rin akong parang asong ulol at pusang nanganganak. Napalapit tuloy ako sa pinto na nag-uugnay sa opisina ni Doc at kung saan niya ginagawa ang kababalaghan...este ang kanyang trabaho. Nakahawak ako sa doorknob habang nakadikit ang tainga ko sa pinto. Mas lalo pang lumakas ang mga ungol na hindi ko alam kung nahihirapan ba o nasasarapan. Lalong lumakas ang tunog na narinig ko kaya lalo kong idiniin ang mukha at tainga ko sa pinto. "Hayan na ako!" "Ako rin!" Parehong alulong ng dalawang nasa kabilang silid. Hindi na ako manghuhula pa kung sino ang mga iyon. Obvious naman kung sino. Napangisi ako at aalisin na sana sa pagkakadikit ng mukha ko sa pinto nang bigla kong napihit pabukas ang pinto. Siya namang bigla kong pagkadapa at pagbulwak ng mainit at malagkit na likido. Sapul ang mukha ko. Nanlalaki ang mga mata ko katulad ng panlalaki ng mga mata ng dalawang nahuli ko sa akto. Pero hindi ko iyon inalintana, dahil ang atensiyon ko ay sa mukha kong hindi na virgin! "Ang mukha kong birhen pa! Nabahiran na ng kasamaan!" bulalas kong nanginginig ang kamay at.hindi mawari kung hahawakan ko ba para tanggalin ko o hindi ang tumalsik doon. Hindi ko rin alintana ang sausage na nasa harap ko na agad din namang itinago ni Doc. Nilapitan agad ako ni Joy at may dala na itong tissue. Namumula man ang mukha ay nagawa pa rin niyang punasan ang mukha ko. "Sorry, bawal kasing iputok sa loob," ika niyang nakapagpangiwi sa akin. Matanda ng sampung taon sa akin si Joy, pero buti pa siya at nakatikim na kahit sausage lang ni dok. "Doc, ayusin mo muna iyang sarili mo, may naghahanap sa iyo sa labas. Mr. and Mrs. Saavedra daw!" galit kong saad at tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Napunasan na ang talsik ng...ugh...ni Doc sa mukha ko pero amoy ko pa rin iyon, nanlalagkit na nandidiri din ako. Nagmamadali akong pumasok sa Cr, nakita ko pang napatayo ang dalawang naghahanap kay doc pero hindi ko na sila muna pinansin, nakakahiyang amoy ano ako ni doc. Baka akalain ako ang babaeng kalandian niya. Nanggagalaiti akong naghilamos ng mukha. Halos mamula na yata sa kakakuskos ko sa mukha ko na para bang gusto ko na talagang i-hiwalay ang balat sa mukha ko. "Kainis! Katatanda na, nagawa pang mag-outdoor s*x!" bulalas ko sa sobrang inis. Muli kong sinipat ang talagang namunula ng mukha ko. Mukhang namamaga na rin iyon sa walang humpay na pagkuskos ko. "Lord, bakit mo ako pinaparusahan ng ganito? Dahil ba hanggang ngayon hindi ko pa tinutupad ang naging pangako ko? Give me more time, Lord. Makatikim man lang ako gaya ni Manang Joy! Naunahan na niya ako eh, kaya please, pagbigyan mo naman ang katawang lupa ko." Napatingala pa ako sa kisame habang sinasabi iyon. Pero agad rin naman akong napalabi, ilang taon ko na ba sinasabi sa kanyang pagbigyan ako simula noong nangako ako? Binilang ko sa daliri ko iyon. "Limang taon na pala!" At alam kong sa limang taon na iyon ay pinagbigyan ako ni Lord, iyon lang, wala talagang pumatol. Malas talaga ako sa lovelife. "Makapagmadre na nga lang!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD