Napapailing ako habang pinapasadahan ang sarili sa salamin. Napasimangot akong tinanggal ang pusod na tali ng aking buhok dahil hindi ko nagustuhan ang aking itsura. Nakakainis dahil ang pangit-pangit ng tingin ko sa aking sarili.
"Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?" emote ko sa harap ng salamin habang kunwari ang repleksiyon ko ay isang lalaking guwapo. Puwede na kung si Piolo o si Jericho.
"Hay, Shaira! Ayan ka na naman...batang isip na naman iyang utak mong walang laman kundi lalaki!" saway ko sa sarili.
Sa edad kong ito? isip-bata pa rin daw ako. Walang kaseryosohan sa buhay. Kaya siguro hindi dumating-dating ang hinihingi kong lalaki dahil sa pag-uugali ko.
"Hep! Anong masama sa ugali ko, okay nga eh, edad lang ang tumatanda at hindi itsura!"
Tipong nababaliw na ako na kinokontra na naman ang sarili at kinakausap pa. Jusmiyo, mukhang masisiraan pa talaga ako ng bait nito. Ang hirap kapag hindi nakainom ng gamot. At mukhang hindi na kakayanin ng gamot ito. Ang kailangan ko ay injection. Yung injection na masakit sa una kapag pumasok, kalaunan ay masarap na.
"Lord pahinging gamot. Iyon lalaking may malaking pang-injection. Kailangan ko na talaga iyon, Lord!" desperadang kausap ko sa Maykapal.
Alam kong kalabisan na ang lagi kong paghingi ng lalaki sa buhay ko. Paanong hindi? Tumatanda na ako pero iisang lalaki pa lang ang dumaan sa buhay ko. Lalaking hindi man lamang ako pinalasap ng sarap bago lokohin at iwanan.
Pabagsak akong nahiga sa kama padapa. Desperadang-desperada na talaga ako. Lalo na kapag sumasagi sa isip ko ang mga nangyari. Si Doc at si Joy.
Inggit na inggit ako sa totoo lang. Bakit kasi hindi ko magawang makipaglandian kahit marami namang may gusto. Matapang lang ako sa salita pero hindi sa gawa. Umuurong agad ako sa tuwing nagiging malalim ang relasyon.
Muli akong bumangon nang maramdaman ko ang pagbukas ng pinto sa aming kuwarto. Muntikan na akong mapasigaw kung hindi ko lamang nakita ang hawak nitong bag.
"Putangers! tinakot mo naman ako Glenna! ano bang nangyari sa iyo?" asik kong binato siya ng unan. Para siyang zombie na dahan-dahan naglakad papasok. Ang buhok niya ay gulong-gulo na tila binagyo. Nasa harapan pa halos lahat kaya 'di ko nakita ang mukha niya.
"Ayoko na! buwisit ang lalaking iyon. hindi worth ang pagta-trabaho ko sa kanya. Naturingan pa naman Attorney, kung patrabahuin ako parang kalabaw!" reklamo niyang ikinangisi ko. Wala siya sa boss kong tumitikim pa pala ng buhay na laman. Jusmiyo, dumaan na naman sa imahinasyon ko ang nakita kaninang tagpo.
Yuck! bakit bigla akong nakaamoy ng amoy zonrox? Parang 'di pa natatangal ang amoy ng puting likidong tumalsik sa mukha ko na galing kay dok!
Naupo si Glenna sa kanyang kama at mukha talagang pagod na pagod.
"Ano, resbakan na natin?" hinarap ko siya yakap ang unan. Nakakaawa talaga ang itsura niya pero hindi ko mapigilan ang matawa. Nakahanap rin ng katapat ang g*ga. Akala kasi maakit sa ganda niya lahat. Mukha ngang wala epek ang kamandag niya sa amo niyang...
Ewan ko kung lalaki ba talaga batay sa kuwento ng kaibigan ko.
"Alam ko naman na bago pa ang firm. Pero bhe, alagaan naman niya ako. Mukang kapag tumagal ako roon ay losyang na ako 'di pa man nakakapag-asawa. Baka iwanan akonni Artur."
Pilit kong sinusukil ang tawa ko ngunit hindi ko napigilan. Bumunghalit ako ng tawa, tuloy, binato niya ako ng unan.
"Tawa pa, akala mo naman okay ang amo mong manyak makatingin!" singhal niya sa akin. Minsan kasing nagpalinis siya ng ngipin ay halos hindi siya puwiin ni Dok. Hindi na lang magpasalamat kasi nilibre na siya. Kamahal din ng cleaning sa ngipin.
"May kuwento ako..." Lumapit ako sa kanya. Binalik ko ang unan at naupo sa tabi niya. "Alam mo bang may live porn show akong napanood kanina. And guessed who?!"
Nanlalaki ang mga mata niyang napabaling sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay na animo ay nagsisinungaling ako.
"Day! huwag mo akong tingnan ng ganyan. Hindi imagination iyon!nangamoy zonrox nga ako kanina dahil sa akin tumalsik!"
Napangiwi ako sa pagkukuwento habang siya ay napaismid at lalong hindi naniniwala ang pagmumukha.
Lumapit siya bigla sa akin at hinila ang buhok ko.
"Aray! Ano ba!" singhal ko dahil nanggigil pa sa paghila sa buhok ko.
Inamoy nga niya ako. Nakaligo na ako kaya sigurado akong burado na ang amoy ng semilya ni dok sa akin. Isang oras rin ako nagbabad. Inubos ko paligo ng mga tenant para bukas. Bahala na rin sila kung sila ang mangamoy. Wala naman kaming pasok bukas kaya ojay lang na walang liguan ng dalawang araw.
"Amoy zonrox ka nga! Sigurado ka bang hindi ikaw iyong nag-live show?" tanong ni Glenna na nakangisi pa.
Tinabig ko ang kanyang kamay kasabay ng pagtayo at pamemeywang sa kanyang. Anong akala niya sa akin? Boldstar? Oo, garapal ako at nangangailangan ng tikim dahil hindi pa ako nakakatikim ng masarap na luto ng Diyos! Pero hello world, hello Philippines, welcome sa bahay ni Kuya... naman! Gusto ko naman na pribado ang pakikipagsiping ko sa lalaki. Perstaym ko kaya dapat espesyal matikman ang monay at kabibe ko.
"Hindi ako! Papatulan ko ba naman si dok? Eh jusko, maliit pa yata sa hinliliit ko ang kanya. Buti nga at nakuntento si miss Joy at nasarapan!"
Humagalpak ng tawa si Glenna sa sinabi ko. Tuloy ay napatawa na rin ako.
"Really? Sila? Hindi makabasag pinggang si Miss Joy ah. Si dok lang pala katapat!" palatak niya.
"Baka in-injection-an ng anesthesia..." pahayag ko. Hindi talaga kapani-paniwala na gugustuhin ni Miss Joy si dok. Pero sabagay wala naman mali o hindi puwede pagdating sa pag-ibig. Ex ko nga eh!
Buwisit na ex iyon! Naalala ko na naman. Kaya yata minamalas ako sa pag-ibig dahil sa kanya. Sana magdusa siya at iwanan!
"Oh, siya. Liligo na muna ako," paalam ni Glenna habang kumukuha ng damit pamalit. "Salamat sa pagpapagaan ng gabi ko, Shaira," dagdag niya nang nasa pinto na.
Inirapan ko lamang siya bago muling tumalikod at binagsak ang katawan sa kama. Isiniksik ko ang ulo ko sa unan dahil nauna ang mukha ko sa pagbagsak.
"Bukas na lang tayo lalabas! Kailangan ko ng relaxation sa puny*ta*ng lalaking amo ko!" saad ni Glenna na sobrang bilis yata naligo. O dahil kalahatingvtimba na lang ang itinira ko. Buti at hindi siya nagreklamo.
Nang lingunin ko ang relo ko ay napagtanto kong sampung minuto na rin pala ang lumipas. Nakaidlip pala ako.
Bumaliktad ako at ngayon ay nakaharap na kay Glenna.
"Baka bading!"
Nagkibit balikat si Glenna at naupo sa tokador. Tinanggal niya ang kanyang tuwalya na nakapulupot sa kanyang ulo.
"Ewan, lalaking lalaki naman kumilos..."
"Naku day! Mayroon nga may girlfriend bading pala. Mga artista nga oh! Tignan mo si Rustom. Baka closet queen?" Muli kong pahayag na ipinagkibit balikat lamang uli ni Glenna.
"Sige, labas tayo. Kailangan ko bago ako pumasok sa kumbento!" wala sa loob na pahayag ko.
Bigla tuloy napapihit paharap si Glenna sa akin. Alam niya ang pangako ko sa Diyos. Kasama ko siya noong mangako akong magmamadre kapag natungtong ko ang edad na trenta. Long over due na kaya nagagalit na sa akin si Lord!
"Seryoso ka?" Hindi siya makapaniwalang tumayo at nilapitan ako. "Seryoso kang hindi ka titikim ng langit para mapunta sa totoong langit?"
Hinampas ko si Glenna ng unan. Buwisit to! Eh alam naman niya na gustong gusto kong may lalaking titikim sa akin pero wala eh. Hinding hindi naman ako basta-basta bubuka at magpapatuloy sa bahay bata ko. Kailangan naman may spark kami. At ang hanap ko eh panghabang buhay na. Bubuka na rin naman ako eh iyon ibubuka na rin niya buong buhay niya para sa akin. Hindi iyong magpapakasarap lang kami. Tapos ano? Iwanan? Lokohan?
Pero mukhang bahay ni Lord ang patutunguhan ko dahil wala talaga. Wala akong mahanapa na gusto ko. Ayaw ibigay ang kahilingan ko.
Napatayo si Glenna. Napapadyak pa ng paa.
"Kailangan na nating makahanap bukas! Baka seryosohin mo, mawiwindang pa ako sa mga sermon mo kapag natuloy ka sa pagmamadre!" ika niyang napataas pa ang kamay.
"Kapag wala talaga, papasok na talaga ako! May nakausap akong madre, sign na siguro iyon ni Lord at ipinapaalala ang pangako ko."
Seryoso ako pero si Glenna mukhang hindi dahil napahalakhak ito pagkatapos.
"Jusmiyo, Shai! Tatanggapin ka kaya nila roon? Baka gapangin mo si Father!" tatawa-tawa niyang saad na ikinairap ko. Napa-sign of the cross pa siya.
"Kainis ka ah...hindi porke't may jowabels ka at nakatikim na eh ganyan ang tingin mo sa akin. Hanggang salita lang naman ako. Alam mo naman na magaling lang ako sa salita at hindi sa gawa!" Nagtatampo kong saad.
Natatawa siyang muling naupo sa tabi ko at inakbayan.
"Mag-bar tayo bukas ng gabi. Sa ngayon, itulog na lang natin to. Para ma-beauty tayo kapag maghanap ng papa mo..." palatak ni Glenna na nagpangiti sa akin.
Tama, maghahanap ako ng papa. Papa-tay sa akin sa sarap. Papa-gapangin ako sa luwalhating matatanggap. Papa-hirapan ako dahil sa galing gumiling...
Papa....
Papatayin ko na ang ilaw. Inaantok na rin ako. Baka mapatay ako neto ni Glenna na mabilis na nakatulog lahit basa pa ang buhok. Rinig na rinig ko na ang hilik niya pagkatapos mahiga.