GEORGE's POV Habang hinihintay na matapos sina Chloe at Doris sa ginagawa nilang dessert ay nandito ako sa loob ng banyo ng kwarto namin ni Doris. Tinititigan ang aking sarili sa harap ng salamin. Hindi ko na maintindihan ang aking sarili. Bumabalik na ako sa dating ako. Alam kong masaya ako kay Doris. Mahal ko siya. Alam ko sa sarili kong binuhay niyang muli sa puso ko ang pagmamahal. Pagmamahal na akala ko ay hindi ko na muling mararamdaman. Napakabait na tao ni Doris. Napakabuti ng kanyang puso. Lagi niyang iniisip ang kapakanan ng mga taong nasa paligid niya. Kahit masaktan siya ay tinitiis niya para lamang maging masaya ang mga taong mahal niya sa buhay. Si Doris ang taong hindi rapat sinasaktan. Si Doris ang taong hindi rapat pinapaiyak. Si Doris ang taong dapat ay laging pinapasa

