CHAPTER 27

1318 Words
GEORGE's POV Habang hinihintay na matapos sina Chloe at Doris sa ginagawa nilang dessert ay nandito ako sa loob ng banyo ng kwarto namin ni Doris. Tinititigan ang aking sarili sa harap ng salamin. Hindi ko na maintindihan ang aking sarili. Bumabalik na ako sa dating ako. Alam kong masaya ako kay Doris. Mahal ko siya. Alam ko sa sarili kong binuhay niyang muli sa puso ko ang pagmamahal. Pagmamahal na akala ko ay hindi ko na muling mararamdaman. Napakabait na tao ni Doris. Napakabuti ng kanyang puso. Lagi niyang iniisip ang kapakanan ng mga taong nasa paligid niya. Kahit masaktan siya ay tinitiis niya para lamang maging masaya ang mga taong mahal niya sa buhay. Si Doris ang taong hindi rapat sinasaktan. Si Doris ang taong hindi rapat pinapaiyak. Si Doris ang taong dapat ay laging pinapasaya. Dahil iyon ang nararapat sa mga taong nagmamahal ng buong puso. Pero bakit ako nagpapakahudas? Bakit ako pumupunta sa maling direksyon? Alam ko noong una ay pagsubok lamang ang tingin ko kay Chloe. Isang pagsubok na kayang-kaya kong tapusin. Isang pagsubok na kaya kong puksain sa isang pitik lamang. Pero hindi. Habang tumatagal ay lalong lumalalim ang pagnanasa ko sa kaibigan ng asawa ko. Oo. Natural ang magkaroon ako ng attraction kay Chloe rahil maganda ito, sexy, kaakit-akit. Pero hindi tamang mag-isip pa ako ng higit doon. Maling isipin na may mangyayari pa sa aming dalawa. Maling isipin na ako at si Chloe ay magtatalik sa iisang gabi. Mali. Mali. May asawa na ako at hindi tamang nag-iisip pa ako ng makamundong pagnanasa para sa ibang babae. Best friend pa man din si Chloe ng asawa ko. Pero nagawa na namin. Nagawa na naming magkasala ni Chloe kay Doris. Ang itinatagong pagnanasa namin sa isa't isa ay sumabog. Narating na ng mga makasalanang kamay at bibig namin ang mga pribadong parte ng aming katawan. Nailabas na namin nang panandalian ang init ng aming katawan para sa isa't isa. Lumapat ang aming mga labi sa isa't isa na animo ay 'yon ang pinakanatural na rapat naming gawin. Umasal kami ni Chloe na parang hayop sa likod ng aking asawa. Sa mismong vacation house ng pamilya ni Doris. Hindi pa kami nagpaawat at sinubukan pa naming magparaos kahit alam naming nandiyan lang si Doris sa tabi at pwede kaming mahuli. Wala akong kwenta. Isang malaking disappointment. Nilalagay ko sa alanganin ang buhay ko bilang isang pamilyadong lalaki rahil lamang sa pagnanasa na nararamdaman ko para sa babaeng hindi ko naman asawa. Ang masama pa niyan ay mukhang kumakalat nang muli sa aking sistema ang pagiging mapaglaro, ang pagiging babaero, ang pagiging mapaghanap sa pagtatalik. Hindi ko napigilan ang sarili kong pumatol sa pakikipaglandian ng aking biyenang babae sa telepono. Hindi ko napigilan ang sarili kong magpakita ng munting motibo sa dating kamag-aral ni Doris. Bakit ganoon? Maaaring nagiging mapaglaro ako ngayon dahil hindi naibibigay ni Doris sa akin ang mga hinahanap ng isang lalaki sa kanyang asawa pagdating sa kama. Alam kong mababaw na rason iyon. Pero iyon lamang ang nakikita kong dahilan kung bakit bumabalik ako sa pagiging playboy. Kung playboy mang matatawag ito. Kahit saang anggulong tingnan ay mali rahil may asawa akong tao. Hindi tamang nakikipaglandian at nakikipaghalikan ako sa ibang babae. Alam ko sa sarili kong matagal ko nang tinalikuran ang pagiging babaero. 'Yon ay nang makilala ko si Doris. Mahal ko siya at ayaw ko siyang masaktan. Siya ang dahilan kung bakit nawala sa puso ko ang galit na kinimkim ko ng mahabang panahon. Siya ang dahilan kung bakit bumalik ang respeto ko sa mga babae. Siya ang dahilan kung bakit muli akong naniwala sa salitang pag-ibig. Kung bumabalik ako sa pagiging babaero, hindi kaya ang ibig sabihin ay hindi ko talagang mahal si Doris at... Hindi. Matagal ko nang kinalimutan ang parteng iyon ng aking pagkabata. Isang masalimuot na nakaraan na matagal ko nang ibinaon sa limot. Isang parte ng aking pagkatao na matagal ko nang ibinaon sa lupa, ngunit ay bumabalik-balik sa aking isipan paminsan-minsan. Taong 1999, kasama ko ang aking amang si Alfredo nang ipatigil nito sa aming driver na si Macario ang sinasakyan naming van sa tabi ng palengke. Alfredo: Itabi mo ang van sa gilid, Macario. George: Daddy, bakit po tayo tumigil dito? At saka, Daddy, bakit po parang nasa probinsya na tayo? Wala na po ba tayo sa Maynila? Tumingin-tingin ako sa labas ng bintana ng van. Alfredo: May bibisitahin lang ang Daddy mo, anak. At saka bibili tayo ng bulaklak diyan sa palengke kaya ko pinahinto itong van. George: Para po ba kay Mommy ang mga bulaklak, Daddy? Ngumiti lang si Daddy. Ngiting may halong lungkot sa mga mata nito. Alfredo: Malalaman mo rin, anak. Halika. Sumama ka sa akin. Iyon ang unang pagkakataon na nakapasok ako ng palengke. Iba't ibang uri ng amoy ang umaalingasaw. Maingay. Marumi. Pero masayang experience. Ang daming mga tao. Ang saya-saya ng mga tindero at tindera habang nag-aagawan ng mga mamimili. May ibang aburido, pero karamihan sa kanila ay masaya sa kanilang ginagawa. Hanggang humantong kami ni Daddy sa isang pwesto na nagbebenta ng mga bulaklak. Isang matandang ginang ang naroon at nag-aayos ng mga panindang bulaklak. Kasama nito ang isang batang babae na mukhang bata sa akin ng ilang taon. Napakaganda ng batang babae. Sa murang edad ko noon ay alam ko na ang ibig sabihin ng salitang maganda. Maganda kasi ang Mommy ko at lagi siyang pinupuri ng Daddy ko at sinasabihang maganda. Nang unang beses kong makita ang batang babae ay parang may lumukso sa aking kaliwang dibdib. Parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Parang umaliwalas ang paligid. Hanggang sa napansin ko na lang na nakangiti na pala ako rito at nakangiti ring pabalik sa akin ang batang babae. Tindera: Magandang hapon po, Sir. Ilang bouquet po ng bulaklak ang bibilhin niyo? Ngumiti ang tindera sa aking ama. Alfredo: Isang bouquet sana. Padagdagan na lang ng bulaklak. Dadagdagan ko na lang ang bayad. Tumango ang tindera. Tindera: Ah. Sige po, Sir. Sandali lang ho. Jessica, tulungan mo ako rito, anak. Nakita kong lumapit ang batang babae sa tindera. Jessica. Jessica ang pangalan ng batang babae. Jessica: O-opo, Inay. Muling tumingin sa akin ang batang babae bago nito tinulungan ang inang ayusin ang bouquet na binili ni Daddy. George: Ah, Daddy? Nilingon ako ni Daddy. Alfredo: Yes, hijo? Kumamot muna ako sa aking batok bago nagsalita. George: Uhm… Pwede rin po ba akong bumili ng isang tangkay ng bulaklak? Tumawa ng malakas si Daddy. Parang gusto kong mainis sa kanya pero naririnig kong buhay na buhay ang halakhak ng aking ama at talagang masaya ito. Alfredo: Binata na ang anak ko. Hinaplos ni Daddy ang aking buhok. Alfredo: At sino ang masuwerteng babae? Napatingin ako kay Jessica. Napakagandang pangalan para sa isang napakagandang babae. Sinundan ni Daddy ang hinahayon ng aking tingin. May kunot sa noo nito, pero mga ilang sandali lang ay tumango-tango ito. Alfredo: Not bad, hijo. Mga ilang sandali pa ay iniabot na kay Daddy ng tindera ng bulaklak ang bouquet na binili nito. Alfredo: At isang tangkay ng rosas para sa magandang bata sa iyong tabi. Nagulat ang tindera sa sinabi ni Daddy. Tindera: Ho? Don Alfredo: Ang sabi ko ay isang rosas para sa iyong magandang anak. Torpe kasi itong anak ko. Inakbayan ako ni Daddy at tinapik-tapik ang aking balikat. Tiningnan ko si Jessica at nakita ko ang ngiting sumilay sa mga labi nito. Napakaganda nito. Nagniningning ang mga mata. Namumula ang mga pisngi. Naroon na naman ang pakiramdam na parang tumatalon-talon ang aking puso. Ang sarap sa pakiramdam nang makita kong nakangiti sa akin si Jessica. Marami akong mga kaklaseng babae na ngumingiti sa akin, pero hindi ko pinapansin. Ang mga ngiti ni Jessica ay kakaiba. Para akong nabibighani. Para akong lumulutang sa alapaap. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Hindi. Hindi maaari. Parte na lamang siya ng aking nakaraan. ---------- to be continued…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD