Prologue

871 Words
    Thanks for saving me, Aries.” Malungkot na ngiti ang sumungaw sa labi ni Crystalle habang nakatunghay sa malawak na asul na karagatan.         Kasalukuyan silang nasa ibabaw ng kubyerta ng barkong kanilang sinasakyan patawid ng Masbate. Magkasama sila ngayon ng lalaking kaniyang pinakamamahal. Ang lalaking tunay niyang iniibig. Ang laking pilit na inilalayo ng kaniyang mga magulang sa kaniya.        Aries is a fire officer while Crystalle is a doctor. The latter comes from a family of physicians. Lahat ng napangasawa ng mga kapatid niyang doctor ay nasa pagitan ng abogado o politiko. Sa kanilang magkakapatid, siya lamang ang naglakas-loob na suwayin ang kanilang mga magulang. She didn’t want to be like her sisters. She want to marry for love not for wealth nor popularity.          Ang kaniya naming boyfriend na si Aries ay nanggaling lamang sa average family. Ang kaniyang mga magulang ay parehong guro. He was handsome and dignified man. At iyon ang nagpahulog sa loob ni Crystalle. “Alam mo namang gagawin ko ang lahat para sayo.” Nakangiting wika ng binata sabay hagip sa hibla ng buhok ng katipan na tinatangay ng hangin. Inilagay nito iyon sa likod ng tenga nito. “I love you.” “You’re my life Crystalle.” Anito sabay halik sa kamay nito. “Alam kong matatanggap pa rin nila ako kapag kasal na tayo.” She boldly said. Tumango naman si Aries pagkatapos ay dinampian ng halik ang noo ng dalaga. “Maam, Sir!”  Sabay silang napalingon nang marinig ang isang staff ng barko na tumawag sa kanila. May bitbit itong lifevest at halatang kabado. “What’s wrong?” kaagad na tanong ni Aries nang makalapit ito sa kanila. “May emergency pong nangyari. May problema pong nangyari sa makina ng barko. Pero kasalukuyan na pong inaayos ng marine engineers namin. Huwag po kayong mag-alala.” “Then, why are you giving these vests?” si Crystalle. “In case of emergency lang po. At least handa po kayo.” “Kaya pala tumigil itong barko.” Komento ng binata. “Yes----“ “BBOOMM!!” “Ano yon?” awtomatikong napalingon si Aries sa direksiyon ng pagsabog. Paglingon niya ay nanlaki ang kaniyang mga mata nang Makita ang makapal na usok mula sa ibaba ng barko.  A part of it explode and it created a vent on the vessel’s body making ocean waters rapidly flowing inside. Tumakbo si Aries sa railings ng barko sa gilid at dumukwang upang Makita nang maigi ang pangyayari. “Maam! Isuot niyo na po yan.” Hysterical na wika ng staff. Nanlaki ang mga mata na napamaang na lang si Crystalle dahil sa gulat. Alam niyang may hindi magandang pangyayari sa paligid. “Babe, what’s wrong down there? Anong nakita mo?” aniya na papunta sa direksiyon ng binata. Kumunot lalo ang kaniyang noo nang makitang pabalik na si Aries at malalaki ang hakbang. “Halika na.”  Hinagip nito ang kamay ng dalaga at halos patakbong hinila. “Akala ko ba inaayos na?” halos pasigaw na wika ni Crystalle nang Makita niya ang iilang pasahero na nagsilabasan na sa kanilang mga cabin. “This ship will sink soon. Kailangan mailiigtas natin ang mga sarili natin bago pa ito tuluyang lumubog.” Malakas na wika ng binata. Naririnig na nila sa paligid ang nagtitiliang mga pasahero. “Oh my gosh!” “Bilisan natin!” Pagkasabi n’on ng binata ay tuluyan na silang tumakbong dalawa at pumunta sa deck kung saan naroon ang mga rubber boat na dinidistribute ng mga cabin crew. Naririnig ni Crystalle sa paligid ang mga hiyawan at iyakan ng mga tao lalong-lalo nan g mga bata. Nang mga sandaling iyon ay di niya napigilan ang pag-iyak. “Sshh! Please do not cry. I’ll make sure na makakasakay tayo sa rubber boat.” BBOOMMM! Nakarinig na naman sila ng pangalawang pagsabog. Dahil doon ay mas lalong lumakas ang iyakan at sigawan ng mga tao. Nag-aagawan at nag-uunahan na sa pagsakay ng rubber boat. “Aries, natatakot ako.” “No, no. I’m here. Halika na. Dali!” “Excuse me sir.” Harang ng crew nang akmang sasakay silang dalawa sa rubber boat. “Pinapriority po muna namin yung naubusan ng life vest. Sila po muna ang pinapasakay namin.” Magalang bagamat naiinis na wika ng crew dahil halos mabuwal na ito sa kapal ng mga taong nagsusumiksik. “Ha?” “Sige na po, sir. Nakakaabal na po kayo.” “Teka, teka lang. Itong asawa ko na lang ang pasakayin niyo. Sige na po.” Hirit ni Aries. “May life vest na po ang asawa ninyo sir.” “Damn! May sakit siya kaya pasakayin mo na.” nagpipigil ang kamao na sigaw ni Aries sa crew dahilan upang mapatingin it okay Crystalle. Sinisiguro nito na may sakit nga ang babae. “Crystalle sumakay ka na---“ “Sir----“ “Tumahimik ka!” “Aries…” “Huwag ng matigas ang ulo. May life vest naman ako. Marunong akong lumangoy. Huwag kang mag-alala. Mahal kita. Sige na. Ibaba na nila.” Sa huling sandali ay hinagkan ng binata ang noo ng dalaga bago tuluyang ibinaba ng makapal na lubid ang rubber boat. Si Crystalle ay nakatanaw lang sa katipan habang tumutulo ang mga luha hanggang sa nawala na sa paningin niya si Aries na natabunan na rin ng mga nagsusumiksik na mga tao. Hindi mapigilan ni Crystalle ang hindi mapadasal. Their lives are at the verge between life and death. Paglipas ng sandali ay patuloy pa rin ang kahindikhindik na mga pangyayari. May mga pasahero na ring kusang tumalon sa dagat. Maya-maya ay biglang umapoy ang natitirang bahagi ng barko. Ang mga taong lulan ng ruuber boat na sinakyan ni Crystalle ay tuluyan na ring napahagulgol. “Miss, umilag----“ “Aries—“ Isang matigas na bagay ang biglang humampas sa ulo ni Crystalle dahilan upang dumilim ang kaniyang paningin at matapon sa dagat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD