Chapter 1

2322 Words
“Umalis na ba siya Manang Helen?”  Awtomatikong napalingon ang matandang katulong nang biglang nagsalita mula sa likuran niya si Arizton. “Oo, hijo. Kanina pa. Naawa ako sa kaniya. Mahal na mahal niya talaga ang kapatid mo.” “Loko kasi itong si Demitry. Kapag ayaw na sa babae, basta-basta na lang nawawala. Sana karmahin na.”  “Hahaha, kailangan niya lang ng leksyon hijo.” “Matigas ang ulo n’on Manang. Siya nga pala, aalis muna ako.” Anang binata na may dala-dalang net. “Mangingisda ka ulit? Tumango lang ang binata at ngumisi. “Nakahuli kasi ako kahapon sakay ng pump boat. It’s fun. I like it.” “O, mag-ingat ka ha.” “Oo naman po. Alis na po ako. Huwag niyo pong kalimutang lagyan ng tubig doon sa kuwadra ng kabayo Manang ha?” “Oo. Huwag kang mag-alala.” Dumiretso si Arizton sa garahe at sumakay sa motorsiklo niya papuntang laot. Itinali niya sa likuran ang net at tuluyan ng humarurot. The sun just rise over the tall coconut trees. Its too hot for anyone who did not used to exposure under the sun but for him, it’s perfect.           The sea breeze wiped his haired tan skin while driving smoothly over the sandy road. He wore a striped short and a gray sando. Like most days, he always tied his long hair behind.It was a small rocky island and their family owned it for many years already. It was sold to their father long ago by his politician friend. Pagkalipas ng mahabang sandali ay sumapit na rin siya. Itinabi niya ang kaniyang motor sa ilalim ng puno ng niyog at kinalag ang tali sa net. Napakatahimik ng paligid at tanging bugso ng hangin at hampas ng alon ang maririnig. Ang lugar na iyon ay isang munting paraiso. Ang mundong hindi kailanman hinangaan noon ng binata. He used to guns and criminal hunt. Natutunan niya lang mahalin ang ganitong buhay simula nang mag-asawa siya. Matapos hubarin ang shorts at itira ang boxers, binitbit na ni Arizton ang kaniyang net at tinunton ang kinaroroonan ng kaniyang fishing pump boat. Pinagawa niya iyon sa isang mangingisda sa kabilang bayan. Simple ngunit pulido ang pagkakagawa. Habang papalapit siya sa pump boat ay may nahagip ang kaniyang paningin sa malayong dalampasigan. Hinubad niya ang suot na sunglasses para aninagin iyon mula sa malayo. Hindi siya sigurado kung ano yun kaya tinakbo niya ito upang malapitan. “Damn!” mahina niyang mura nang matanto kung anu yon. It was a woman. Noong una’y nag-alangan siyang daluhan ito pero dahil sa udyok ng konsensiya ay nagawa nya ito. Dahan-dahan niyang iniharap ang nakasubsob nitong katawan sa buhangin at hinawi ang buhok na nakasabog sa mukha nito. “Huh!” napasinghap siya nang Makita ang dugo na nasa ulo nito. Ipinagpatuloy niya ang paghawi sa mga buhok nito hanggang sa humantad sa kaniyang paningin ang isang ordinaryong mukha na puno ng mga pasa at sugat. Sandali siyang napatitig sa mukhang iyon. Pagkuwa’y kaagad niyang pinulsuhan ang babae upang malaman kung buhay pa ba ito. Inilagay niya ang kaniyang dalawang daliri sa bandang leeg nito. Fortunately, her pulse is still strong. Dumukwang siya rito upang icheck ang paghinga nito. Doon niya nalamang hirap itong huminga. Kaagad niyang inayos ang katawan nito at walang alangan na binigyan ng mouth-to-mouth resuscitation. “Brk-bwark..uhuh!” Maraming tubig ang lumabas sa bibig ng babae at kaagad niya itong ibinangon. Umubo ito at unti-unting nagmulat ng mga mata. Mapupungay ang tingin nito na parang hindi siya nakikita. Everything is blurred to the woman. “Miss, buhay ka! Kaya mo bang tumayo? Kailangan kang magamot.” Kaswal niyang wika. “Huh!” sambit ng babae pagkuwa’y nawalan ito ng ulirat. “Tsk! Malas!” naiiritang binuhat ni Arizton ang babae. Alanganin niyang gawin iyon pero kailangan dahil hindi naman siya mamamatay tao na hahayaan lang mamatay ang isang taong nanganganib ang buhay.  Nang makarating sa motor ay kaagad niyang hinanapan ng paraan na maisakay ito. Itinali niya sa kaniyang katawan ang katawan nito mula sa likuran para hindi mahulog. Awtomatiko niyang pinaandar ang sasakyan at bumalik sa mansiyon. Nakalimutan na niyang dalhing muli ang kaniyang net. Walang tatlompung minute ay nakarating na siya. Buong lakas niyang tinawag si Mang Helen at ang asawa nitong hardinero upang daluhan siya. Ipinakarga niya ang katawan nito papunta sa loob ng bahay. Hindi na niya tinapunan pa ng tingin ang babae mula ng sandaling iyon. Binilinan niya lang ang matandang babae na gamutin at damitan ito ng tuyo. Sinabi niya rin ditto na kung magising na ito ay kaagad tanungin kung taga saan o kaya’y bigyan ng pamasahe para makauwi na. Sinunod lahat iyon ng matanda. Dinala nilang mag-asawa sa maid’s quarter ang babae at ginamot. “Berting, kumuha ka ng benda , alcohol at betadine doon sa cabinet.” Utos ng matandang babae. Agad naming tumalima ito. “Sa palagay mo Helen, sino kaya ito at anong nagyari sa kaniya?” ani Mang Berting habang kinukuha ang mga gamit. “Ewan ko Berting, baka isa to sa mga pasahero nung sumabog na barko. Kawawa naman.”  Hinawi ni Manang Helen ang buhok na tumabon sa mukha nito at nakaramdam siya nang awa. Ang daming pasa at sugat sa mukha nito. Napangiwi ang matanda nang Makita niya ang napakalaking sugat sa ulo nito. Sa palagay niya’y kailangan itong ipatahi upang sumara. “Berting, mukhang kailangan nating dalhin ito sa health center o kaya’y sa opital. O, tingnan mo oh. Napakalaki ng sugat.” “Tsk! Naku, oo nga. Teka, ipaalam ko muna kay sir Arizton.” “Naku, huwag na. Alam naman nating dalawa na ayaw niya sa mga babae diba? Kaya nga gusto na niya agad na magamot ito at ng mapauwi na.” Pinandilat niya ang asawa. “Oo nga pala. Sige, ihahanda ko yung pedicab ko doon-----“ “Tumawag na ako ng doctor sa health center. Papunta nay un ngayon ditto. Nandoon sa lamesita ang bayd sa doctor. Kayo na ang bahala diyan. Babalik na ako sa laot.” Nanlaki ang mga mata ng dalawang matanda nang biglang sumulpot si Arizton sa pinto ng silid na iyon. Pagkuwa’y umalis din. Hindi man lang nag-abalang tingnan ang babae o kumustahin. Dalawang oras ang lumipas ay naroon na ang matandang doctor na tinawagan ng binata. Nang dumating ito ay kaagad itong sinalubong ni Manang Helen at dire-diretso sila sa silid na kinaroroonan ng dalaga. “Salamat ,doc at dumating kayo.” Nakangiting wika ni manang nang makapasok sila sa silid.  “Alam mo naman na malaki ang utang na loob ko sa pamilyang ito.” Anang doctor na sinipat na ang sugat sa ulo ng babae. May inilabas itong mga aparato mula sa case na dala nito pagkatapos nagsuot ng mask. Inalalayan ito ni Manang Helen sa mga gagamiting aparato. Ilang minuto ang itinagal bago tuluyang natahi ang malaking sugat nito sa ulo. “Malalim po ba ang sugat niya doc?” ani Mang Berting. “Hindi naman masyado. Hindi naman malala. Reresitahan ko lang kayo ng gamot na ipainom ninyo sa kaniya para mas mapadali ang paghilom nito at anti-tetanus na rin.” “Hay salamat naman.” Ani Manng Helen na napahugot ng malalim. “Kaanu-anu po ba ito ninyo?” baling doctor habang nagliligpit ng mga aparato. “Natagpuan poi to ni Sir Arizton sa dalampasigan kaninang umaga.” “Huh? Baka isa to sa mga pasahero nung sumabog na barko.” “Yun nga rin ang hinala namin doc.” “Well, this is her second life. Bihira ang mabuhay sa mga aksidenteng katulad n’on. “Tama po kayo, doc.”  “O siya, aalis na ako kasi babalik rin ako kaagad sa Health Center kasi consultation day ngayon.”  Pagkasabi n’on ay tumayo na ang doctor at binitbit ang kaniyang case. Iniabot sa kaniya ni Manang Helen ang pambayad sa professional fee nito. “Salamat! Paki-sabi kay Arizton na bumisita rin sa bahay paminsan-minsan.” “Makakarating doc. Berting, ihatid mo na si doc.” ----------------------------------------------------- Pasado alas sais y media na nang dumating c Arizton sa mansiyon. Kaagad siyang sinalubong ni Mang Berting upang kunin ang net at mga isdang huli nito. “Wow, nakahuli ka pala ng malaking isda sir? Ang galling.” Natutuwang wika ng matanda nang masilayan ang isang batya na may malaking isda. Sa tantiya niya ay aabot iyon ng tatlong kilo. “Oo nga Manong. Mas lalo ako tuloy nahumaling mangisda.” Nakangiting komento niya habang pinaparada ang motorsiklo niya sa garahe katabi ng kotse niya. “Ano po bang gustong ipaluto niyo ditto?” “Sabihin m okay manang na ihawin yan at maghanda na rin siya ng maanghang na sawsawan. Sabay-sabay na lang tayong kakain mamaya.” Anang binata sabay kindat. “Talaga sir?” “Hahaha oo naman. Blowout ko yan sa inyo. Hindi ko naman yan mauubos. Sige na po manong dalhin niyo na yan sa kusina. Aakyat na ako para maligo.” “Sige sir. Tatawagin ka na lang namin kapag naluto na. Teka, hindi k aba magtatanong tungkol sa----“ “Pinauwi niyo na ba manong?” lumingon siya mula sa kaniyang kinatatayuan. “Hindi pa po nagising sir.” Pagkarinig n’on ay biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Arizton. It’s an irritation. “B-baka bukas po magigising na din yun.” “Sana nga para hindi na siya maka-abala.” Mabilis siyang tumalikod at nagtuloy-tuloy sa loob ng bahay. Walang nagawa si Mang bBerting kundi mapailing na lang. Nasanay na sila sa pakikitungo ng binata tuwing may magawi ng babae sa mansiyon. Kadalasan non ay sila lang dalawa mag-asawa ang humaharap. Ayaw kasi nitong makihalubilo sa mga babae. Pagkarating ng binata sa sariling silid ay kaagad siyang nagbuhad ng mga saplot at dire-diretso sa shower room. Doo’y itinapat niya ang sarili sa lagaslas ng tubig. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis siya. Habang nagsusuot siya ng damit ay nakatitig siya sa malaking portrait ni Flourence doon sa kaniyang kwarto. “I miss you badly.” Isang matipid na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi habang pinagmamasdan ang magandang mukha ng pumanaw niyang asawa. Napapitlag siya nang biglang makarinig  ng katok mula sa pinto. Mabilis niyang isinuot ang kaniyang short at binuksan na ang pinto kahit hindi pa siya nakapang-ibabaw na damit. “Mang Berting-----“ “Aries!” Nanlaki ang mga mata ng binata nang Makita ang taong nasa harapan niya ngayon. Bago pa siya makapag-react ay pumulupot na ang mga braso ng babae sa kaniyang leeg at walang preno-preno siyang siniil ng halik. “’s**t!”      Nang makabawi siya mula sa pagkagulat ay mabilis niyang itinulak ang babae. “Excuse me, Miss. Wala kang karapatang gumala ditto sa mansiyon namin at mas lalong wala kang karapatan lumandi ditto. Tinulungan kita para mabuhay. Ang kapal naman ng mukha mo para bastosin ang ala-ala ng asawa ko.” Nagdidilim ang anyong wika ni Arizton. Kung hindi ito babae siguro ay nasuntok na niya ito. “W-hat are you t-telling me?” anito na mistulang maiiyak. “Simple. Umalis ka sa harapan ko.” Pagkasabi n’on ng binata ay pabalibag niyang isinara pabalik ang pinto. Kaagad siyang dumiretso sa telepono at tinawagan si Manang Helen. “Manang, dalhan niyo na lang ako ng pagkain ditto sa kwarto.” Aniya. Hindi pa nga nakasagot ang matanda ay ibinababa na niya ito sa dial.  “That woman is a b***h! She might be a whore.”  Bugnot ang mukhang humiga siya sa kama at nagbasa ng Readers’ Digest magazine. Nawalan na siya ng ganang lumabas. Pakiwari niya’y nasaktan niya ang asawa dahil sa nangyari. Pagkaraan ng ilang minute ay may kumatok na naman. “Ikaw na ba yan Manang?” panigurado niya. “Oo, hijo.” Pagkarinig n’on ay awtomatiko siyang napatalon sa kama at dirediretso sa pinto. “Ano bang nangyari sayo?” anang matanda nang bumukas ang dahon ng pinto. “Wala po. Naisip ko lang na gusto kong kumain rito.” “O, hinay-hinay. Mainit yang kanin.” “Salamat po Manang.” “Okay, alis na ako.” Nang sumara ang pinto ay lintakan niya kaagad ang pagkain. ------------------------------------------------------------ KINABUKASAN natuwa si Manang Helen nang makitang bumangon na ang estrangherang babae sa higaan nito na katapat lang ng higaan niya. “Hija, mabuti naman at nagkamalay ka na.” Imbes na sumagot ay tulala itong nakatingin sa kaniyang dako “Okay ka lang?” untag ng matanda. “Gusto kong Makita si Aries.” “Huh? Teka, teka…” bumangon si Manang Helen at lumapit ditto. “Maupo ka muna hija kasi baka mapano yang tahi sa ulo mo.” “Bakit ayaw na ni Aries sa akin?” Humikbi ang babae. “Oy, huwag kang umiyak. Teka, tumahan ka muna. Ano bang pangalan mo hija?” Matagal bago ito sumagot. “S-sino po kayo?” “Ako si Helen. Katulong ng lalaking nakakita sayo sa dalampasigan. Ikaw, anong pangalan mo?” “Hmm…h-hindi ko po maalala.” “ANO? Alalahanin mo hija.” Pumikit ang babae at hinilot ang sentido. “Masakit po ang ulo ko. Hindi ko po alam ang pangalan ko.” “Santisima! May amnesia ka.” “Nasaan po ba si Aries, Manang Helen?” “Sinong Aries ang tinutukoy mo? Walang Aries na nakatira ditto. Ang pangalan ng amok o ay Arizton.” “Hindi po. Nakita ko po si Aries kagabi. Hinalikan ko pa po nga siya.”panggigiit nito. “Sino ba yang Aries, hija?” “Boyfriend ko po.” “Naku! Malaking problema to.” Bulong ng matanda sa sarili. Napatitig siya sa kawawang babae. Napakainosente ng mukha nito at napaka-amo. Napailing na lang siya habang iniisip ang sitwasyon ng buhay nito. Minabuti niyang magpaalam sa babae at lumabas muna para kausapin si Arizton. Binilinan niya itong huwag lumabas ng silid. Tumango naman ito. Patakbong tinungo ni Manang Helen si Arizton na kasalukuyang nagkakape sa terasa ng umagang iyon. “Hijo--“ “If that’s about that damn woman do not tell me. Ang gawin po ninyo ay ihatid siya sa terminal ng bus at bigyan niyo ng pamasahe kung saan siya uuwi.” “Yun nga ang problema hijo eh.” Lumapit ang matanda sa kaniya. “Bakit?” kumunot ang mukha niya nang bumaling. “Hindi niya po alam ang pangalan niya.” “Damn!..” “Ano pong gagawin natin sir?” Hindi sumagot si Arizton. Nagpatuloy lang ito sa paghigop ng kape. “Iisipin ko muna manang kung paano dispatsahin ang babaeng yan ditto. Bumalik ka na sa trabaho mo.” Walang tingin-tinging saad ng binata. “Opo. Teka, magpapaalam muna kami ni Berting sayo. Birthday kasi ng pumanaw kong anak. Dadalaw sana kami sa sementeryo---“ “Walang problema manang. You can go.” “Salamat, hijo.” Mabilis itong umalis nang maramdaman na mapait ang timpla ng binata.      ---------------------------------------------------------------------- Alas diyes ng umaga nang umalis si Mang Berting at Manang Helen papuntang sementeryo. Nagpaalam ito na makakabalik rin daw sila kaagad bago magtanghali. Malugod naming pinahinulutan iyon ng binata. Nang mga sandaling iyon ay pababa siya ng hagdan para tumungo sa dining room at kumuha ng malamig na tubig.  “Aries! Mabuti naman at nakita kita. Kanina pa kita hinahanap.” Akmang yayakap ang babae sa kaniya ngunit mabilis niyang nahagip ang kamay nito. Marahas niya itong tinulak at nilagpasan lang. Isang matalim na titig ang kaniyang itinapon ditto. “Galit ka ba dahil wala pang nangyayari sa atin?” Napahinto si Arizton sa paghakbang nang marinig ang sinabi nito. “Kaya nga ako sumama sayo dahil handa na ako. Pakakasal din naman tayo pagkatapos diba?” She’s really getting into his nerves. Sa pagkakataong yon ay gusto na niyang humulagpos sa galit. Kinuyom niya ang kaniyang mga palad at lumingon. There he saw her crying while taking off the last piece of her garments.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD