Chapter 7

2157 Words
“May tao ba diyan?” sigaw ni Crystalle mula sa loob. Kinalkal niya ang door knob ng pinto pero hindi talaga bumukas. She’s locked down for almost one hour. The sound of silence deafened her. Gusto niyang malaman kung nasaan siya at kung sino ang kumidnap sa kaniya. Nang mapagod sa kakapatid sa pinto ay nalalantang bumalik siya sa kama. Doon pa niya napansin ang mga damit niyang nagkalat sa sahig. Isa-isa niya iyong pinulot habang umiiyak. She’s helpless and scared. Kahit labag sa loob, isinuot niyang muli ang kaniyang damit. Wala naman siyang magagawa dahil walang anuman siyang nakikita sa silid na iyon maliban sa kama at cabinet na wala namang laman. Maya-maya’y napasinghap siya nang makarinig ng tunog mula sa labas ng pinto. Mabilis siyang tumayo at lumapit doon. “Magandang umaga, hija.” Isang matandang babae ang nakangiting sumungaw at sumalubong sa kaniya. “Sino po kayo? Nasaan po ako? Sinong nagdala sa akin ditto?” galit na asik ng dalaga. “Ah…hindi ko masasagot yan hija. Nandito ako para asikasuhin ka. Halika na, nakahanda na ang agahan.” Kalmadong sagot ng ginang. Kunot-noong tumahimik si Crystalle at sumunod sa matanda. Pagkalabas niya ng silid ay bumulaga sa kaniya ang malawak at malaking bahay na yari sa marmol. She inferred that the mansion was built a very long time ago.      The materials found mostly at the corners were made with stones, woods and granites. It was a vintage mansion. Hindi niya maiwasan ang mamangha sa buong kabahayan lalong-lalo na nang bumaba na sila ng hagdan at kita niya ang malaking chandelier sa pinakakabisera ng bahay. “Manang, kaninong pagmamay-ari itong bahay na ito? Natitiyak kong, ang may ari nito ang kumidnap sa akin.” Tahimik lang ang ginang hanggang sa sumapit sila sa dining room. Namangha ulit si Crystalle. The theme of the room will bring you back to the Spanish colonization. From the kind of chairs and table to the walls and the celing, she can conclude that she’s abducted by someone who is great. “Umupo ka, hija.” “Nasaan ang amo mo manang? Hindi naman puwede na ikaw ang bubuntunan ko ng galit.” “Ah si sir ba ang tinatanong mo? Wala siya ditto. Gabi na siya kung umuuwi.” Dahil sa sinabi ng ginang ay nalaman ng dalaga na lalaki nga talaga ang mastermind sa pagkidnap sa kaniya. At ang lalaking iyon ang maaaring sumantala sa kaniyang karupukan ng gabing nagdaan. Sandaling pumikit si Crystalle at inalala ang nangyari.  Napakalamig ng silid na pinagdalhan sa kaniya ngunit napakadilim rin. Naalala pa niya ang bulto ng lalaki ngunit hindi ang mukha nito. Nakakahiya man aminin pero nawala siya sa katinuan nang maramdaman ang init ng katawan nito. The way he moved against her body made her crazy at that moment. “Huh!” May naalala na siya. Ang lalaking nakaulayaw niya ay may mahabang buhok. “Damn!” “Manang, gusto kong makausap ang amo mo. Puwede mob a siyang tawagan, importante kasi ito. Kidnapping itong ginagawa niya. Puwede ko pa siyang kasuhan ng illegal detention dahil sa pagkulong sa akin doon sa kuwarto.” “Naku, hija. Wala akong cellphone.” “Telepono, meron naman siguro ditto. Alam niyo ba ang numero ng amo mo?” “Hindi rin. Teka, o, kumain ka na.” Idinulog ng ginang sa hapag ang mainit na kanin, pritong isda at salad na pipino. Ngumiti si Crystalle ng matipid sa nakita. “Salamat, manang. Ikaw, hindi ka pa ba kakain? Sabayan mo na lang ako. Teka, hindi ko na lang aantayin ang amo ninyo. Aalis na ako kaagad pagkatapos kumain. Sa husgado na lang kami maghaharap.” “Naku hija. Hindi ka makakaalis ditto sa isla dahil pribado ito. Walang bumabyaheng pampublikong Bangka ditto bukod na lang sa bangkang pagmamay-ari ng amo ko.” “WHAT? TEKA, NASAAN BA TALAGA AKO MANANG?” “Wala po akong karapatan na magbigay impormasyon----“ “Babayaran kita, manang. Sagutin mo lang ang mga tanong ko. Please tulungan mo naman ako.” Ngumiti lang ang matanda at hindi nagsalita. “O, siya. Maiwan na muna kita dyan. Magwawalis muna ako doon sa sala.” “Manang…” pagsusumamo ni Crystalle. “Bilin po sa akin ni sir eh. Tumutupad lang po ako kasi malaki ang utang na loob ko sa kaniya.” Napabuntung hininga na lang siya dahil sa narinig. Ayaw na niyang pilitin ang matanda dahil base sa ekspresiyon nito malaki ang respeto nito sa amo. Naiwan doong bahagya siyang nakatulala. Maya-maya ay nagsimula na siyang kumain. Pakiramdam niya ay para siyang lutang. Walang katao-tao sa paligid niya at kay tahimik ng lugar. Mag-isa na lang niyang kinakausan ang sarili na parang timang. Nang matapos kumain ay hinugasan niya agad ang kaniyang pinagkainan. Lumabas siya sa naturang silid at hinanap ang ginang. Nang magawi siya sa salas ay nakakita siya doon ng napakaraming paintings. May napakalaki ding charcoal sketch kung saan may babaeng karga ang isang sanggol katabi nito ang asawa at may apat na batang lalaking kasama. Namangha siya sa family picture na iyon dahil mahusay ang pagkakagawa. Napangiti rin siya nang mapagmasdan ang apat na guwapong batang lalaki. “Ang pamilyang iyan ang nagmamay-ari itong mansiyon, hija.” Napapitlag si Crystalle sa biglang pagsulpot ng babae mula sa kaniyang likuran. “Para naman akong atakihin sa panggugulat mo manang.” “Nasaan na sila eh bakit wala yatang nanirahan dito?” “Yung mag-asawa ay naroon na sa America habang ang magkakapatid na iyan ay may kani-kaniyang buhay na.” “Eh, sino yung naiwan dito?” “Ang kanilang panganay. Naku, napakaluma nang litratong iyan.” Sandaling natigilan si Crystalle. Naalala niya ang araw ngayon kung kailan siya ikakasal sana. Sumeryoso ang kaniyang mukha at gumuhit ang panghihinayang. Ngunit may kakaiba siyang nakakapa sa kaniyang puso. It’s the freedom. Pakiramdam niya ay lumaya siya. Hindi man lang siya nakaramdam ng kabiguan dahil sa nangyari. Sa halip ay parang curious siya sa mundong kinagisnan niya ngayong umaga. Bukod na lang sa nangyari kagabi na lubusan niyang pinagsisihan at kinasuklaman. “Manang, puwede bang humiram ng damit?” “Hala! Ngayon ko pa naalala. Ibinili ka pala ni sir ng mga damit.” Kumunot bigla ang kaniyang noo sa narinig. “Anong ibig sabihin mo manang?” “Bago siya umalis kanina. May iniabot siyang paper bags sa akin.Sabi niya, gamitin mo raw ang mga iyon. Teka kukunin ko sa itaas.” Hindi kaagad nakapagsalita si Crystalle. Napapantastikuhan siya sa mga nangyayari. Paglipas ng ilang saglit ay nakabalik na ang ginang at may dalang dalawang paper bags. “Heto!” “Teaka-teka, sigurado po kayo para sa akin yan?” “Oo naman. Tayo lang naman dalawa dito eh.” “Huh! So, irony.” Natatawa niyang sambit sabay tanggap. “Sukatin mo na sa itaas.” Natutuwang sabi nito. “Kung hindi ko lang talaga kailangan maligo…tsk tsk” Naiiling na umakyat pabalik sa silid na kinaroroonan kanina si Crytstalle. ------------------------------------------------------------------------------ “Hello…” bungad ni Paolo sa cellphone. Limang araw ng nawawala ang kaniyang mapapangasawa. Magkahalo na ang galit at lungkot na kaniyang nararamdaman dahil sa nainsyaming kasal nila ni Crystalle. Desperado na siyang Makita o matunton ang kinaroroonan ng lintik na taong tumangay sa kaniyang fiancée. Kalakip ng pag-alala ay nagtataka rin silang kamag-anak ng nawawala kung bakit hindi tumatawag ang kidnapper para humingi ng ransom. “Sir, may lead na po kami kung sino ang tumangay sa mapapangasawa ninyo.” Anang lalaking kinuha ng binata bilang private investigator. “Sino?” “Hindi pa kami sigurado sa pagkakakilanlan niya pero may nakapagsabi na kilala raw ng girlfriend ninyo ang tumangay sa kaniya. Matangkad na lalaki at mahaba ang buhok.” “Damn! Bakit hindi niyo pa nakuha ang pangalan?” asik ni Paolo. “May pinagsususpetsahan na po kami. Yung lalaking ginamot ng asawa ninyo sa Masbate ang prime suspect. Angkop rin sa kaniya ang detalye.” “Sino kung ganon?” “Huwag po kayong mabibigla sir. Isa po siyang alagad ng batas noon at may koneksiyon sa FBI ng America.” “Lintik! Diretsuhin mo ako, wala akong pakialam kung sino ang hudas na yan!” “Si Arizton Mondragon po.” “DAMN! Kung sino man ang lalaking yan, hindi ako natatakot sa kaniya.” “Wala pa kaming matibay na ebidensya upang kasuhan siya at dakpin.” “Hanapan niyo. Huwag kayong babagal-bagal.” “Okay sir,.” “Bye!” Mariing pinindot ni Paolo ang end call button ng cellphone. Alas nan g gabi at kasalakuyan siyang nagpapahangin sa terasa ng kaniyang bahay.Sumasakit na ang ulo niya sa kakahanap kay Crystalle. Dumadagdag pa ang kaliwa’t-kanang meeting para sa napapalapit na simula ng campaign period kung saan ay tatakbo siya bilang Mayor ng lungsod. -------------------------------------------------------------- Matapos magdasal ni Gng. Victoria San Diego ay pumasok na siya sa silid nilang mag-asawa upang matulog. Ilang gabi na silang kulang sa tulog dahil sa sobrang pag-alala kung nasaan na ang kanilang anak. Maya’t-maya ang kanilang pagtawag sa estasyon ng pulis upang malaman ang takbo ng man-hunt. Ngunit katulad din ng nagdaang mga araw, iiyak lamang at walang magagawa ang ginang para sa kaniyang anak. Ang bawat sandaling pumapatak ay mistulang pumupuyos sa kaniyang dibdib ng labis. Ang kaniya namang asawa  ay pilit siyang pinapakalma. Tanging si Paolo ang kanilang inaasahan upang mas mapadali ang pagkahanap sa kanilang anak. “Kring…” Pinulot ni Gng. San Diego ang telepono na nasa ibabaw ng lamesita. “Ma?” “Crystalle? Anak!” napahagulgol na wika nito. Si Gng. Alexander San Diego naman ay napapitlag at mabilis na lumapit sa asawa. “Ma…” “Anak…nasaan ka ba? Sinong kumidnap sayo?” “Crystalle, anak” singit ng ama. “Ma, pa…okay lang ako. Wala pong nangyaring masama sa akin. Babalik rin ako kaagad diyan. Uuwi ako. May kailangan lang muna akong asikasuhin.” Mangiyak-ngiyak na wika ng dalaga. “Anak, hindi ako naniniwala sayo.” “Ma, okay lang talaga ako.” “Hindi ka kinidnap?” “Mahabang storya mama.” “Anak, umuwi ka na. Aatakihin ako sa puso.” “Promise, uuwi ako dyan. Sige na, magpahinga na kayo.” “Anak, mahal ka namin. Hihintayin ka namin ha.” “Oo mama, I love you. Goodnight.” ----------------------------------------------------------------------------------------------------- Ikalimang-gabi na ni Crystalle sa silid na iyon. Katulad ng ibang araw, wala siyang magawa upang makatawid sa isla kahit anong pag-iisip niya ng paraan. Hindi rin umuwi ang amo ni Manang Cita na gusto niyang komprontahin at pagbantaan dahil sa ginawa. Gustong-gusto kasi niya itong Makita o makilala upang alam naman niya kung sino ang taong kakasuhan niya. Hindi pa rin kasi nagsalita ang ginang tungkol dito. Magiging katawa-tawa siya kung lalapit siya sa abogado na hindi alam kung sino ang irereklamo niya. Alas-otso nan g gabi nang tumingin siya sa orasan na nasa pader. Tahimik na ang buong kabahayan. Nakakatakot nga kung tutuusin dahil dalawa lang sila sa buong bahay. Dahil hindi pa siya dinalaw ng antok ay nagpasya siyang lumabas ng silid at dumiretso sa terasa na karugtong nito. Maliwanag ang buwan ng gabi iyon. Mula sa malayo ay tanaw niya ang mga naghahampasang alon sa dagat. Noong isang araw ay nais niyang pumunta sa dagat ngunit pinagbawalan siya ng ginang dahil baka raw maligaw siya at walang makakatulong sa kaniya. Dadaan ka pa kasi sa mga niyugan bago sumapit sa baybayin. Umupo siya sa marmol na bangko at hinayaan ang mahabang buho na tangayin ng hangin habang nakamasid sa paligid. “Ah…this is a piece of paradise.” Bulalas niya. Maya-maya ay may naulinigan siya mula sa malayo. Bigla siyang tumayo at nagpalinga-linga sa paligid upang mas marinig ang pinagmulan ng tunog. Nang humakbang siya papuntang dulo ng terasa ay may nakita siya. Isang motor na papalapit sa mansion. “My goodness!” Napasinghap siya nang bigla siyang makaramdaman ng kaba. Ito na ba ang kaniyang hinihintay? Ito kaya ang lalaking nangahas na angkinin at kidnappin siya? Ang mga tanong na iyon ay sa wakas masasagot na niya ngayon. Dali-dali siyang tumakbo pababa. Napahinto siya bigla nang Makita si Mang Cita na nagbukas sa main door ng bahay. Minabuti niyang magtago sa isang poste. Gusto niyang makompronta ang lalaki na wala ang ginang. Ayaw niyang may makaalam sa sinapit niya sa kamay nito. Mula sa pasilipsilip niya ay nakita na niya ang lalaki. Nakatalikod ito sa gawi niya at hindi nga nagkamali ang kaniyang alaala. Mahaba ang buhok nito at matipuno ang pangangatawan. Mas matangkad pa ito kaysa sa kay Paolo. His complexion was dark and it made her gulped. Something was wrong inside her. Her curiousity devoured her senses. “Huh? Nasaan na siya?” Laking gulat niya na sa isang iglap lang ay biglang nawala ang lalaki. Naiwan na lang doon si Manang Cita na nagsara na ulit ng main door. Mabilis siyang bumaba at lumapit sa matanda. “Dumating na po ba ang amo mo, Manang?” “Ah, oo, hija. Naroon siya sa library. Bilin niya sa akin na huwag ka raw pupunta doon.” “Aba! Bakit?” “Naku, hija, sundin mo na lang siya. Nakakamatay kung magalit si sir.” “Aisshh…okay lang manang. Ang importante magkaharap kami.” “Bukas na hija, palipasin mo muna. Parang pagod yata yun.” “Hindi na manang. Dahil bukas uuwi na talaga ako.” Pagkasabi n’on ay tumalikod na si Crystalle. Naiiling na lang na naiwan doon ang isa.  Mula sa hagdanan ay halos patakbong tinungo ni Crystalle ang pasilyo sa ikalawang palapag kung saan naroon ang library. Matapos ang maraming hakbang ay sumapit na siya sa harap ng malaking pinto. Tumigil muna siya at  huminga ng malalim. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang pinihit ang seradura upang tuluyang makapasok. “Huh!” Napasinghap siya nang bumalaga sa kaniya ang kadiliman ng silid na iyon. Hinintakutan siya bigla nang Makita sa isang sulok ang pulang ilaw na hindi sapat ang liwanang upang Makita ang buong silid. “Alam kong narito ka.” Buong tapang na wika ni Crystalle at humakbang papasok. Katahimikan lang ang sumagot sa kaniya imbes na tao. Bukod pa man ay nagpatuloy pa rin siya. “Anong kasalanan ko sayo bakit mo ako kinidnap?” nangatal na ang boses ng dalaga nang magsimula na siyang makaramdam ng takot. Sa patuloy niyang paghakbang ay naulinigan siyang lagaslas ng tubig. Tinunton niya iyon at tumambad sa kaniya ang maliit na silid kung saan tanging kandila ang umiilaw. Eksaktong paglingon niya sa gawing kanan nahagip niya ang bultong nakatambad sa dutsa ng tubig. Hubo’t hubad. “Stop there! or else…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD