
"Piliin ko man kalimutan, patuloy pa rin ako minumulto ng nakaraan. Nakaraan na ayaw ko nang balikan, pero nandito ulit para ilugmok ako sa kahihiyan..."
Hindi lubos maisip ni Kayna na muling mauungkat ang nakaraan na matagal na niyang kinalimutan at tinakbuhan. Kung kailan magkakaroon na sila ng anak ng asawa niyang si Dennis ay saka naman mabubunyag ang matagal na niyang tinatago na magiging dahilan nang pagkawala ng dinadala niya at masisira ang masayang pamilyang binuo niya. pati na rin ang biyenan niyang pandidirian siya.
Panahon na lugmok siya, babalik ang taong sasalo at tutulungan siyang bumangon ulit. Ang taong unang nagpatibok sa puso niya at ang una ring nanakit sa kanya ay walang iba si Eleazer, ang sikat na ngayong bilyonaryo ng pilipinas. Tutulungan ba siya nitong linisin ang kanyang pangalan niya o ito ang magiging dahilan na masira lalo ang masayang pamilyang binuo niya?
