Chapter 1
Bilang isang babae,isa rin sa mga ngangarap ng mala fairy tale na kwento ng pag-ibig.Yes, I've been married to a man that everyone dreamed.Hindi alam ng mga kaibigan ko na kasal na ako sa isang bilyonaryo at may ari ng University.
Napabuntonghininga hininga na lang ako, bumangon na ako at pumunta sa Cr para magtoothbrush at maghanda ng almusal,mamaya pa naman ang pasok ko.Hindi umuwi ang asawa ko ,siguro nandoon na naman iyon sa bahay ng kanyang mga magulang ni minsan ni hindi pa niya ako naipakilala doon.
Ang sakit,di ba?Siguro nga kailangan ko mag aral ng mabuti at makapagtrabaho para maiharap na niya ako sa kanyang pamilya.Nakilala ko si Drey noong nagkaroon ng Event sa school namin,noong una hindi ko alam na isa siya sa may ari ng University,we date secretly,sinagot ko siya,at one year after niyaya niya ako magpakasal ,mahal ko siya kaya hindi na ako nagdalawang isip.Hindi kayamanan ang habol ko,siguro kung sa pagkakataon na mahirap lang si Drey pakasalan ko pa rin siya.But now we're one and half year marriage na pero bigla na lang siya nagbago.
Okay naman sa akin ang set up namin.Sabi niya sa tamang panahon daw niya ako ipakilala sa parents niya,tanggap ko iyon kahit masakit sa akin na parang ikinakahiya niya ako.He Don't want a kid,so nag pipills ako,at mas pabor namin sa akin kase nag aaral pa din ako.
Minsan lang siya pumupunta sa school kapag may event lang.Bumili siya ng bahay para sa akin,kasi nga dati sa maliit na apartment lang ako nangungupahan,minsan si Cassy pa nag babayad or Si Ann.At minsan rin dati na hindi pa ako scholar sila Kelly, Bea,Ann at Cassy ang nagbabayad ng tuition ko.Noong naging kami na ni Drey sabi niya no need na ang scholarship kasi he afford to pay it,but I refused kasi magtataka ang mga ibang estudyante na kilala ako at mg kaibigan kung saan ako kukuha ng pambayad,so I suggest na kukuha ako ng scholarship at na maintain ko naman pati grades ko.
Pero bigla siya nagbago ,few months ago hindi na siya umuuwi.Ayoko ko lang mag tanung kasi nagagalit siya.Minsan nagtanung ako kung bakit hindi na siya umuwi sa bahay,nag away kami.
He really change,hindi na siya malambing.I'm afraid na baka nakahanap siya ng mas bagay sa kanya.Pero I trust him,ayoko ko lang mag-isip.Ayoko ko masira ang pagsasama namin.I love him so much,siya lang ang pamilya na meron ako bukod sa apat ko na mga kaibigan.