Chapter 10

533 Words
"Jane ,I still love you"-saad ni Drey na naluluha pa ito. Hindi ako umimik.Inaamin ko sa sarili ko na sobrang mahal ko si Drey. "Mahal mo ako pero sinaktan at niloko mo,pinagmukha mo akong tanga"-diin na sabi ko dito. "I'm so sorry,ginawa ko lang iyon dahil sa utos ni Mommy dahil ayoko na mapahamak ka"-nagsusumamo na sabi nito. Nalilito ako. "Hindi na tayo kasal,right?"tanong ko dito. "Kasal pa rin tayo"-saad nito na ikinagulat ko. "Pero sabi mo-"pinutol agad nito ang sasabihin ko. "Hindi ako pumirma,ikaw pa rin ang asawa ko Jane"- Naluluha akong tumingin dito,ganito ba pag sobrang mahal mo kakalimutan lahat na masasakit na ginawa sa iyo? Dahil ako ,Oo. Tinanggap ko ulit si Drey sa buhay ko. Simula noong araw na pumunta siya sa bahay at nagmamakaawa ,doon na rin siya lagi natutulog sa apartment ko. Yes,aminin ko sa sarili ko na masaya na ulit ako.Hindi ko muna sasabin sa kanya na buntis ako baka sa next month na , birthday niya at ito na lang ang pang surprise ko sa kanya. "Hon,gising na at may meeting ka pa"-sabi ko dito.Halos hindi na siya umuuwi sa dati naming bahay dahil nandoon daw si Sara. Halos Tatlong Linggo na rin nandito si Drey sa Apartment. "Morning Hon"-nakangiti na sabi nito at sabay halik sa labi ko. "Sige na maligo kana at ihanda ko lang ang almusal mo"-nakangiti na sabi ko. Sobrang saya ko kasi parang bumalik ulit ang unang pagsasama namin na walang problema. Pagkatapos kumain nagpaalam na ito na pupunta na ng kompanya niya. "Dito ako maghahapunan Hon"-sabi nito sabay halik sa akin at sumakay na sa kotse niya. Pumasok na ako sa loob ng bahay at maglilinis na muna ako ng kuwarto namin at maglalaba ng mga damit ni Drey. Pero biglang may kumatok.Baka si Drey at may nakalimutan na naman siguro iyon. "Ma'am Dahlia?"-gulat na sabi ko. Ang mommy ni Drey. "Pumunta ako dito para sabihin sa iyo hindi na uuwi si Drey dito"-mataray na saad nito. "Uuwi po ang Asawa ko at alam ko na hindi niya ako bibiguin"- saad ko dito. "Well tingnan lang natin at anong Asawa?Hindi mo na siya Asawa Stupida!"-galit na sigaw nito sa akin. "Sabi po ni Drey,kasal pa rin kami"- "Really,alam mo na hindi puwedi ikasal ka sa iba hanggat kasal sa una,Right?O sadyang nagbulag bulagan ka lang"-nang uuyam na sabi ni Ma'am Dhalia sa akin. "Alis na ako,kailangan namin gumayak dahil aalis kami papuntang US mamayang alas Diyes ang flight namin"-nakangiti na sabi nito. Flight? "Ano pong ibig niyo sabihin?Anong flight?"-kinakabahan na sabi ko dito. God!Alam ko hindi na ako iiwan ni Drey,he already promised me. "Yes Dear,may flight kami mamayang alas diyes,oh just like two hours to go,kasama si Drey and Sara"-saad nito sabay tingin sa relo nito. Parang tumigil lahat ang nasa paligid ko.Hindi!hindi ako iiwan ni Drey. "Okay, I'm going now!"-saad ng Mommy ni Drey na tumalikod na ito at sumakay na sa kotse May dalawang oras pa para makapunta ako sa Airport!Baka nagkamali lang si Ma'am Dahlia.. Dali dali akong naligo at nagbihis,pumara agad ako ng taxi. Drey please!Hindi ko na napigilan ang aking mga luha,akala ko masaya na kami,akala ko okay na kami pero hindi pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD